Chapter One
WALANG humpay sa pag-iyak si Edel habang patuloy na lumalagok ng alak sa boteng hawak niya.
"Tell me girls, pangit ba ko? Kapalit-palit ba ko?" tanong niya habang namumungay ang mga mata na nakatingin sa kaniyang mga kaibigan.
"Sus! Liza Soberano ikaw ba 'yan? Timang! Hindi ka pangit. Gago lang talaga yung ex mo," ani Lei na nasa kaniyang tabi. Salubong ang kilay nitong nakatingin sa kaniya.
"Yes, Edel. Don't cry for him na. He's not really worthy of your luha," Ruby Ann said to her in her famous conyo accent.
"Eh, bakit niya ko iniwan? Lahat na lang ng naging boyfriend ko, kung hindi nila ko iniiwan, niloloko ako." Patuloy lang siya sa pag-iyak. Hindi niya kasi matanggap na iniwan na naman siya ng boyfriend niya.
Ang boyfriend niyang si Edward. Ang sabi nito noon ay mahal na mahal siya nito, pero bakit niloko siya nito at ipinagpalit sa iba? Sumama ito sa babaeng nakilala raw nito sa gym kung saan nag-wo-workout ito kasama ng mga barkada. She couldn't think of anything why her boyfriend for two years left her because of some random girl he met in the gym.
Kung tutuusin ay maganda naman siya, sexy. Maraming nagsasabi niyon sa kaniya at talaga namang pinaniniwalaan niya, dahil totoo naman yun.
She's maybe wearing eyeglasses, but it's fashionable. She doesn't need to work out in a gym because she already has a body to die for. Salamat sa genes ng tatay at nanay niya na kahit sandamakmak ang kinakain niya ay hindi siya nataba. Tamang sit-ups lang and walking ay okay na.
Her clothes are fashionable too. Hindi naman siya nerdy kung titingnan. She has long legs na namana niya sa tatay niyang 6feet ang height, though umabot lang siya ng 5'5" pero sa tingin niya ay tama lang yun.
"Ano bang mali sa'kin? Bakit ba hindi nila ko magawang mahalin?" sabi niya sa mga kaibigan habang pinapahid niya ang kaniyang luha.
"Tanga! Walang mali sa'yo. Masyado lang talagang malalandi ang mga naging jowa mo. Tangina talaga no'ng mga walanghiyang lalaki na 'yan, eh. Mga talipandas silang lahat. Dapat kapag malandi, pinuputulan agad ng ari."
"Hoy! Lei, bibig mo nga. Para kang 'di teacher ah," saway ni Shiela Marie, ang isa pa nilang kaibigan, kay Lei.
"Nagsalita ang malinis ang bibig." Inirapan naman ito ni Lei na ikinatawa lang naman ni Shiela.
"Ano bang gusto mong gawin natin sa ex mo? I can kill him if you want me to," walang kaabog-abog na sabi ng pinakatahimik sa kanilang grupo, si Jeremy habang sumisimsim ito ng alak sa basong hawak.
Napalingon silang lahat dito dahil sa sinabi nito. Minsan lang kasi itong magsalita at puro karahasan pa ang lumalabas sa bibig nito kapag nagsalita na. Seryoso rin ito. Kung ano man ang lumabas sa bibig ng kaibigan ay talaga namang ginagawa nito.
"Talaga? Papatayin mo siya? Eh, what if kung yung Holly-parot na yun na lang ang patayin mo, para bumalik sa'kin si Edward," nagniningning ang mata na wika niya sa kaibigang si Jeremy.
Alam niyang magagawa nga nitong patayin ang babaeng dahilan ng kasawian niya ngayon. Jeremy's work was not a secret to them. Tahimik man ito ngunit hindi naman ito naglilihim sa kanila. Not to mention that she's also very honest.
"Hoy! Gaga ka! Iniwan ka na nga nang jowa mong walang bayag, gusto mo bumalik pa ulit sa'yo. Lolokohin ka lang ulit no'n, kasi nga makati siya. Gusto niyang magpakamot ng itlog niya sa iba," ani Shiela sa kaniya na binatukan pa siya.
"You know what, Edel? Move on ka na lang bebs. Let your ex make sama-sama to that maharot. Have you forgotten your motto? Diba nga you're always saying to us that everything happens for a reason. Puwes, there's a reason why he's making you iwan 'no. Maybe he's really not the one for you."
"Tama naman 'tong si conyo girl, eh. Malay mo kaya nangyari ito kasi may darating palang mas babagay sa'yo. You just have to wait," Lei said while smiling at her.
"Tapos kapag dumating na, huwag mo nang pakawalan. Itali mo sa kama tapos jugjugan na!" wika ni Shiela with matching actions pa na akala mo nangangabayo.
Sabay-sabay naman silang nagtawanan dahil sa ginawa nito. Ganiyan talaga si Shiela, ang amo nga ng mukha, pasmado naman ang bibig. Paano, isa kasi itong erotic novel writer kaya puro kahalayan ang alam. Si Lei naman, naturingang teacher pero kung magmura ay walang habas. Si Ruby Ann naman ang pinakasosyal sa mga kaibigan niya, and she's maybe annoying because of her ka-conyohan, but she knows that she can count on her.
Buti na lang talaga at may mga kaibigan siyang tulad ng mga ito, and she's very thankful to have them. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. Oo, masakit na niloko na naman siya ng boyfriend niya, pero tama rin naman ang mga kaibigan niya. Everything happens for a reason. Yun ang pinakagasgas na linyang lagi niyang sinasabi sa mga ito kapag ito naman ang may mga problema.
Maybe he's really not the one for her. Siguro masyado lang siyang nadala sa mga mabulaklak nitong dila na kung ano-anong sweet nothings ang sinasabi. Siguro nga nadala lang din siya sa kagwapuhan nito at kakisigan. Malay ba niyang malandi rin ito at gago. Akala niya kasi ay matino ito hindi gaya ng iba. Pero hayun nga at nagkamali siya dahil sumama ito sa isang babaeng wala na ngang dede, wala pang puwet.
Hmmp! Magsama sila!
"Thank you, mga Bebs, for being always there when I need you. Don't worry, hindi ko na iisipin si Edward. Last na 'tong pag-iyak ko at paglalasing ngayon. I'm gonna make move on!" wika niya sa mga kaibigan na ginaya pa ang pananalita ng conyong si Ruby.
Itinaas niya ang bote ng vodka na kanina niya pa iniinom para makipag-toast sa mga kaibigan.
"Let's party tonight! I'm single again!" sigaw niya sabay tungga sa boteng hawak.
Wala namang nagawa ang mga kaibigan niya at hinayaan na lamang siya ng mga ito. Tulad niya ay uminom rin ang mga ito ng alak, ngunit 'di tulad niya, sa baso lang ang mga ito umiinom.
Mayamaya pa ay narinig nila ang DJ sa club na yun na nagsalita. The DJ was inviting everyone to dance on the dance floor.
Nauna siyang tumayo kahit medyo nahihilo siya. She will be partying like an animal right now. Hindi na niya pakaiisipin ang manloloko niyang jowa. She should be celebrating because she's single again.
Kahit hilo ay pilit siyang tumayo at niyakag ang mga kaibigan. Game na game naman ang mga itong sumama sa kaniya at nakipagsayaw. They were like teenagers who just got out for the first time. They danced and they sang to the tune of california girls remix. Even Jeremy who's very quiet was dancing too. Everyone's enjoying the night.
Nang mapagod sila sa kasasayaw ay bumalik na silang lima sa table nila.
"Mga bebs, I have to go. My boss wants to see me early in the morning. I had a good time. And you." Duro ni Jeremy kay Edel. "Forget about your boyfriend and that's an order. He doesn't deserve you." Yun lang ang sinabi nito at nagmamadali na itong umalis.
"Ako rin, kailangan ko nang umuwi. Tangina kasi bakit may pasok pa bukas eh. Sana Friday na lang ngayon, eh. Wrong timing naman kasi makipaghiwalay yung pakyu mong boyfriend," ani Lei na hindi yata kayang magsalita nang walang mura.
"Sige, umuwi ka na. Kami nang bahala rito. Ubusin lang namin 'tong inorder natin. Sayang , eh," Shiela told Lei while eating the sisig they ordered and drank her mojito.
Silang tatlo na lang ang natira. Ruby Ann left them and went to the dance floor while Shiela was taking all her time drinking her favorite drink, the four season mojito.
Minsan lang nilang gawin na magkakaibigan ito at talaga namang walwal silang lahat ngayon. Kahit na tatlo na lang sila ay wala silang pakialam. They partied. Naroong sumayaw silang muli sa dance floor kahit may mga tama na sila. They dance like there's no tomorrow.
