Chapter 6

2635 Words
CHAPTER 6 "Mommy!" mahinang tawag sa akin ni Blue, na umiiyak. Habang tinitignan niya ako na umiiyak din. "I'm sorry, mommy we make you like this again" habang hawak ni Brown ang aking kamay. At biglang nagsalita si Black. "Did I told you already, stop crying. Can you please be strong, We dont want you to see like this mommy please wipe your tears" panenermon ni Black, eto nanaman siya lord parang nakakapatay ang mga tingin niya lalo na sa mga tao sa harap namin. "Pwede naman kayong di aalis dito sa school ko, kung hihingi kayo ng tawad, at saka yang mga anak mo luluhod sila at mag makaawa, at hahalik sa mga paa ng mga anak namin, baka I considered." sabi nito ng naka ngisa at nakataas ang kilay. "Sobra naman po ata yan Mam" agad na sabad ni mam Melinda. "Hoy, diba sabi ko wag kang makikialam dito, galit na sigaw ni mayora. " Miss Esguerra, sundin niyo na lang, kung gusto mong manatili mga anak mo dito. Sagot din ng principle. Pinikit ko ang mga mata ko saka tumayo,habang nanginginig ang buong katawan ko dahil sa sinabi nila.. "No way, we dont do that" sigaw ni Brown "In your dreams, we didnt do anything wrong. Pinagtanggol lang namin ang sarili namin," sabad din ni Blue. Di parin ako nakapagsalita, dahil sa galit na nararamdaman ko. Nagulat ako ng biglang may sumigaw, sinuntok na pala ni Black ang anak ng may ari nitong school, napatayo ako bigla at hinila ko agad ang anak ko. " Now, you have to reason to kick us in this fvcking school" natulala ako tama ba tong narinig ko. Nagmura ang anak ko, di naman ito ang una siyang nagsalita ng di maganda pero di ganun kalalim ang mga yun,pero ngayon si Black nagmura na parang matanda,nagulat talaga ako. "Anak," tanging nasambit ko. "Galit na galit na sinugod kami ng nanay ng batang sinuntok ng anak ko. " Mga walang hiya kayo magbabayad kayo"sigaw nito, hinarang ko siya kaya ako ang nasabunutan niya saka kinalmot ang mukha ko. Hinayaan ko siya di ako lumaban kahit inaawat siya at hila hila din ako ni Mam Melinda. Nasa likod ko ang mga anak ko. " Bitawan mo Mommy namin sigaw ni Blue at Brown habang hinihila nila ang kamay ko. At umiiyak na sila. " Mommy please fight back! Mommy I said fight back, wag kang magpapaapi. Stop being so weak!! "galit na sigaw ni Black. Na yun yung biglang gumising sa diwa ko, I saw him crying. This is my first time I saw him cry. Dahil dito lumaban ako nasuntok ko siya ng malakas na ito ang dahilan ng pagtilapon niya sa sahig at nawalan ng malay. Sa totoo lang taekwondo fighter ako dati ng highschool pa ako. Isa ito sa favorite hubby ko noon. Nanahimik ang lahat walang umimik,Hinila ako ni Mam Melinda at mga anak ko palabas. "Umalis na kayo Miss Esguerra, ilayo mo na mga anak mo dito bago pa magising si Mam" sabi nito at dali dali kaming umalis ng mga anak ko.. Habang sakay kami ng tricycle tahimik lang ako at mga anak ko. Biglang ngumisi si Black. "Kung ganyan ba lagi ang gawin mo mommy eh di wala ng mang aapi sayo" "Yeah! Knocked out siya, mabuti nga" sabi ng anak kong si Blue. "Mommy ang galing niyo po kanina" puri sa akin ni Brown na nakangiti. "Mga anak, di dapat mga ganyan sinsabi niyo, ha matuto parin kayong gumalang sa mga nakakatanda. Yung nagawa ko kanina ay diko sinSadya yun, saka wag na wag na kayung makikipag away ha mga anak, di naman masama ang umiwas para wala ng gulo" paliwanag ko sa kanila. Hanggang nakarating na kami sa bahay. "Ano na mangyayari sa mga anak ko, paano na sila ngayon" sabi ko sa sarili ko. Pagkababa namin sa tricycle, agad kami pumasok ng mga anak ko sa loob ng bahay. Pagkabukas ko sa pintuan, may nakita akong kausap si nanay Belen sa sala. Dahan dahan kaming