PALAKAD-LAKAD si Kurt sa library ng bahay nila. He doesn't know what to do anymore. Kanina ay tinanong siya ni Luis kung si Aya nga ang nawawalang kapatid nito. He had no choice but to tell him the truth. Alam naman niya na naramdaman nito iyon, Luis just need a confirmation from him. Nagpaalam si Luis sa kanya na susunduin lang daw nito ang mga magulang sa Maynila. Hiniling niya na ipagpabukas na lang ang pagbalik nito ngunit nagmatigas ito na sa gabi ring iyon. It was already 7 o'clock in the eveing, so more or less by 9 o'clock ay makakabalik na ito. Napalingon siya nang bumukas ang pinto at pumasok ang mga magulang niya. His Mom looked at him with sympathy while his Dad is in his usual serious face. "So, what's your plan?" tanong ng Daddy niya. "I really don't know, Dad," he answe