Panaka-naka silang bumabalik sa table nila sa 'di kalayuan para uminom. Edel already felt dizzy, pero wala siyang pakialam. She wanted to forget what happened today. She wanted to forget the heartache.
Tumingin siya sa relong pambisig. It's just 1 a.m. Nag-uumpisa pa lang maging wild ang club na yun. Tinawag niyang muli ang waiter and asked him to have another bottle of vodka.
"Anak ng... Hoy! Gaga ka! Bakit umorder ka na naman? Ang sabi ko diba uubusin lang natin yung inorder natin kanina. Tapos isang bote pa. p**e ka talaga!" inis na sabi sa kaniya ni Shiela. Namumungay na rin ang mga mata nito. Marahil ay tinatamaan na ito sa dami ba naman nang nainom nitong mojito.
Tumawa lang siya na nauwi sa halalhak. Tiningnan naman siya ng dalawang kaibigan at mukhang nahawa ito sa kaniya, dahil ngayon ay tatlo na silang tumatawa. Wala silang pakialam sa paligid kung pinagtitinginan sila. Mukha na nga silang baliw.
"Pakyu ka, Edward! Kung ayaw mo sa'kin, mas ayaw ko na sa'yo!" sigaw niya na binuntutan pa ng tawa.
"Pashneya 'yang boyfriend mo! Sarap putulan ng tutuy. Punyeta! Akala mo naman dako." Nagtawanan pa silang tatlo at siyang dating naman ng inorder niyang vodka.
"Let's inom na lang, mga Bebs. Let's party!" suhestiyon ni Conyo girl at itinaas pa nito ang basong hawak and asked them for a toast.
Wala na siyang pakialam kung umuwi siyang gumagapang. This will be the last time na gagawin niya ito because of a guy. Then tomorrow, she will forget everything. Tutal mas pinili naman nitong sumama sa dos por dos, eh, 'di doon na ito.
Ngayon niya na-realized na masyado siyang maganda para iyakan ito, just like her past boyfriends. Mga walang kuwenta. Mga manloloko.
Nagpaalam siya sa mga kaibigan nang maramdaman niyang naiihi siya. Kahit pasuray-suray, narating niya ang restroom ng club na yun. Pagpasok niya roon ay dinig niya ang mga halinghing na nanggagaling sa isa sa mga cubicle doon.
Ewe. Ang cheap.
Sabi niya sa isip. Ano yun? Kung saan na lang abutan doon makikipag-jugjugan? Wala bang mga pera ang mga ito pang-hotel kaya nagtitiis sa masikip na cubicle?
Ilan lang 'yan sa mga tanong sa isip niya habang umiihi sa isa sa mga cubicle na naroon. She needs to pee fast. Ayaw niyang marinig ang karumaldumal na ginagawa ng mga ito.
Ghad! My virgin ears! Bilisan mong umihi Edel.
Nang matapos siyang umihi ay binilisan na niya ang paglabas kahit pa nga nahihilo na siya. Nagmadali siyang maglakad pabalik sa table nilang magkakaibigan. Sa kamamadali niya ay hindi niya inaasahan na matapilok dahil nga hilong-hilo siya sa mga ininom niyang alak.
She closed her eyes. Handa na sana siya kung sakaling bumagsak man ang katawan niya sa sahig, pero hindi nangyari yun.
Someone caught her, at hindi niya malaman kung bakit bumilis ang t***k ng puso niya when she suddenly inhaled the scent of whoever it was.
Matitipunong braso ang sumalo sa kaniya likuran habang ang isang braso naman nito ay nakapalibot sa kaniyang baywang. She opened her eyes and saw a man. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kaniya.
Kahit hilong-hilo na siya at medyo may kadiliman ay kitang-kita pa rin niya ang magandang features nito. From his thick eyebrows na dinaig pa siya dahil ang ganda ng form ng mga yun. He also has this deep eyes na kung tumingin sa kaniya ay parang inaarok ang kaniyang pagkatao. Pointed nose na akala mo ay sa mannequine lang makikita, and his lips. Damn his lips looks edible.
He has this thin lips na natural yata ang pula. I wonder how it taste like.
Sa isiping yun ay parang gusto niyang halikan ang lalaking sumalo sa kaniya, just to answer all her questions. Why not? she told herself. And with her cloudy mind, he cupped the man's face with both hands and kissed him on the lips.
A/N: I'm back ^_^ can you do me a favor...please bear with me and please comment, so I can have some inspirations. See you next chappy. :*