lumapit. "Oh, anak andito kana pala at mga bata" Bati nito sa amin. "Opo nay, mano po" parang di mapakali si nanay Belen sa itsura niya. Biglang nagsalita ang babae, "So, ikaw yung ampom ng mama ko. Oh tatlong lalake pala sila, infairness ang gagandang lalaki mga anak mo., salamat pala sa dahil sinamahan mo nanay ko habang wala ako, ngayon andito na ako pwede na kayo umalis sa buhay ng ina ko. At sa bahay namin." sabi nito habang, tinitignan ako ng mula ulo hanggang paa. Hindi muna ako nagsalita dahil sa gulat na narinig ko. " Marie anak, di pwede silang umalis. Di ako papayag na umalis sila dito". "Hindi pwede, ngayon andito ako gusto ko paalisin mo na sila dito. Ayaw ko makasama yang mga yan dito sa bahay. Dadalhin ko pamilya ko dito" pagmamatigas nito. "Marie anak, parang awa mo na wala silang mapuntahang iba" pakiusap nito sa anak. Pero sadyang matigas at makapal lang ang mukha nito. "Sige mamili ka, ako na tunay na anak mo oh yang ampon mo" sagot nito sa ina. "Anak wag naman ganito, wag mo sila paalisin, maawa ka sa mga bata" pakiusap nito sa anak. Nanatili parin akong di nagsalita, pinapanood ko lang sila na mag ina na nagsasagutan. Pero di ko maiwasan umiyak, para akong binuhusan ng malamig na tubig. "Ano na Mah paalisin mo ba sila oh ako na mismo ang aalis" paulit ulit nitong sabi kay nanay Belen. "Anak!! Naman" yan na lang tanging nabanggit ni Nanay. Nilakasan ko ang loob ko, huminga ako ng malalalim saka ako lumapit kay nanay Belen na umiiyak na. "Nay, ok lang po. Matagal niyo na tong inaantay na makasama ang iyong anak. Wag na po kayo mag alala sa amin ok lang kami ng mga apo mo" sabay yakap sakanya, diko na napigilan ang luha kong dumaloy at napahagulgol na din ako habang yakap yakap siya ng mahigpit. "Anak, paano kayo ng mga bata, di maatim ng konsencya ko basta basta aalis kayo dito san kayo titira." "Nay, makinig ka sa akin. Piliin mo anak mo, gusto ka rin niya makasama, nay mahal ko po kayo, kahit di ako nanggaling sainyo, minahal ko kayo, dahil kaw na ang pangalawang ina ko" ""Anak, patawarin mo ako" "Shshshs, wala kayong kasalanan nay, gawin niyo po ang nararapat". Kumalas ako sa pagkayakap ko sakanya. At tinungo ko ang hagdan papunta sa kwarto para mag impake. Sumunod ang tatlo kong anak. "Mommy, are we gonna leave here," tanong ni Brown habang inaayos ko ang mga gamit nila para ilagay sa luggage. Pilit kong nginitian ang aking anak. "Its ok mommy. Things gonna be alright dont worry, you still have us" saka ako niyakap ni Black at diko nanaman napigilan ang sarili kong maiyak. "Thank you mga anak, ano na lang ang gagawin ko pag wala kayo."sabi ko habang yakap yakap ko silang tatlo. "We are not like this if we have father, walang mang aapi sa atin, I really want a daddy mommy para magtatanggol sa atin, at dina po kayo umiiyak" at mas lalo akong napaiyak dahil sa sinabi ni Blue. Totoo siguro, di ganito aabutin ng mga anak ko pag may ama sila. Pero ano magagawa ko di ko naman siya nakilala at maalala. Ang sakit sakit sa dibdib ko na nakikitang naghihirap sila, anong gagawin ko... "Mga anak patawarin niyo si mommy dahil wala kayong ama, pero wag kayong mag alala, gagawin lahat ni mommy para di na kayo nahihirapan ng ganito, at walang mang aapi sa inyo, ipagtatanggol kayo ni mommy" tumango na lamang ang mga anak ko tinulangan akong mag ayos ng aming gamit. Pagkatapos namin mag impake, bumaba kami agad para magpaalam kay nanay Belen. Sinalubong kami ni nanay na umiiyak at niyakap niya mga bata. "Mga apo tandaan niyo ito mahal na mahal kayo ni lola, may mga bagay lang talaga na di niyo pa maintindihan, balang araw maiintindihan niyo rin" umiiyak na sabi nito. "Its ok lola, we