Chapter Three

2132 Words
BUMABA agad ng taxi si Edel at patakbong pumasok ng bahay nila. She asked the driver if he could wait for her. Wala nga kasi siyang perang dala kaya umakyat pa siya sa kuwarto niya para kumuha roon. Buti na lang talaga at may naitatago siyang pera sa cabinet. Pagkatapos bayaran ang driver ay pumasok na ulit siya sa bahay nila. Sakto namang kapapasok lang din ng nanay niya sa pinto mula sa likod bahay. "Oh! Anak, nandito ka pa? Akala ko pumasok ka na kasi sumilip ako sa kuwarto mo kanina para gisingin ka, kaso wala ka na roon. Nagulat nga ako at ang aga mong nagising, eh. Bumalik ka ba? May naiwanan ka ba?" sunod-sunod na tanong ng nanay niya sa kaniya. "Ah, eh, nakalimutan ko yung flash drive ko sa kuwarto, Ma. Naku! Importante pa naman yun," sagot niya sa nanay niya at akmang aalis na sa harap nito nang magsalita itong muli. "Anak, nagpalit ka ba? 'Di ba 'yan din ang suot mo kahapon?" "Ha? Ano...dalawa kasi yung binili kong ganito, Ma. Buy 1 take 1 'yun eh. White yung isa, dirty white 'to, Ma." Dirty white na kasi kung saan-saan ka na nagpunta. Naku! Edel galingan mong magsinungaling at baka makahalata ang mama mo. Sabi ng isip niya habang nakatingin siya sa kaniyang nanay at nginitian ito. Mukha namang naniwala ito sa mga kasinungalingan niya dahil tinapik pa siya nito sa balikat. Sinermunan pa siya na dapat daw ay inihahanda na niya ang mga kailangan niya sa gabi nang sa ganoon ay hindi niya nalilimutan o naiiwan. Kung alam mo lang, Ma. Kahit anong paghahanda ang gawin mo, kung iiwan ka, iiwan ka talaga. Napabuntong hininga siya sa naisip. Naaalala na naman niya ang walang hiyang ex-boyfriend niya na sumama sa dos por dos. Halos ibigay na nga niyang lahat dito pero hindi pa rin iyun sapat dahil nagawa pa rin siya nitong iwan. Nagpaalam na siya sa kaniyang nanay na patuloy lang sa panenermon at nagmamadaling pumasok sa kaniyang kuwarto. Finally. Late na siya sa trabaho. Siguro ay mag-ha-half day na lang siya ngayong araw. Gustuhin man niyang huwag pumasok sa trabaho ay hindi pwede. May tinatapos kasi ang team nila na isang project na kailangan nilang i-present bago matapos ang buwan. Hinubad niya ang kaniyang damit at dumiretso sa banyo. Maliligo muna siya dahil sa tantya niya ay ang baho na niya. Buti na nga lang at hindi naamoy ng nanay niya na amoy alak pa siya. Habang nasa banyo ay pinakikiramdaman niya ang sarili. Para kasing nararamdaman pa niya ang haplos at halik ng estrangherong yun sa balat niya. Ayaw niya na sanang isipin iyun pero bumabalik lang iyun sa kaniyang alaala. Naaalala niya ang guwapo nitong mukha at ang six pack abs nitong akala mo'y bato sa tigas. At least guwapo at saka yummy ang nakauna sa'kin 'diba? Hindi na masama. Wika niya sa sarili. Tanga! Guwapo nga, jowa mo ba? Buti kung magkita pa kayo no'n, which is malayong mangyari. Saka hindi ka na virgin. Wala na ang pinakaiingatan mong v-card for 23 years. Bobo ka kasi, eh! Mangiyak-ngiyak siya sa loob ng CR dahil sa naisip. Paanong nagpakatanga siya nang ganoon? Ang inalagaan niyang si pempem for 23years ay kinuha lang sa kaniya ng isang lalaking hindi naman niya kilala. Mamaya pa no'n may sakit pala yung hayop na iyun, tapos mahawa siya. Hindi pwede! I kenat! Dahil sa naisip ay sinabon niyang maigi ang kaniyang katawan, na akala mo ay mabubura niya ang nangyari sa ganoong paraan. Tinapos niya ang kaniyang paliligo at tinuyo ang sarili. Wala siya sa mood na mag-ayos ngayon kaya simpleng t-shirt at skinny jeans lang ang isinuot niya. Pinartneran na man niya iyun ng chuck taylor na kulay itim. Naglagay siya ng konting pulbo sa mukha at manipis lang na lipstick sa kaniyang natural na pink na labi. Ang buhok naman niyang mahaba at tuwid ay hinayaan niya lang na nakalugay. Isinuot niya ang kaniyang salamin sa mata at muling pinasadahan ang kaniyang sarili sa salamin sa kuwarto niya. Napangiti siya. Kahit anong ayos talaga niya ay maganda siya. Tingin niya ay inborn na talaga iyun. Bago lumabas ng kuwarto ay kinuha muna niya ang spare niyang cellphone, mayroon siya niyon para sa emergency purposes gaya ngayon. Isinukbit niya rin ang bag na dala at lumabas na siya ng silid niya. Naabutan naman niya ang nanay niyang nagwawalis sa may harap ng kanilang bahay. Magpapaalam sana siya at hahalik sa pisngi nito ng mangunot na naman ang noo nito at nagtanong. "Bakit naligo ka na naman? Hindi ba't naligo ka na kanina noong pumasok ka? Tapos nagpalit ka na naman ng damit. Tapatin mo nga ako, Anak. Artista ka na ba ngayon?" tanong nito sa kaniya na hindi inaalis ang tingin sa mukha niya. "Ma, naman, eh. Naligo ako kasi mainit. Pinagpawisan ako sa paghahanap ng flash drive ko. Ayaw ko naman na amoy pawis akong babalik sa office kaya naligo na ko saka nagpalit," sagot niya rito. Maniwala ka, please. "Oh, sige na. Mag-iingat ka, ha. Naku! Marami pa naman ang mapagsamantala ngayon kaya huwag kang patanga-tanga. Yung bilin ko sa'yo huwag kalilimutan." Hinalikan niya ito sa pisngi at nagpaalam na. Bumalik naman ito sa pagwawalis habang siya ay tinungo na ang sakayan sa may kanto. Nang makasakay siya ng jeep ay agad na kinuha niya ang kaniyang cellphone sa bag at tinawagan ang kaibigan niyang si Shiela. Naghintay pa siya ng ilang sandali bago ito sumagot. "Valdez speaking, hello," wika nito na mukhang kagigising lang. "Hoy! Bruha! Si Edel 'to." Nawala sandali ang kausap niya kaya akala niya ay naputol ang tawag niya rito. Pero mayamaya'y bigla na lang itong nagtatatalak sa kabilang linya. "Hoy! p**e ka! Saan ka nagpunta kagabi, ha? Alam mo bang nag-alala kami sa'yong bruha ka. Bakit bigla kang nawala? Ang sabi mo iihi ka lang. Pinuntahan ka namin ni Ruby sa CR kasi akala namin nilamon ka na no'ng toilet bowl. Pero sinilip na namin ang kasuluksulukan no'ng CR pero 'di ka pa rin namin nakita. Kung ano-ano na ang naisip namin na masasama. Kung na-kidnap ka na ba, tapos ano ang sasabihin namin kay Tita Esper kapag nagtanong siya kung nasaan ka. Magpaliwanag ka ngayong p**e ka talaga!" dire-diretso nitong sabi sa kaniya. Halos mapangiwi naman siya sa lakas ng boses nito. Ano bang sasabihin niya? Hindi naman niya pwedeng sabihin dito na sumama siya sa lalaking hindi niya kilala pero guwapo tapos nakipag-jugjugan siya hanggang umaga. "Paano ako magpapaliwanag, eh, dire-diretso kang magsalita. Ganito nga kasi 'yun--" "Hala, sige, magpaliwanag ka!" putol nito sa sasabihin niya. Lintek Edel, galingan mo talagang magsinungaling. Naku sa impyerno na talaga ang bagsak mo kasi sinungaling ka. "Patapusin mo muna kasi ako. Para kang adik eh!" sigaw niya rito na ikinatahimik naman nito. "Ganito nga kasi 'yun, after ko magbanyo nakaramdam ako ng hilo. Tapos hindi ko namalayan na lumabas na pala ko ng club tapos pumara ko ng taxi. Buti nga nakauwi pa ko ng bahay, eh." "Aber! Paano ka nakauwi eh wala ka namang pera kasi nasa amin ang bag mo." "May pera ako sa bulsa. Umuwi nga ako sa bahay. Akala mo naman nagsisinungaling ako, eh. Hindi naman ako marunong magsinungaling," wika niya sa kaibigan na may himig ng inis kuno. Lord, patawad for today. Kailangan ko lang talagang magsinungaling. Promise po, hindi na talaga ko magsisinungaling after this. "Ganu'n ba? Eh, paano itong bag mo? Ako na ang nag-uwi," tanong ni Shiela sa kaniya. Mukhang pinaniwalaan naman nito ang paliwanag niya at hindi na ulit nag-usisa pa sa pagkawala niya kagabi. "Kunin ko na lang sa'yo mamaya, after work. Papunta na ako ngayon doon, eh. Tinanghali nga ako ng gising," tugon niya sa kaibigan. Lubusin mo na ang pagsisinungaling, sige lang Edel. "Sige, i-text mo na lang ako mamaya kung saan tayo magkikita. Istorbo ka! Matutulog na ulit ako. Bye." Paalam nito sa kaniya at saka pinatay ang tawag. Mag-aalas dose na rin nang makarating siya sa GEEKY, isa yung kompanya na gumagawa ng mga game apps at softwares na siyang ibinebenta sa mga playstore at kung saan-saang sites. Mula nang magtapos siya bilang isang Computer Engineer ay doon na siya pumasok. Maganda naman ang trabaho niya dahil hilig niya talaga ang gumawa ng mga softwares na talaga namang pumapatok sa masa. Marami siyang natutunan sa kompanyang yun at talaga namang nagpapasalamat siya. The building has twenty floors, at ang office kung saan siya nagtratrabaho ay nasa 7th floor. She pushed the number seven button of the elevator when she entered it. Magsasara na sana ito nang may kamay na humarang bago ito sumara. Namukhaan niya ito. It's Ronald, ang department head nila na talaga namang crush na crush niya. "Good morning, Sir," aniya rito na may ngiti sa mga labi. Tango lang naman ang naging sagot nito sa kaniya at ngumiti rin kaya lumabas ang dimples nito sa magkabilang gilid ng pisngi. s**t! Ang guwapo talaga nito eh. Ang bango pa. Mas guwapo pa ro'n sa sinamahan mo kagabi? Sansala ng isip niya. Napasimangot siya. Naalala na naman niya ang lalaking iyun. Oo nga at guwapo ito, pero ang hinayupak naman na iyun ay mapagsamantala at manyak. Dahil kung matino ito, 'di sana'y hindi nito ti-na-ke advantage ang kalasingan niya. Nakakainis! Hanggang sa tumunog ang elevator, hudyat na nakarating na sila sa 7th floor. Nauna itong lumabas kaysa sa kaniya at dire-diretsong naglakad sa opisina nito. Nakabusangot niya itong tiningnan habang nakasunod siya rito. Akala naman niya ay gentleman ito at papaunahin siyang lumabas, pero mukhang wala sa bokabularyo nito ang mga salitang 'ladies first'. Pare-pareho lang naman ang mga lalaking iyan. Kung hindi gentleman, mapagsamantala, eh manloloko naman! Inismiran niya ito at busangot pa rin ang mukha niyang tinungo ang kaniyang puwesto. Binati naman siya ng katabing si Emily, isa sa ka-team niya. "Good morning, Edel. Late kaya yata ngayon. Mag-la-lunch na. Kumain ka na ba? Sabay tayong kumain mamaya," aya nito sa kaniya. "Sige. Doon pa rin tayo sa dati," tugon niya rito. Mayamaya ay lumapit naman sa kanila ang isa pa nilang katrabaho. Ang ubod ng daldal na si Jinky, mukhang may chismis na naman ito sa kanila. Mabait naman ito, chismosa nga lang. pagkaupo naman niya sa kaniyang silya ay bigla na namang sumigit ang kirot sa kaniyang ulo. Epekto yun ng hangover niya pati na rin ng kakulangan niya sa tulog. Napahawak pa siya sa kaniyang sentido nang tuluyang makalapit si Jinky. "Mga bakla, alam n'yo ba ang balita?" bungad na sabi nito. "Anong balita na naman 'yan?" tanong naman ni Emily rito. Siya naman ay walang pakialam sa mga ito dahil masakit ang kaniyang ulo. Kakamadali niya kanina ay nakalimutan niyang uminom ng advil pantanggal kirot sa masakit niyang ulo. "Nagkasakit daw si Sir Robert, yung CEO natin. Tapos alam n'yo ba ang balita-balita?" "Ano? Bilisan mong magkuwento. Pabitin-bitin ka, eh," sabi ni Emily nang may bahid pagka-irita. "Bakla ka! Nagmamadali? May lakad ka, 'te?" "Bilisan mo na nga." "Oo na. So, hayun nga, may sakit si Sir kaya naman ang usap-usapan sa taas eh yung anak daw muna niya ang mamahala. Yun daw muna ang acting CEO natin ngayon. Tapos alam n'yo ba kung ano pang sabi nila?" pambibitin na naman nito sa mga sinasabi. "Letse ka, Jinky, alam mo yun? Diretsuhin mo na," inis na talagang sabi ni Emily rito. Siya naman ay gusto niyang matawa sa dalawa. Talagang nag-chismisan amg mga ito sa harapan niya. Siya naman ay walang pakialam na nakatingin sa kaniyang computer habang nangingirot ang sentido. "Bakla! Ang guwapo raw no'ng anak ni sir," ani nito na parang naiihi pa sa kilig. "Talaga? s**t! Mas guwapo pa kay Sir Ronald?" hindi makapaniwalang tanong ni Emily. Halos yata lahat ng babae sa floor nila ay crush si Ronald. Pero siya, hindi na niya ito crush ngayon. Na-turn off na siya dahil sa ginawa nito kanina. "Oo, Bakla!" At sabay pang kinilig ang dalawa. Mayamaya naman ay dumating ang kanilang supervisor. May inaannounce ito na hindi niya malaman dahil mas lalong tumitindi ang sakit ng ulo niya. Hanggang sa makita niyang nagtayuan ang lahat. Siya naman ay nanatili na lang nakaupo, nasa dulong bahagi naman ang table niya kaya't sigurado siyang hindi makikita ng mga ito. Yumupyop siya sa kaniyang table. Nag-angat lang siya ng tingin ng sabay-sabay na nagsabing 'good morning sir' ang lahat. Tapos nakita niya sina Emily at Jinky na kilig na kilig habang nakatingin sa harapan. Naririnig niya rin ang iba pa niyang katrabahong babae na nagsasabing 'ang guwapo' sa kung sinoman ang nasa harap. She got curious. Kaya naman kahit masakit ang ulo niya ay pinilit niyang tumayo at tingnan ang nasa harapan. Nang mapagsino ang nakatayong lalaki sa harap ay nanlaki ang mga mata niya. No! It can't be.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD