Patingin-tingin si Edel sa kaniyang wristwach. It's already 11:30am. Kaunting oras na lang at magla-lunch na. Hindi siya makapag-concentrate sa trabaho mula pa kanina. Iniisip niya kasi kung tototohanin ba ng boss niya ang sinabi nitong sabay silang kakain.
Hindi siguro. Malamang joke lang yun. Kailan ba kasi nag-seryoso ang mga lalaki? Kailan ba sila tumupad sa pangako nila? Hindi na ko magtataka kung karamihan sa mga pulitiko ay lalaki.
"Edel? Ayos ka lang ba?" Nagulat pa siya nang bigla na lang siyang tapikin ni Jinky.
"Ha?" naguguluhang tanong niya rito. Hindi niya kasi narinig ang sinabi nito sa kaniya.
"Sabi ko... okay ka lang ba?"
"Oo... oo naman," wika niya rito at ngumiti kahit sa likod ng isip niya ay gusto niyang sabihing hindi siya okay. Nababaliw na kasi siya kaiisip sa sinabi ng acting boss nila ngayon.
"Eh, bakit parang tulala ka mula pa kanina? Ano bang nangyari sa'yo? Ano bang sinabi sa'yo ni Sir Ronald? Nawala ka kasi kanina tapos ang sabi, pinatawag ka raw. Ano bang nangyari?" usisa ni Jinky sa kaniya na titig na titig habang hinihintay ang sagot niya.
"A-Ano... ahm... wala naman. May tinanong lang."
"Ano namang itinanong sa'yo at natulala ka na lang bigla d'yan?" tanong nitong muli. Gustong-gusto na niya itong iwasan pero bago yun bibigwasan niya muna ito sa pagiging usisera nito.
"Wala. Ang hirap no'ng tanong. Hindi ko nga masagot, eh. About sa codes. Hindi ko na nga matandaan yung tanong sa sobrang hirap. Bakla ka! Bumalik ka na nga sa trabaho mo," taboy niya kay Jinky na hindi pa yata matatapos ang pagiging imbestigador ng bayan kung hindi niya ito itinaboy at hindi na pansinin.
Tumingin siyang muli sa relo niya. Malapit nang mag-alas dose, sampung minuto na lang.
Ang sabi niya before lunch.
"Dumating na kaya yun?" pagkausap niya sa sarili niya.
Eh, ano naman kung dumating na nga. Umaasa ka rin, eh, 'no?
Napatingin na naman siya sa relo niya. Kaunti na lang at lunch time na. Kasi kung magtatagal pa ang oras, baka baliw na siya mamaya. Ngayon nga ay mukha na siyang timang na kinakausap ang sarili niya sa isip.
Napabuntong hininga siya. Tumingin na lamang siyang muli sa computer na nasa harapan niya. She needed to focus. Iisipin na lang niyang joke lang ang lahat ng sinabi nito. Why a boss like Ace would eat with her? Eh, isa lang naman siyang hamak na empleyado, yun nga lang... ang ganda niya.
"Yes! Woohhh!" Nagulat na naman siya nang sumigaw ang isa niyang katrabahong lalaki. Napapansin niya sa sariling nagiging magugulatin na yata siya mula nang bumalik siya rito sa opisina nila pagkatapos nilang mag-usap ng boss niya.
"Edel, tara lunch na tayo," yaya sa kaniya ni Emily na nakatayo na at hinihintay siya.
"Ah, sige. Mauna na kayo roon sa cafeteria. Ayusin ko lang itong gamit ko tapos sunod ako sa inyo," aniya habang iniisa-isa niyang iligpit ang kalat sa table niya. Tango lang naman ang isinagot nito sa kaniya at lumabas na kasama si Jinky at ang isa pa nilang katrabaho.
Nang matapos sa ginagawa ay tumayo na siya at tumungo palabas ng opisina. Ngunit, hindi pa man siya nakakalabas ay tinawag na siya ng boss niyang si Ronald.
"Ms. Mendez, the boss wants to see you again. His secretary said that it's urgent," sabi nito na napakaseryoso ng mukha at pagkuwan ay pumasok muli sa private office nito.
Si Ronald din ang nagsabi sa kaniya kanina na pinatatawag siya ng big boss nila kanina.
Shit! Anong gagawin ko? Mukhang tinotoo nga nung mokong na yun ang sinabi niya.
Kinakabahan siya. Hindi niya alam ang gagawin, kung pupunta ba siya sa opisina nito o hindi. Paano sila Emily? Tiyak na naghihintay ang mga ito sa kaniya. Iniisip niyang huwag na lang puntahan ang boss niya at kumain na lang kasama ang mga katrabaho, pero...
Kung hindi mo pupuntahan si Ace, baka bukas wala ka ng trabaho.
"Kasi naman, eh!" Mukhang timang na nagpapapadyak siya ng mga paa. Naiinis siya dahil mukhang wala naman talaga siyang choice kung 'di ang pumunta sa opisina nito.
Tangina kasi no'ng lalaking yun eh. Baka kung ano na naman gawin sa'kin. Mukha pa namang manyak ang isang yun.
Wala siyang nagawa kung 'di tahakin ang papunta sa elevator at pindutin ang up button. Hindi naman nagtagal at bumukas yun. Sumakay siya at pinindot ang pinaka-top floor. Tumingin siya sa relo niya. Iniisip niya na sana huminto kahit sandali ang oras para naman may time pa siyang i-prepare ang sarili bago siya makarating sa floor ng big boss.
Lord, please po. Iadya n'yo po ako sa panganib. Huwag n'yo po akong hayaang mahulog sa kamay ng desipulo ni Luci.
Tumunog ang elevator at bumukas ang pinto niyon. Abot-abot ang kaba niya sa dibdib habang palapit siya nang palapit sa opisina ng desipulo ni Luci. Nadaanan niya ang mesa ng sekretarya nito, at wala roon si Laura.
Mukhang wala akong mahihingian ng tulong kung sakaling may gawin sa'king masama ang lalaking yun.
Nang mapatapat sa pinto ay huminga muna siya nang malalim. Akmang kakatok na siya sa pinto nang may magbukas niyon.
"You're here! Akala ko hindi ka pupunta. I was about to go to your office to get you. Mukha kasing wala kang balak pumunta," sabi nito na nakatingin nang diretso sa kaniya at parang galit.
"A-Ano po kasi, eh... may inasikaso pa po kasi ako." Bakit ba sa tuwing mapapaharap siya sa lalaking ito ay nauutal siya? Sa tingin niya kasi, kapag nagsabi siya ng salungat sa gusto nito ay kakainin siya nito nang buo.
"Kanina pa ko naghihintay sa'yo. I had asked Ronald to tell you to get up here, and it was thirty minutes ago," sabi nitong mataman pa ring nakatitig sa kaniya.
"Sorry." Kingina nung Ronald na yun. Siya ang may kasalanan kung bakit nagagalit ang desipulo ni Lucifer ngayon.
Nagyuko siya ng ulo nang hindi na niya makayanan ang mga titig nito. Mayamaya ay narinig niya itong bumuntong hininga at nagulat siya nang hawakan nito ang kaniyang kamay. Napatingin siya ritong muli.
"Come on. Alam kong nagugutom ka na." Yun lang ang sinabi nito at hinatak na siya papunta sa elevator.
Jusko pong pineapple! Elevator na naman.
Habang hinihintay nilang bumukas ang pinto ng elevator ay nakatingin lang siya sa repleksyon nila roon. Magkahawak ang kamay nila. Ang boss niyang praning hayun at parang inip na inip na naghihintay. She looked at him. Hindi naman maikakailang guwapo nga ito. Nakakaintimidate din ang aura nito. Then he has a well-toned body. Mukhang hindi nito nakakaligtaang dumaan sa gym. Nasisiguro rin niyang may abs ito dahil nakita na niya yun. Bumaba ang mga mata niya, nakita niyang ang ganda ng pagkakaplantsa ng pantalon nito. Tapos ang laki... ng sapatos nito. Napalunok siya.
"Appreciating the view, eh?" Rinig niyang sabi nito. Nagtama ang mga mata nila sa repleksyon sa pintuan ng elevator. Nakakaloko ang ngiti nito sa kaniya. Siya naman ay parang sinilihan ang mukha sa pula ng pisngi niya. Nahuli siya nitong nakatingin dito. Spell nakakahiya... E-D-E-L.
Nang bumukas ang pinto ay pumasok na sila roon, as usual, hawak pa rin nito ang kamay niya. Habang nasa loob ay wala silang imikan pero ang hudyo nakangiti na naman nang wagas. Kitang-kita niya yun sa repleksyon nila. Naroon ding pisil-pisilin nito ang kamay niya na dapat ay kinukuha na niya ngayon mula sa pagkakahawak nito. Ngunit hindi niya yun magawa dahil nga hawak nito yun ng mahigpit.
He would roll his thumb to the back of her hand. May kiliting hatid yun sa kaniya. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit gusto niya ang pakiramdam na yun.
Pagdating sa 5th floor ay tumunog ang elevator, hudyat na may mga sasakay na iba. Kinabahan siya. Makikita ng iba ang kamay nilang magkahawak at tiyak, naka blind item na yun mamaya.
Ngunit bago pa man bumukas ang elevator ay binitiwan nito ang kamay niya at tumingin pa ito sabay kindat at ngumiti. Para namang may naghahabulang kabayo sa dibdib niya dahil sa ginawa nito. Naalala niya ang sinabi nito sa kaniya kanina. Ayaw nitong matsismis siya kaya naman agad nitong binitiwan ang kamay niya.
Bumukas ang pinto at nagsipasukan ang mga empleyado. Halos mapuno niyon ang loob ng elevator. Ang ilan ay bumabati pa sa boss nila habang siya ay nausog na sa pinakalikurang bahagi ng elevator.
Tahimik lang ang lahat na nakasakay roon at tila walang gustong magsalita. Hanggang sa makarating sila sa ground floor. Bumukas ang pinto at nagsilabasan ang lahat, maliban sa boss niyang hinintay yata ang lahat na makalabas. Nang siya na ang lalabas para sundan ang iba at pumunta na sa cafeteria ay pinigilan siya nito.
"Where are you going? Nasa basement parking ang kotse ko," sabi nitong nakakunot ang noo sa kaniya.
"A-Akala ko po kasi... a-ano, eh," wika niya rito na nauutal na naman. Kailan ba siya hindi mauutal kapag nasa harap nito? Nagmumukha tuloy siyang may utal syndrome.
"We're not going to eat in the Cafeteria. Unless, you want everyone to see us. I mean, it's fine with me. I don't care what other people will say. Ikaw lang ang inaalala ko," ani nitong nakatingin sa kaniya.
Nang makarating sila sa basement parking lot ay agad siya nitong iginaya palabas ng elevator at diretso silang nagpunta sa kotse nitong nakaparada roon. Muntikan pa siyang mapanganga sa kotse nito.
He got a black Maseratti, alam niyang yun ang tatak ng kotse nito ayon na rin sa logo nito sa hood. She just didn't know what model it was.
Pinagbuksan siya nito ng pinto at inalalayang makasakay at pagkasara niyon ay ito naman ang umikot patungo sa driver seat.
Gentleman din naman pala ang loko. Akala ko katulad ni Ronald sungit eh.
Nang makasakay ito roon ay inilabas nito ang ray ban shades nito mula sa bulsa ng suit nito at isinuot yun. Diyos ko! Kulang sabihin na napanganga siya at muntik tumulo ang laway ng humarap ito sa kaniya. Kung kasalanan ang pagiging sobrang gwapo, malamang nasa city jail na ito ngayon. Mas lalo kasi itong gumwapo sa aviator glasses na suot nito.
At nang bigla itong dumukwang papunta sa kaniya ay nahigit niya ang hininga. Akala niya ay hahalikan na naman siya nito kaya naitaas niya agad ang kaniyang kamay para takpan ang labi niya. Pero huminto ito nang malapit sa mukha niya at ngumiti. May kung anong kinuha ito sa likuran niya at hinatak yun. It was the seat belt.
"Seat belt, Babe. Para safe." Ngumiti na naman ito nang nakakaloko sa kaniya bago bumalik sa puwesto nito.
He looked at her.
"Where do you want to eat?" tanong nito sa kaniya.
"Ha? Ano... kahit po saan, Sir."
"Babe, walang restaurant na kahit saan. What do you want to eat? Do you want Chinese food, Italian, Korean... tell me, Babe," He asked with a playful grin in his lips. Ibinaba pa nito nang bahagya ang sunglasses nito at tumingin sa kaniya.
Hindi na yata siya makahinga sa pinaggagawa ng lalaking ito. Bakit ba kasi tumitibok ang puso niya nang ganoon kabilis. Hindi naman siya ganito sa ibang lalaki. Wala nga siyang pakialam sa mga ito lalo noong boyfriend niya pa si Edward. Hindi naman tumitibok nang simbilis ngayon ang puso niya kahit pa nga makakita siya nang mala-Brad Pitt na kagwapuhan. Pero bakit sa lalaking ito na hindi naman talaga niya kilala nang husto, wala rin silang relasyon bukod sa boss niya ito, ay nagkakaganito siya. Isang kindat at ngiti lang nito ay para ng timang ang puso niya na kung makapag-react ay OA.
Putangina ka heart! Bakit ka ba ganiyan?
"Come on, Babe. I'm hungry." Titig na titig lang siya rito at ang hudyong lalaki ay nagpa-cute pa. He looks like a hungry puppy asking his master for food. Naka-pout pa ang loko, and he's damn cute right now. Kung ang iba siguro ang gagawa niyon ay magmumukhang bakla at nakakairita. Pero ito, lintek lang! Ang gwapo pa rin.
"Ahm... Jollibee na lang po, Sir," sabi niya rito.
"Babe, don't call me Sir if we're not in the office. Call me anything you want, but not Sir. You can call me baby or babe, mas masarap pakinggan kaysa sa Sir... and drop the po. I'm not that old," ani nito. Kung kanina ay amg cute nito, ngayon naman ay bumalik ito sa pagkaseryoso.
Bipolar yata ang isang ito. Ang bilis magbago ng ugali.
"Do you understand me, Babe," He told her emphasizing the word babe.
Tumango naman siya bilang pagsang-ayon dito. Mayamaya ay ngumiti na itong muli.
"That's my girl." Nakakaloko na ulit ang mga ngiti nito. "So, Jollibee? That's where you want to eat?"
Tango lang ulit ang isinagot niya rito at ngumiti nang bahagya. Eh, yun lang kasi ang alam niyang kainan bukod sa Mcdo at KFC. Ayaw naman niya sa mga sinasabi nitong mga chinese food o italian food. Hindi naman siya sanay kumain niyon. Okay na siya sa chickenjoy ng Jollibee at fries ng Mcdo.
"Jollibee it is," wika nito bago binuhay ang makina ng kotse nito. Tiningnan siya nitong muli at ngumiti bago pinaandar ang kotse papunta sa Jollibee.