Chapter Twelve

2819 Words
NAGMAMADALING naglakad si Edel papalabas ng GEEKY. Nag-early out siya para lamang hindi siya maabutan ni Ace. Baka kasi totohanin na naman nito ang sinabi sa kaniya, kaya't uunahan na niya ito. Uuwi na siya sa bahay nila, tutal hindi naman nito alam kung saan siya nakatira. Dahil noong ihatid siya nito ay sa Bentelogan sa kanto lang siya nagpababa. Malay ba nitong nasa street din na yun ang tahanan nila. Lakad takbo rin ang kaniyang ginawa paglabas niya ng building. Tumungo siya sa sakayan ng jeep at dali-daling sumakay sa isa sa mga nakaparadang jeep doon. All she wanted was to go home and runaway from him. She didn't want to see him. Tutuparin niya pa rin ang pangako niyang iiwan niya ito. Then be my girlfriend. Totohanin na lang natin ang lahat. Parang sirang plaka na namang nag-replay sa utak niya ang mga sinabi nito. "Girlfriend niyang mukha niya! Bahala siya," bulong niya sa sarili nang makasakay siya ng jeep. Hindi man lang ako tinanong kung gusto ko siyang maging boyfriend. Nagdesisyon agad ang hayup! Yun ang laman ng kaniyang isip habang nakasilip siya sa bintana ng jeep at ang hangin ay humahaplos sa kaniyang mukha. Kahit naman gwapo ito at yummy talaga, eh, hindi naman niya maaatim na maging boyfriend niya ito. Ano yun? Walang ligaw-ligaw? Boyfriend agad? Saka we're not bagay. Boss ko siya, empleyado ako. Ang laki ng difference. Alam naman niya kung saan siya lulugar. Kilala itong tao. Nasa alta ito nabibilang. Samantalang siya, isang magandang empleyado lang. Sa isip niya ay hindi totoo si Cinderella. Ang totoo, hindi bagay ang mayaman sa isang mahirap. Yun kasi ang reality. Saka malay ba niya kung nang-ti-trip lang ito. Ayaw niya uling masaktan, baka kasi maging manhid na siya kung masasaktan pa siyang muli. Nakarating siya sa kanto ng kalyeng patungo sa bahay nila. Bumaba siya ng jeep at naglakad papasok. Medyo malayo-layo rin lalakarin niya bago siya makarating sa kanilang bahay. Ang bahay na tanging naiwan sa kanila nang mamatay ang kaniyang tatay. Maliit lamang yun. Tamang-tama lang para sa kanilang pamilya. Ngunit nang mawala ang kaniyang ama ay para na silang aalog-alog na mag-ina. Hay tatay kung nasaan ka man, miss na kita. Namatay ito bago pa man siya makapag-highschool. Ang sabi ng mama niya ay iniligtas daw nito ang kaibigan mula sa kapahamakan. Ang kaibigan daw nito ang dapat na mamamatay at hindi ang kaniyang tatay. Hindi naman siya nagtanim ng galit sa kung sinoman ang taong iniligtas ng kaniyang tatay. Katwiran niya, hindi naman siguro nito ginustong mamatay ang tatay niya, marahil aksidente lang ang lahat. Hindi naman kasi nakuwento ng mama niya noon kung ano ba talaga ang nangyari sa tatay niya. Kung paano ba talaga ito namatay. Basta ang alam niya, para sa kaniya ay bayani ang kaniyang tatay. Nakarating siya sa kanilang bahay makalipas ang ilang minutong lakaran. Pagpasok niya ng gate ay rinig na niya ang nakabukas na tv sa kanilang sala. Nakangiti niyang tinungo ang pinto ng kanilang bahay na nakabukas lamang. Tama siya, nakabukas nga ang tv. Siguro'y nanonood ang mama niya ng paborito nitong palabas sa hapon, yung kay Lee Min Ho. Yung may sirena. Pero nasaan si mama? "Ma? I'm home!" sigaw niya para marinig ng kaniyang mama kung nasaan man ito. Bukas nga ang tv sa sala ngunit wala ito roon. "Ay! Anak!" Rinig niyang sigaw nito. Galing yun sa likod bahay nila. Inilapag niya muna ang bag sa sofa na naroon sa sala at pagkatapos ay tinungo niya ang likod bahay. Natagpuan niya roon ang mama niyang nagtatanggal ng mga sampay. "Ma!" tawag niya sa pansin nito. Lumingon naman ito sa kaniya at iniabot ang mga hawak nitong damit na naka-hanger. "Ang aga mo yata ngayon?" tanong nito sa kaniya na patuloy pa rin sa pagtatanggal ng mga sinampay. "Nag-undertime ako, Ma. Sumakit kasi ulo ko, eh." "Oh, eh, uminom ka na ba ng gamot?" tanong nitong mababakas ang pag-aalala habang tumigil ito sa ginagawa at tinitigan siya. "Yes, Ma. Kanina po sa office." "Eh, magpahinga ka na muna. Magluluto pa ko ng uulamin natin mamaya, eh. Tatawagin na lang kita," wika nito sa kaniya. "Tulungan na lang kita, Ma. Magpapalit lang ako ng damit tapos luto tayo. Gusto ko yung adobong baboy." Nakangiti niyang wika rito. Paborito niya kasi ang luto nitong adobo na naghahalo ang alat at tamis. Napaparami siya ng kain kapag yun ang ulam nila. "Oh, sige. May baboy pa naman yata sa ref." "Saka, Ma, bakit naglaba ka na naman? Sabi ko naman sa'yo 'di ba, ipa-laundry na lang natin itong mga 'to? Para hindi ka na napapagod," sabi niya rito habang kinukuha niya sa mga kamay nito ang mga damit na nilabhan. "Wala kasi akong magawa, 'Nak. Saka, exercise ko na rin 'to. Nakatipid pa tayo." "Hay naku, Ma. Basta, sa susunod, 'wag na kayong maglaba. Nakakapagod yun. Wala pa naman ako rito lagi, baka kung mapaano ka." May hika rin kasi ang kaniyang ina. Baka mapagod ito nang husto at hingalin. Matanda na rin ito kaya hanggang maaari ay ayaw niya itong napapagod. Mabuti na lamang nga at hindi siya nagmana ng hika nito. "Ayos lang ako, Anak. Tara na roon sa loob at nang makapagluto na," yakag nito sa kaniya at magkasunuran silang pumasok sa loob ng bahay nila. "Hindi mo na napanood ang favorite mong sirena," pagkuwan ay sabi niya sa mama niya. "Okay lang 'yan. Ang inaabangan ko talaga ay yung kay Maja. Ang ganda ng kuwento niyon. Hay naku! Kailan kaya niya mapapatay ang mga Argente?" ani nito na para bang kasali ito sa eksena sa pinapanood nitong palabas. Kung sinoman ang tinutukoy nito, alam niyang sa paborito nitong palabas yun. "Magpapalit muna ko, Ma. Ipapasok ko na lang din muna ito sa kuwarto ko. Ako na ang magtitiklop mamaya." Tango lang ang isinagot nito. Dali-dali na siyang pumasok sa kaniyang kuwarto upang magpalit ng pambahay. Simpleng t-shirt lang na may mukha ni baymax ang kaniyang isinuot at isang maong shorts na ang haba ay hanggang sa kalahati lang ng kaniyang hita. Nasa bahay lang naman siya kaya kahit maglabas siya ng maputi at makinis niyang hita ay okay lang. Wala namang makakakita niyon kung 'di ang nanay niya. Matapos magpalit ng damit ay pinuntahan na niya ang kaniyang mama sa kusina para tulungan. "Edel, idikdik mo ako ng bawang," sabi ng mama niya nang makita siya. "Sarapan mo, Ma, ang luto. Yung katulad ng lagi mong niluluto. Yung manamis-namis na maalat," nakangiti niyang sabi rito. Tumulong siya rito sa pagluluto. Lahat ng kailangan nito ay iniaabot niya. Ganoon ang bonding nilang mag-ina. Nang makatapos silang magluto ay napagpasyahan nilang manood muna na ng telebisyon sa kanilang sala. Hanggang sa sumapit ang alas siete ng gabi. Naghahain sila sa kanilang hapag-kainan nang may marinig