NAGISING si Aya dahil sa malalakas na katok sa pinto. Babangon na sana siya nang maramdaman niya ang mainit na brasong nakayakap sa kanyang beywang.
Hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha nang maalala ang mga naganap sa kanila ni Kurt.
“Chinchan?” malakas na tawag ni Manang Fe kay Kurt. Chinchan ang tawag nito kay Kurt dahil iyon daw ang bigkas ni Kurt noon sa Christian.
Shit!
Ginising niya si Kurt na mahimbing pa rin ang tulog sa tabi niya.
“Kurt!” Niyugyog niya ang balikat nito. “Kurt, wake up, please.” Tinapik-tapik niya ang pisngi nito.
Umungol lang ito at hinila siya payakap dito.
“Kurt, ano ba!” Nagpumiglas siya. “Nasa labas si Manang Fe.”
Umupo si Kurt at dahil nakayakap ito sa kanya ay napaupo na rin siya. Mukhang disoriented pa ito.
“Chinchan? Gising ka na ba, anak?” muling tawag ni Manang Fe.
Napatingin si Kurt sa pintuan pagkatapos ay sa kanya. Mukhang nagising na ang diwa nito.
Nagmamadaling nagsuot ito ng boxer shorts at pinagbuksan si Manang Fe.
“Good morning, Manang Fe,” narinig niyang bati ni Kurt kay Manang Fe.
“Wala si Aya sa kwarto niya. Kasama mo ba siya?”
“Yes, Manang. Don’t worry, she’s with me.”
Nakaramdam ng hiya si Aya kay Manang Fe. Inaalala ang iisipin nito. Umagang-umaga ay magkasama sila ni Kurt sa iisang kwarto.
“O, siya. Bumaba na kayo. Kanina pa nakahanda ang agahan.”
Pagbalik ni Kurt, naupo ito sa kama paharap sa kanya. Pinagmasdan siya nito pagkatapos ay ngumiti. “Good morning, sexy.”
Nahihiyang tinakpan niya ng kumot ang mukha. Narinig pa niya ang mahinang pagtawa ni Kurt.
“C’mon, Sweetheart. Let me see your lovely face.” Bahagya nitong hinila ang kumot sa kanya.
“Ayaw. Mang-aasar ka lang, eh!”
“No. I won’t tease you.”
“Ayaw–Kurt!” Wala na siyang nagawa nang hatakin nito ang kumot at paibabawan siya nito at muling siilin ng halik.
MAGKASABAY naligo sina Aya at Kurt. At kahit na nasa loob na sila ng banyo ay talagang nakagawa pa rin ng paraan si Kurt para paulit-ulit na angkinin siya. Pagkatapos nilang maligo, muli pa siya nitong inangkin sa ibabaw ng kama nila. Kung hindi pa siya nagsabing nagugutom na ay mukhang walang itong balak na tigilan siya. At imbes na magreklamo ay gustong-gustong ng katawan niya ang ginagawa nito sa kanya.
Kurt made her a woman. She felt so
special with the way he treats her.
“HOW'S school, Sweetheart? Malapit na ang sem break n'yo, hindi ba?" tanong ni Kurt sa kanya. Kasalukuyan silang nasa hapag at nag-aagahan.
Uminom muna siya ng tubig bago sumagot. “Okay naman. Malapit na ang finals kaya marami ding projects and all.”
“Hindi ka naman ba nahihirapan? Pwede kitang tulungan sa mga projects mo.”
“Thank you pero kaya pa naman.”
“Any plans for sem break?”
“Pinagpaplanuhan pa namin ni Almira. May event kasi ang department namin by next sem kaya baka iyon na muna ang uunahin namin.”
“Alright. Pero gusto ko sana na makapagbakasyon tayong dalawa. Iyon ay kung papayag ka. What do you think?”
“Talaga?” Parang gusto niyang magtatalon sa sobrang excitement na naramdaman. Mabuti na lamang at napigilan niya ang sarili.
Nang tumango-tango si Kurt ay hindi na niya napigilan ang mga ngiti.
“Wow! Sige! Titignan ko kung kailan pwede.”
PAGKATAPOS nilang kumain ay nanood sila ng TV sa sala. Kinuha na rin niya ang pagkakataon para makapagpaalam kay Kurt.
“Ahm, Kurt, magpapaalam sana ako,” umpisa niya. Nakuha naman niya agad ang atensiyon ni Kurt.
“Paalam? Para saan?” Hinila siya nito palapit at sinandal ang ulo niya sa dibdib nito.
“May pupuntahan lang. Pero babalik din naman ako agad.”
“Saan ka pupunta?” Bahagya nitong iniangat ang ulo niya kaya gahibla na lang ang layo ng mga mukha nila sa isa’t isa.
“Pupuntahan ko sana sina Papa,” may pag-aalangang sagot niya.
“What?! No way!” Napadiretso ng upo si Kurt. Kunot na kunot ang noo nito at halatang ayaw nito sa ideyang naisip niya.
“Kurt, please?”
“Then what? Sasaktan ka nila uli? Hindi ako papayag. Hindi ka na uli lalapit sa kanila,” pinal na sagot nito.
“Kurt—”
“No, I won’t let you.”
“Makinig ka muna sa’kin, Kurt. Kailangan ko silang makausap. Gusto kong malaman kung bakit basta na lamang nila ako hinayaan sa’yo.”
“Hindi ka nila basta hinayaan, Aya. Pinagpalit ka nila sa pera.”
Napahikbi siya sa katotohanang sinabi nito. Pinong kirot ang naramdaman ng kanyang puso.
”s**t! I’m sorry, Sweetheart. I didn’t mean to hurt you,” pag-aalo nito sa kanya.
“Totoo naman, eh. Pinagpalit naman talaga nila ako sa pera. Pero gusto ko lang naman malaman kung ayos ba sila? Kung okay lang ba sila? Kung nakatulong ba sa kanila ang pagkawala ko. Para naman kahit hindi ko sila kasama, alam ko kung ano ang kalagayan nila. Kahit naman hindi sila naging mabuti sa’kin, magulang ko pa rin sila.”
“Pagkatapos nang lahat-lahat, concern ka pa rin sa kanila? Wow!”
“Oo, kasi mahal ko sila. Kahit gaano pa sila kasama.”
“Kahit hindi ka nila mahal?”
Marahan siyang tumango. “Kahit hindi
ko maramdaman na mahal din nila ako.”
“Oh, Sweetheart.” Niyakap siya ni Kurt nang mahigpit. “Napakabuti mong tao. Hindi mo deserve ang mga ganoong klaseng tao.”
“Payagan mo na ako, please?” pagsusumamo niya.
“Alright. But in one condition.”
“What?”
“I’ll go with you."
MAGKAHAWAK-KAMAY na naglakad sina Aya at Kurt patungo sa bahay nina Aya. Hindi na kasi pwedeng ipasok ang kotse doon dahil sa sobrang sikip at dami ng tao. Iniwan na lang nila ang kotse ni Kurt sa may kanto at inihabilin sa mga tanod na nakabantay.
Pinagtitinginan sila ng mga kapit-bahay, marahil ay dahil kay Kurt. Kahit kasi nakasuot lang ito ng simpleng white polo-shirt, maong pants at white rubber shoes ay kitang-kita pa rin na naka-aangat ito sa buhay.
Nasa may harapan na sila ng bahay nila nang marinig niyang nagsisigawan ang mga magulang.
“Are you sure about this, Sweetheart?”
“Oo naman,” matipid ang ngiting sagot niya.
"Anong gusto mo ikaw lang ang makinabang?" Ang Mama Barbara niya iyon. Nakabukas nang kaunti ang pinto kaya rinig nila sa labas ang mga ito.
"Aba! Dapat lang na mas malaki ang bahagi ko dahil kung hindi sa’kin ay hindi mapupunta rito ang babaeng 'yon!" ganting sigaw naman ng Tatay niya.
Napasulyap na lang siya kay Kurt na nakatiim-bagang. Nahihiya siya rito dahil ganoon ang nadatnan nila.
Kakatok na sana siya nang pigilan siya ni Kurt. Napatingin siya sa asawa. Umiling lang ito. Naguguluhan man ay sumunod lang siya.
"At isinusumbat mo pa sa’kin yan? Baka nakakalimutan mo na ako ang naglabas sa kanya sa ospital. At huwag ka nang magmaang-maangan pa. alam kong pinangarap mo noon na sana ikaw na na lang ang ama ng batang ‘yon "
“Tumigil ka na!”
“Ikaw ang tumigil diyan sa kahibangan mo! Kulang ang sampung milyon sa halaga ng buhay ng babaeng ‘yon! Dapat ay hindi ka pumayag na iyon lang ang makuha natin!”
“Hindi ka man lang naaawa kay Aya, ha?! Hindi pa ba sapat ang pananakit mo sa kanya?”
Nanigas siya sa kanyang narinig.
Are they talking about her? Napatingin siya kay Kurt. Pinisil nito ang kamay niya.
"Bakit ako maaawa sa hindi ko kadugo? At huwag mong sabihin sa’kin na naawa ka sa babaeng ‘yon. Ipapaalala ko lang sa’yo, hindi mo anak si Aya.”
Nanlambot siya sa narinig. Tila may bombang sumabog sa mismong harapan pa niya.
Kurt draped his arm around her shoulder. Nanghihinang napasandal siya sa katawan nito. Tuluy-tuloy na bumuhos ang mga luha mula sa mga mata niya.
Lakas loob na tinulak niya pabukas ang pinto. "Totoo po ba? Hindi kayo ang tunay na mga magulang ko?"