LUTANG na pumasok sa opisina si Edel kinabukasan. Halos hindi siya nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa mga nangyari. Her mama met Ace unexpectedly.
Walanghiya naman kasi ang isang yun. Sulpot nang sulpot kung kailan hindi dapat.
"Puyat?" tanong sa kaniya ni Jinky nang makaupo siya sa kaniyang puwesto.
Tango lang naman ang kaniyang isinagot dito dahil tinatamad siyang magsalita. Ang gusto lang niyang mangyari ngayon ay magpahinga, ngunit hindi naman yun maaari dahil may tinatapos pa silang proyekto.
"Saan ka naman napuyat?" may panunudyong tanong naman ni Emily sa kaniya.
Tiningnan niya lang ito. Tamad na tamad talaga siyang magsalita sa mga sandaling iyon kaya bahala ang mga ito kung anoman ang isipin tungkol sa kaniya. Ngayong araw, pakiramdam niya ay pagod na siya sa pag-intindi sa sasabihin ng ibang tao. Tamad na rin siyang magpaliwanag pa. Hahayaan na lamang niya ang mga ito sa kung anoman ang isipin nila.
"Ay! Dedmadela! Oh, sige na nga. Mamaya ka na lang namin kukulitin," wikang muli ni Emily sa kaniya.
Tinitigan niya lang ang computer niyang nakapatay pa. Naaalala niya ang mga nangyari kagabi. Alam niyang magagalit ang mama niya sa kaniya dahil sa paglilihim niya rito. Inaasahan na nga niyang pagagalitan siya nito, ngunit himalang hindi yun ang nangyari.
Pagkapasok niya kasi ng bahay nila, mula sa paghatid kay Ace sa labas, ay hindi na ito nagsalita pa. Ni hindi rin ito nagtanong ng tungkol sa kung ano ba talaga ang mayroon sa kanila ni Ace. Nailigpit na rin nito ang pinagkainan nila at prente nang nakaupo sa sofa habang nanonood ng telebisyon. Hindi na rin naman niya inabalang kausapin ito at magpaliwanag pa. Baka kung ano pa ang masabi niya, madulas siya sa tunay na nangyari sa kanila ni Ace. Lagot siya sa kaniyang mama.
Pumasok na lamang siya sa kaniyang kuwarto upang magpahinga na sana, ngunit hindi naman siya dinalaw ng antok. Masyado kasi niyang inisip ang mga nangyari, ang pagdating ni Ace sa bahay nila hanggang sa makauwi ito. Hinalikan na naman siya nito. Nakakailan na ba ito sa pagnanakaw ng halik sa kaniya? Kung pwede lang talaga itong ipakulong ay ginawa na niya para wala nang mangungulit pa sa kaniya.
As if naman makukulong yun. Mayaman yun, eh. Baka ikaw pa ipakulong niyon.
Napabuntong hininga na lamang siya at binuhay na ang kaniyang computer. Kailangan niyang abalahin ang sarili para maiwasan niya ang sobrang pag-iisip.
Abala siya sa pagtingin sa kaniyang computer nang tumunog ang cellphone niyang nasa ibabaw lang ng mesa. Nang tingnan niya yun ay hindi niya kilala ang numerong lumabas sa screen. Hindi siya nag-atubiling sagutin yun dahil baka emergency ang tawag.
"Hello?" sambit niya nang sagutin ang tawag.
"Hey, Babe," sagot ng lalaking kilala na yata niya ang boses kahit hindi naman niya nakikita.
Saglit siyang natigilan bago muling nagsalita. "Sir," pabulong niyang ani.
"Sir? What happen to Babe?" Nakikinita-kinita na niyang nakakunot ang noo nito dahil na rin sa sinabi niya.
Ano ba ang dapat niyang sabihin dito? Kagabi, tinawag niya itong babe para lang hindi na ito mangulit at para umuwi na. Pero ngayon?
"Earth calling Edelita, are you still there?" Dinig niyang sabi nito sa kabilang linya nang hindi siya sumagot sa tanong nito.
"Nevermind. I knew it. Masyado lang siguro akong natuwa kagabi na kahit alam ko nang sinabi mo lang yun para umuwi na ko, pero pinaniwalaan ko pa rin ang sarili kong, you called me babe because you wanted it."
May himig ng pagtatampo si Ace at guilty as charge siya sa lahat ng mga sinabi nito.
"Hindi nam--"
"It's okay, Babe. You're still my babe. Anyway, have you eaten breakfast? Marami akong dinalang food. Akyat ka rito sa office ko." Masigla na ulit ang tinig nito nang muling magsalita.
Gusto nitong umakyat siya sa opisina nito at sabayan itong kumain. Sa totoo lang ay hindi rin naman siya nakapag-breakfast kanina. She was so occupied of what happened last night, dagdagan pa na late siyang nagising dahil nga napuyat siya sa pag-iisip.
What to do, Earth?
Will she oblige to his request or will she just say no to him? Ngunit bago pa siya makapag-isip ng dapat na sagot dito, nauna na itong sumagot.
"By the way, you can't say no. Just get up here and let's have breakfast together. Come on!"
"But--"
"And no buts, Babe," and Ace said that with finality in his voice. May magagawa pa ba siya?
"I'm waiting, Babe. Huwag mo sana kong paghintayin. It's either you'll go up here or I'll go there."
"I'll be there," she said without hesitation. Baka kasi kapag ito pa ang pumunta sa kaniya ay baka kung ano pa ang gawin nito.
"I'm waiting, Babe," ani Ace bago tinapos ang tawag.
May magagawa pa ba siya? Wala!
Kaya naman kahit ayaw niya, tumayo siya mula sa pagkakaupo. Hindi na siya nag-abala pang ayusin ang sarili. Bahala itong makita siya sa ganoong ayos, tila sabog dahil nga kulang siya sa tulog.
Tinatamad na tinungo niya ang pintuan ng kanilang department, lumabas doon at dumiretso sa elevator. She pushed the up button and waited for the elevator door to open.
Hindi naman nagtagal at bumukas na rin ang pinto niyon at dali-dali siyang pumasok. She pushed the number where Ace's office is located. It's on the top. Gamit nito ang opisina ng ama nito since he was his father's replacement.
Habang papalapit sa palapag kung saan naroroon si Ace ay bigla naman siyang kinabahan. Mamaya kasi ay kung ano na naman ang pinaplano nito.
Pero sabi naman niya kakain lang kami diba?
Huminto ang elevator, hudyat na narating na niya ang palapag kung saan naroon ang opisina ni Ace. Bumukas ang pinto niyon at kinakabahang lumabas siya roon.
"Mr. Salvador is waiting for you. You may go now to his office," wika ni Laura, ang secretary ng kaniyang boss.
Diretso niyang tinungo ang pinto ng opisina ng presidente ng kompanya. Bago siya kumatok ay isang malalim na buntong hininga muna ang kaniyang pinakawalan.
Ito na naman tayo, Edel.
"Come in. It's open." Dinig niyang sabi ni Ace sa loob.
Pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kaniya ang boss niyang abala sa pag-aayos ng lamesa. Napakaraming pagkain ang naroroon.
Fiesta? May iba pa ba kaming kasama na kakain?
Tumikhim muna si Edel para kunin ang atensyon ni Ace bago niya ito binati ng 'Magandang umaga'.
"Have a seat, Babe," wika ni Ace na abala pa rin sa pag-aayos ng mga pagkain na mukhang binili nito sa iba't ibang restaurant. "Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto mong kainin kaya umorder na lang ako ng kahit ano." Nakangiting presenta nito sa mga pagkaing inihain para sa kaniya.
"Ang dami po yata niyan, Sir" wika ni Edel habang tinitingnan ang mga pagkain na akala mo sampung tao ang kakain sa dami ng mga ito.
Nagtaka si Edel nang walang Ace na sumagot sa tanong niya kaya naman tumingin siya sa gawi nito. Nakita niyang nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kaniya.
Ano na naman kaya ang iniisip nito? Hala! Baka naman may binabalak na namang gawin ang mokong na 'to, ah.
"Sir, bakit po ganyan kayo makatingin sa'kin?" hindi makatiis na tanong ni Edel kay Ace. Bukod kasi sa naiilang siya sa mga tingin nito ay hindi niya mawari bakit parang bigla yata itong naging bad mood base na rin sa pagkakakunot ng noo nito.
"Why call me Sir, Babe? Diba, boyfriend mo na ko?" tanong nito habang mataman pa ring nakatingin sa kaniya.
"Pero kasi, Sir--"
"Stop calling me Sir. I am your boyfriend now and no one is here but us." Putol ni Ace sa dapat na sasabihin niya. Tumayo ito ng diretso at lumakad papalapit sa kaniya. Nang makalapit ito ay yumuko ito nang bahagya upang mas magtama ang kanilang mga mata.
"I told you, call me Babe or Baby or whatever endearment you have in mind. Everyone here knows that I'm your boyfriend now. I'm your handsome boyfriend who is willing to be your slave and knight in shining armor whenever you need me." Pagkasabi niyon ay ubod tamis itong ngumiti sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay upang igiya sa mesang puno ng pagkain.
"Now, let's eat my princess. Gutom na ang alipin mo."
Nagpatianod lamang si Edel nang paupuin siya ni Ace sa upuang naroon at subuan ng isa sa mga putaheng naroroon. Mabilis ang t***k ng puso niya. Hindi niya alam kung dahil ba yun sa mga sinabi ni Ace o dala lang ng puyat.
Hinahayaan niya lang na subuan siya ni Ace ng pagkain na mukhang gustong-gusto naman nito dahil sa ngiting naka-plaster sa labi nito. Hindi siya makapag-isip ng tama dahil sa mga narinig niya mula rito.
Tama ba yung narinig ko? Alipin? Princess? Hindi ko maintindihan!
"Stop!" Napatigil naman si Ace sa sana'y paglalagay na naman ng pagkain sa kutsara at kunot noong napatingin sa kaniya.
"Babe, what's wrong?"tanong ni Ace sa kaniya na ngayon ay matamang nakatingin na naman sa kaniya.
"Sandali. Ano...kasi...teka," hindi niya malaman kung ano ba ang sasabihin niya kay Ace.
"Hmmm?"
"Ano kasi..." Nangingirot na ang kaniyang ulo, habang si Ace naman ay hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Sino bang Princess?"
Malakas na napatawa si Ace dahil sa tanong niya. Naiinis siyang tumingin dito. Hindi niya mawari kung ano bang mali sa tanong niya.
Nang makita nitong tila naiinis na siya ay tumigil ito sa pagtawa at umayos ng upo. Ngumiti ito at bahagyang pinisil nito ang kaniyang pisngi. "Silly, siyempre ikaw yung princess. You are my princess."
Nang mapagtanto kung ano ang sinasabi nito ay napatango tango siya. Eh, sino naman yung alipin?
"Sino naman yung alipin?" sambit niya na ikinatawa na naman ni Ace.
"Me! I am your slave," wika nito na itinuro pa ang sarili.
"Ikaw? Alipin ko? Pero, Sir--"
"I told you to stop calling me sir. Isa na lang hahalikan na talaga kita," banta nito sa kaniya na ikinatigil naman ni Edel sa pagsasalita.
"Do you have any question?" Umiling-iling si Edel na parang bata bilang tugon. "Can we eat now?" tango lamang ang isinagot niya rito.
Akmang kukunin ni Edel ang kutsarang kanina ay hawak ni Ace nang maunahan siya nang huli. "Ako na, Babe. I told you, I'm your slave." Wala na siyang nagawa nang subuan na naman siya nang pagkain nito.
Natapos ang pagkain nila na wala siyang ginawa. Hindi na rin naman siya nakipagtalo kay Ace habang siyang-siya ito sa pagsusubo sa kaniya ng pagkain. Hindi rin naubos ang mga pagkaing dala nito dahil parang siya lang naman talaga ang kumain at hindi kumain si Ace. Patuloy pa rin ito sa pag-aasikaso sa kaniya, mula sa pag-inom ng juice hanggang sa pagpupunas ng tissue sa kaniyang bibig ay ito ang gumawa. Mukhang tinotoo nito ang sinabing alipin niya ito.
"I have a meeting today, but I will be here at 12 noon. Saan mo gustong kumain?" tanong ni Ace sa kaniya habang inililigpit nito ang mga natirang pagkain sa mesa.
Pagkain na naman? Ano bang balak nitong gawin sa'kin?
"Pwedeng pass muna? Busog na busog po kasi ako, feeling ko hanggang mamayang lunch na 'to, Si--, I mean, Babe." Napapangiwing sabi niya kay Ace nang maalala niyang hindi nga pala niya ito pwedeng tawaging sir dahil baka totohanin nito ang sinabi at halikan nga siya.
"Is that it? Baka ayaw mo lang akong kasabay," may himig nang pagtatampong wika nito sa kaniya.
"Hindi naman po sa ganoon. Talagang nabusog po ako at feeling ko nga na-empatso pa ako sa dami ng kinain natin." Na ako lang naman talaga ang halos kumain sa dala mo.
"Alright! Sige, if that's what you want. Your wish is my command," sambit nito na kumindat pa sa kaniya.
Minsan magulo rin ang isang 'to. Kanina bad mood, tapos nagtatampo, ngayon naman may pakindat pa. Bipolar yata ang isang 'to, eh.
"Anyway, Babe. Kung ayaw mong kumain, that's okay, but I'll pick you up at 5pm. Huwag mo akong tatakasan ulit. Let's eat dinner together, instead," sabi sa kaniya ni Ace nang matapos nitong ayusin ang mga natirang pagkain kanina. "And no buts, Babe."
Tumango na lang siya sa sinabi nito. Ano pa nga ba ang magagawa niya? May pasabi-sabi pang 'I'm your slave', pero siya naman din ang nasusunod. Sabi ng kaniyang isip.
"Let's go!"
"Saan?" takang tanong ni Edel kay Ace ng hawakan nito ang kamay niya at yakagin siya patungo sa pinto ng opisina nito.
"I'll take you to your floor." Parang wala lang na sabi nito sa kaniya habang karay-karay siya papalabas sa opisina nito. Wala siyang nagawa kung hindi magpatianod. Ngumiti lang siya kay Laura nang mapadaan sila sa mesa nito.
"Ano...ahmm...pwede bang huwag mo na kong ihatid sa opisina namin?" sambit ni Edel kay Ace habang hinihintay nila ang pagbukas ng pinto ng elevator.
"Why? Everyone knows that we're in a relationship, there's nothing wrong if I walked you to your office," balik tanong nito sa kaniya habang pumapasok sa loob ng elevator nang bumukas ang pinto niyon.
"Pero kasi...para walang issue." Ayaw niya kasi talagang pinag-uusapan sa opisina nila. Lalo pa ngayon na kalat na sa buong building na boyfriend niya kuno si Ace, mas lalong ayaw niyang makita ng mga tao na magkasama sila. Baka kasi kung ano ang isipin ng mga ito sa kanilang dalawa, lalo na sa kaniya. "Please?"
Bumuntong hininga si Ace bago niya pinindot ang floor kung saan naroroon ang opisina ni Edel. Gusto niyang ihatid ito para na rin malaman ng ibang mga tao na totoong girlfriend niya ito at kung may aaligid mang lalaki rito ay maiging malaman na ng mga ito na sa kaniya lang si Edel.
She's mine alone. Sabi ni Ace sa sarili.
"Alright, Babe, pero sa isang kondisyon," sabi niya kay Edel.
"Ano?" tanong ni Edel na kinakabahan dahil baka kung ano na naman ang hilingin nito sa kaniya. Jusko! Ano na naman kaya ang naisip nito?
"This, Babe."
Walang sabi-sabing humarap ito sa kaniya at hinawakan ang magkabila niyang pisngi at sa kanyang mga labi. Pagkatapos ni'yon ay hinayaan na siya nitong bumlik sa department niya ng mag-isa.