Chapter Eleven

2136 Words
THEN be my girlfriend. Napapailing si Ace habang iniisip ang mga sinabi niya kay Edelita kanina. Tama bang sabihin niya ang mga yun dito? May balak naman talaga siyang ipaliwanag sa lahat kung bakit niya nasabi ang kung anoman ang nakuhanan sa video. Ayaw niya naman kasi talagang matsismis ito. He had watched the video. Ang nakuhanan doon ay ang parteng lalayo na dapat si Edelita pero hinawakan ito ng ex nito sa braso para pigilan. Nagwawala ito at nagpupumiglas. Doon siya pumasok at idineklarang girlfriend niya ito. Kasalanan niya ang lahat. Kung bakit ba naman kasi niya naisip na yun ang sabihin sa oras na yun. Pwede namang pigilan na lang niya ang lalaki sa paghawak kay Edelita, pero hindi, sinabi pa talaga niyang girlfriend niya ito. Malay ba niyang may mag-vi-video ng eksenang yun. Worst, it was spreading fast through the whole building. F*ck! Bakit ko ba kasi nasabi yun? Pakiramdam niya kasi noong mga sandaling yun ay kailangan niyang sabihin ito sa ex nito. He wanted to claim her as his. Gusto niyang ipamukha sa lalaking yun na sa kaniya na si Edelita at ang tanga nito para iwan ang dalaga. Wala na itong pwedeng balikan, na hindi na kailanman babalik si Edelita rito dahil mayroon na itong boyfriend na mas gwapo at mayaman. Then this morning, he woke up so early just to prepare breakfast. He even cooked and packed it, and went to the office. Gusto niya kasabay niya itong kumain. Hindi nga niya alam kung bakit ang saya-saya niya nang makita itong pumasok sa opisina niya. Tapos bigla nitong sasabihin ang tungkol sa video at mukhang problemado ito. She even asked him to tell everyone that what he said was not true. Like, F*ck! Ganoon ba siya nito kadisgusto? At nababagabag ito sa simpleng video na yun. Nagpanting ang tenga niya, at uminit ang ulo niya. Una, iniwan siya nitong tulog pagkatapos ng lahat ng nangyari. Nakalimutan na nga niyang yun ang pakay niya rito kahapon, ang itanong ang tungkol doon. Ngayon naman, hindi nito matanggap na iniisip ng lahat na may relasyon sila. Ano bang mali sa kaniya at ayaw na ayaw sa kaniya ni Edelita? "F*ck! I'm his boyfriend now, whether she likes it or not. F*ck the people! I won't take back what I have said," aniya sa sarili. If she doesn't like me, then I will do everything for her to like me. Gagawa siya ng paraan para magustuhan siya nito. He will do everything just to make Edel see that he's worth liking. He took his phone to his pocket and dialed Reid's number. He waited minutes before his cousin answered the call. "Tangina mo ka! Siguruhin mo lang na importante ang sasabihin mo. Istorbo ka sa mga taong nagpapakaligaya," sabi nito sa tonong inis na inis. He knew that his cousin was on its honeymoon. Mukhang alam na niya ang sinasabi nito. "This is important, assh*le!" ganti niya rito. "Call me assh*le one more time. Ibababa ko 'tong tawag. Gago ka!" "Okay, ikaw naman hindi na mabiro. This won't take long and you can go--" "Putangina bilisan mo! Ano ba kasi ang kailangan mo?" putol nito sa sasabihin niya. Galit na galit na ito. "Fine! How to court a woman?" There, he said it. Nakakahiya man aminin but he really doesn't know how to court a woman, and yes, he wants to court Edelita. Yun lang ang alam niyang paraan para gustuhin siya nito. Sandaling napatigil ang pinsan niyang nasa kabilang linya. Ang akala niya ay pinatayan na siya nito ng tawag. Pero nang tingnan niya ay hindi naman. Mayamaya ay narinig niya ulit ang boses nito. "Court a woman? Hmmm... let's see. Bigyan mo kaya ng bulaklak," wika nitong nasa mahinahon ng tinig. "Ba't parang 'di ka yata sigurado?" "Gago ka ba? Wala rin akong alam sa ganito," sumigaw na naman ito kaya nailayo niya ang cellphone sa tenga. "Don't shout, okay? Oh, ano pa?" tanong niyang muli rito. Pinagiisipan na niya kung tama bang ito ang tinawagan niya. Eh, mukhang wala ring alam ang pinsan niya kung paano manligaw. "Tapos dalhin mo sa mamahaling restaurant. Mag-date kayo. Okay na yun." "Paano mo ba niligawan ang asawa mo?" "Wala kang alam. Sige na, bye! Istorbo!" At pinatay na nito ang tawag niya. Nang subukan niya ulit itong tawagan ay hindi na ma-contact ang number nito. "Tarantado talaga!" sabi niya sa sarili na ang tinutukoy ang pinsan niya. He looked at his phone registry. Sino ba kasi ang pwede niyang tawagan sa mga ganitong bagay? Yung sigurado siyang may alam sa panliligaw. "Bingo!" sigaw niya at sabay tawa na parang timang. Nakita niya kasi ang numero ng kaniyang sekretaryong si Hanz. Sigurado siyang may alam si Hanz sa mga ganitong bagay. Agad niya itong tinawagan. Hindi pa yata nakaka-isang ring ay sinagot na nito ang tawag niya. "Hello, Hanz," kalmado niyang sabi. "Sir?" "I want to ask you something. Gusto ko yung maayos na sagot?" he said, back to his intimidating voice. "Ano po yun, Sir?" tanong naman nito sa kaniya. "Do you know anything about courting?" F*ck! Bakit ba kasi hindi itinuturo ito sa eskwelahan, eh. "Courting, Sir?" takang tanong nito sa kaniya. "Yeah! Someone asked me, hindi ko alam ang sagot that's why I called you. Alam kong may sagot ka sa lahat ng bagay," pagsisinungaling niya rito. "Ah, hindi kayo nagkamali ng tinawagan sir." Nakikinita na niyang malapad itong nakangiti. "So, Ano nga? Paano? My friend's waiting for my answer, so you better talk now." "Una, Sir. Bigyan n'yo ng bulaklak." Hmmm... looks like my cousin knows a little. "Mahilig kasi sa bulaklak ang mga babae, Sir, eh. Tapos chocolates po." "You mean, may balak kang sirain ang ngipin ng nililigawan mo?" tanong niya ritong naiinip sa mga sagot nito. "Hindi, Sir. Gusto kasi ng mga babae yun. It symbolizes your sweetness. Tapos, gusto ng friend n'yo, mangharana siya--" "I won't do it. Nope! Not the harana thing." Putol niya sa sinasabi nito. "Ha? Sir, akala ko po friend n'yo ang--" "Kaibigan ko nga. Baka kunin akong back-up singer. Drop the harana thing. Hindi niya 'yan gagawin." Whew! Almost caught there. "Tapos, Sir merong mga babae na practical. Ayaw ng mga bulaklak, gusto bigas tapos can goods," wika nito sa kaniya. "Ha? Really? Anong akala nila sa mga manliligaw nila, grocery?" he said with sarcasm. "Sir, ganoon na po talaga ngayon. Pratikalan na." "Oh, ano pa? Can you speak faster, Hanz? Ang bagal mo, eh. Do you want to lose your job?" inip na inip na siya. Bakit ba kasi sasabihin lang kung paano manligaw, ang bagal pa magsalita. "Grabe ka, Sir! Huwag naman. Ito na po, bibilisan na." "Ano pa?" "I-date n'yo, Sir. Kunin n'yo ang number. I-text n'yo oras-oras. Kumustahin, gano'n. Gusto kasi ng mga babae yung tipong nasa kanila ang attention mo, Sir. Yung ma-fi-feel nila na priority mo sila at hindi option lang. Tapos gawin mo lahat ng gusto nila. Remember, Sir, nanliligaw ka. Ikaw ang submissive at sila ang dominant. Kung gusto mong magustuhan ka ng babae, be their slaves, magpa-under ka sa kanila, magpa-magic ka--" "Hindi nga ako. Yung kaibigan ko ang may kailangan niyan. Anyway, thank you. You will have a bonus from me." Putol na niya sa iba pang sasabihin nito. Ano raw sabi nito? Be their slaves? Magpa-under? Siya? Magpapa-under? No f*cking way! You said you will do everything for her to like you. You have to do everything what Hanz told you. If you need to be her slave, so be it. F*ck this courting thing! Ipapa-assassinate niya kung sinoman ang nagpauso ng salitang 'ligaw'. This is so wrong, so not him. Pero mukhang kailangan niyang gawin ang mga sinabi ng sekretaryo niya para gustuhin niya si Edel. "Fine! Let's get it on!" then he took his phone out again of his pocket and dialed someone. --- SAPO ang ulong masakit ay iniisip ni Edel ang mga nangyari kanina. Hindi pa rin siya makapaniwala. Then be my girlfriend. Paulit-ulit yung nag-re-replay sa utak niya. Wala man lang siyang nagawa. Puro na lang siya tanggap ng mga sinabi nito. Gawin na lang nating totohanan ang lahat para wala ng problema. Tangina! Paano siya nawalan ng problema sa solusyong naisip nito? Mas lalo nga lang nadagdagan ang problema niya nang sabihin nitong totohanin na lang ang lahat. Hindi nito alam kung gaano kalaki ang epekto niyon sa kaniya, ibig sabihin lang niyon gusto siya nitong patayin dahil sa palpitation at cardiac arrest. Wala kasing humpay sa pagtibok ang puso niya nang mabilis sa tuwing kaharap niya ito. Tapos gagawin pa siyang girlfriend? Letse lang talaga! "Pssst! Hoy! Edel? Anyare sa'yo?" puna sa kaniya ni Emily. "Wala, masakit lang ang ulo ko." "Ay! Gusto mo uminom ng gamot? meron yata akong gamot dito para sa sakit ng ulo." Kinuha nito ang bag at hinalungkat yun para hanapin siguro ang gamot na sinasabi nito. "Hindi, 'wag na. Mawawala rin 'to mamaya. Salamat." Ngumiti siya rito bago siya umayos ng upo. At sana mawala na rin ang nagpapasakit ng ulo ko. "Sigurado ka ba? Oh, basta kapag sumakit nang matindi magsabi ka ha. Naku! Nasabi mo na ba yan kay boss?" tanong nito sa kaniya na bakas pa rin sa mukha ang pag-aalala. "Hindi na kailangan. Dala lang 'to ng init. Saka, masungit kaya yun si Sir Ronald. Nakakatakot magsabi," wika niya rito habang inaayos niya ang salamin niyang tinanggal kanina. "Eh, hindi naman si Sir Ronald yung sinasabi ko. Si papa mo. Si Sir Ace ba," kinikilig nitong sabi sa kaniya. Pagkarinig ng pangalan nito ay parang mas lalong sumakit ang ulo niya. Kinuha niya bigla ang gamot na ino-offer nito sa kaniya kanina. Tumayo siya sa pagkakaupo at nagtungo sa water dispenser na nasa sulok 'di kalayuan sa table nila. "Ay! Kanino galing 'yan?" "Ang ganda naman." "Para kanino?" "Kay Ms. Edelita Mae Mendez daw po." Narinig niyang may bumanggit sa pangalan niya kaya napalingon siya sa gawi kung saan nanggaling ang komosyon. Dahil nga sa wala siyang salamin ay hindi niya gaanong makita kung ano ba ang pinagkakaguluhan ng mga katrabaho niyang babae roon. Tinapos niya ang pag-inom ng gamot at naglakad patungo sa mesa niya. Habang palapit ay unti-unting lumilinaw sa kaniyang malabong mata ang kung anong nakapatong sa table niya. It's a bouquet of roses in different colors. Ang laki-laking bouquet. "Kanino 'yan?" tanong niya. "Sa'yo raw. Ayan, pirmahan mo na. Tapos basahin mo na ang card nang malaman na kung kanino galing. Ayiieee!!!" kilig na kilig na sabi ni Jinky sa kaniya. Kinuha naman niya ang iniaabot sa kaniya no'ng delivery boy yata at pinirmahan ang papel na naroon. Hinawi niya ang mga babaeng katrabaho niya na nagkumpulan doon sa table niya. Sinipat niya ang bulaklak at nang makita ang card ay agad niya yung kinuha at binasa. Babe, I hope you like the flowers. I just want you to know that like those flowers, you are very beautiful. -Your boyfriend A. H. S. Natulig siya nang tumili ang kanina pa palang nasa likod niyang si Jinky at nakikibasa sa letter niya. "OMG! Kay papa Ace nga galing!" sigaw nito na ikinatili naman ng lahat. Lalo lang sumakit ang ulo niya dahil sa mga ito. Para bang walang epekto ang gamot na ininom niya para mawala ang sakit niyon. Hindi pa nga siya nakakarecover sa katotohanang girlfriend na siya nito. Heto na naman at nagpadala pa ng bulaklak ang loko. Lord! May kasunod pa ba? Ibagsak mo na pong lahat ngayon oh. Mukha namang narinig siya ng Diyos sa mga pinagsasasabi niya sa kaniyang isip. Hayun nga at may dumating na namang isa pa. "Ms. Mendez?" tanong ng lalaking nakasuot ng uniform ng isang kilalang restaurant. "Ay! Siya yun, Kuya," turo ni Jinky sa kaniya. Paano na lang pala kung mamamatay tao yung nagtanong kung sino siya, tapos ituturo siya nito, eh 'di patay ang beauty niya. Napabuntong hininga na lang siya at hinarap ang lalaki. Kinuha niya ang pinapipirmahan nito at pinirmahan yun. Pagkatapos ay iniabot nito ang paper bag na naglalaman marahil ng pagkain. Nang buksan niya yun ay tumambad sa kaniya ang maraming pagkain. May card din na nakalagay sa ibabaw niyon. Kinuha niya yun at siniguro muna niyang walang Jinky sa likod niya bago niya ito binasa. Babe, Enjoy your lunch. I'm sorry if I can't eat with you. I have an important meeting today. I'll be back before you go home. Let's dine together. -Your boyfriend A. H. S. Naloloka na siya sa mga nangyayari sa buhay niya ngayon. Kung dati ay umiiyak siya dahil iniwan siya ng boyfriend niya, ngayon naman ay feeling niya mababaliw siya dahil bigla-bigla ay nagka-boyfriend siya. Hayun na naman ang puso niya, sobrang bilis ng t***k. Naiinis din siya sa sarili niya dahil kahit ayaw niya, kinikilig siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD