TULALA lang si Edelita na nakatingin sa monitor ng computer niya. Iniisip niya ang paghalik sa kanya ni Ace kanina.
Diyos ko, ano ba itong pinasok ko? Paano ko iiwasan ang lalaking 'yon?
Tapos inaya pa siya ng lalaki na iyon na mag-dinner at talagang hindi man lang hinayaang tumanggi. Siya naman itong gaga na hindi magawang tumanggi sa gusto nito mangyari.
Naiinis siya sa sarili niya dahil panay oo lang siya sa sinasabi nito sa kanya.
Hindi niya alam kung gaano katagal na nakatitig lang siya sa kawalan. Hindi niya namalayan na uwian na pala.
"Hoy! Kanina ka pa nakatulala dyan. Wala ka ba balak na umuwi?" pukaw sa kanya ni Jinky na nag-aayos na ng mga gamit na nagkalat sa lamesa nito.
Napakurap-kurap siya at tiningnan ang orasan na nasa gilid ng monitor niya. Ala-sais na ng gabi. Uwian na pala. Pero parang hindi siya excited dahil meron nga naman silang dinner date ni Ace.
Buntong-hiningang inayos na ni Edelita ang mga gamit niya sa lamesa. Nang masigurong maayos na ang mga gamit niya ay nagpasya na siyang umalis.
Hindi man lang sinabi sa kanya ni Ace kung saan at kung anong oras ba siya nito susunduin.
Napapiksi siya nang may bumusina. Napatingin siya sa itim na Wrangler na nasa harap ng GEEKY. Si Ace na ba `yan? Baka naman hindi.
Hindi niya na lang pinansin at baka hindi naman talaga ito si Ace. Kilala na niya ang sasakyan ni Ace kaya malamang ang sasakyan na nasa tabi ay hindi sa lalaki.
Gaga! Baka naman nag-iba lang ng sasakyan. Diba nga mayaman, baka maraming kotse.
Kaya napatitig ulit siya sa sasakyang pumarada at bumusina sa kaniya. Nagdadalawang isip siya kung si Ace ba yun o hindi, pero nakumpirma niyang hindi ito si Ace nang bumaba ang sakay niyon.
Isang lalaki na kung titingnan mo ay parang isang modelo sa magazine na kadalasan niyang nakikita. Naka-shades ito kaya hindi niya makita ang mga mata nito, pero parang sa kaniya ito nakatingin. Nagtaka siya nang maglakad ito patungo sa kaniya at ngumiti.
Putek! Ako ba nginingitian nito? Nagtatakang tanong niya sa sarili. Nang makalapit ito sa kaniya ay tinanggal nito ang shades na suot at ngumiti.
"Edelita? You must be Edelita, right? tanong nang lalaki na hanggang ngayon ay hindi niya alam kung sino.
Hindi kaya kidnapper `to? Wala naman pang-ransom ang nanay ko. Jusko! Kahit pogi po ito, hindi ako sasama!
Hindi niya malaman kung sasagot ba siya rito o hindi. Kinakabahan si Edel, iniisip niya kung bakit kilala siya nito at anong pakay nito nang biglang magsalita ulit ang lalaki.
"Hi, I'm Joe. Ace's friend." Inilahad nito ang kamay sa kaniya at nakipagkamay. Bantulot namang niyang inabot ang kamay rito. Kahit pa sabihin nitong kaibigan nito si Ace ay parang duda pa rin siya.
Duda ka pa ghorl? Pareho naman silang gwapo. Diba nga, same feather flocks together.
"Anyway, Ace asked me if I could pick you up. May date daw kayo," wika nito na ngumiti pa sa kaniya. Ang napansin niya sa lalaki ay may accent ito sa pagsasalita.
Baka foreigner. Mukha naman kasing hindi Filipino ang isang ito. English din nang English.
"Hello, ano kasi eh...ahm--"
"Are you ready? I'll take you to the restaurant now. By the way, you are pretty." Ngumiti na naman ito sa kaniya. Kung katulad siguro siya ng ibang mga babae baka nalaglag na ang panty niya dahil sa mga ngiti nito.
"Wait! Sir, I don't know you. How can I be sure if you are really Ace's friend? What if you are a kidnapper?"
Napatitig ito sa kaniya bigla at mukhang hindi makapaniwala sa sinabi niya. Nagulat si Edel nang malakas na napatawa ang lalaking nasa harap niya. Marami na rin ang nagtitinginan dahil sa tawa ito nang tawa at tila walang pakialam sa paligid. Maya-maya nama'y tumigil ito at naglabas ng cellphone. Hindi niya alam kung sino ang tinawagan nang bigla nitong iabot sa kaniya ang cellphone nito.
"It's Ace," nakangiting sabi nito sa kaniya. Kinuha niya ang cellphone nito at kinausap niya ang nasa kabilang linya.
"Hello?"
"Hey, Babe! It's me, Ace. I'm sorry I couldn't pick you up right now. May konting problema lang sa work. That's my friend Joe. Huwag kang matakot sa kaniya, he will not kidnap you. I asked him to pick you up and send you to the restaurant kung saan tayo kakain ng dinner." Tuloy-tuloy na paliwanag lang sa kaniya ni Ace.
So Joe is not lying. Inutusan talaga ito ni Ace para sunduin siya.
"Sana tinext mo na lang sa'kin ang address. Hindi mo na sana inabala ang kaibigan mo, Sir."
"I want you to be safe, saka baka hindi ka na naman pumunta just like before. Let Joe drive you to the restaurant, it's a bit far from GEEKY. Binigyan ko na ng instructions ang isang yan. He will just drive you, he will not touch you and he will not look at you in the eyes, and I told him not to smile. Sabihin mo sa'kin kapag may nilabag siya diyan and I will kill him."
Napangiwi siya sa huling sinabi nito. Hindi naman siguro nito iyon magagawa sa kaibigan nito. Pero minabuti na lamang ni Edel na hindi sabihing halos lahat ng sinabi nito na huwag gawin ng kaibigan ay ginawa ni Joe.
"Okay," wika niya sa kausap at ibinalik na niya ang phone kay Joe. May pinag-usapan pa ang mga ito bago muli siyang niyaya ni Joe na sumakay sa sasakyan nito.
Mukhang tinakot ito ni Ace dahil simula nang ibaba nito ang tawag ay hindi na muli ito ngumiti at tumingin sa kaniya. Pinagbuksan naman siya nito ng pinto pero hindi naman siya nito tinulungan makapasok sa sasakyan nito.
Diba nga sabi ni Ace, huwag ka raw hahawakan. Sumunod lang ang mokong niyang kaibigan sa utos ng mas mokong na si Ace.
Nakatingin lang siya sa labas ng bintana ng sasakyan ni Joe. Hindi niya alam kung saang restaurant ba talaga siya nito dadalhin. Nasa ganoong pag-iisip siya nang magsalita ito.
"Reid's place is really beautiful. You will like it there. He said that he built it because of his wife. He fancies her so much even though she's crazy," pagkukuwento ni Joe tungkol sa kung saan sila pupunta. Based on Joe's story, mukhang ang Reid na sinasabi nito ay mahal na mahal ang asawa dahil ipinatayo nito ang restaurant na iyon para dito.
Hindi na muling nagsalita si Joe pero pakanta-kanta naman ito habang nasa byahe sila. Sa tingin niya ay papalabas na ng syudad ang binabagtas nilang daan. Parang napakalayo na rin ng kanilang binabyahe kaya hindi na niya naiwasang magtanong kay Joe.
"Saan ba tayo pupunta? Saan na ba `to?" tanong niya rito, mukha naman kasing nakakaintindi ito ng Filipino. Nang tingnan niya kasi ang mga sign na nakikita niya sa daan, hula niya ay papunta na ito sa Tagaytay.
"We're heading to Tagaytay. Mapalit na tayo, and please, don't call me Sir," wika nito sa kaniya na. Hindi lang slang ang pananagalog nito, pilipit din. Kung hindi mo iintindihing mabuti ay hindi mo makukuha ang ibig nitong sabihin. Mukha naman kasi talagang hindi ito Filipino at malamang lumaki rin ito sa ibang bansa.
"If you don't mind me asking, Joe, what's your nationality? I mean, are you half?"
"Yeah! My lovely mother is a Filipina and my father is a badas$ Englishman. I grew up in Cambridge but studied in London. I met Ace when I went here for a vacation, he helped me out with the goons, he saved me. That's how we became friends," nakangiti nitong sabi habang inaalala nito kung paano ito nagkakilala at si Ace.
