HABANG naglalakad si Edel sa lobby ng GEEKY ay napapatingin siya sa mga taong akala mo ay may kung anong dumi siya sa mukha. Ang iba pa nga ay titingin sa kaniya at bubulong sa mga kasama nito.
Naguguluhan siya at malapit na siyang mairita sa mga inaasal ng mga taong naroroon. Tuloy lang siya sa paglakad hanggang sa marating niya ang elevator. May mangilan-ngilang empleyado ring naghihintay roon.
Mula sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakikita niyang nagbubulungan ang iba habang patingin-tingin sa kaniya.
"Hindi ba siya yun?"
"Oo siya nga."
"Maganda naman, eh. Bagay sila."
"Sa 7th floor siya 'di ba?"
"Computer Engineer 'yan doon, Girl."
Naulinigan niyang sabi ng iba. Nagtataka siya kung siya ba ang pinag-uusapan ng mga ito. Gusto niyang tanungin sana ang mga ito pero nahihiya siya. Baka mamaya sabihan pa siyan asyumera, iniisip niyang siya ang pinag-uusapan tapos hindi naman pala.
Oo nga, Edel. Famous ka ba?
Sansala ng isip niya. Kaya minabuti na lamang niyang huwag pansinin ang mga ito at tumuloy nang pumasok sa elevator nang bumukas yun. Ngunit gaya nang kung paanl siya titigan ng mga tao sa labas ay ganoon din ang mga tao sa loob ng elevator. Ang iba pa nga ay kung makatingin sa kaniya parang lalamunin siya. Ang iba naman ay kuntodo taas pa ng kilay na halos umabot sa kisame ng elevator. Napakunot noo siya.
Problema ng mga 'to? Inggit sa ganda ko?
Hindi niya alam kung bakit ba parang may alam ang mga ito na hindi niya alam. Sa paraan kasi nang pagtitig ng iba sa kaniya, parang nanghahamak samantalang ang iba naman ay humahanga.
Kasi nga ang ganda ko.
Hindi niya ulit pinansin ang mga ito hanggang sa makarating siya sa floor niya. Diretso siyang naglakad patungo sa kanilang opisina. Pagpasok niya sa pinto ay nakita niya ang mga katrabaho na nagkakagulo sa pagtingin ng cellphone ng isa't isa. Nang makita naman siya ng mga ito ay bigla itong umayos na akala mo ay titser siya at mga estudyante ito.
Naglakad na siya patungo sa kaniyang mesa. Naabutan niya si Jinky doon at si Emily. Mukha hinihintay siya ng mga ito at may malapad na ngiti ang dalawa. Tila nanunukso.
"Ikaw, bruha ka. May hindi ka sinasabi sa amin," pangunang bati sa kaniya ni Jinky.
Nagtaka siya sa sinabi nito. Ano bang dapat niyang sabihin? Parang wala naman kasi siyang natatandaan na dapat sabihin sa mga ito.
"Oo nga, akala ko kaibigan ka namin. Bakit naglihim ka?" tanong naman sa kaniya ni Emily na kahihimigan ng pagtatampo ang boses.
Ano bang sinasabi ng mga babaeng 'to? Anong lihim?
"Ano bang sinasabi n'yo?" tanong niya sa mga ito habang nakakunot ang kaniya noo. Wala kasi siyang mintindihan sa mga pinagsasasabi ng mga ito.
"Sus! Buking ka na. Alam na naming jowa mo si Sir Ace," sabi ni Jinky sa kaniya.
"Ha? Anong jowa?" tanong niya rito. Gulong-gulo na siya. Ano ba ang mga pinagsasasabi nitong jowa?
"Huwag mo nang itanggi sa amin, Edel. Hindi naman kami galit. Medyo nagtatampo kami kasi hindi mo agad sinabi, pero happy pa rin kami para sa'yo," wika naman ni Emily na nakangiti sa kaniya.
"Oo nga. We're so happy for you friend. Grabe ang yaman at gwapo ng jowa mo. Paano ba kayo nagkakilala ni Sir Ace?" tanong muli ni Jinky.
Sa club. Naka-one night stand ko siya.
Ipinilig niya ang ulo nang maalala na naman niya kung paano nga ba sila nagkakilala. Pero ang hindi niya maintindihan ay ang mga sinasabi ng dalawang kaharap niya na jowa niya raw ang anak ng boss nila.
"Teka nga. Saan n'yo naman nabalitaang jowa ko nga si boss?" tanong niya sa mga ito. Nagtataka pa rin siya kung saan nakuha ng mga ito ang ideyang may relasyon sila ni Ace.
Oh my God! Teka, ipinagkalat ba niya ang nangyari sa'min?