still love you, dont be sad anymore" pag ayo ni Brown kay nanay. "We miss you Lola, until we meet again" Paalam ni Blue saka ito niyakap. Samantala si Black ay dimo makitaan ng emosyon sa mga mata nito. Pero ang kinagulat namin ng yakapin niya bigla si nanay na mas lalong humagulgol ito. "Stay healthy, always lola I love you" saka yumakap na din ito kay nanay. "Nay salamat sa lahat diko kayo makakalimutan hanggat akoy nabubuhay Sana po maging masaya kayo sa piling ng iyong anak, magkikita parin tayo nay dadalawin ko po kayo lagi namimis kita nay mahal ko po kayo" emesyonal kong sabi kay Nanay. Bigla itong may inabot sa akin na puting envelope. Kinuha ko ito at binuksan. Laking gulat ko na ang nilalaman ay pera, agad agad ko naman itong sinauli sa kanya.. "Anak kunin mo ito,para kahit papano ay makatulong sainyo" pilit niya itong sinisiksik sa aking kamay. "Nay wag na po kailangan niyo po yan, may konti pa naman akong naitatabi yan na lang po muna gagamitin ko" pagtanggi ko sa kanya. "Ano ba yan! Ang dadrama niyo aalis ba kayo oh mag iiyakan na lang kayo diyan" Bigla kaming napalingon sa anak ni Nanay na si Marie. Dina lang ako nagsalita pa. Kinuha ko ang mga gamit namin at saka ako nagpaalam ulit kay nanay na aalis na kami. Umalis kami ng mga anak ko na mabigat ang nararamdaman. Diko lubos maisip na hahantong kami sa ganito. Diko maiwasang tanungin ang nasa taas at bakit kami naghihirap ng ganito. Ito ba ang parusa niya sa lahat ng ginawa kong kasalanan, pero pinag sisihan ko naman lahat yun. Sobra naman ata ito. Bigla ako huminto at muling nilingon ko ang bahay na aking tinuring na pangalawang tahanan, naiiyak nanaman ako. Ano ba tama na wag ka ng umiyak pa, sermon ko sa sarili ko. Pagkalabas namin sa gate agad akong pumara ng tricycle para masakyan namin. Habang nakasakay kami ng tricycle agad kong minessage si Joy. At bigla ko naalala si Mam Kylie, dali dali kong kinuha ang phone ko at dial ang number nito. Sinagot naman niya agad. "Hello, ang lakas ng loob mong tawagan ako, wala ka man lang paalam na dika papasok. Abay sinasagad mo ata ang pasensya ko", walang preno nitong sabi sa akin. Hinayaan ko lang siya. Ng matapos na itong magsalita. "Mam, tinatanggap ko na po ang offer niyo, na sa maynila na akong magtrabaho," bigla siyang natigilan saka siya sumagot ulit. "Really! Ok you come to hotel right now" Saka ito binababa ang phone niya. Pagkarating namin sa hotel, agad kong nakita si Joy na sumalubong sa amin. "Naku bruha ano ba ngyari sainyo. Paano na kayo ng mga inaanak ko ngayon," nag aalalang sabi ni Joy. "Hello ninang ganda" bati niya Brown at Blue, mabilis naman na niyakap ni Joy ang mga ito. Habang si Black ay walang pakialam parang walang nakita. "Ang gagandang lalake talaga tong mga inaanak ko." nakangiting sabi ni Joy at saka lumapit kay Black at ginulo ang buhok nito. Na yun ang kinainis agad ni Black, saka tinignan ng masama si Joy. "I said dont ever touch my hair" inis na sabi nito kay Joy. "Ang cute, hala sige halina na, kayo pasok tayo sa loob," aya ni joy Pumasok kami sa loob ng hotel. Umupo kami sa couch sa may lobby. "Dito lang kayo mga anak ha, may pupuntahan lang si mommy, samahan kayo ni ninang" "Sigurado ka na ba diyan bruha" "Oo, no choice eh mas mabuti siguro ito, para makaiwas na din sa gulo ang mga anak ko, ito na lang ang tanging paraan" "Oh, sige pumunta kana kay mam kanina ka pa noon inaantay alam mo naman maiksi ang pasensya noon, ako na bahala sa mga bata" tumango na lang ako at saka pumunta ako sa office ni mam Kylie. Nang makarating ako, agad akong kumatok. Agad naman niya ako pinapasok at pinaupo. "Good, at tinaggap mo ang offer ko sayo, aasikasuhin