"Ganito po kasi yun, Ma'am... " Tumingin muna si Ace kay Edelita before he continued. "The company had a celebration, Ma'am. Then it was held in a club. My friend's club, and that's where I met her. I couldn't take my eyes off of her that time. She really caught my attention big time. Then I heard that she just got out from a relationship. Ma'am, it was not really my intention to fall, but I think it's love at first sight."
After he said all those things, he looked at Edelita. He saw how shocked she was. Iniisip ba nitong sasabihin niya ang totoo?
Well that would be easy than telling lies, pero alam kong magagalit siya sa akin. Masisira ang plano ko.
"At paano naman kayo naging mag-boyfriend nitong anak ko? Kasasabi mo nga lang na kaaalis lang niya sa isang relasyon," tanong muli ng mama ni Edelita.
Nakikita niya sa gilid ng kaniyang mga mata na nakatingin sa kaniya si Edelita. She's making signals to not answer the question. Wala ba talaga itong tiwala sa kaniya? He won't tell what really happened.
But a little truth won't hurt, right? And a little lie about her ex will be good.
Napangiti siya dahil sa naisip. Tumikhim muna siya bago humarap ng maigi sa ina ni Edelita.
"I saved her from that assh*le, Ma'am. He tried to do something bad to your daughter. Buti na lang po nandoon ako," he confidently said to her mom.
"At dahil doon, girlfriend mo na ang anak ko? Yun ba ang kapalit?" seryosong sabi ng ginang sa kaniya.
Parang ganoon na nga.
But he wouldn't tell her that. He looked Edelita again. She's now pale as a paper. Nagsusumamo na rin ang mga mata nito na huwag na siyang sumagot pa, pero hindi niya ito susundin. He will save his ass from her mother.
"No, ma'am. I became her boyfriend when I asked her to be my girlfriend and she said yes. I courted her if that's what you want to hear, Ma'am."
"Ilang buwan na ang relasyon ninyo?" pagkuwan ay tanong ng ina ni Edelita sa kaniya.
"Ma'am, 2 days pa lang po." At ngumiti siya rito. At least that one is true.
Mataman pa siyang tiningnan ng ginang bago ito tumingin kay Edelita. Edelita was just looking at him. Masama ang tingin nito sa kaniya na para bang papatay ng tao. He really wanted to say that he just saved her ass. Mukha kasing sasabihin nitong lahat sa nanay nito ang totoo. He wouldn't let that happen.
"Edelita," tawag ng mama ni Edelita rito.
Lumingon naman si Edelita sa kaniyang mama.
"Ma?"
"Totoo ba ang sinasabi niyang lalaking 'yan? Naku! sinasabi ko sa'yo ayoko ng sinungaling ha. Tumingin ka sa mga mata ko," sabi nito. Napaka-istrikto ng tono ng boses nito.
Lumingon naman muna si Edelita kay Ace bago muling hinarap ulit ang ina at tumingin dito ng diretso.
Oh crap! Don't you dare tell her.
Hindi na mapakali si Ace sa kinauupuan. What would happen if she will tell her mom what really happened between them? Sa nakikita niya kasing itsura ng ina nito, may nabubuo ng konklusyon sa isip niya.
No! Not that fast. F*ck!
Huminga muna nang malalim si Edelita bago ito sumagot sa ina.
"Yes, Ma. Totoo ang sinabi niya," sabi nitong diretso lamang na nakatingin sa ina. She answered her mother with conviction, and her mother seemed to believe what she said.
Buong akala talaga niya ay sasabihin na ni Edelita sa mama nito na nagsisinungaling siya. Bigla siyang napabuga ng hangin. Kanina pa pala niya pigil ang hininga sa paghihintay ng sagot ni Edelita. Ngayon lang siya kinabahan ng ganito sa buong buhay niya.
Nang lumingon naman siya sa ina ng babae ay mataman nitong tinititigan ang anak. Hindi niya alam ngunit kinabahan siya ulit. Mukha kasing may lie detector test ang mga mata nito na akala mo makikita niyon kung nagsisinungaling ba ang tao o hindi. Lalo naman siyang kinabahan nang magpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang dalawa ni Edelita. Nakahinga lang siya ng maluwag nang muli itong magsalita.
"Sige, kumain na tayo." Yun lamang ang sinabi nito at para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil doon.
Akala niya talaga katapusan na niya. Yung mga tipo pa naman kasi ng nanay ni Edelita ay mukhang tradisyonal. Kapag siguro nalaman nito ang namagitan sa kanila ng anak, malamang na pilitin siya nitong ipakasal sa dalaga.
Buti na lang talaga. I'm not ready yet.
Tulad ng sinabi ng ina ni Edelita, kumain nga sila. Tinikman niya ang adobong nakahain at talaga namang nasarapan siya roon.
"Ang sarap po ng adobo n'yo, Ma'am," wika niya na nakatingin sa ina ni Edelita.