Shit! Kinabahan siya. Hindi naman siguro ito kiss and tell. Wala naman kasi sa itsura nitong ipagkakalat ang mga nangyayari sa buhay nito.
Naku! Knowings guys? Baka nga ipinagkalat niya ang namagitan sa amin. Siyempre baka proud siyang ipagkalat na nakakarami na siya ng babae tapos isa ako sa mga biktima niya. Ohmegash!
"Kay Sir Ace." Rinig niyang sabi.
Punyeta! Naloko na. Sinasabi ko na nga ba. Ang mga katulad no'n ang 'di mapagkakatiwalaan, eh.
"P-Paano n-niya sinabi?" kinakabahan niyang tanong sa mga ito.
Nagkatinginan naman ang dalawa at naglabas ng cellphone si Jinky.
"Oh, ayan panoorin mo. Grabe kinikilig ako sa inyong dalawa," inabot nito ang sariling cellphone sa kaniya.
Nanginginig ang kamay na kinuha niya yun. s**t! Nag-video ba siya ng nangyari sa'min? Tangina! May scandal kami? Tapos napanood ng ibang tao?
Kinakabahan man ay binuksan niya ang cellphone nito. Tumambad sa kaniya ang isang video. Madilim yun at wala siyang makita. Huminga muna siya nang malalim bago pikit matang pinindot ang play button.
Nang mag-umpisang mag-play ang video ay ayaw niyang tingnan. Rinig lang niya ang mga sinasabi ng babae roon. Parang pamilyar sa kaniya ang mga salitang binibitiwan ng babae. Kaya naman unti-unti niyang minulat ang kaniyang mata.
Nanlalaki ang kaniyang matang nakatitig sa video. Alam niya yun. Yun ang scandal nila kahapon ni Edward. Tapos biglang dumating si Ace at sinabi nitong girlfriend siya nito kay Edward. Natulig naman ang tenga niya dahil sa tili ng dalawang katabi niya. Hindi yata niya namalayan na nakalipat ang mga ito sa tabi niya.
Tinapos niya ang video habang parang tanga na kinikilig ang dalawang katrabaho niya sa tabi niya. Iniabot niya ulit ang cellphone kay Jinky.
"Oh 'di ba nakakakilig," patili pa nitong sabi sa kaniya.
Hindi totoo yun! Yun ang nasa isip niya. Sinabi lang naman nito yun kay Edward para bitiwan siya ng ex niya. Pero hindi talaga sila mag-jowa. Kailangan niyang itama ang paniniwala ng lahat ng empleyado sa building na ito. Kaya naman pala ganoon na lang ang tingin sa kaniya nang halos lahat. Iniisip pala ng mga itong totoong may relasyon sila ng boss nila.
Humarap siya kina Jinky. "Huwag kayong maniwala diyan sa video. Hindi kami mag-jowa, promise. Ginawa lang niya 'yan para ipagtanggol ako kay Edward," paliwanag niya sa mga ito, ngunit parang 'di naman naniwala sila Jinky sa sinabi niya.
"Ano ka ba? Hindi mo na kailangan magsinungaling sa'min, Edel. Okay nga lang, eh. Bagay kaya kayo," ani ni Emily na nakangiti sa kaniya.
"True! Bagay kayo. Shipper na kami ng loveteam n'yo. Hashtag AcEl... oh 'di ba ganda?" At nagtititili pa ang dalawa.
Saktong pumasok naman ang boss nilang si Ronald kaya biglang tumahimik ang dalawa. Nakatingin ito sa kaniya, as usual ang sungit nito.
"Ms. Mendez, please come to my office," sabi nito na walang kangiti-ngiti at tumalikod na.
"You go girl! Basta shipper n'yo na kami ha. Punta ka na raw kay sungit," pahabol pang sabi ni Jinky sa kaniya bago ito nagsibalik sa sarili nitong mesa.
Ano na naman kayang problema no'ng masungit na Ronald na yun. Akala mo napakalaki ng galit sa mundo. Parang ang pag-ngiti nito ay katulad ng panalo sa lotto... tyambahan lang.
Tumungo na siya sa opisina nito at baka kapag nagtagal pa siya ay lumabas ito at sigawan siya. Ganoon pa naman ang ugali nito minsan. Gwapo lang din talaga ito kaya halos ang mga katrabaho niyang babae ay nahuhumaling dito kahit ang sungit nito.
Kumatok muna siya bago niya binuksan ang pinto. Nakita niya itong nakaharap sa sarili nitong laptop. Tumikhim siya para mapansin nito.
"Pinatatawag ka ng Mr. Salvador." Ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin nang sabihin yun.
Tumango lang naman siya kahit hindi niya alam kung makikita nito yun. Tutok kasi ito sa kung anong ginagawa nito sa laptop nito.
"Thank you, Sir." Akma na siyang lalabas pagkatapos magpasalamat nang magsalita ito.
"So, you and Mr. Salvador. I see." Tumango-tango pa ito at pagkuwan ay tinapunan siya ng tingin. "Wala ba kayong number sa isa't isa kaya ginagawa n'yo kong messenger? Hindi ako mensahero ninyong dalawa kaya kung pwede lang, ibigay ninyo ang number n'yo sa isa't isa."
Pagkatapos sabihin yun ng head niya ay bumalik na ulit ang atensyon nito sa ginagawa. Bakas sa boses nito ang pagkairita. Sino nga ba naman kasi ang matutuwa na ginagawang mensahero. Siguro wala lang itong magawa dahil boss ang nag-uutos dito. Wala siyang number ni Ace dahil wala naman talaga silang relasyon.
Lumabas na siya ng opisina nito at dumiretso na papunta sa opisina ng CEO. Paano ba niya itatama ang maling paniniwala ng mga tao tungkol sa kanilang dalawa ni Ace? Kung sina Emily at Jinky nga hindi siya pinaniwalaan nang sabihin niya rito ang totoo, paano pa kaya ang ibang tao?
Eh, kung si Ace kaya ang magsasabi?
Tama! Kung si Ace ang magsasabi ay paniguradong maniniwala ang lahat. Kailangan niya lang sabihin dito na kung pwede ay sabihin nito sa lahat ang tunay nilang relasyon. Na hindi siya nito girlfriend. Na tinulungan lang siya nito kahapon para makawala kay Edward.
Nang makarating siya sa pinakamataas na floor at lumabas ng elevator ay nakita niya ang secretary nitong si Laura. Binati niya ito ng magandang umaga at sinabi rin niyang pinatatawag siya ng boss. Nakangiti lang naman ito habang inaasiste siya pero mababakas ang lungkot sa mga mata nito. Ito muna ang pumasok sa opisina ng boss para siguro sabihing naroroon na siya. Hindi naman nagtagal at pinapasok na rin siya nito. Ito pa nga ang nagsara ng pinto sa likod niya.
Mula sa kinatatayuan ay kita niya si Ace na abala sa pag-aayos ng lamesa nito. May mga pagkaing nakahain doon.
"Hey! Sandali na lang ito. Upo ka muna ro'n." Inginuso nito ang couch na nasa malapit lang. Ginawa niya nga ang sinabi nito at naupo roon.
Ano ba kasing ginagawa nito? Bakit ang dami nitong pagkain sa mesa? Ngayon pa lang ba ito mag-aagahan?
Nang matapos ito sa pag-aayos ay lumapit ito sa kaniya at ngumiti. Napatayo naman siya dahil para siyang nalulula sa tangkad nito, at siyempre boss pa rin niya ito at dapat lang na gumalang siya.
Namaywang ito sa harap niya bago nagsalita. "Good morning, Babe. Pasensya na natagalan ako sa pag-aayos, eh. I haven't had breakfast. Tara sabayan mo ko," yaya nito sa kaniya at hinila nito ang kamay niya.
Tulad ng parating nangyayari. Nagpatianod siya rito. Pumunta sila sa table nitong puno ng iba't ibang agahan na sa tantiya niya ay binili pa sa mamahaling restaurant.
"What do you want to eat? Do you want fried rice with omelet, or you want a french toast na may butter? Wait, I also have ham here--"
"Sir," putol niya sa pagsasalita nito.
Tumingin naman ito sa kaniya at ngumiti.
"Yes, Babe? Ano yun? Ayaw mo ba nito? Do you want anything else?" sunod-sunod na tanong nito sa kaniya.
Tumingin naman siya rito. Paano ba niya sisimulang sabihin ang tungkol sa kumakalat na video nilang dalawa? Alam na kaya nito yun? Kung alam nito yun, bakit hindi pa nito nililinaw sa lahat na hindi naman talaga sila mag-boyfriend?
Napakagat siya sa ibabang labi niya. Paano ba niya uumpisahan?
Bahala na nga. Basta masabi ko.
"Ano kasi, Sir--"
"Ace. Call me Ace," wika nitong matamang nakatingin sa kaniya.
"But we're in the office--"
"There's just the two of us here. Call me Ace. I told you, I'm not your boss. My father is your boss, so don't call me boss or sir. Understood?" Napakaseryoso nitong nakaharap sa kaniya. Kanina lang ay wagas ito kung makangiti, ngayon naman ay parang lalamunin siya nito ng buhay kung makatingin.
"Yes, Ace," sagot niya. Baka magalit pa ito at hindi niya pa masabi ang pakay niya.
"Good. Now, tell me what do you want? Or may sasabihin ka?" Binitiwan nito ang kamay niya at pinagsalikop ang mga braso sa harap ng dibdib nito.
Tinitigan naman niya ito. He looks so manly and handsome with his gesture right now. Para itong si Tom Cruise sa itsura nito. Ang kaibahan nga lang ay mas bata ito kay Tom Cruise.
Kingina! Why so gwapo kasi?
Edel, get a hold of yourself. May pakay ka sa kaniya remember. And look, he's waiting for your answer. Baka mainip 'yan tapos layasan ka. Mawalan ka ng chance.
Mukha siyang timang na napailing pa kaya napakunot ang noo ni Ace sa kaniya. Sino ba naman kasing matinong tao ang magagawang kausapin ang sarili sa isip niya, tapos nag-aaway pa. Wala 'di ba?
She cleared her throat before she spoke. "Ahm ano kasi, Sir... este, Ace pala. Alam mo na ba yung... yung ano." Hindi niya maituloy ang gusto niyang sabihin dito. Kinakain kasi ang dibdib niya ng kaba. Idagdag pang ang bilis nang t***k ng puso niya dahil nakatitig sa kaniya si Ace.
"What?" tanong nito na hinawakan pa ang baba na tila curious kung ano ba ang sasabihin niya.
"Yung ano... yung video natin." Nagyuko siya ng ulo. Lintek! Bakit ba yun ang nasabi niya? Parang ang labas tuloy, may scandal sila.
"Ahhh!" sagot nito sa kaniya. "I've heard it. But I haven't seen it. May kopya ka ba? Patingin nga... sabi kasi nila ang hot ko raw doon," wika nito sa kaniya at namulsa.
"Ha... eh... wala, eh."
"Sayang naman. Anyway, kumain na tayo. Gutom na ko, eh. Anong gusto mo?" tanong nito ulit sa kaniya.
"Hindi ka nababahala?" bigla niyang tanong dito. Mukha kasing walang pakialam ang mokong samantalang siya hayun at problemado kung paano itatama ang nakita ng mga tao.
"Nababahala saan? Sa video? Why whould I?" tanong nito habang kumukuha ng pagkain sa mesa.
"Kasi hindi yun totoo," sagot niyang nakamasid lang sa ginagawa nito.
Tumigil ito sa ginagawa at tumitig sa kaniya kaya naman sinamantala niya yun para magsalita ulit.
"Ayaw mo ba sabihin sa mga tao na wala naman talaga tayong relasyon?" tanong niyang muli rito.
Ilang minuto itong napatitig sa kaniya at sa totoo lang ay naiilang na siya. His stares makes her uncomfortable. Para bang tumatagos ang mga titig nito sa kaibuturan niya.
"Was it bad?" Mayamaya'y rinig niyang tanong nito. Napakunot ang noo niya. Anong sinasabi nito? "Tell me, Edelita. Was it really bad if people would think that we have a relationship?"
"Because it's not true. You are not my boyfriend, and I'm not your girlfriend--"
"Then be my girlfriend." Putol nito sa mga sinasabi niya.
Kulang ang salitang 'shock' para i-describe ang nararamdaman niya. What did he say? Be his girlfriend? Seryoso ba ito?
"Are you serious?" tanong niya rito. Hindi pa rin siya makapaniwalang gano'n lang nito sasabihin yun sa kaniya.
"Yes, I'm dead serious. Be my girlfriend," seryosong sabi nito.
"Pero--"
"No buts! I'm single and you are single now. Gawin na lang nating totoohanan ang lahat para wala ka ng problema. I don't want to hear it again. I'm hungry, kumain na tayo. End of discussion," ani nito bago siya tinalikuran at ipinagpatuloy ang ginagawang pagkuha ng pagkain.
Siya naman ay hindi pa rin makahuma sa kinatatayuan niya. Hindi siya makapaniwala na nauwi sa ganoon ang usapan nila. Ang balak niya ay sabihin nito sa lahat ang totoo pero hindi yun ang nangyari. Now, he wants it to be real. Ganoon lang nito tinapos ang problema niya. Hindi ba nito alam na isa ito sa mga problema niya?
So, I'm his girlfriend now?
Sumasakit ang ulo niya sa isiping yun. Paano na ang pangakong iiwasan ito. Tinotoo na nito ang lahat at mukhang sarado na ang isip nito. Kahit ano sigurong gawin niyang pamimilit dito para sabihin sa lahat ang totoo at huwag silang humantong sa ganito, ay hindi siya magtatagumpay.
Ano nang gagawin ko?