silang ingay mula sa labas ng kanilang bahay. Someone's knocking on their gate. "May inaasahan ka bang bisita, Anak?" tanong sa kaniya ng kaniyang mama. "Ha? Wala naman, Ma." "Sino kaya yun? Teka at lalabasin ko, ha," turan ng mama niya bago nito iwan ang paghahain sa kaniya. Ito na ang lumabas ng bahay nila para tingnan ang kung sinong kumakatok doon. Ipinagpatuloy niya ang pagpeprepara ng hapunan nila. Naglagay siya ng mga plato at baso sa ibabaw ng mesa. Kinuha rin niya ang kanin na sinandok ng ina pati ang ulam na niluto nila. All set. Napapalakpak pa siya nang makita ang resulta ng kaniyang paghahain. "Edel." Napalingon siyang bigla sa may pintuan nang pumasok doon ang mama niya at tawagin siya. "Ma?" sagot niya na may pagtataka. "May bisita ka." Nangunot ang kaniyang noo sa sinabi nito. Wala naman siyang inaasahang bisita ngayon. Hindi naman siguro isa sa mga kaibigan niya, dahil mga makakapal ang mukha ng mga yun. Didiretso lang yun pumasok sa bahay nila at saka kilala ng mama niya ang mga kaibigan niya. Sino naman kaya? Nasagot naman ang tanong sa isip niya nang mula sa likuran ng kaniyang mama ay lumitaw ang pinakahuling taong gusto niyang makita. "Hey!" bati nito sa kaniya na itinaas pa ang kamay at kumaway sa kaniya. Hindi naman niya magawang ngumiti. Kinabahan siya bigla. Bakit ba kasi ito nagpunta rito sa kanila? Paano naman nito nalaman ang bahay nila? "May lakad daw kayo nitong boyfriend mo, Edel." Nanlaki ang mga mata niya sa tinuran ng mama niya. Ano na naman ang sinabi ng gagong boss niya rito? Nakita niyang sumeryoso ang mukha ng kaniyang mama kaya naman mas lalo siyang kinabahan. Pakyu talaga 'tong lalaking 'to, eh. "Ano kasi, Ma, eh--" "It's okay, Ma'am, I heard na sumakit daw po ang ulo niya kanina, that's why she went home." Putol ni Ace sa mga sasabihin niya. "Edelita?" Rinig niyang tawag sa kaniya ng ina. Mas kinabahan siya dahil binuo na nito ang kaniyang pangalan. "Ma?" Tinitigan siya ng kaniyang mama bago ito bumaling kay Ace. "Kumain ka ba, Hijo?" tanong nito sa hudyo niyang boss. "Hindi pa nga po, Ma'am, eh," sabi nito at ngumiti pa ng pang-close up smile nitong ngiti. "Dito ka na kumain," wika ng mama niya kay Ace. Nanlaki lalo ang kaniyang mga mata. Bakit inimbita pa ito ng mama niyang kumain. Pakyu talaga! Humindi ka! Humindi ka, please! "Sige, po." Laglag ang balikat niya at gusto niyang maiyak sa sagot nito. Ni hindi man lang ito nagpa-kyeme, oo agad ang sagot nito. Lord, parusa n'yo po ba ito sa'kin dahil sa hindi ako naging mabuting anak? Huhuhu. "Edelita, kumuha ka pa ng plato para sa boyfriend mo. Mag-uusap din tayong tatlo mamaya," turan ng kaniyang ina. Naiinis siya. Wala man lang siyang magawa. Parang bumalik tuloy ang sakit ng ulo niya kanina. Lulugo-lugong kumuha pa siya ulit ng plato at akmang ilalagay yun sa kabilang bahagi ng mesa sa tapat niya, pero hayun na ang walanghiya niyang amo, nakaupo na ito sa upuang katabi niya. Wala siyang nagawa kung 'di ang ilapag ang platong kinuha niya kasama ang kutsara't tinidor sa puwesto nito. Kung hindi lang nakatingin nang mataman ang kaniyang ina sa bawat kilos niya, malamang na naitarak na niya ang tinidor sa lalaking katabi niya. Ang boss niyang walanghiya ay tumingin naman sa kaniya. Wala siya sa mood na gantihan ang maganda nitong ngiti. Bagkus, gusto niyang maramdaman nito na naiinis siya sa biglaang pagpunta nito rito sa bahay nila. Worst, he even introduced himself as her boyfriend. Alam niya kung bakit ganoon ang asal ng ina. Na mukha itong galit. Ang alam kasi nito ay si Edward ang boyfriend niya. Hindi pa kasi nito alam ang nangyari sa kanila ni Edward. Hindi niya sinabi na niloko siya ni Edward. Mag-aalala lamang kasi ito at ayaw na niya iyong mangyari. "Sige, manalangin muna tayo bago tayo kumain," sabi ng kaniyang mama at saka pinangunahan ang pagpapasalamat sa Diyos para sa kanilang hapunan. "Kumain na tayo," anunsiyo nito pagkatapos. Kanina lang ay gustong-gusto niyang kumain. Kanina lang ay sarap na sarap siya sa adobong niluto nilang mag-ina. Ngunit ngayon, parang ayaw na niyang kumain. Ang gusto na lamang niya ay ang tumakbo sa kuwarto niya at magtago, o kaya ay patayin ang katabi niyang lalaki at itapon sa ilog ang katawan nito para wala na siyang problema. Hindi ko rin naman pwedeng gawin yun. Makukulong ako. Napabuntong hininga siya bago nilagyan ng kanin ang kaniyang plato. Nakita naman niya mula sa gilid ng kaniyang mga mata na hindi kumikilos ang lalaking katabi. Kaya naman tinapunan niya ito ng tingin. Nakatingin lang ito sa ginagawa niya. Ano namang drama nito? Anong gusto niya? Ako pa maglagay ng pagkain sa plato niya? "Edelita, asikasuhin mo ang boyfriend mo," Rinig niyang sabi ng kaniyang mama na diniinan pa ang salitang boyfriend. "It's okay, Ma'am. I can manage," sagot naman ng mokong na katabi niya. Sa inis niya, nilagyan niya ito ng sangkaterbang kanin sa pinggan. Halos maubos ang kanin na nasa lalagyanan. Konti lang ang itinira niya para sa kaniyang sarili at sa kaniyang mama. Nakita naman niyang nabigla ito sa ginawa niya. Nagmistula kasing Mt. Apo ang kanin nitong nasa plato. Ngumisi siya sa nakita niyang ekspresyon nito. Sunod niyang inilagay ay ang ulam nilang adobo. Sinabawan niya ang kanin nito hanggang sa parang naliligo na sa sabaw ang buong pagkain nito. Nilagyan niya rin yun ng sangkaterbang baboy na halos puro taba. Ma-highblood ka ngayong gago ka! Ilang araw mo kayang i-wo-workout ang fats nito? Para siyang demonyitang nakangisi habang nilalagyan niya ng ulam ang plato nito. Tumingin ito sa kaniya. "Kain nang kain, Babe. Ubusin mo 'yan ha," she told him emphasizing the word 'babe'. Mapang-asar ang ngiting ibinibigay niya rito. Gago ka ha! Gusto mo pa lang kumain ha! Nakita naman niyang napalunok ito at tila ayaw kainin ang pagkaing ibinigay niya rito. Nagmistula kasing kanin baboy ang itsura ng pagkain ito. Napapangiti siya dahil sa nakikita expression nito. Patay gutom ka naman, eh. Tama lang 'yan sa'yo. Matapos lagyan ng pagkain ang plato ni Ace, nag-focus na siya sa pagkain ng sarili niyang pagkain. Hindi niya magawang tapunan ng tingin ang kaniyang nanay. Alam niya kasing ang mga mata nitong nagtatanong ang masasalubong niya, at yun ang ayaw niya. "Paano kayo naging mag-boyfriend?" biglang tanong ng mama niya na ikinatigil niya sa pagsubo ng pagkain. Napilitan tuloy siyang ibaba ulit ang kutsara at tumingin dito. "Ano, Ma... mahabang kuwento." Siya ang sumagot dito habang tahimik lang ang katabi niya. Nang lingunin niya ito ay mukhang katulad niya, nabigla rin ito sa tanong ng mama niya. "Paikliin mo kung mahaba. Anong nangyari? Paanong mo naging boyfriend 'yang