Chapter Sixteen

2717 Words
Everything went smooth between Edel and Ace. It's been a week since Ace asked her to be his girlfriend for real, and to her surprise, Ace has been a very good boyfriend to her. Napakamaasikaso nito. He would pick up her everyday, at sabay silang pumapasok. Pero hindi pa rin sanay si Edel. Everytime they went to work together, Ace would hold her hand and it seems that he didn't care about the people staring at them. They will eat breakfast together and after that, he would walk her to her floor. That's their routine for a week. Now, here she is, waiting for Ace to come. May usapan kasi sila nito na lalabas silang dalawa. Ace told her that he will bring her to places she have never been. Nasaan na kaya ang lalaking yun? "Wala pa ba si Ace, Anak?" tanong ng mama ni Edel sa kaniya. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa kaniya. Kanina pa kasi siya tanaw nang tanaw sa labas kung nandyan na ba ang kotse ni Ace. "Wala pa nga, Ma, eh. Ewan ko dun, baka na-traffic," sagot niya sa ina. "Eh, baka nga. Mag-a-alas otso pa lang naman nang umaga, rush hour pa. Baka nga natrapik yun. Bakit hindi mo na lang hintayin doon sa loob kaysa para kang giraffe dyan na kandahaba ang leeg mo," wikang muli ng kaniyang ina habang kinukuha nito ang hose na siyang pandilig sa mga halamang naroroon. "Eh, para mabilis sana, Ma," "Excited lang? Pumasok ka na doon at mainit dito. Hayaan mo at kapag dumating isisigaw ko." "Okay lang ako rito, Ma. Vitamins pa rin naman yang araw, hindi naman gaanong mainit dito," sabi niya sa ina na ngayon ay nagdidilig na ng mga halaman nito. "Ku! Bahala ka nga dyan. Pero alam mo, Nak, masaya akong nakikita kang excited at mukhang masaya. Hindi yung katulad nung kayo pa ni Edward. Hindi ko talaga gusto yun para sa'yo, eh. Ikaw lang itong mapilit," wika ng kaniyang ina habang umiikot ang mata nito. Hindi naman lingid sa kaalaman ni Edel na talagang ayaw ng nanay niya kay Edward. Tulad din ng sinabi nito, siya lang ang nagpumilit dahil ang akala niya, si Edward na ang kaniyang 'the one'. Sobra kasing green flag ito para sa kaniya, kaso ang hindi niya alam ay patago na pala siya nitong niloloko. "Pero, Nak, huwag masyadong magmadali ah. Kilalanin mo munang mabuti si Ace. Kahit na kilala natin ang pamilya nila at tinulungan tayo ng mga magulang niya, iba pa rin na kilalanin mo si Ace bilang siya," wika ng nanay niya habang patuloy ito sa pagdidilig ng mga halaman nito. "Opo, Ma. Huwag po kayong mag-alala, susundin ko po ang mga payo ninyo," nakangiting sabi niya rito. Mabuti na lang talaga at nagkaroon siya ng nanay na istrikto pero mabait. Simula nang mamatay kasi ang tatay niya, ito na ang nagtaguyod sa kaniya sa tulong na rin ng mga magulang ni Ace. Nagkuwentuhan pa sila ng nanay niya nang makita niya ang pagdating ng kotse ni Ace. Sa araw-araw na nakakasama at nakikita niya si Ace, Nakikilala na niya unti-unti ang ugali nito. Ngayon nga ay kabababa lang nito sa sasakyan. Hindi ito pumapayag na hindi siya pagbuksan ng pinto ng sasakyan at alalayan. Pakiramdam tuloy ni Edel ay para siyang mamahaling gamit kung ingatan nito. Ang gwapo na, ang gentleman pa. Saan ka pa, Edel? wika ni Edel sa kaniyang sarili habang papalapit ang gwapong gwapo niyang boyfriend na si Ace. "Good morning, Tita. Good morning, My Princess. Let's go?" bati nito at tanong sa kaniya nang makalapit. Ngiting-ngiti si Ace na mas lalong ikinagwapo nito. "Sige na, umalis na kayong dalawa. Mag-iingat kayo kung saan man kayo papunta, ah. Edel, yung bilin ko, huwag mong kalimutan," "Yes, Ma. Ingat din po kayo rito," wika ni Edel sa mama niya habang nakamasid ito sa pag-alis nila ni Ace. "Sige po, Tita. Iingatan ko po itong prinsesa ninyo na reyna ko na ngayon." Hinampas ni Edel si Ace sa braso na siya namang ikinatawa nito pati ng kaniyang ina. "Oh, siya, sige at lumakad na kayo. Mag-iingat kayo ah," pahabol na paalam ng mama ni Edel sa kanila. As usual, pinagbuksan muli si Edel nang pinto ni Ace. Wala naman siyang maipipintas kay Ace simula nang maging sila dahil napaka-caring nito at thoughtful. Akalain ba niyang ganito pala ang lalaking naka-one night stand niya. Caring, thoughtful, gwapo, mabango, isa na lang talaga ang kulang, eh. "Babe, saan tayo pupunta?" tanong ni Edel kay Ace. Medyo nasasanay na rin siya sa pagtawag dito ng 'Babe'. Ipinilit kasi nitong tawagin niya ito sa ganoon dahil ayaw nitong tinatawag niya lang ito sa pangalan. Para din daw malaman ng buong mundo na mag-nobyo sila. "Secret. It won't be a surprise anymore if I tell you. Basta chill ka lang diyan." Kumindat pa ito sa kaniya sabay ngiti kaya hindi niya maiwasang hindi kiligin sa mga gawi nito. Ibang klase talaga ang karisma nitong mokong na `to, eh. May pakindat at smile pa, kala mo talaga gwapo eh. Shonga! Gwapo naman talaga siya at yummy pa. Nagtatalo ang isip ni Edelita, kaya hindi niya napansin na may tinatanong pala si Ace sa kaniya. "Babe? Are you there? Earth calling Edelita Mae Mendez, are you here with us?" "Huh? Ano nga ulit yun?" "Sabi ko, okay lang ba na mama na lang din ang itawag ko kay tita?" tanong sa kaniya ni Ace. Medyo nabingi yata siya, tama ba ang dinig niya na gusto ni Ace tawagin ang mama niya ng MAMA? Lihim siyang kinilig at napangiti. "Aba, ewan. Kay mama ka magtanong, huwag sa'kin. Itanong mo kung gusto ka ba niyang maging anak." Inirapan niya pa ito kunwari pero deep inside ay todo naman ang kilig na nararamdaman niya. Tengene nemen tong leleke ne te, eh. Ayaw tumigil magpakilig juskopo! "Okay, I'll ask tita if I can call her mama. Jowa ko naman ang anak niya eh." "Hoy! Saan mo naman natutunan yang salitang jowa? Di bagay sa'yo," namamangha niyang tanong dito. Hindi naman kasi niya akalain na marunong pala ito ng mga ganoong salita. Masyado kasi itong pormal minsan at panay ang English kaya hindi siya makapaniwalang nag-gay lingo ito. "Doon sa asawa ni Reid. Sabi niya jowa mo raw ako. When I asked her what is jowa, she told me that it's girlfriend or boyfriend. So you're my jowa." "Sus! Kung ano-ano mga natututunan mo." Inirapan niya ulit ito at tumingin sa labas ng bintana. Pamilyar sa kaniya ang lugar na tinatahak nila. Sa pagkakatanda niya ay parang nakarating na siya rito noong bata pa siya. "Teka, Babe. Saan tayo papunta?" Nag-aalalang tanong niya kay Ace. Kung tama ang hinala niya ay mukhang daan ito sa subdivision kung saan nakatira ang boss niya. "You'll see. Just relax, Babe." Hinawakan nito ang kamay niya para siguro kumalma siya pero hindi niya maikalma ang sarili. Ano na bang episode `to? Meet the parents na ba? Malakas ang t***k niya habang tinatahak nila ang daan papasok sa isa sa sikat na subdivsion sa bansa. Mukhang tama nga ang hinala niya nang pumasok ang sasakyan ni Ace sa isa sa mga naglalakihang bahay roon. "Ready, Babe?" Naigarahe na pala ni Ace ang sasakyan nang hindi namamalayan ni Edel. Namamangha kasi siya sa laki ng bakuran gayun din ng bahay ng boss niya. Nag-umpisa na namang tumibok nang mabilis ang puso niya sa kaba, pinagpapawisan na rin siya at hindi niya alam ang gagawin. Bakit naman hindi agad sa'kin sinabi ng mokong na `to na dito kami pupunta. Jusko pong pineapple! Malayo ba ang labasan kapag tinakbo ko? "Babe? Let's go, baba ka na d'yan." Napagbuksan na rin pala siya ni Ace ng pintuan at ngayon nga ay niyayakag siya nitong pababa. Hindi maalis alis ang kaba niya. Ang dami nang pumapasok sa isip niya ngayon na mas lalong nakakapagpakaba sa kaniyang dibdib. Anong sasabihin ko sa kanila? Mag-ha-hi ba ako? Magbebeso ba ako? Teka, uso pa ba yung pagmamano? Magmano na lang kaya ako. Hindi malaman ni Edel ang gagawin niya. Hawak ni Ace ngayon ang kamay niya at iginigiya siya papasok sa isang malaking pintuan. Hindi rin siya mapakali sa suot niya, iniisip niya kung maganda ba ito, kung presentable ba siya sa paningin ng mga ito. Lalo pa siyang kinabahan nang marinig niya ang boses ng mama ni Ace. "Ace, anak! Welcome home. Si Edelita na ba yang kasama mo?" tanong ng ina ni Ace habang pababa ito sa hagdang nasa gitna ng lobby ng bahay. "Yes, Mom. Here she is, My Girlfriend." Ngiting-ngiti naman si Ace habang pinapakilala siya nito sa ina nito na masasabi niyang napakaganda at elegante. Kinabahan na naman siya nang makitang papalapit ito sa kaniya. "Hello, Edelita. I'm Czarina." Bebeso sana ito kay Edel pero dahil sa kaba ng huli, kinuha niya ang kamay ng ina ni Ace at nagmano rito. Nagulat man ang ina ni Ace ay hinayaan lang siya nito at ngumiting muli. "I like her, Anak. She's traditional." "Yes, Mom. That's why I like her so much." Ngiting proud naman ang jowa niyang mokong na hindi man lang siya inabisuhang ipapakilala siya sa mga magulang nito. "Have you eaten breakfast?" tanong ng ina ni Ace sa kanila. "Not yet, Mom." "Well, dito na kayo mag-breakfast, like what I told you a while ago. Tara doon tayo sa may lanai mag-breakfast. Come on, Edelita." Kinuha nito ang kamay niya at hinila siya sa sinasabi nitong lanai. "How are you, Edelita?" tanong nito sa kaniya na hindi pa rin binibitawan ang kaniyang kamay. Very gullible ang ina ni Ace at masasabi niyang mukhang mabait ito. Napakalambot din ng kamay nitong nakahawak sa kaniya. Bigla tuloy siyang na-concious sa kamay niya na magaspang yata kaya gusto niyang bawiin ito mula sa pagkakahawak ng ina ni Ace. "A-ayos naman po ako," kimi niyang sabi. "Pwede po bang Edel na lang po ang itawag n'yo sa'kin? "But why? Ang cute kaya ng Edelita, though you're tall, but your name is cute." "Ah, hehe...sige po, Ma'am, kung yun po ang gusto ninyo," nahihiya niyang sabi sa ginang. "Oh! Please call me mommy, doon din naman ang tungo ninyo ni Ace. So better call me mama na para masanay ka na." Ngumiti pa ito sa kaniya at iginaya siya pintong palabas ng bahay. Ang lanai pala na sinasabi nito ay ang veranda ng bahay na nakatanaw sa likurang bahagi ng bahay. Makikita roon ang pool na nasa ibaba at bahay kubo. Tila ito isang resort na maraming halamang nakapalibot, may hammock din sa may bandang gilid. Manang-mana sa anak, makulit din. Pero infairness ang ganda rito. "Mom, huwag mo naman masyadong biglain ang girlfriend ko, baka matakot, eh," sambit ni Ace na nasa likuran at nakikinig lamang pala sa usapan nila ng ina nito. "Huwag kang matatakot, Edelita, dear. Hindi na rin naman na kayo bata ni Ace at kasalan din naman ang tungo ninyong dalawa kaya it's okay to call me mommy." Pagkarinig ni Edelita sa salitang kasal ay muntik na siyang mapaubo. Masyado siyang nabibigla sa mga sinasabi ng nanay ni Ace. Mag-ina nga silang talaga. To the rescue naman agad ang kaniyang boyfriend na si Ace nang akmang uupo ang ina nito, at gaya ng isang tunay na gentleman, pinaghila rin siya nito ng upuan at umupo na rin sa kaniyang tabi. Inutusan naman ng ina ni Ace ang kasambahay na naroroon upang ipaghanda na sila nang makakaing agahan. "Your father will be here in a while. Edelita, feel your self at home, ha. This will be your home soon na rin." Hindi mawari ni Edel kung ano ba ang ire-react niya sa mga sinasabi ng mommy ni Ace. Kanina gusto lang nitong tawagin niya itong 'mommy', tapos binanggit nito ang kasal, ngayon naman binabanggit naman nito ang tungkol sa pagtira niya sa bahay ng mga ito. "Mom, huwag mo naman takutin si Edelita. We're just starting, soon we will get there. Diba, Babe?" Ang mokong na si Ace ay ngiting-ngiti naman sa kaniya. Hindi alam nito na halos hindi na siya makahinga sa kaba at sa mga pinagsasasabi ng ina nito. "What we have here?" anas ng boses na alam na alam ni Edel kung sino. "Hi! Heart, meet our daughter in law, Edelita," sambit ng ina ni Ace sa asawa nito. Ngumiti lang ang kaniyang boss sa kaniya at tumingin ito sa anak nitong si Ace. "How are you, Son?" tanong nito nang makaupo na sa isa sa mga upuan doon. "Good," sagot ni Ace sa ama nito. Naramdaman ni Edel na parang may hindi tama sa mag-ama. "How about you, Edelita? Is my son treating you right?" baling-tanong nito kay Edel. "I'm fine, Sir." Tumingin muna siya kay Ace na humihigop lang ng kape sa tabi niya. "And yes, Ace is treating me right, sobra pa nga po." Ramdam ni Edelita ang tension sa pagitan ng ama ni Ace at ng kaniyang nobyo. "Well, good to hear that. May tama naman palang alam na gawin `tong anak ko," ani ng ama ni Ace na si Sir Rodolfo. Nilingon niya si Ace sa tabi niya na halatang nagpipigil lang. Kitang kita niya kung paano gumalaw ang panga nito, halatang naiinis ito sa sinabi ng ama. "Rodolfo! Tama na `yan. Let's have breakfast first," saway ni Czarina sa asawa. Alam niyang hindi maganda ang trato ng dalawa sa isa't isa kaya hangga't maaari ay pinipili ng mga ito na hindi magkita. Napilit lamang niya ang kaniyang anak na pumunta rito at isama ang nobya dahil gusto niya itong makilala. "Mom, I think kailangan na rin namin umalis ni Edelita. Marami pa kasi kaming pupuntahan, eh." Nilingon ni Edel si Ace na ngayon nga ay naghahanda na sa pagtayo para umalis sa lanai kung saan sila nagsasalo ng agahan. "Ang bilis naman, Anak. We haven't talked that much yet. Hindi pa rin nakakakain ng breakfast ang girlfriend mo," sambit ng ina ni Ace. "It's okay, Mom. Sa labas na lang po kami kakain. Baka kasi sumakit ang tiyan ko `pag kumain pa ako rito." "But, Son--" "Let him, Czarina. That's what he always do. Kung ayaw, huwag mong pilitin. Until now, he's not changing," ani ng ama ni Ace. Kitang-kita ni Edel ang lahat ng mga nangyayari pero naguguluhan siya at hindi niya alam kung ano ang ire-react sa mga pangyayari. Dama niya ang tensyon sa pagitan ni Ace at ama nito. Kung anong dahilan, marahil ay itatanong niya mamaya kay Ace. Even the smile on Ace's face was gone, puno ng pagkairita ang mukha nito. Nakakuyom din ang kamao nito na tila pinipigilan ang galit sa ama. "Let's go, Babe." Hinawakan ni Ace ang kamay ni Edel at giniya palabas sa lanai patungo sa kung saan ipinarada ni Ace ang sasakyan kanina. Naririnig niyang napapalatak ito. "Sabi ko na, eh. We shouldn't go here. That bastard old man. Hinding hindi na talaga siya magbabago," sambit nito habang karay-karay pa rin siya hanggang sa garahe. Pinagbuksan siya nito ng pinto at pinapasok bago ito umikot sa kabilang pinto at sumakay roon. Gusto mang magtanong ni Edel tungkol sa mga nangyari ay hindi niya magawa. Kita pa rin niya ang inis sa mukha ni Ace. Hindi naman nagtagal ay nagmamaneho na ito palabas ng subdivision. Nang makita ni Edel na hindi pa rin ito kumakalma ay hinawakan niya ang kamay nito at pinisil. Napalingon naman si Ace sa kaniya at agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito nang makita siyang nag-aalala. Napabuntong hininga na lamang ito. "I'm sorry you have to see that. We're not really in good terms," pagkuwa'y sabi nito sa kaniya na hinawakan na rin ang kaniyang kamay at dinala sa mga labi nito para halikan. "It's okay. Hindi mo kailangan ikuwento ngayon," sambit niya rito. Hihintayin na lamang niyang magkusa itong magkuwento sa kaniya. Kung ano man ang dahilan ng alitan nito at ng ama ay handa niyang pakinggan at intindihin lahat. "Thank you, Babe." Hinalikan muli nito ang kaniyang kamay at hindi na binitawan pa. "Let's go to Quezon. My lolo lives there, I want you to meet him," sambit ni Ace sa kaniya at bumalik na rin ang sigla nito. Napangiti na rin siya at tila excited na itinaas pa ang kamay ng nobyo. "Alright! Let's go to Quezon!"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD