TULALA lang si Edel na nakaupo sa isang sulok sa Starbucks, iyun ang lugar na pinagkasunduan nila ni Shiela, para kunin ang kaniyang bag. She was thinking what happened a while ago.
Nakilala kaya niya ko? Mukhang oo, mukha rin namang hindi.
"Arrrggg!!!" inis niyang sambit sa sarili sabay sabunot sa kaniyang buhok.
"Hoy!!!" sita sa kaniya ni Shiela na binatukan pa siya nang maabutan siya sa ganoong ayos. "Mukha kang tanga, alam mo yun?"
"Aray! Huh!" Pinukol niya ito nang masamang titig pero ang bruha niyang kaibigan ay nginitian lang siya.
"Ano bang nangyayari sa'yo? Don't tell me nasisiraan ka na ng ulo. Hindi ako maniniwala, kasi matagal ka na talagang sira-ulo." ani ni Shiela at tumawa pa nang malakas kaya naman napatingin sa kanila ang ilang mga naroroon.
"Bruha ka talaga kahit kailan!" nakaismid niyang sabi rito.
Sandali pa itong tumawa bago tumigil at iabot sa kaniya ang kaniyang bag. "Bag mo. p**e ka kasi! Kung saan-saan ka nagpupupunta. Alam mo bang muntik na kaming pumunta sa Police Station para i-report ang pagkawala mo. Buti na lang at hindi namin ginawa kasi nga naisip namin na baka napraning ka na naman at umuwi ka sa inyo," dire-diretso nitong sermon sa kaniya.
Kung titingnan mo si Shiela, maamo ang mukha nito, mukhang walang lalabas na masamang salita sa mga bibig nito. Mukha rin itong inosente, pero hindi. Ngunit, kahit ganoon ito, gaya ng iba pa niyang kaibigan ay alam niyang sobrang maaasahan ito at mahal siya nito, kaya ganoon na lamang ito mag-alala sa kaniya.
Napabuntong hininga siya. Kung alam lang nito kung ano ba talaga ang mga pinaggagagawa niya kagabi, baka mabatukan siya nito. Sa kanila kasing magkakaibigan, mas mukhang gagawin ni Shiela ang ginawa niya dahil nga isa itong erotic writer sa isang sikat na publishing house. Pero kilala niya ang kaibigan at alam niyang hindi nito iyun gagawin. Sa katunayan ay may motto pa nga itong, 'pwede mong landiin, pero hindi pwedeng angkinin.'
"Sorry," nakayuko niyang sabi rito. Hindi niya alam kung para saan ang sorry na sinabi niya. Kung dahil sa pang-iiwan niya sa mga ito kagabi o dahil sa nagsinungaling siya sa mga ito sa tunay na nangyari.
"Gaga! Okay na 'yun. Nag-alala lang talaga kami ni Ruby. Pero wala 'yun. Ilibre mo na lang ako para quits na tayo," nakangiting wika nito sa kaniya.
"Sige, 'yun lang pala eh." Napangiti na rin siya sa kaibigan kahit pa nga ang isip niya ay naaalala pa rin ang nangyari kanina.
Buwisit! Kung nakilala man niya ko, p'wes ako hindi ko siya nakilala.
She will just pretend na hindi niya ito natatandaan. Siguro naman ay hindi na nito ipagpipilitan pang matandaan niya ito. Mukhang mas ikatutuwa pa nga yata nito iyun, at least, hindi siya maghahabol. Mapapanatag ang kalooban nito. Tama! Yun na lang ang gagawin niya.
KINABUKASAN ay maagang pumunta si Ace sa GEEKY. Kung dati ay ayaw na ayaw niyang nagpupunta rito, ngayon naman ay parang gustong-gusto niyang laging naririto.
Pagkalabas na pagkalabas niya ng elevator ay agad niyang hinanap ang sekretarya ng kaniyang ama, si Laura. The secretary of his dad is beautiful, mabait rin ito, alam niya ring may gusto ito sa kaniya dahil sa tuwing titingnan niya ito sa mata ay namumula ang pisngi nito. Ngunit, kahit maganda ito ay hindi ang mga katulad nito ang tipo niya.
"Good morning, Laura," bati niya rito. Maaga rin pumasok ang dalaga dahil pinakiusapan niya ito kahapon. "Nasaan ang mga hinihingi ko sa'yo?"
Natataranta naman nitong kinuha ang bungkos ng mga folder sa isa sa mga drawer ng desk nito. Ibinigay nito iyun sa kaniya. It's the company's financial report for the past few months. Gusto niya kasing malaman kung maganda ba ang takbo ng GEEKY sa mga nakalipas na buwan. Kinuha niya ang mga folder na iniaabot nito sa kaniya at diretsong nagtungo sa kaniyang opisina.
Nang malapit na siya sa pinto ay bigla siyang pumihit ulit at tinawag si Laura. "Laura, I need the files of every Computer Engineers on the 7th floor. Ipasok mo na lang 'yun dito sa opisina kapag nakuha mo na." With that, tuluyan na siyang pumasok sa opisina ng kaniyang ama.
He sat down to his father's chair and looked at the folders. He's very impressed while looking at the financial reports of GEEKY. Mataas ang sales nito nang mga nakaraang buwan. Nagtataka siya kung bakit nakikiusap pa ang mommy niya to look out for his father's company, gayong maayos naman ang takbo nito. Na kahit hindi pumasok ang ama niya nang isang buwan ay hindi nito yun ikalulugi.
Binasa niya pa ang ibang reports nang kumatok si Laura. Agad naman niyang pinapasok ito. Dala nito ang mga dokumentong hinihingi niya.
"Sir, these are the information sheets of the Computer Engineers that you needed." Itinuro naman niya rito ang ibabaw ng kaniyang mesa upang doon nito iyun ilagay. Nagmamadali naman itong tumalima at pagkuwan ay humarap itong muli sa kaniya at bahagyang inayos ang nalaglag nitong buhok sa mukha at inilagay iyon sa tenga.
"Do you need anything else, Sir," pormal na sabi nito sa kaniya. He likes the attitude of Laura. Kahit alam niyang may gusto ito sa kaniya, dahil halata naman iyun, ay nananatili pa rin itong pormal at professional.
"Wala na. Thanks, Laura. You may now go back to work," sabi niya rito na may ngiti sa mga labi. She's beautiful, alright, but he's looking for someone else. Someone with a big cute eyes, beautiful face that looks so innocent.
Well, not anymore.
Naalala niya ang nangyari sa kaniya. He's somehow felt proud because he was her first. Hindi naman siya gaanong lasing nang mga oras na iyun, he could still remember everything. She's so innocent when he had her. Wala itong kaalam-alam sa mga bagay na ginawa niya rito, and she's exquisite underneath him.
Inisa-isa niyang buklatin ang mga papeles na naroon. May picture naman ang bawat information sheets kaya naman hindi siya mahihirapang hanapin ang pakay niya. The file was in alphabetical order and it's many. Lahat ng mga Engineers na iyun ay talaga namang may mga sinasabi at ipagmamalaki. Some of them were scholars of his father. Tiningnan niya pa ang ibang sheets bago niya nakita ang hinahanap.
"Bingo!" sambit niya sa sarili. Ngiting-ngiti siya habang titig na titig na sa mukha ng babaeng nang-iwan sa kaniya after what happen. Ang babaeng laman ng isip niya nitong mga lumipas na araw.
"So, you are Edelita Mae Mendez," aniya na akala mo ay nasa harap niya mismo ang babae. Pinasadahan niya ang information sheet nito. Naroon din ang resume nito at ang TOR.
He's quite impressed of what he saw. Edelita Mae Mendez, one of GEEKY's scholars. She graduated as Magna c*m Laude in her batch. After graduation, GEEKY hired her as one of their Computer Engineers. She's been working at GEEKY for five years now.
Hmmm. She's good.
Hawak ang information sheet ng babae ay nag-dial siya sa intercom na nasa ibabaw ng mesa. Nakakonekta yun sa intercom na nasa mesa naman ni Laura. "Laura, come here. I need you to do something," utos niya sa sekretarya.
Hindi naman siya naghintay ng matagal at pumasok si Laura sa may pintuan. "What can I do for you, Sir?"
"I want you to call Ms. Mendez. Tell her that the CEO wants to talk to her. It's important and urgent," aniya sabay abot ng information sheet ni Edel kay Laura. Tinanggap naman ng huli ang papel at tumango pa sa kaniya bago lumabas.
He doesn't know why he's excited to see her. He wanted to know if she still remembers him. Gusto niya ring malaman kung ano ang dahilan nito kung bakit ito umalis nang wala man lang paalam.
At least, have some decency to say goodbye to the man who just popped her cherry.
Abala siya sa pag-iisip ng kung ano ang maaari niyang sabihin sa babae kapag nagkaharap sila. Ano ba ang pwede niyang gawin rito? Paano kung i-deny siya nito at sabihing hindi siya nito natatandaan?
No! She will remember me. Sa guwapo kong 'to? Sinong makakalimot sa'kin? I am too hard to forget.
Tumayo siya mula sa pagkakaupo at nagpalakad-lakad sa loob ng opisina. Ano ba ang dapat niyang itanong? Will he be direct to the point? Eh, kung halikan niya na lang kaya ito?
Oh, how he missed those lips. Napakalambot ng labi nitong natural ang pagka-pink. Para yung paborito niyang candy na kay sarap at nakakaadik.
He remembered how shock she was when they met yesterday at the project department. Nasisiguro niyang natatandaan siya nito. Pero kung sakali mang hindi nga siya matandaan nito ay ipapaalala niya rito kung ano ang mga naganap sa kanila. He has ways, and he'll use all of them to her.
Nakailang ulit pa siyang nagpalakad-lakad sa opisina niya nang may kumatok muli sa pintuan niyon. Dali-dali naman siyang nagpunta sa glass window at kunwari ay tumanaw roon.
"Come in," ani niya na hindi man lang lumilingon. Dinig niya ang pagbukas ng pinto at ang mga yabag ng taony pumasok roon. Mayamaya ay narinig niyang nagsalita si Laura.
"Sir, Ms. Mendez is already here." Lumingon siya sa mga ito at pagkuwan ay ngumiti kay Laura.
"You may leave now, Laura," utos niya rito na ang mga mata ay nakatingin ng diretso sa babaeng nakasuot ng isang t-shirt na pinarisan ng ripped skinny jeans at binagayan iyun ng itim na ankle boots.
Well, kahit naman ito nakasalamin ay hindi naman masasabing nerd ang babae dahil magaling itong pumorma. Nagmukha nga itong modelo sa harapan niya. She knows how to mix and match clothes, and he thought that she's one hell of a hot geek. Sinong mag-aakalang isa itong Magna Cumlaude at isang scholar? Marahil, kapag nakikita ito ng iba ay aakalain ng mga ito na puro lang paganda at porma ito, but they thought wrong. Hindi lang ito maganda, kung 'di matalino pa.
Damn! Why do I feel proud of her? This is not me.
Nang makalabas si Laura ay tumikhim muna siya bago nagsalita. "Ms. Mendez--"
"Good morning, Sir." Putol nito sa dapat sana'y sasabihin niya.
"Good morning," ganting bati niya rito at naglakad palapit sa babae. Nakita naman niya itong natigilan at pasimpleng umatras nang humakbang siyang muli palapit dito.
Oh! Looks like she remembers me.
Sabi ng isip niya habang patuloy siyang lumalapit rito. Nakatingin siya nang diretso sa mga mata nito. Nakikita niya roon ang pagkabahala at kaba.
Huminto siya sa paglapit sa babae. Sa tingin niya'y may sampung dangkal lamang ang layo nila sa isa't isa. Nakatingin lang din ito sa kaniyang mga mata ngunit may nababanaag siya roong takot at pangamba.
Why would she be afraid of me?
"You don't have to be scared of me, Ms. Mendez. I just need to ask you some questions. I need clarifications," wika niya na hindi inaalis ang mga mata sa dalaga.
"W-What questions, Sir?" The woman stammered as she spoke.
"Why did you leave me, Edelita?"