"Ace is such a good man, may topak lang tagala yun minsan. He is surely rich ,but his life wasn't perfect. Anyway, it's not my story to tell. Intanong mo lang sa kaniya." Tumingin ito sa kaniya at ngumiti nang makahulugan."
Gusto pa sana niya magtanong dito pero sinabi nitong nakarating na raw sila sa restaurant ni Reid. Tumanaw siya sa bintana at mula roon ay tanaw niya nga ang napakagandang restaurant.
The restaurant shouts elegance with a touch of nature, it has an overlooking view of the Taal lake. Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya ni Joe ng pinto. Agad siyang bumaba at nilanghap ang sariwang hangin ng Tagaytay. Mula sa kinatatayuan ay nakikita niya ang loob ng restaurant. Ang mga upuan nito ay kahoy, gayundin ang mga mesa. It's very cozy.
"Told you, you will like it here," sambit ni Joe na naunang pumasok sa restaurant habang siya ay sumunod lang dito. Kung maganda ang restaurant sa labas, mas maganda ito sa loob. Pagpasok nila sa restaurant ay agad silang binati ng staff. May sinabi lamang si Joe rito at mukhang alam naman na ng staff agad ang gagawin.
"So, paano, I'll go ahead. Mission accomplished na ako. Enjoy the rest of the evening, Edelita." Kumindat pa ito sa kaniya bago tumalikod at akmang maglalakad na palabas ng restaurant nang may tila nakalimutan itong sabihin. "Oh! He may look tough, but you know, he's hopeless romantic. Forgot to tell you that the whole place is reserved just for you two. Adios!"
Nakaalis na si Joe pero si Edel ay nananatili pa rin sa kaniyang kinatatayuan. Tama ba ang dinig niya? The whole place was reserved for their date? She have never imagined this in her entire life. Aaminin niya sa sarili niyang minsan ay nangarap siya nang ganito kay Edward, but then the b@stard cheated on her.
Ay letse! Bakit ko ba siya iniisip. Damuho siya!
She's still admiring the whole place, it's like a dream come true, a fantasy that becomes reality for her. Napangiti siya, ano kaya ang binabalak ni Ace at talagang inarkila pa nito ang buong lugar. The staff called her, kaya natigil siya sa kaniyang pag-iisip. Iginiya siya nito sa may likurang bahagi ng restaurant, naroon ang overlooking view ng Taal Volcano.
Sinundan niya ang staff, huminto ito sa isang mesang naroon na nakaharap mismo sa Taal Lake. May mga ilaw na siyang nagbibigay liwanag sa paligid. Tila yun mga alitaptap na nakasabog sa paligid. The place was also have a mini stage. Siguro may mga live band na nag-pe-perform dito.
Namamangha siya sa lugar habang tinutulungan siya ng staff na makaupo sa mesang ookopahin nila ni Ace. Speaking of Ace, iniisip ni Edel na marahil ay wala pa ito dahil ang sabi nito sa kaniya ay may inasikaso pa itong problema sa kompanya nito.
Baka mamaya nandito na rin yun.
"Ma'am, Mr. Ace called, malapit na raw po siya. For the meantime ma'am, mayroon po kaming inihandang show for you. Requested po ito ni Sir Ace," nakangiting wika ng lalaking staff na nag-assist sa kaniya kanina.
Tumango lamang siya at nagsabi ng 'thank you' sa mabait na staff. She took her cellphone in her bag to see if Ace texted her or called her, pero wala.
Sabi naman ng staff diba, malapit na raw si Ace.
Edel kept looking on her cellphone when suddenly the lights went off. Napadako ang mga mata niya sa mini stage na naroroon when the spotlight turned on. There was a band, pero hindi yun ang kaniyang napansin. Her attention was caught by the man on the center holding a mic, it's Ace. He's wearing a jacket, gwapong-gwapo pa rin ito in his casual style. Kahit ano yata ang isuot ng lalaking ito ay magmumukha itong isang modelo sa mga runway or fashion magazine. For Edel, handsome is an understatement to describe Ace, he's more of that.
Nagsimulang tumugtog ang bandang naroroon. Edel knew the song, it was her favorite.
Ace held the mic and began to sing Edel's favorite song. Buti na lang talaga at napag-alaman niyang ang pinsan niyang si Ruby at ang asawa ni Reid ay matalik nitong kaibigan. Hindi alam nang marami na siya ay marunong kumanta, but this time, just to woo Edel, he will sing her favorite song.
'When the visions around you,
Bring tears to your eyes
And all that surrounds you,
Are secrets and lies'
Edel couldn't take her eyes off of the man singing her favorite song. Everything happened flashback in her mind. Ace came when she was crying and felt unworthy. He came and save her from her ex-boyfriend who cheated on her.
'I'll be your strength,
I'll give you hope,
Keeping your faith when it's gone
The one you should call,
Was standing here all along...'
Is he really the one? tanong ni Edel sa kaniyang isip habang tinititigan si Ace na papalapit sa kaniya habang kinakanta pa rin ang paborito niyang kanta.
Nang makalapit sa kaniya si Ace ay may iniabot ito sa kaniya. Three roses. Hindi niya namalayan na may tinatago pala ito sa likod dahil ang buong atensyon niya ay nasa pagkanta nito.
Ibinaba na ni Ace ang mikroponong hawak at lumuhod sa babaeng nasa harap niya. Ang totoo ay wala naman talagang problema sa kaniyang kompanya. He was busy preparing all these surprises for Edelita. He didn't know why he's doing this but he's happy whenever he sees Edelita happy. There is something about her that captured his attention, he wanted to protect her.
Edel was confused on what was happening. Ace is now in front of her. May tila ito kinukuha sa bulsa ng jacket nito, and when he took it out, it was a bracelet.
"I know that everything happened between us was too fast. I didn't expect it too," panimula ni Ace habang nakaluhod pa rin sa harap ni Edel.
"But that doesn't matter anymore. What matters now is, you are here, you make my heart beats fast everytime I see you. You made me do the things that I don't usually do, just like right now. You made me smile just by thinking of you. You made me crazy thinking of the things that I should do just to make you smile and happy." Kinuha ni Ace ang kamay ni Edel.
"I don't know what you did to me. From the first time I saw you on that club. When I saw you with your ex-boyfriend and he hit you, that son of a b!tch. My blood boils everytime I remember that. Even up until today, I want you to be mine and mine alone. I want to protect you always."
Titig na titig si Edel kay Ace habang nagsasalita ang huli. She was so overwhelmed of what was happening. Hindi niya magawang putulin ang pagsasalita nito. Gusto niyang marining lahat ang gusto nitong sabihin.
"Edelita, Babe, let's make it official. Walang pagpapanggap. I want you to be mine and let me be yours. I will promise not to hurt you. Will you be my girlfriend for real?" Tuloy pa rin ang pagtugtog ng banda sa paborito niyang kanta.
Tama nga ang sinabi ni Joe, Ace looks tough but he's hopeless romantic. Nakatitig pa rin siya sa mga mata nito na kung saan nakikita niya ang sinseridad ng mga sinasabi nito sa kaniya. She couldn't believe that this is happening. She couldn't believe na gustong totohanin ni Ace ang lahat sa kanila. Wala siyang mai-o-offer na kahit ano rito, samantalang nandito nasa lalaking nasa harap na niya lahat. How could this man ask her to be his girlfriend? He is every woman's dream, and she is just Edelita Mae. A nerd who gave her most treasured possession to this man.
"Babe? Will you be my girlfriend?" ulit na tanong ni Ace sa kaniya nang hindi siya sumagot. Tinatantya niya ang sarili, will she say yes or no? With everything that Ace have said, sino ba siya para tanggihan ang inaalok nito. And with a smile on her face, she said it.
"Yes! I will be your girlfriend, for REAL!"
Ace put the bracelet on her wrist and hugged her. He was smiling from ear to ear. Dinig na dinig naman ni Edel ang hiyawan ng mga nasa likod nila. Tumayo si Ace at iginaya siyang tumayo rin at humarap ito sa mga staff at sa banda na kanina pa pala nanonood sa kanila.
"She's mine! She said yes!" sigaw nito habang hawak pa rin nito ang kaniyang kamay.
"Babe, I'm all yours now." Pagkasabi niyon ay hinalikan siya nito sa mga labi. Masuyo at buong ingat.
At the back of Edel's mind, she reminded her favorite quote, 'Everything happens for a reason.'
Bahala na si Batman! She will enjoy this moment.