si... " "Ace, po." "Si Ace. Eh, 'di ba ang boyfriend mo ay si Edward?" tanong ng mama niya na sa kaniya nakatingin. Masahol pa naman sa pulis mag-interrogate ang nanay niya. Alam nito kung nagsisinungaling ka o hindi. "Wala na kami, Ma." "Wala na po sila." Magkapanabay pa nilang sagot ni Ace. Tinapunan naman niya ito ng tingin. Yung tinging bubulagta ito kung may powers lang siya. Samantalang ito ay nginitian lang siya. "Wala na kayo? Bakit?" takang tanong ng mama niya. "Huwag na nating pag-usapan." "Niloko po siya." Halos sabay na naman nilang sabi ni Ace. Tumingin na naman siya rito nang masama. Wala na siyang pakialam kung boss niya ito. Tutal wala naman sila sa opisina at ang sabi rin naman nito ay hindi niya ito boss dahil ang tatay nito ang boss niya. Napahigpit siya nang hawak sa kaniyang kutsara't tinidor. Parang gusto niyang itusok ang tinidor sa leeg ng katabi para mawala na ito at hindi na makapagsalita pa. "Niloko ka, Edel? Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Napabaling ulit siya ng tingin ng magtanong ulit ang mama niya. "Kasi hindi naman importante yun, Ma. Waste of time lang po. Hindi naman niya deserve pag-aksayahan ng oras," sagot niya. Akala niya ay sasagot na naman si Ace kaya ini-ready na niya ang tinidor niya. Sasaksakin na niya talaga ito dahil sa inis. "Kahit pa. Niloko ka ng lalaking yun tapos hindi ko man lang nalaman. Tapos ngayon may boyfriend ka na namang bago." Hindi ko siya boyfriend. Boss ko lang 'yan na habol nang habol sa'kin. Siguro kasi hindi ako makalimutan, alam ko namang maganda ako, pero hindi yun sapat na dahilan para ma-obssess siya sa'kin. Gustong-gusto niyang sabihin yun sa mama niya pero pinigilan niya ang sarili. Madadaan naman ang lahat sa magandang usapan. Mamaya niya na lang ipaliliwanag dito ang lahat. Nanatili siyang tahimik hanggang sa muli na naman itong magsalita. "Saan naman kayo nagkakilala nitong si Ace?" Bumalik na naman ang tono nitong akala mo NBI sa tindi nang pag-interrogate. Sasagot na sana siya nang maisip niyang ano nga pala ang isasagot niya? Sasabihin ba niyang nakilala niya ito sa club o sa opisina kasi nga boss niya ito? "Sa opisina." "Sa club po." Sabay na naman nilang sabi. Halos mahulog ang mga mata niya sa panlalaki dahil sa sagot ni Ace. Siya nga inisip niya ang isasagot niya, ngunit ito ay parang wala lang nang lumabas ang sagot sa bibig nito. "Ano! Anong club? Edelita! Ipaliwanag mo ang sagot ng lalaking 'yan. Paano kayo nagkakilala sa club? Sinasabi ko sa'yo... ayoko ng sinungaling." Naniningkit ang mga mata ng kaniyang mama habang nakatingin sa kanilang dalawa ni Ace. Isang maling salita na sabihin niya, baka sumabog na ito sa galit. Hindi nito pwedeng malaman ang totoong nangyari sa pagitan nila. Kung bakit ba naman kasi yun pa ang lumabas sa bibig ng walanghiyang lalaki na nasa tabi niya. Wala na itong matinong ibinigay sa kaniya. Kung 'di siya mamamatay dahil sa palpitation, malamang sa sakit sa ulo siya mamamatay. Hindi niya alam kung paano iyon ipaliliwanag sa mama niya. Patay! Naloko na talaga. Handa na siyang magpaliwanag at sabihin na lamang ang totoo sa mama niya. Kahit pagalitan siya nito pagkatapos ay okay lang, pero hindi niya yun nagawa dahil biglang nagsalita si Ace sa tabi niya. "Ganito po kasi yun Ma'am... "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD