"WHY did you leave me, Edelita?"
Iyun ang mga tanong na kumompirma kay Edel. The man remembers her, she's sure of it. Ngunit iniisip niya kung paano ba ito sasagutin. Would she deny him? o sabihin na lang kaya niya ang dahilan niya noon kung bakit niya ito iniwan.
But, how?
"Ms. Mendez, I know that you remember me. So, answer my question. Why did you leave me?" tanong nitong muli sa kaniya. Kinakabahan siya, bakit ba kasi inuungkat pa nito iyun.
Hindi ba ito masaya na umalis siya nang walang paalam at hindi na niya ito ginambala pa? Sigurado naman siya na ang mga tipo nito ay katulad ng mga lalaking nakikipag-one night stand tapos sasabihan ang babae na kalimutan ang lahat ng nangyari.
"Answer me."
"I don't know you," naibulalas niyang bigla dahil sa gulat nang sumigaw ito sa harap niya.
Tila naman hindi ito makapaniwala sa sinabi niya. Nang tingnan niya ito ay nakatingin ito sa kaniya at titig na titig na parang natataeng ewan. Nasabi na niya ang mga nasabi niya, kailangan na lang ay panindigan niya yun.
Pagkatapos siya nitong titigan nang mataman ay bigla itong tumawa. Tapos ay tititigan siyang muli at biglang tatawa ulit.
Baliw ba siya?
"I can't believe this," mayamaya ay sabi nito.
The son of her boss looked at her again. Technically ito ang boss niya sa ngayon. Kaya mas tama lang na sabihin niyang hindi niya ito kilala. Dahil ayon sa golden rule ng lipunan, bawal makipagrelasyon ang empleyado sa boss niya.
Relasyon? Gaga Edel, wala naman kayo niyon. Kung ano-ano na naman ang iniisip mo.
"Sir, I really don't know what you're talking about. Kung wala na po kayong tanong sa akin, pwede po bang lumabas na?"
She wants to congratulate her self for not stammering. Nasabi niya rito yun nang diretso at hindi nabubulol kahit kabadong-kabado na siya.
"That's impossible, Edelita. You see, this face, it can't be forgotten easily. Hindi ako naniniwalang hindi mo ko nakikilala." Tumitig itong muli sa kaniya. Seryosong-seryoso.
"But, Sir--"
"I know you know me. I'm not dumb, Edelita. When you left me, you were sober, at imposibleng hindi mo matandaan ang mukha ko," wika nitong nagpatigil sa dapat na sana ay sasabihin niya.
"Pero, Sir, hindi ko po talaga alam ang sinasabi ninyo. Maybe, you've mistaken me for someone else," aniya sa kaharap.
"I'm as sure as hell that it was you, Edelita--"
"Edel, Sir. Call me Edel." Putol niya sa sasabihin nito. Kanina pa kasi ito banggit nang banggit sa buo niyang pangalan.
"Edelita. I like calling you that. Huwag mo kong utusan, because you're not my boss," he told her emphasizing the word 'boss'.
Eh 'di wow! Buwisit! Bakit ba kasi ayaw niya na lang maniwala. Ano bang issue niya?
"As I was saying, I wasn't that drunk when we did it. I remember your face, your body, how you moan, how you writh underneath me. I remember when you asked me to go faster, thrust deeper. I remember how you liked my touch."
Palapit ito nang palapit sa kaniya habang sinasabi yun. Siya naman ay atras nang atras hanggang sa bumangga na ang likod niya sa pinto ng opisina nito. Tumingin siya sa lalaking patuloy na lumalapit sa kaniya nang diretso. Wala na siyang aatrasan pa.
When he's finally close to her, he leaned. Sa tingin ni Edel, two inches na lang ang pagitan ng mga mukha nila. She could smell his scent.
Lord, bakit po ang bango ng lalaking ito? Ilayo n'yo po siya sa akin. Iadya ninyo po ako sa tukso.
Sinalubong niya ang mga tingin nito sa kaniya.
"I remember how you like my kisses." Bumaba ang tingin nito sa kaniyang mga labi.
"And if you really have forgotten everything." He leaned even closer. Ang mga labi nito ay halos humahalik na sa mga labi niya. Natutuliro na ang utak niya at hindi na siya makapagsalita pa. Titig na titig lang siya sa mga mata nito.
"I am more than willing to do it again, so you could remember it." Ang lakas nang kabog ng dibdib niya. Hindi siya makapag-isip nang tama. Dapat itinutulak na niya ito ngayon ngunit hindi niya magawa. Para siyang nahihipnotismo sa mga titig nito.
She knew that he's going to kiss her, pero imbis na itulak ito ay ipinikit niya pa ang kaniyang mga mata, anticipating his kiss.
Tangina! Bakit ako pumipikit. Hindi dapat 'di ba?
Wika niya sa isip, ngunit lumipas ang ilang segundo ay hindi pa rin lumalapat ang labi nito. Iminulat niya ang kaniyang mga mata para tingnan kung bakit hindi pa nito ginagawa ang inaasahan niya. Nasalubong niya ang mga mata nitong titig na titig lang sa kaniya. And when he's really about to kiss her, his phone rang.
He took his phone out to his pocket while still looking at her. Then he spoke. Magkalapit na magkalapit pa rin ang mga mukha nila.
"I'm just going to answer this call," he told her. "Stay still. Huwag kang malikot. We're not done yet, Babe. Sasagutin ko lang ito."
Hindi niya alam pero para siyang sunud-sunurang tumango lang sa mga sinabi nito. She did what he told her. Then he called her 'Babe'.
Gago 'to! Babe niyang mukha niya. Hindi ako baboy!
"Salvador, speaking," sagot nito sa kabilang linya. Ang mga kamay nito ay itinukod sa pinto at mas lalong idinikit ang katawan sa kaniya.
Mataman lang itong nakatingin sa kaniya habang nakikipag-usap sa kung sinoman ang nasa kabilang linya. He even mouthed 'you're beautiful' to her. Kaya naman parang hindi na siya makahinga dahil sa sobrang bilis nang t***k ng puso niya.
"Tell them that I'll be there, Hanz. May kailangan lang akong asikasuhin sa ngayon. I'll be there in half an hour."
Pagkasabi niyon ay muli nitong ipinasok sa bulsa ang cellphone nito at muling tumitig sa kaniya.
"Where were we?" Naniningkit ang mata nito na tila inaalala ang huli nitong mga sinabi bago may tumawag.
Hindi naman makasagot si Edel dahil unti-unti na namang lumalapit ang mukha ng binata sa kaniya. "Oh, yeah!" wika nito nang may maalala.
"Can't still remember me, Babe? 'Coz I'm willing to do everything we've done that night... over again," ani nito na may ngising nakakaloko.
Shit! What should she do? Ano? Aaminin na lang ba niya na natatandaan niya ito at lahat ng mga pinaggagagawa nila?
Ayaw naman niyang gawin nito ang mga sinasabi nito ngayon sa kaniya. Mamaya nga at totohanin pa ng walanghiya niyang boss ang mga sinabi, paano na? Ibibigay ba niya?
Baliw! Hindi ko na uulitin yun. Aaminin ko na lang, baka naman tigilan na niya ko kapag sinabi kong natatandaan ko nga siya.
Sinikap niyang ipunin ang lahat ng lakas ng loob na mayroon siya para unti-unti itong itulak. She has to clear her head. Bahagya siyang umayos ng tayo at itinulak nang bahagya ang lalaking sobrang lapit sa kaniya. Nagpatulak naman ito ngunit hindi ganoon kalayo. Tumikhim muna siya bago nagsalita.
"Sir, okay, I'll admit it. I remember you." There, she said it. So, what now? Hihinto na ba ito sa ginagawang pang-ha-harass nito sa kaniya?
Tinitigan siya nito sa mga mata bago ngumiti at lumayo. Humakbang ito palayo sa kaniya at naglakad sa mesa nito. Nakahinga naman siya nang maluwag ngunit ang puso niya ay ganoon pa rin kabilis ang t***k. Kung alam lang niyang iyun lang pala ang habol nito, ang aminin niyang natatandaan niya ito at ang lahat ng mga nangyari sa kanila, eh 'di sana hindi na siya nag-deny pa.
Lintek din kasi itong lalaking ito. Ano bang big deal doon? Muntanga si gago, ang lapad ng ngiti.
Nakaharap ito sa kaniya at matamang nakatingin habang ang lapad ng ngiti sa labi. Mayamaya ay huminga ito nang malalim bago nagsalita.
"I'll just need to go to my company right now. I have a meeting with some of my investors. I'll be gone for a while, but I'll be back," wika nito sa kaniya.
Nagpapaalam ba siya sa'kin?
"Okay, Sir," tugon niya rito at akmang ibubuka ang bibig niya muli para magpaalam nang maunahan siya nitong magsalita.
"I'll be back before lunch. Siguro naman wala kang gagawin sa lunch?" tanong nito pagkuwan, at namulsang nagtatanong sa kaniya.
"A-Ano po?"
"Let's have lunch together. I won't take no for an answer," wika nito with his I'm-serious-look.
Ano pa bang magagawa niya? Para naman kasi itong si Hitler kung makadikta. May pa- I won-t take no for an answer pa itong nalalaman. Siya namang si tanga, imbes na umiling at magsabi ng hindi, ay tumango pa.
Baka kung ano ang gawin sa'kin nito kapag himindi ako. Baka magalit tapos magbuga ng apoy. Burn! Toasted! Ang beauty ko.
"Great. I'll see you by lunch." Ang lapad ng ngiti nito. Parang sobrang saya naman yata nito dahil lang sa pumayag siya sa gusto nito.
"That's all for now, Edelita. Come on, let's get you back to work." Inilang hakbang lang siya nito at kinuha ang kaniyang kamay bago nito binuksan ang pinto ng opisina.
Karay-karay siya nito palabas at dire-diretso lang na naglakad na hawak pa rin ang kaniyang kamay. Huminto lamang ito nang tumapat ito sa mesa ng sekretarya ng boss.
"Laura, I'll be out for a while. If something happen, call me," bilin nito sa babaeng nakatanga lamang rito. Mayamaya ay bumaling ang tingin nito sa kaniya at sa kamay ng boss nilang nakahawak sa kaniya. Lumungkot ang mukha nito. "Laura? Do you understand?"
Napatingin naman muli si Laura rito at tumango. "Yes, Sir Ace."
"Good. Anyway, I'll be back for lunch." Pagkasabi nito niyon ay muli na naman itong naglakad at muntik pa siyang madapa dahil nahatak siya nito. Wala naman siyang magawa kung 'di ang sumunod lang dito dahil hawak nito ang kamay niya.
Hanggang makarating sila sa elevator. Pinindot nito iyon at nang magbukas ang pinto ay pumasok na ito na hawak pa rin ang kamay niya, kaya naman pati siya ay napasakay sa elevator.
He pressed the number 7 on the elevator pad. Yun ang floor kung saan naroon ang opisina nila. s**t! Maraming tao roon. Kung makikita sila ng mga iyon na hawak ng boss ang kamay niya ay tiyak na siya ang headline bukas sa buong opisina.
Sumara ang pinto ng elevator. Buti na lamang at sila lang dalawa ang naroon sa loob niyon habang hawak nito ang kamay niya. Kung nagkataon na may kasabay sila. Baka ngayon na siya ma-headline at hindi bukas.
"You know why I love elevators?" tanong nito na nagpaangat ng tingin niya rito. Nagtataka at nagtatanong ang mata niyang tumingin rito.
"I am free to do this and no one will stop me." And before she could ask for what he's talking about, Ace cupped her face and kissed her on the lips.
Nabigla siya sa ginawa nito at nanlalaki ang mata niya habang damang-dama niya ang mga labi nitong nakalapat sa kaniya.
Then his lips moved. He's kissing her like how he kissed her that night. Hindi naman magawang makapag-react ni Edel. Dapat ay itinutulak na niya ito at sinasampal, but she couldn't.
Hanggang sa tapusin nito ang halik. Tinitigan siya nito sa mga mata at ngumiti. Siya ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari. Bumalik lang siya sa katinuan ng tumunog ang elevator, hudyat na dumating na sila sa floor kung saan naroon ang opisina niya.
Buti na lang at walang tao pagbukas ng pinto ng elevator. Iginiya siya ni Ace palabas at muli itong pumasok sa elevator.
"As much as I want to walk you to your table, I won't do it. I know you don't want to be the talk of your co-workers. See you by lunch, Babe," sabi nito na may ngiti sa mga labi. Nakita niya pa itong nag-wave sa kaniya at namulsa bago sumara ang elevator.
Naiwan siya sa hallway na nakatanga. What just happened?
Lutang na naglakad siya patungo sa kanilang opisina. She couldn't believe what just happened there in the elevator. Mabilis din ang t***k ng puso niya.
He'll be back at lunch. We'll be eating together. He called me babe. He kissed me.
"Arrrgggg!!!" sigaw niya nang makaupo siya sa kaniyang table. Nagulat naman ang lahat at napatingin sa kaniya. Napangiti siya at nahihiyang nag-sorry sa mga ito.
Kung tototohanin nito ang sinabi nitong babalik ito bago mananghalian at kakain sila nang sabay, anong gagawin niya?
Tangina kasi! Bahala na nga!