NAKATINGIN lang si Ace sa harapan ng kaniyang computer sa loob ng opisina niya. Naroon siya ngayon sa TrACE ang kompanyang pag-aari niya.
It's been three days. Tatlong araw na siyang hindi pumupunta sa kompanya ng tatay niya. Three days na rin niyang hindi nakikita si Edel. After they ate in Jollibee ay inihatid niya lang ito sa GEEKY, then he went straight to his company to fix some problem with the suppliers. After that, hindi pa siya nakakapunta sa GEEKY till now, and he didn't know why but he's missing her.
He's not usually like this. After a one night stand, tapos na. Ganoon siya sa mga babae. He didn't want to be attached with them. Wala siyang panahon para sa mga ito. No strings attached, yun pa ang lagi niyang sinasabi sa mga babae before they have s*x. But with Edelita, it's different.
Siguro dahil iniisip niyang kakaiba ito. That instead of him leaving the woman after they had s*x, ito ang nang-iwan sa kaniya. Nanibago siya, and somehow, he was challenged. Gusto niyang malaman ang dahilan nito bakit nito ginawa yun.
Was he not handsome for her? Kaya nagmadali itong umalis dahil disappointed ito nang makita siya kinabukasan? Na gwapo lang ang tingin nito sa kaniya kasi lasing ito?
That's impossible. Mom used to say that I am handsome. Other girls were drooling over me. Imposibleng napangitan sa akin si Edelita.
"I'm going to find out why," wika niya sa sarili.
"Hoy! Baliw!" Nagulat siya nang bigla na lang may sumigaw. Nang tingnan niya kung sino ay nakita niya ang pinsan niyang si Reid.
"What are you doing here, Fucker?" Tinitigan niya ito nang masama. Ang pinsan niyang ito ay para kabute na lulubog-lilitaw. Bigla-bigla na lang itong sumusulpot, tulad ngayon. Hindi man lang niya namalayang nakapasok na ito sa opisina niya.
I'm spacing out again. This is not me.
"Tanga! Kompanya ko rin 'to. Magtaka ka kung nandito ako tapos 'di naman ako rito nagtratrabaho," wika nito at sumalampak sa couch na nasa loob ng opisina niya.
Hindi na lamang niya pinansin ito at tiningnan na lamang niya ulit ang designs na ipinasa sa kaniya ng mga arkitekto niya. Kailangan niyang pumili ng designs doon na gagamitin para sa real estate client nila na kapartner din nila sa negosyo. Pero mula pa kanina ay wala siyang mapili dahil wala naman doon ang focus ng isip niya.
"Nga pala, Pinsan. Ano ba yung sinasabi mong 'I'm going to find out why'? Kanina pa kaya kita tinitingnan. Ni hindi mo nga yata namalayan na pumasok ako ng opisina mo, eh. Lumilipad yata ang utak mo ngayon." May nakakaloko itong ngiti nang tumingin siya rito.
Prente lang itong nakaupo sa couch habang nakatingin sa kaniya. Maaliwalas ang mukha nito. Hindi ito mukhang tae ngayon. Mukha ring napakasaya nito.
"Wala ka na ro'n! Bakit ka ba nandito? You should be in the site."
"Tangina nito! Bawal na ba umabsent kahit isang araw? Boss kaya ako rito," reklamo nito sa kaniya.
"Tangina mo rin! Absent ka pala, eh, bakit nga nandito ka? Doon ka nga sa bahay mo," ganting sagot niya rito. Hinarap niya ito habang ito naman ay tumayo at may iniabot sa kaniya.
"'Yan! Ibibigay ko lang 'yan. Mga documents 'yan doon sa condominium nating project. Ang sungit-sungit mo. Kulang ka sa ano 'no? Naku baka lumot na lumabas diyan, delikado. Kawawa naman si girl," pang-aasar nito sa kaniya matapos ibigay ang hawak nitong folder.
"Tarantado! Alam mong hindi totoo 'yan. I was your mentor when it comes to girls."
"Hoy! Huwag mo kong igaya sa'yong babaero ka. Iisa lang ang love of my life ko," sigaw nito habang nangingialam sa mini ref niya sa loob ng opisina.
Patay gutom talaga.
"Love of your life? Iisa lang? Iisang daan?" pang-aalaska niya rito. May pagkapikon kasi ang pinsan niyang ito kaya masarap alaskahin. Ngiting-ngiti naman siya habang nakikita itong naiinis.
"For your information, Ace, my dear cousin. Iisa lang ang babae ko. Also, the other reason why I'm here is to tell you that I'll be gone for one week."
Mawawala siya for one week?