Ngunit gaya kanina ay seryoso pa rin ang itsura nito. Kahit pa yata ngitian niya ito nang ngitian ay walang epekto rito ang charm niya. Napalunok siya. Yung kaninang gana niya nang matikman ang adobo nito ay biglang nawala. Sumulyap siya kay Edelita na parang lulugo-lugong kumakain. Mukhang pareho pa yata sila ng babae. Mukhang kinakabahan din ito base sa itsura nito ngayon.
Tahimik lang silang tatlo sa buong durasyon ng pagkain nila. Walang sinoman ang nagtangkang magsalita. Nang matapos ay ang ina ni Edelita ang unang nagsalita.
"Anak, ako na ang bahala rito. Sige na, roon muna kayo sa sala niyang boyfriend mo."
"Sige po, Ma." Tumayo si Edelita at tumingin sa kaniya. Tumango ito na para bang sinasabing sumunod siya rito, kaya naman yun ang ginawa niya.
Ngunit hindi tulad ng inaasahan niya na dapat ay sa sala sila nito pupunta, nagdire-diretso ito palabas ng pinto. Nagtataka man ay sinundan niya pa rin ito.
Naabutan niya itong nakatayo sa may maliit na garden sa may harap ng bahay. May maliit na hardin din doon na may iilang mga halaman at bulaklak. Naupo si Edelita sa bench na naroroon at siya naman ay tumayo lamang sa harap nito.
"Salamat." Yun ang mga salitang sinabi nito sa kaniya habang nakayuko.
Nakapamulsa niya itong tiningnan. Kanina nang pagbuksan siya ng ina nito ng pinto ay talaga namang kinabahan siya dahil nga sa kaseryosohan ng ginang. Ngunit nang pinapasok siya nito sa bahay ng mga ito at makita niya si Edelita ay biglang nawala pansamantala ang kaba niya.
She's just wearing shorts. Palihim niyan hinagod ang kabuuan nito. She has those pair of flawless long legs. Maganda rin ang hubog ng mga hita nito. Alam niya yun dahil nakita na niya ang lahat sa kaniya. And she's sexy even if she's just wearing a loose shirt and a shorts. Ngayon nga ay malaya niya ulit itong natititigan habang nakayuko ito. And when she lift her head to look at him, she's smiling.
It was the first time that she genuinely smile at him. Sa nakaraang mga araw kasi, lagi na lamang itong gulat, masama ang tingin, nahihiya, at kung minsan ang ngiti nito ay nauuwi pa sa ngiwi. But now, seeing her smiling like that, he was mesmerized. Napakaganda nito lalo na kung nakangiti.
"Sir, siguro kailangan mo nang umuwi," ani nito na nakatingin sa kaniya.
"Ha?" Hindi siya makapaniwalang pinauuwi na siya nito. The moment was just so magical, sinira lang nito sa mga salitang 'kailangan mo nang umuwi'.
"Gabi na rin po, Sir. Delikado ang mag-drive sa daan kapag gabi na."
Tumingin siya sa kaniyang relo. It's just 8:15 in the evening. Ano bang pinagsasasabi nito?
"It's just 8:15, Babe. Bakit pinauuwi mo na ko? Saka, why are you calling me sir again?" sunod-sunod na tanong niya rito.
"Kasi nga po, boss kita," she told him emphasizing the word boss.
"How many time do I have to tell you that I am not your boss? I. Am. Your. Boyfriend," he said, stressing every word he said. Para lang pumasok sa isip nito na hindi nga siya nito boss, and he's now her boyfriend.
"Fine, Ace. Pero sige na, umuwi ka na," napipilitan nitong sabi.
"Call me babe."
"Ha?" gulat na tanong ni Edelita sa kaniya. Tumayo na ito mula sa bench na kinauupuan at hinarap siya.
"Call me babe. Boyfriend mo naman na ako ngayon. So better call me babe," nakangiti niyang wika rito.
Napatingin lamang ito sa kaniya na tila nag-iisip. Kaya muli siyang nagsalita.
"I'll go home if you call me babe." He waited her to protest pero nanatili lang itong nakatingin sa kaniya. Mayamaya ay bumuntong hininga ito at ngumiti sa kaniya.
"Babe, sige na, umuwi ka na, please."
Nagulat man ay napangiti na rin siya. Akalain ba niyang gagawin nga nito yun. Masarap pala sa pandinig kapag tinawag siya nitong 'babe'.
Silly! Ginawa lang niya yun para umuwi ka na.
Nawala ang ngiti niya nang maisip yun. Oo nga pala, kung hindi pa niya sinabing uuwi siya kapag tinawag siya nito sa paraang gusto niya, ay hindi siya nito tatawagin sa ganoon.
But I will make her call me 'babe'.
He'll do everything para lang masanay na itong tawagin siya sa ganoon. At saka bakit ba parang gustong-gusto na nitong umuwi siya? Ganoon ba siya kaayaw talaga nito makita kaya pati kanina ay tinakasan siya nito.
She has headache. Hindi ka niya tinakasan.
Tinakasan man o hindi, umalis pa rin ito nang hindi nagpapaalam. Sinabihan na niya itong magdi-dinner silang dalawa pero hindi man lang nito naipaalam sa kaniya na umuwi ito dahil masakit ang ulo. Ang tagal niyang naghintay na lumabas ito ng building, tapos malalaman niyang nakauwi na pala ito.
Naputol lamang ang pag-iisip niya nang bigla itong magsalita ulit. "Babe? Sige na, uwi na. Gabi na rin. Delikado na kapag ginabi ka pa lalo."
Tiningnan niya ito at bumuntong hininga siya. Tinanggal ang mga kamay niyang nasa bulsa ng kaniyang pantalon.
"Okay, I'll go home. Mukhang ayaw mo naman kasi akong nandito. Ayaw mo rin akong makita. I get it," wika niya ritong mahihimigan ng pagtatampo. Well, masama talaga ang loob niya. Pumunta pa man siya rito para tingnan kung maayos lang ito dahil nga nalaman niyang sumakit ang ulo nito. Tapos ngayon, pinipilit na siya nitong umuwi. Hindi pa nga yata siya makakakain ng dinner kanina kung hindi dahil sa mama nito na siyang umaya sa kaniya. Mukha kasing nakakita ng multo ang itsura ni Edelita kanina at parang gusto nitong ipagtabuyan na lang siya.
Akmang tatalikod na siya at aalis nang pigilan nito ang braso niya.
"Ano... kasi... hindi naman sa ganoon. Kasi nga gabi na, delikado na rin sa daan. Maraming masasamang tao. Tapos 'di mo naman alam kung anong meron sa daan, 'di ba? Bakit ka nakangiti?" tanong nito nang mapansing ngiting-ngiti siya rito. He didn't expect that she would actually explain to him.
"Wala. Masama na bang ngumiti? Oo na, naiintindihan na kita. You're just concerned about me," nakangiti niyang sabi rito.
"Ano? No... I'm no--"
"Sige na, Babe. Uuwi na ko," aniya kay Edelita. He even winked at her before he headed to their gate.
"Huy! Hindi naman kasi ganoon yun--"
"Ihatid mo na ko sa kotse ko, Babe. Tara!" Huminto siya sa paglalakad. Hindi niya alam na nakasunod pala ito sa kaniya kaya naman bumangga si Edelita sa likod niya.
"Tangina! Aray!" wika nito na ikinatawa niya nang malakas.
"Babe, don't cuss." Hinaplos niya ang ulo nitong bumangga sa likod niya. "Tara na nga. Hatid mo ko." Nakangiti niyang kinuha ang kamay nito. Hindi naman ito nagprotesta sa ginawa niya, pero hawak pa rin nito ang ulong nasaktan.
Hawak lang niya ang kamay nito hanggang sa makalabas sila ng gate ng bahay. Nang makarating sila sa kotse niyang nakaparada lang naman sa harap ng bahay ng mga ito, ay humarap siya rito.
"Uwi na ko, Babe," wika niya sa dalaga.
Tango lang naman ang isinagot nito at yumuko. Pinagkatitigan niya lang naman ito. Hindi niya alam pero gustong-gusto niyang hawakan ang mga kamay nito. Hindi rin niya maintindihan kung bakit ba gusto niyang magustuhan nito. Basta ang alam niya, he wanted her to like him.
"Babe?" tawag niya rito.
Edelita lifted her head and looked at him. Inginuso niya ang kaniyang labi, asking for a kiss. Nagtatanong naman ang mga mata ni Edelita na nakatingin sa kaniya. Mukhang hindi yata nito maintindihan ang gusto niyang mangyari. Inulit niyang muli ang ginawa niya.
"Ano?" tanong na nito pagkuwan.
"Sabi ko, kiss ko?"
"Hala!"
"Ayaw mo? Hindi ako uuwi. Di--"
Hindi niya natapos ang sasabihin dahil tumingkayad ito at hinalikan siya sa pisngi. Nagulat siya sa ginawa nito.
"Uwi na," sabi nitong tila nahihiya dahil hindi ito makatingin sa kaniya.
"Hala!" Ginaya niya ang expression nito kanina. "Kiss na yun?"
"Oo. Sige na, uwi ka na. Sabi mo 'di ba uuwi ka na kap--"
Hindi na nito natapos ang sasabihin sana dahil hinalikan na niya ito sa labi. He cupped her face and lifted her head to kiss her properly. Nang matapos ang halik na ibinigay niya ay binitiwan niya ang mukha nito. Her eyes were still closed. He looked at her. She's really beautiful. Napangiti siya sa kaniyang naisip.
Unti-unti naman nitong ibinukas ang mga mata. He smiled at her. He held her hand and kissed the back of it. Nakatulala lamang itong nakatitig sa kaniya. "Goodnight, Babe."
Pagkasabi niyon ay tinungo na niya ang kotse niyang nakaparada at sumakay roon. "See you tomorrow."
He winked at her before driving away. Tomorrow is another day. At wala siyang balak sayangin ang araw bukas para sa mga plano niya. And no one can stop me.