PANAY lang ang tingin ni Edel sa labas ng bintana ng kotse ni Ace. Hindi niya kasi alam kung paano pakikiharapan ang boss niyang ito. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin matigil ang pagtibok ng puso niya nang mabilis.
Kanina ay sinipat nito ang mga braso niya na medyo nakikita na ang pagpapasa dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa kaniya ni Edward. May kung ano ring kinuha si Ace sa mini compartment ng kotse nito. Isa yung first aid kit at kinuha mula roon ang ointment na siyang ipinahid nito sa mga braso niya.
Hindi naman ito nagtanong ng kung ano mula sa kaniya. Basta patuloy lang itong nagpahid ng ointment at pagkatapos ay nagdrive na ito. Nagsalita lamang ito nang tanungin siya kung saan siya nito ihahatid.
Sa una ay ayaw niyang pumayag. Ayaw niya itong maabala. Ayaw rin kasi niyang makasama ito ng matagal dahil sa tuwing malapit ito sa kaniya ay parang nag-ha-hyperventilate ang puso niya. Hindi ito matigil sa pagtibok nang mabilis at hindi siya makahinga. Ngunit tulad ng sabi nito-- he wouldn't take no for an answer. Kaya wala siyang nagawa kung 'di sabihin na lamang dito kung saan siya pupunta.
"Masakit pa ba?" tanong nitong bumasag sa katahimikang namamayani sa pagitan nilang dalawa.
Pasulyap-sulyap ito sa kaniya at nang huminto ito dahil red light ay bigla nitong hinawakan ang kaniyang kamay. Sinipat nito ang braso niya.
"Put some ice on it when you get home. Para hindi mamaga," wika nitong nakatingin sa kaniya. Bakas ang concern nito sa mga mata.
Tango lang naman ang isinagot niya rito. Ngumiti naman ito at ibinalik ang kamay niya sa kaniyang kandungan at nagsimula na ulit itong mag-drive nang mag-go ang traffic light.
Siya naman ay muling tumingin sa paligid na nadaraanan nila. Wala siyang ibang maisip na sabihin kaya nagkasya na lamang siya sa pagmamasid sa daan. Nang muli itong magsalita ay napapitlag siya at napatingin dito.
"Is that your boyfriend--"
"Ex." Putol niya sa sasabihin nito.
Kanina ay gusto niyang palakpakan ang sarili dahil nasabi niya ang lahat ng gusto niyang sabihin kay Edward nang hindi umiiyak. Nagulat man siya nang suntukin ito ni Ace ay parang gusto naman niyang sabihin dito na 'buti nga' dahil sa pang-gagago nito sa kaniya.
"I see... " sabi nito na parang may nais pang sabihin sa kaniya. Pasulyap-sulyap lang ito sa kaniya habang nag-da-drive. Mukhang bantulot itong magtanong ngunit hindi rin nakatiis. "... ahm, galit ka ba sa'kin?"
Napatingin siya rito at tumingin rin ito sa kaniya at ngumisi ito na parang batang may ginawang kasalanan at nagtatanong kung galit ba siya dahil sa ginawa nito. Napangiti na lang siya at napailing-iling dahil sa gestures nito.
"Are you mad, Babe?" She looked at him again and saw him wiggled his eyebrows.
She smiled but her heart couldn't stop beating fast. Paano ba naman, tinawag na naman siya nito ng 'Babe'. Hindi na yata siya masasanay sa tawag nito sa kaniya.
Well, I shouldn't be. Wala naman kaming relasyon.
"Hey? Galit ka ba sa'kin dahil sa ginawa ko sa boy--"
"Ex-boyfriend," pagtatama niya rito. "No, Sir. Hindi po ako galit. He deserved it anyway."
Ngumiti pa siya rito para ipaalam na hindi talaga siya galit sa ginawa nito sa walanghiyang ex niya. Pero sumama ang mukha nito at hindi niya alam kung bakit.
"Sir na naman? Tapos may 'po' pa. I told you, call me Ace or Babe, pwede rin namang baby. We're not in the office so I'm not your boss right now. In the first place, hindi naman talaga ako ang boss mo." Sumulyap pa ito sa kaniya.
"Sige, Ace," wika niya rito na bahagyang nahihiya. Hindi kasi siya sanay na tawagin ito sa pangalan. Kung ito ay iniisip na hindi niya ito boss, sa isip naman niya ay anak ito ng boss niya kaya technically ay boss niya rin ito.
Tumango lang naman ito at nag-focus na ulit sa pagmamaneho. Siya naman ay tumingin na lamang sa harapan ng kotse. Sa unahan ay kita niya ang paghinto ng mga sasakyan dahil sa traffic. Tumingin siya sa kaniyang wristwatch at nakitang 5:45pm na. Ang usapan nila ng mga kaibigan niya ay alas sais. I-te-text na lamang niya ito para sabihing male-late siya dahil traffic.
Kinuha niya ang cellphone sa bag at tumipa roon ng mensahe. Pagkatapos ay ipinadala niya yun sa kaniyang mga kaibigan.
"Would you mind if I ask you something?" Napatingin siyang muli kay Ace nang magsalita ito. Nakatigil ang sasakyan nila dahil sa traffic at malaya itong humarap sa kaniya.
"Ano po?"
Kinakabahan siya sa kung anong itatanong nito. Noong una kasi siya nitong tanungin ay abot-abot sa langit din ang kaba niya. Hindi na nga yata niya maiiwasang kabahan kapag ito ang nagtatanong. Palagi kasing ambush questions ang mga tanong nito.
"Why did you break-up?" tanong nito. Alam niyang ang tinutukoy nito ay sila ni Edward.
"He left me for another girl," tugon niya rito. Ngunit hindi tulad noong una na kapag naiisip niyang iniwan siya nito dahil sa ibang babae ay umiiyak siya at naaawa sa sarili, ngayon ay wala siyang maramdamang iba kung 'di galit para kay Edward.
Nang malaman niya ang dahilan kung bakit siya nito iniwan ay parang bulang nawala ang nararamdaman niya para rito. Hindi niya akalain na ganoon pala kababaw ang pagmamahal nito sa kaniya. Na iniwan siya nito dahil hindi niya maibigay ang isang bagay na ang tagal niyang iningatan.
Pero ibinigay mo sa iba at katabi mo pa ngayon sa kotse.
Wika ng isip niya. Napapikit na lang siya nang maalala ang nangyari. Noong una ay talagang nagsisisi siyang naging tanga siya at naibigay niya ang pinakaiingatan niyang si pempem sa iba. Pero ngayong kaharap na niya ang taong pinagbigyan niya ay parang nawala ang pagsisisi niya.
Wala siyang kasiguruhan na hindi siya iiwan ni Edward kung matapos niyang ibigay rito ang sinasabi nitong 'needs' daw nito bilang lalaki. Siguro kung nangyari yun at iniwan pa rin siya ay baka hanggang ngayon umiiyak pa rin siya. Iisipin niya kung bakit nagawa pa rin siya nitong iwan gayong naibigay naman na niya ang lahat dito.
Pero kay Ace, wala silang relasyon. Hindi siya nito mahal, at hindi rin niya ito mahal. Matatanggap niya kung iiwan siya nito pagkatapos nang lahat. Siguro ay masasaktan siya dahil sa guilt para sa sarili niya dahil nagpabaya siya at nagpaka-tanga, pero hindi mawawasak ang puso niya. Saka hindi naman na siguro siya lugi kung si Ace man ang nakakuha ng most precious pempem niya. Guwapo naman ito, tapos ang bango-bango pa. Tapos kapag ngumiti ito akala mo commercial model ng colgate na close-up sa puti ng ngipin.
"I see. He's an asshole. Buti hiniwalayan mo." Kumindat pa ito sa kaniya. Sa kakakindat nito na dahilan nang pag-sa-summersault ng puso niya, iisipin na niyang may sakit ito sa mata.
Nakakaletse yung kindat, eh. Behave na si heart. Huwag nang kumindat pa.
Ngumiti siya rito. Hindi niya tututulan ang sinabi nito. Edward is indeed an asshole for breaking her heart.
"Saan dito ang bahay ninyo?" tanong nito pagkatapos.
Tumingin siya sa daan at napagtanto niyang ang daan na tinatahak na nila ay ang papunta sa kanila. Nakikita na niy ang kanto ng street nila. Doon sila magkikita-kita ng mga kaibigan niya.
"Diyan na lang ako sa may kanto. Nandiyan ang mga kaibigan ko," tugon niya sa tanong ni Ace.
Ipinarada naman nito sa harap mismo ng paborito nilang kainan na magkakaibigan. Nakikita na niya sina Ruby at Lei na naroon at nagkukuwentuhan.
Akmang lalabas na siya at magpapasalamat nang pigilan siya nito sa pagbubukas ng pinto.
"Let me," sabi nito bago lumabas ng kotse at umikot sa parte niya.
Binuksan nito ang pinto niyon at inalalayan siyang lumabas. Napapantastikuhang nakatingin lang siya rito. At hayun na naman ang buwisit niyang puso, pumipintig nang mabilis dahil dito.
"Here." Hinawakan nito ang kamay niya at inilagay sa palad niya ang ointment na ginamit nito kanina para sa braso niya.
"Sige, alis na ko. Your friends are waiting." Tumingin ito sa kinaroroonan ng mga kaibigan niya. Hindi na siya nagtaka kung bakit alam nitong yun ang mga kaibigan niya, mukha kasing timang na kumakaway ang mga ito sa kanila.
"Bye, Babe." Humalik pa ito sa pisngi niya bago nagmamadaling tumungo sa driver side. "See you tomorrow."
Sumaludo pa ito at kumaway sa kaniya bago sumakay sa kotse nito. Wala naman siyang ibang nagawa kung 'di ang kumaway rito. Kahit nang pausarin nito ang sasakyan at makaalis ay naroon lang siya sa kinatatayuan at nakatanga habang tinitingnan ang papalayo nitong sasakyan.
Nagising lang ang diwa niya nang batukan siya ng kung sino.
"Aray! Masakit ha!" ingot niya sabay baling sa kung sinoman ang gumawa niyon. Nakita niya ang dalawang kaibigan niya, naroon na rin si Jem na hindi man lang niya namalayan ang pagdating kanina.
"Tama lang 'yan nang magising ka, tanga! Mukha ka na kasing timang diyan eh." Mukhang gangster na sabi sa kaniya ni Lei. Naka-crossed arms pa ito sa harap ng dibdib nito na akala mo naman ay mayroon.
"Who's that ba? He looks yummy and mabango, eh," tanong naman ni Ruby sa kaniya.
"Wala. Boss ko yun. Isinabay lang ako," sagot niya at naglakad na papunta sa loob ng bentelog carenderia na kinakainan nila.
"Wow ha! Tangina nag-ca-carpool na ang boss mo? Bagong business niya?" Lei told her in a sarcastic tone.
"Ay naku! Mahabang kuwento," sabi niya habang tumitingin sa mga menu na naroroon.
"We're ready to listen." Rinig niyang sabi ni Jem sa may gilid niya.
"Oo nga. You tell it while we're making kain our meal."
"Oo na, mamaya. Umorder muna tayo at nagugutom na ko, eh."
Mayamaya ay kumakain na sila ng mga paborito nilang kainin sa carenderiang ito.
"Oh, Bruha, magkuwento ka na," sabi sa kaniya ni Lei habang inuubos nito ang laman ng plato nito.
Siya naman ay tapos nang kumain. Uminom muna siya ng tubig bago sinimulang magkuwento.
"Aba'y gago talaga 'yang ex mo 'no? Ano bang tingin niya sa relasyon? Puro s*x lang? Tangina lang," si Lei ang unang nag-react. As usual maamo lang ang mukha nito pero pang-gangster ang ugali.
"Ang lakas naman his loob to ask you to make balikan. His reason is so shallow naman. You know, he's an asshole for that."
"Alam mo 'yang mga lalaking 'yan, akala mo they are God's gift to women. Akala nila na ang mga babae ay hindi mabubuhay kapag wala sila. Putangina! Anong tingin nila sa sarili nila, oxygen? We women can live without men, kaibigan lang sa atin sapat na para sumaya, pero sila... they can't live without us. Kasi walang kakamot sa makakati nilang itlog," galit na wika ng kaibigan niyang si Lei.
"Saka bakit pa nila nililigawan ang mga babae at pasasagutin kung bandang huli sasaktan lang din naman pala? Men are polygamous by nature, but that doesn't give them the rights to break our hearts," wika pa ni Jeremy na kanina pa nananahimik sa gilid.
"True! It doesn't mean na polygamous sila, they have to make patol to every girl in town. In the first place, kung mahal mo talaga ang isang tao, you'll be faithful to her, be loyal to her no matter how many temptations who make lapit to them. Hindi lang naman kasi love ang ibinibigay ng girls when they make sagot the guys. We give our love, our loyalty, and our trust to them just to make the relationship works. We trust them with our hearts..." sabi pa ni Ruby na sadyang ibinitin ang sinasabi at tumingin pa sa dalawang kaibigan.
"Because we're stupid to believe them," sabay-sabay na sabi ng tatlo niyang kaibigan.
"Kasi ganoon talaga sa love. You tend to be stupid, to be blind, to be deaf," wika ulit ni Jeremy.
"Kasi nga kahit ganoon, ramdam mo naman yung happiness. Tangina ni love! It's so complicated," dagdag pa ni Lei na ikinatawa nilang lahat.
"Oh, who naman si Mr. Yummy?" tanong ni Ruby sa kaniya.
"Wala nga yun. Boss ko nga lang. Nasa malapit lang siya siguro no'ng magkaroon kami ng shooting ni Edward sa kalye. Siya rin yung sumapak kay Edward nang ayaw bitiwan ang braso ko. Nagmagandang loob lang na ihatid ako rito. Hindi na ko tumanggi kasi same lang naman ang way namin," aniya sa mga ito. Ayaw na niyang ikuwento pa ang mga detalye ng ginawa nito. Knowing her friends ay mag-uusisa at mag-uusisa ang mga ito.
"Boss mo? Hindi ko alam na humahalik na pala sa pisngi ng empleyado niya ngayon ang boss kapag nagpapaalam," sarkastikong sabi ni Lei sa kaniya.
"Wala nga yun. Beso beso lang yun, sus!"
"Eh bakit parang naengkanto ka roon sa labas kanina. Tulala ka pa nga. Kung 'di kita binatukan, parang walang balak ang kaluluwa mong bumalik sa'yo."
"Hindi naman ako nakatulala, eh. Hinatid ko lang nang tanaw. Ang OA n'yo," sabi niya rito sabay irap para pagtakpan ang pagkapahiya niya.
Hindi pa siya handang sabihin sa mga ito kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanila ni Ace.
Bakit? Mayroon ba?
Yun na nga! Wala ngang namamagitan sa kanila bukod sa ito ang unang nakipag-meet and greet kay pempem. Pero lintek na puso niya, kung makaasta ay parang may something sila. Kung tumibok ito nang mabilis kapag nasa malapit lang si Ace ay gano'n gano'n na lang. Para siyang mahihimatay at hindi makahinga.
"Well, kung boss mo lang siya, then so be it. But I can sense that there's more to that. You're just not ready to talk about it. But remember this, Edel. If that guy, who happens to be your boss, hurts you and makes you cry... " sabi ni Jeremy at sadya nitong bitinin ang sasabihin at tumingin sa kaniya. "... he'll be begging for his life."
Napangiwi siya sa sinabi nito. Parang kaswal na kaswal lang dito ang sinabi nito. Wala talagang laman ang utak nito kung 'di karahasan. Napakabayolente. Pero kahit ganoon ito, she appreciated it that she's going to do that for her. Ganoon naman kasi silang magkakaibigan, they will do everythin para sa isa't isa.
"Oo na. Hindi ako masasaktan no'n. Wala naman kaming relasyon," wika niya sa mga kaibigan.
"Tanga! Pinapaalalahanan ka lang namin. Baka tumawag ka na naman isang araw tapos umiiyak ka na naman. Wala naman talaga sa amin kung gusto ka no'n o gusto mo siya. Basta ingat lang. Huwag bigay todo. Mahalin muna ang sarili bago mo mahalin ang mga walanghiyang lalaki na 'yan."
"That's right!" sang-ayon ni Ruby sa sinabi ni Lei at nag-apir pa ang dalawa.
"Alam ko naman yun. Concern lang kayo sa'kin. Promise, hindi na ako iiyak sa mga kalahi ni adan na mga manloloko," pangako niya sa mga ito na itinaas pa niya ang kaniyang kanang kamay.
Pinapanalangin niya na sana nga ay magkatotoo ang pangako niya. Sawa na rin naman siyang masaktan nang dahil sa mga panloloko ng mga lalaki. Ipapangako niya na rin sa sarili niyang hinding-hindi na siya magpapakatanga sa mga lalaki at mahuhulog basta-basta, kahit ano pang matatamis na salita ang sabihin ng mga ito.
What about Ace?
He is her boss, and it should stay that way. Kahit pa nga abnormal ang puso niya kapag nakikita niya ito. Kailangan niya lang sigurong rendahan ang puso niya sa pagtibok nang mabilis. Kung kailangan niya itong iwasan ay gagawin niya.
"Thank you, mga bebs. Alam n'yong love ko kayo. Group hug!" At yun nga ang ginawa nilang apat.