"Why? You have a project to look out, Reid. Bakit ka mawawala nang isang linggo?" tanong niya rito. Napatayo na siya at pinagsalikop ang mga braso sa kaniyang dibdib.
Reid would not absent especially if he has a project. Pero ngayon ay sinasabi nitong mawawala ito nang isang linggo. Ano na naman kaya ang pinagkakaabalahan nito?
"Me and my wife will go on our honeymoon. Pagbigyan mo na ko, Pinsan. Saka wala akong ibang babae. Yung maganda at mahalay kong asawa lang," sabi nito na pangiti-ngiti pa na akala mo ay nakikita ang asawang sinasabi nito.
"Asawa? Gago! Nagpakasal ka na? Kailan pa? Bakit 'di ko alam?" Masyado ba siyang naging busy para hindi malaman na nagpakasal na ang itinuturing niyang bestfriend, bukod sa pinsan niya si Reid.
"Last week lang and it's a long story. Biglaan din, eh. Nagmamadali kasi si misis. Baka mauntog pa sa pader yun at biglang magising kaya pinakasalan ko na," tatawa-tawa nitong sabi habang sumisimsim sa coke in can na nahanap siguro nito sa ref niya.
"Seryoso? Does Tito Raffy and Tita Reg know it?"
"No. Not yet. Ikaw pa lang ang nakakaalam and Ruby," ani nitong biglang bumakas ang lungkot sa mukha.
"Who's the unlucky girl, then?" Sumama ang mukha nito at tumingin nang masama sa kaniya. "Come on man, tell me."
"Yung crush ko. Yung bestfriend no'ng kapatid kong si Ruby." Bumalik na naman ang sigla nito sa mukha nang sabihin sa kaniya kung sino ang pinakasalan nito.
"I don't know her," sabi niya rito. Hindi naman niya kasi kilala ang bestfriend o mga kaibigan ng pinsan niyang si Ruby. Kahit pa nga close din ito sa kaniya ay hindi naman siya nag-uusisa tungkol sa mga kaibigan nito.
"Ipapakilala ko rin yun sa'yo. Mag-ha-honeymoon muna kami para wala nang kawala sa'kin."
"Well if that's the case, congratulations my dear cousin. Sige umabsent ka na. Kahit isang buwan pa. Laspagin mo yung asawa mo para 'di na makawala pa sa'yo. Ingat lang, baka mauntog yun tapos magising, hiwalayan ka bigla," aniya rito at sabay tawa.
"Gago! Yun talaga balak ko. Diyan ka na, ikaw na munang bahala rito. Saka kung ako sa'yo, huwag mo nang pakawalan pa kung sinoman 'yang gumugulo sa isip mo. I've never seen you like that before. Ngumingiti mag-isa, tapos biglang magsasalita... tangina! Baliw ka na, Pinsan." Pagkasabi niyon ay tumawa ito nang tumawa.
"Lumayas ka na bago pa kita patayin at hindi ka makapag-honeymoon," inis niyang wika sa pinsang si Reid.
"Oo na, aalis na." Nag-ba-bye pa ito at nag-flying kiss sa kaniya bago ito lumabas ng kaniyang opisina.
Minsan talaga, may pagka-abnormal at gago ang pinsan niyang yun. Pero hinding-hindi niya ipagpapalit yun kahit kanino. He's his bestfriend. Nagtampo man siya nang kaunti dahil hindi man lang siya inimbitahan nito sa kasal, ay masaya naman siyang makita na masaya ito.
Nasa tamang edad naman na ito para magpakasal. He's 29 and Reid is 30. Matanda lang naman ito nang isang taon sa kaniya pero hindi naging hadlang yun para maging close sila sa isa't isa. Being the only son of his parents, si Reid ang itinuring niyang nakatatandang kapatid.
Then he remembered what Reid said. Was he really smiling a while ago? Wala namang ibang laman ang utak niya kung 'di ang babaeng nasa kompanya ng tatay niya na tatlong araw na niyang hindi nakikita.
He's just curious about her. Valid reason naman siguro ang kagustuhan niyang malaman kung bakit siya nilayasan nito habang tulog na tulog siya sa kama. Ni hindi man lang kasi ito nagpaalam sa kaniya. Given the fact that she was a virgin, kahit siguro sapak sa mukha ay tatanggapin niya dahil sa pagkuha niya sa v-card nito. Nagsisisi ba ito sa mga nangyari sa kanila? He pleasured her that night. Siniguro niyang masisiyahan ito sa mga ginawa niya. He was gentle to her when he found out that she's innocent.
Nagsisisi nga ba siya?
Kaya ba ito nag-deny nang tanungin niya ito kung nakikilala siya nito?
"Once and for all, I want to know the reason why," wika niya sa sarili at naglakad patungo sa pinto.
Pagkalabas niya ay hinarap niya ang kaniyang sekretaryong si Hanz. "Cancel all my appointments. I'm going to GEEKY."
"Okay, Sir," tugon ni Hanz sa kaniya.
Siya naman ay tuloy-tuloy lang sa paglalakad at sumakay ng elevator. He has to ask her. Parang mababaliw na kasi siya sa kaiisip sa dahilan ng babaeng yun kung bakit umalis ito nang walang paalam.
Pagkarating sa basement parking ay agad siyang nagtungo sa kaniyang kotse at sumakay roon. Siguro kung malalaman niya ang dahilan nito ay titigil na rin siya sa pag-iisip. Pinasibat niya ang kaniyang kotse. He will go to GEEKY right now.
EDEL look at the monitor of her computer and look again to her wristwatch. Then she would sigh.
"Lalim ah." Napalingon siya sa nagsalitang si Emily. Mukhang kanina pa yata siya nito tinitingnan.
"Nakakapagod," wika niya rito at ngumiti.
"Mukha ngang pagod ka na. Kanina ka pa tingin nang tingin sa relo mo, eh. 3:45pm pa lang, gusto mo na bang umuwi?" tanong nito sa kaniya.
Tango lang ang isinagot niya rito. Hindi niya alam kung bakit sobrang tamlay niya ngayon. Wala siyang ganang magtrabaho. Feeling niya pagod na pagod siya kahit wala naman siyang masyadong ginagawa. Para bang may kulang.
Napangalumbaba siya sa kaniya mesa. Ayaw na niyang gumawa ng mga codes. Tinatamad na siya. Hihintayin na lang niya ang oras nang uwian. Tutal malapit na rin naman siyang matapos sa ginagawa niyang project, kaya hindi naman na siguro masama kung magpapahinga muna siya ngayon.
Naisipan niyang ayusin ang mesa niya, kaya yun ang ginawa niya habang hinihintay ang oras ng uwian. Niligpit niya ang ilang gamit at itinapon sa basura ang mga sticky notes na nakadikit sa mesa niya. May nakita pa siyang coupon ng Jollibee nang iangat niya ang keyboard ng computer.
Bigla niyang naalala ang boss niyang kumain kasama siya sa loob ng Jollibee tatlong araw na ang nakararaan. Pagkapasok pa lang nila sa fastfood chain na yun ay nagtinginan lahat ng mga naroroon. Sino ba naman kasing hindi titingin, naka-suit pa kasi ito tapos sa Jollibee lang kakain. Tapos rinig pa niya yung ibang mga babae roon na parang kinikilig lalo na no'ng magtanggal ng shades si mokong.
Siya ang pinapili nito ng kakainin nila. Umorder siya ng dalawang spaghetti with chickenjoy kasi yun ang favorite niya. Pero ang hudyo nangialam, lima ang inorder nito, tapos umorder din ito ng sundae saka fries. Gusto niya sanang magreklamo at itanong kung bakit ang dami nitong inorder pero naumid ang dila niya nang tumingin ito sa kaniya at ngumiti.
Pinabayaan niya na lang ito tutal ito naman ang magbabayad. Nang kumakain na sila ay wala silang imikan at mukhang totoo nga ang sinasabi nitong gutom ito, dahil naubos nito ang inorder nito ang tatlong spaghetti with chickenjoy, pati ang sundae nito at fries. Aba! Malay ba niyang patay gutom pala ang mokong na yun. Guwapo lang talaga kaya hindi halata. Samantalang siya ay isa lang ang nakain niya at itinake-out na lang ang natira.
Wala pa rin itong tigil sa pagtawag sa kaniya ng babe, kahit nasa Jollibee sila ay ganoon ito at todo asikaso. Naiilang siya sa ginagawa nito pero sa tuwing titingnan niya ang mga babaeng nasa paligid at nakatingin sa kanila ay parang gusto niyang sabihing 'Mainggit kayo!'
Matapos nilang kumain ay may tumawag rito. Nagpaalam ito sa kaniyang ihahatid na lamang siya pabalik sa GEEKY. Mayroon daw kasi itong emergency sa sarili nitong kompanya. At mula nang araw na yun ay hindi pa niya ito nakikita.
Namimiss mo?
Sabi ng isip niya. Bakit naman mamimiss niya ito? Buti nga yun at mukhang busy ito. Nagkaroon siya ng peace of mind dahil alam niyang hindi niya ito makakasalubong kahit maglakad-lakad siya ngayon sa buong kompanya.