ko ang kailangan mo sa lalong madaling panahon, dika magsisi sa pagtanggap mo nito" nakangiti ito habang nagsasalita. "Mam, salamat po, pero may hihilingin sana akong pabor" "Go ahead, what is it, tell me" "Mam can we stay here tonight at hotel with may kids?" "Sure! Pinahanda ko na ang isang room para sainyong mag iina" "Po! Paano niyo nalaman wala pa po akong sinasabi sainyo" "Di na yun mahalaga, you and youre sons can stay here, hanggang sa magbukas ang hotel sa maynila, you can go now magpahinga na kayo ng mga anak mo. Because you need to start to work again tomorrow" saka tumayo at inabot sa akin ang key card ng room namin. Totoo ba to nanaginip ba ako. Bakit bigla atang bumait sa akin si mam nakapagtataka naman, Di ata ako sanay na ganito siya. "Di ka pa ba aalis" nagulat ako at dali daling lumabas sa office nito. Agad agad kong pinuntahan ang mga anak ko. Saka kami nagtungo sa kwarto namin. Tinulungan naman kami ni Joy sa pag aayos ng mga gamit namin. Di naman na siya nagtrabaho pa kasi inutusan siya ni mam Kylie na tulungan kami. May mga pansamantala kasi na tinalaga dun si mam na kapalit muna namin. Agad agad naman nakatulog ang mga bata dahil sa kapaguran. Isa isa ko silang inayos para komportable sila. Pag katapos namin ayusin ni Joy ang mga gamit namin. Sinabihan niya akong magpahinga muna. At siya na bahala sa pagkain pagkagising namin mamaya dadalhin na lang ito sa kwarto namin. Dahan dahan akong tumabi sa mga anak ko para makapagpahinga din, unti unti ko naipikit ang aking mga mata, dahil sa kapaguran at kaiiyak pagod na pagod ako. Sana panaginip lang mga ito,... Bulong ko sa sarili ko. Hanggang sa na nakatulog na ako ng tuluyan... ********* "Anak, mahal na mahal ka ni Papa, lahat ng sakit na nararamdaman mo ngayon ay malalagpasan mo yan. Isa lang itong pagsubok. Wag mo sukuan ang mga mahalagang tao sa buhay mo. Ngayon ka nila higit kailangan. Alam ko balang araw ay sasaya ka rin. Tandaan mo anak matagal na kitang pinatawad, sana naman patawarin mo na rin ang sarili mo. Wag kang susuko anak"....... Katagang naririnig ko ngayon kay papa habang yakap yakap ako habang pinupunasan ang aking mga luha sa aking pisngi, habang akoy umiiyak. Kumalas siya sa pagkayakap sa akin saka hinalikan ang noo ko. Saka ngumiti at lumayo ito at unti unting nilalamon siya ng puting usok habang kinakaway ang kanyang mga kamay na nagpapaalam, hinabol ko ito pero di ko na siya naabutan, umiyak ako ng umiyak habang tinatawag ko siya. "PAPA, WAG NIYO PO AKO IWAN PAPA, PAPA.... PAPA"........ "Mommy wake up mommy" "Mommy are you ok" "Mommy, please wake up" Mga ingay na naririnig ko habang nakapikit ang aking mga mata, nararamdaman kong na may nangyuyugyog sa akin, pero hirap akong dumilat, hanggat naramdaman kong may mga yumakap sa akin at doon lang bumalik ang aking diwa. At bigla ako napabangon at umiiyak pala ako. Si papa nagpanaginipan ko at tuluyan nanaman akong napahagulgol. Bigla akong niyakap ng mga anak ko. "Mommy dont cry please" habang hinahaplos ni Blue ang likod ko. "Mommy, we are here" pinupunasan naman ni Brown ang mga luha ko. "Mommy, look at me, can you please dont cry anymore, paano mo kami maipagtanggol, kung ang mismo naming ina ay napakahina, mommy please stop crying and being weak, how many times I told you already. Be strong for us" Bigla akong natauhan sa mga sinabi ng anak kong si Black siguro nga masyado akong mahina at diko kaya silang ipagtanggol... I need to strong for them but how. Ang hirap sadyang mahina ako. Wala na yung dating April,na malakas matapang na walang kinakatakutan. Diko na maibabalik yung dating ako....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD