ACE suddenly woke up when he reached the other side of the bed and he felt it empty. He look around to find the woman who he had slept with, but she's nowhere to be found.
Where the hell she is?
He stood up from the bed. Titingnan niya at baka nasa CR lang ito. He walked around with only his birth suit and didn't mind it. Ano pa bang itatago niya kung sakaling makita siya ng babaeng iyun. Well, he has a well toned body. Ano bang ikahihiya niya kung maganda naman ang kaniyang katawan?
He opened the bathroom door and found nothing. Sa isip niya ay namuo ang isang hinala na baka umalis na ito. Even her clothes where gone.
Unbelievable.
This is the first time that a woman left him after having steamy s*x. Ang iba kasi ay hinihintay pa siyang magising, and they would ask him to do them again. Pero mayroon siyang motto when it comes to s*x, do it once and never twice. Para sa kaniya ay tama na ang isang beses na pinagbigyan niya ang mga ito, then after that ay wala na. They have to go seperate ways and never see each other again.
Pero ang babaeng naka-one night stand niya kagabi ay kakaiba. First, she was a virgin, he's sure of that. He was shocked at that thought last night, he's the one who popped her cherry. Second, he left him without even saying goodbye or at least thank you because he pleasured her. And last but not the least, para bang ayaw nitong makita pa siya dahil nagmadali itong umalis.
He should be happy, dahil hindi na niya kailangan pang magdahilan para iwasan ito. Mukhang ito na ang umiwas sa kaniya. Ngunit, bakit parang hindi yata siya masaya sa ideyang ayaw na nito siyang makita. Na para bang nagsisisi itong sumama sa kaniya kagabi at ginawa ang mga bagay na iyon.
Napukaw lamang ang kaniyang pag-iisip nang tumunog ang cellphone niya. Hinanap pa niya yun sa pantalong nakakalat sa sahig. Nang makuha niya ito ay hindi niya maiwasang mainis na naman. It was his mother calling.
Tinitigan muna niya iyun nang matagal at bumuntong hininga bago iyon sinagot.
"Mom?" bungad niya rito.
"Anak, don't forget what I asked you. Please, para sa akin na lang. Puntahan mo muna ang company ng dad mo. Check it. Alam mo namang may sakit ang daddy mo ngayon at hindi niya pa kayang magtrabaho," wika nito na malambing ang tinig.
Kahit naman naiinis siya ay hindi niya kayang sigawan ang kaniyang mommy o ang magalit man lang dito. He loves her mom very much. At kahit ano yatang hilingin nito ay ibibigay niya, lalo pa nga kung ginagamitan siya nito ng ganitong boses na tila nagmamakaawa.
He sighed. "Alright, Mom. Pero hanggang gumaling lang si dad. After that, I'm going back to my own business."
"Sure, Anak. Thank you very much. Aasahan kong pupunta ka roon ngayon. I will call your dad's secretary para ipaalam ang pagdating mo ha. I love you, Anak," sabi nito sa mas pinalambing pa ang tinig.
Napangiti siya. "I love you too, Mom," aniya sa mommy niya bago ibinaba ang tawag.
Now, he has to go to his dad's company. Kahit naman ayaw niyang gawin iyun ay gagawin niya para sa kaniyang mommy. He'll go there and check the company. Iyun lang naman ang pakiusap ng mommy niya sa kaniya habang may sakit pa ang kaniyang ama.
If it wasn't for his mom, he will never go to that place. He loathes his father very much. Ang pagkamuhing iyun ay dinala niya sa dibdib mula noon hanggang ngayon. Kaya bakit niya pag-uukulan ng pansin ang negosyo nito?
When he graduated from college, nanghiram siya ng puhunan sa kaniyang lolo para makapagtayo ng sarili niyang negosyo. He didn't want to work for his father. Kaya nang bigyan siya ng kaniyang lolo ng puhunan ay agad niyang inayos ang pagpapagawa niya sa kaniyang building.
He graduated as an Architect. Kaya ang negosyo niyang pinasok ay yung magagamit niya ang kaniyang pinag-aralan.
TrACE Architectural and Construction Firm is one of the well known company today when it comes to architectural designs and building. His company had built numerous towers and buildings na talaga namang magaganda at hinahangaan ng lahat. Itinatag niya ito together with his cousin Reid.
He also has investments to other companies, yung mga related sa business niya, like real estate. Pinasok na rin ng kompanya niya pati ang interior designing at ang pinsan niyang si Ruby Ann ang namamahala roon. Masasabi niyang isa ng stable company ang kompanya niya dahil sa mga narating nila sa mga nakalipas na panahon.
Napabuntong hininga siya, ngayon ay kailangan niyang pumunta sa GEEKY, ang kompanyang pag-aari ng kaniyang ama, to look out for it. Iyun ang pinakiusap at pinagtalunan nilang mag-ina kagabi na nauwi sa pagpunta niya sa isang club at mag-inom. Then he met that woman.
Napailing siya nang maalala ang babae. Sariwa pa rin sa isip niya ang itsura nito. The woman got a body to die for. Ang mga mata nitong bilugan ay bumagay rito, the eyeglasses failed to hide how beautiful her eyes was. Her skin was so soft and smooth, kay sarap niyon damhin sa mga palad niya. The memory of her last night, when she's underneath him and having those sexy moans, made his groin alive again.
Damn! After this, I'll deal with that woman.
His craving for more for that girl, but for now, he'll deal with his father's company first. Pagkatapos niyon ay hahanapin niya ang babae. Maybe she's a patron to that bar. Tama! Baka roon niya ulit ito makita.
Bago pumasok sa banyo ng kuwartong inokupa nila ng babae ay tinawagan muna niya ang kaniyang sekretaryo para magpadala ng damit na kaniyang gagamitin. His secretary is very effiecient, wala siyang masasabi roon. Sinabihan niya rin ito na kunin ang kaniyang kotse sa club kung nasaan siya naroon kagabi. Wala namang tutol na sumunod ito at puro 'Yes, Sir' lang ang tanging sagot.
Hindi naman naglipas ang isang oras ay bihis na siya at nag-check out sa hotel na iyun. Kanina ay tumawag siya sa front desk at nagsabing ikuha siya ng taxi. The taxi was outside, hindi na siya nahirapan ang maghanap. Hindi na kasi niya naisip na dalhin ang sasakyan kagabi dahil ayaw na rin niyang mag-drive dahil nakainom siya, at mayroon siyang kasama. He just left his car to the club's parking lot. Alam naman niyang safe ang sasakyan niya roon kaya iniwan na lamang niya ito.
He went straight to his father's company. Gaya ng ipinangako niya sa kaniyang ina, he will look out for it, habang may sakit ang kaniyang ama. He didn't like the idea of his mom, pero sinunod niya na lang ito. He loves his mom dearly at ayaw niya itong nababahala or nag-aalala.
He told the taxi driver to drop him off to the entrance of the building. Pagkababa naman niya ay sinalubong agad siya ng sekretarya ng kaniyang ama na naghihintay sa may entrance door. Marahil ay naitawag na ng kaniyang mommy na darating siya ngayon at siya muna ang mamamahala sa kompanya ng ama.
Everyone's looking at him with full of admiration. Sino ba naman ang hindi gagawin iyun, when they all could see is a handsome man in front of them. Maraming nagsasabing ang aura niya ay kapansin-pansin. Bukod kasi sa guwapo na siya ay mayroon siyang nakaka-intimidate na aura na kayang patiklupin ang kahit na sino.
Dire-diretso lang siyang naglakad papunta sa elevator na maghahatid sa kaniya sa opisina ng kaniyang ama. He has to get it done right away, para naman magkaroon siya ng oras na hanapin ang babaeng iyun. He'll find her no matter what happen. He has to ask questions like, bakit bigla siya nitong iniwan? Does she have regrets on what happened to them? Ayaw ba nito sa kaniya at iniisip nitong isang pagkakamali lang naganap sa kanila? Does she have a boyfriend?
Damn! What if she has a boyfriend?
Kinuyom niya ang kaniyang kamao. He doesn't know why he felt annoyed about the thought of her having a boyfriend.
I'll get rid of her boyfriend if she has one.
Tumunog ang elevator, hudyat na nakarating na sila sa kanilang destinasyon. Pagkabukas niyon ay diretso siyang nagtungo sa opisina ng kaniyang ama. Nakasunod lang naman ang secretary ng daddy niya sa kaniya.
Nang makapasok ay agad niyang hinarap ito. "Get the board ready. Tell them I'll talk to them."
After the secretary went out, he let out a sigh and sat on his father's chair. In his father's table, he saw the picture of his mom. Nakangiti ito. Kahit naman galit at ayaw niya sa kaniyang ama ay alam naman niyang mahal na mahal nito ang kaniyang mommy. Walang problema sa pagsasama ng dalawa.
After sometime, the secretary of his father knocked on the door then went in. "Sir, the board will be in the conference room after five minutes. Ano pa po ang iuutos ninyo?" she asked him
"Wala na, Ms.--"
"Laura, Sir. Sige po, I'll check on the board, Sir. I'll call you if they're all ready." Tango lang ang isinagot niya rito at pagkuwa'y lumabas na ito.
Tumayo siya mula sa kinauupuan at tumanaw sa malaking glass window. GEEKY was one hell of a surviving company. Kahit dumami ang mga kompanyang kakompetensya nito ay nananatili pa rin ito sa isa sa mga kinikilalang kompanya when it comes to technology and computer softwares. Ayaw man niyang aminin ay magaling talaga ang kaniyang ama sa pamamahala nito.
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang muling kumatok at pumasok si Laura. She's telling him that the board is now ready. Tumango siya at sumabay na rito paglabas. They entered the conference room and he saw the board waiting for him.
Then the meeting went on. He told them that he will be in charge of the company for a while, hanggang hindi pa gumagaling ang kaniyang ama. He asked them to discuss about the company's position and about the operation. The board knew him when it comes to business and they were happy to see him and know that he's going to be the acting CEO of the company.
Pagkatapos makipag-meeting sa board ay isa-isang binisita ni Ace ang mga department. He needs to know how the company runs. Gusto niya ring makilala ang bawat department heads para walang mangyaring aberya kung sakali man. He's like that when it comes to business, gusto niya smooth ang takbo ng lahat. Kung magkaroon man ng problema ay masolusyonan agad at hindi na lumaki pa.
Then they went to the project department. The workers here are the one's in charge of the softwares development na siyang pangunahing produkto ng kanilang kompanya. The Computer Engineers in this department were very good. Ang mga ito ang utak sa mga makabuluhang software at applications na di-ne-develop ng kompanya at ibinebenta. Balita niya ay pawang mga naging scholar ng GEEKY ang mga Engineers na narito, at talaga namang matatalino at magagaling.
He walked inside the department and the department head shook his hand. After a few talks, iginiya siya nito para ipakilala sa mga empleyadong naroroon.
The employees stood up and greeted him with a smile. Some of the girls there were smiling and giggling at the same time, and he knew why. He even heard some saying 'Ang guwapo' and that put a smile on his face.
"Please don't mind me. Just continue your work," he told them and smiled.
He wanted to look around on what they're developing right now. Ronald, the department head, discussed about the product they're creating. That there are teams developing different software and applications.
Puro tango lang naman ang kaniyang isinasagot rito. He's impressed on how the Engineers worked. Nagpatuloy pa siya sa paglalakad nang may makita siyang pamilyar na mukha malapit sa sulok. Mukhang nagtatago ito sa likod ng monitor nito at ayaw magpakita ng mukha, but he's sure as hell na pamilyar ito sa kaniya. Napangiti siya.
Lumapit siya rito para kompirmahin ang hinala niya. Nang makalapit rito ay tumapat siya mismo sa harap nito, kunwari ay nagpalinga-linga siya sa paligid at nginitian ang mga naroroon lalo na ang mga babaeng katabi nito na tila kinikilig habang nakatingin sa kaniya.
Nakayuko ang babae kaya naman nagsalita siya para kunin ang atensyon nito. "Good job everyone," sabi niya na rito nakatingin.
Unti-unti namang tumingala ang babae, and then right there, alam na niya kung bakit ito nagtatago.