Saka dapat niya itong iwasan dahil hindi ito healthy sa puso niyang bumibilis ang t***k kapag nasa tabi-tabi ito. Baka mamatay pa siya nang dahil dito, magka-heart attack siya bigla. Sayang naman ang beauty niya kung mamamatay nang maaga.
Natapos siyang mag-ayos ng gamit. Naisipan naman niyang i-text ang kaniyang mga kaibigan. Kukumustahin niya ito dahil wala man lang paramdam sa kaniya ang mga bruha.
To: Dos
Hoy! Lei? Musta?
To: Tres
Shie? Gala tayo?
To: Cuatro
Conyo girl? San ka?
To: Cinco
Jem... ?
Naghintay siya ng reply mula sa mga ito. Unang sumagot si Shiela.
From: Tres
Di me pwede. Busy eh.
Mayamaya ay may pumasok ulit na mensahe sa kaniyang cellphone.
From: Dos
Tangina ka! Bakit ngaun ka lng ngtxt? Kumustahin mo mukha mo.
Napatawa siya sa reply ni Lei. Kahit kailan talaga hindi nawala ang mura rito. Ito talaga ang nag-impluwensya sa kanila ng mura eh.
To: Dos
Tangina ka rin! Gagu labas tayo. Yoko inom. Kain lang.
From: Dos
Ge, txt mo sila. Dating gawi. 6pm.
Alam na niya ang ibig sabihin niyon. Kakain sila sa favorite nilang tambayan. Sa bente-silog na malapit lang sa bahay nila.
May pumasok ulit na mensahe, galing naman kay Ruby Ann.
From: Cuatro
House lang me. Why? Gimik?
To: Cuatro
Dating gawi raw. Kain sa bentelog. Lam mo na yun diba? Tangina wag ka maarte XD
From: Cuatro
I'm not maarte. Sige, we'll see you there. What time ba?
To: Cuatro
6pm. See you.
Si Jeremy na lang ang hindi pa sumasagot. Marahil ay abala ito sa trabaho nito kaya hindi ito makasagot. Pero kahit ganoon ay itinext niya pa rin ito.
To: Cinco
Jem? 6pm. Dating gawi. Bentelog ha. See you.
Kahit naman kasi anong busy nito ay dumarating ito basta sinabihan.
Isang oras na lang ang kaniyang hihintayin at makakauwi na siya. Itinuloy na lang niya ang ginagawa kanina at mamaya na lang siya mag-aayos ng sarili.
Nang tumingin siyag muli sa kaniyang relo ay 4:40pm na. Itinigil na niya ang kaniyang ginagawa at saka nag-ayos ng sarili. Mayamaya ay nakita na niyang nagtatayuan na ang iba. Lumapit sa kaniya si Jinky at nagpaalam na mauuna na itong bumaba.
"Hay! Salamat naman at uwian na. Makakapagpahinga na ko sa wakas." Rinig niyang sabi ni Emily na handa na para umuwi. Nilingon siya nito at saka niyaya nang lumabas.
Nagkukuwentuhan silang magkakatrabaho at nagkakatawanan hanggang makarating sila sa ibaba. Isa-isang nagpaalam sa kaniya ang mga katrabaho niya, gayun din si Emily na nagmamadali dahil itinext daw ito ng nanay nito at may emergency daw sa anak.
Bago siya lumabas ay inilagay niya muna ang kaniyang earphone sa tenga at saka ipinasok sa bag ang cellphone niya.
Nang makalabas ng building ng GEEKY ay nagulat siya dahil biglang sumulpot si Edward sa harap niya at hinarang siya. May dala itong bungkos ng bulaklak.
Nairita siya nang makita ito kaya akma niya itong lalagpasan nang pigilan siya ito.
"Ano ba?!" sigaw niya rito at inagaw ang braso mula sa pagkakahawak nito.
"Mag-usap tayo, Edel. I'm sorry. Patawarin mo na ko, please," wika nito sa kaniya sa tonong nagmamakaawa.
"Tigilan mo ko, Edward. Wala tayong dapat pag-usapan." Lumakad na siya palayo pero mapilit ito at sumunod pa rin sa kaniya.
"Please naman, Edel, mag-usap muna tayo. Kausapin mo ko."
Pero dire-diretso lang siyang naglakad na parang walang naririnig.
"Edel, mahal na mahal pa rin kita," sigaw nito na ikinatigil niya sa paglalakad.
Maraming tao ang nasa paligid at narinig ng mga ito ang sinabi ni Edward. Nagpanting ang tenga niya at uminit ang ulo niya bigla. Pumihit siya at naglakad pabalik dito.
Ang laki ng ngiti ni Edward nang makitang pabalik siya rito. Akmang yayakapin siya nito nang makalapit siya pero isang malakas na sampal ang isinalubong niya rito.
"Tangina ka! Ang kapal ng mukha mo para sabihin sa'king mahal mo ko! Kung mahal mo ko, hindi mo ko iiwan! Kung mahal mo ko, hindi ka titingin at maghahanap ng iba! Kung mahal mo ko hindi mo sana ko sinaktan. Putangina ng pagmamahal mo, kung ganyan lang din naman, iyo na lang 'yan!" Tumalikod siyang muli para iwan ito.
"Hindi ko naman sinasadyang saktan ka, Edel."
"Gago! Hindi sinadya? Sumama ka nang kusa sa babaeng yun tapos sasabihin mo hindi sinadya? Ano yun nagkasabay lang kayo sa jeep tapos sumama ka na sa kanila gano'n?! Tarantado ka!" Sasampalin niya sana itong muli nang mahawakan nito ang braso niya.
"Sumama lang naman ako sa kaniya kasi... kasi naibibigay niya ang bagay na hindi ko makuha sa'yo," wika nito habang hawak nang mahigpit ang braso niya.
Nangunot ang noo niya. Nang matanto ang sinasabi nito ay pilit niyang binawi ang braso sa pagkakahawak nito.
"Yun lang? Yun lang, Edward? Tangina! Wala namang dede yun, wala ring puwet, tapos nahumaling ka roon? Yun na lang ba ang batayan ngayon ng relasyon, ha, Edward?! Sabihin mo sa'kin, yun na lang ba, Edward?!" sigaw niya sa lalaking kaharap. Wala na siyang pakialam kung gumagawa na siya ng eksena sa labas ng building nila. Galit na galit siya sa walanghiya niyang ex.
"Lalaki ako, Edel. I have needs."
"Putangina niyang needs mo! Nakakadiri ka. Magsama kayo ng babae mong dos por dos. I am so done with you. Ayaw na kitang makita!" Tatalikuran na sana niya ito nang hawakan nito ang braso niya at pilit siyang pinapaharap dito.
Tatawagin na sana niya ang guard na nasa building nila nang may kamay na humawak sa balikat nito.
"P're, bitiwan mo ang girlfriend ko." Pag-angat niya ng tingin ay nakita niya si Ace na masama ang tingin kay Edward. Mukha itong papatay ng tao.
"Huwag kang makialam dito, Pare. Girlfriend ko ito at hindi mo girlfriend."
"I'll repeat. Let go of my girlfriend if you don't want to die." Nanlilisik na ang mata ni Ace at kinakabahan siya para rito.
Binitiwan naman ni Edward ang kamay niya at hinarap nito ang boss niya.
"Tangina! Sino ka ba?! Sinabi ng huw--" Hindi na nito natapos ang sasabihin nito dahil sinapak na ito ni Ace sa mukha.
Subsob ito sa semento at bago pa ito makatayo ay tinadyakan pa ito ni Ace sa likod.
"Kapag sinabi komg bitiwan mo ang girlfriend ko, bitiwan mo! Kapag sinabi kong huwag mong hahawakan, huwag mong hahawakan!" Tinatadyakan pa rin nito si Edward habang sinasabi nito yun.
Galit na galit ang itsura nito at parang gustong patayin si Edward, kaya naman lumapit siya kay Ace para awatin ito.
"Tama na. Hayaan na natin siya," makaawa niya rito. Tumigil naman ang lalaki sa ginagawa at hinarap siya. Kinuha nito ang braso niya at nang makita nitong may namumula yun ay napamura ito.
"Come on." Hinatak siya nito patungo sa kotse nitong nakaparada sa hindi kalayuan.
Pinagtitinginan pa rin sila ng mga tao pero parang wala itong pakialam. Diretso lang ito na naglalakad at nang marating nila ang kotse nito ay inalalayan siyang pumasok doon.
Nang makapasok ito ay agad nitong sinipat ang braso niya. Sobrang lapit nito sa kaniya at hayun ang puso niya, naghuhuramentado na naman.
Sa tatlong araw na hindi ito nagparamdam at ngayong nasa harap na niya ito at parang alalang-alala sa braso niyang nagpapasa na, parang naramdaman niyang bigla na namiss niya ito. Lalo na nang tumingin ito sa kaniya at ngumiti with his famous wink, ay nagwala na nang husto ang puso niya.
Tangina heart! Stop!