CHAPTER 5
"Mam, pasensya na po kayo, bilin po ni sir, bawal kayong pumasok sa loob" pagpigil ng secretary ko kay Yoona na nagpumilit pumasok sa office ko.
"I'm his fiance, why I cant not go inside?, papasok ako kung kailan ko gusto, at walang sino man ang makakapigil sa akin" galit na sigaw ni Yoona, na hanggang sa labas ng pintuan dinig na dinig ko ang paninigaw nito.
"Pero mam ako po malalagot, pag pinapasok ko po kayo"
"Tumabi ka nga diyan" sigaw nito.
Di na napigilan ng secretary ko ang pagpasok sa loob na kinaroroonan ko.
"Honey, look your secretary ayaw ako papasukin" Sumbong nito sa akin.
"Sir sorry po di ko siya mapigilan, nagpumilit po siya na pumasok" paliwanag ng secretary ko.
"Ok! Iwan mo muna kami." nag mamadali naman lumabas ito.
"What are you doing here, I'm busy you can go now," walang emosyon na sabi ko
sa kanya. At patuloy pa rin ako na nakatutok sa lap top ko.
"Honey, di mo ba ako namimiss matagal na dimo ako tinatawagan at pinupuntahan. Are you really my fiance! Lets have lunch today honey, please." pangungulit nito sa akin na kinainis ko naman.
"Pwede ba Yoona busy ako, umalis kana nextime na lang wala akong panahon,"
Saka ko tinawag ang secretary ko.
"Danie! Please pkisamahan naman si Yoona palabas dito sa office ko, at wag na wag kang magpapasok ng kung sino dito sa loob ng office oh kahit sino kung hindi, ikaw mananagot" utos ko.
"Yess sir, mam this way please"
"Honey are you kidding me, pinapaalis mo ako ha! No ayaw ko namiss kita honey dimo ba ako namiss,"
"Get out now Yoona, habang nagtitimpi pa ako, dimo magugustuhan pag ako magalit, now get out!" Sigaw ko sakanya
" I will call Tito and Tita, pagpinaalis mo ako, sa ayaw at gusto mo maglalunch tayo, or else isusumbong kita kay tita"
Pananakot nito sa akin. What she think of me I'm afraid to my Mom.
"Go ahead do it, magsumbong ka, pero ito tandaan mo, tapos na ang pagiging fiance ko saiyo pag ginawa mo yan" pagbabanta ko sa kanya.
"Now, get out or gusto mong tuluyan ka ng mawala sa paningin ko" sabi ko sakanya habang tinititigan ko siya.
"No! You can't do this to me Leon, di ako papayag" galit nitong sabi sa akin saka dali daling lumabas sa office ko.
"I dont care, di ikaw ang pinapangarap kong maging asawa ko Yoona." sabi ko sa aking sarili. Isinara ko ng malakas ang lop top ko dahil sa inis..
"Can I Come in," at isa din pumasok ang istorbong nilalang.
"What are you doing here, besides you are already inside," inis na sagot ko kay Alex.
"Woh, relax man, bat ba ang init ng ulo mo. Dahil ba kay Yoona nakasalubong ko siya halos nag aapoy sa galit. Dimo siya pinagbigyan no, Oh ikaw ang nabitin,kaya siguro mainit ulo mo" pang aasar nito.
"Get out, wala ka naman nasasabing matino, at bat lage ka pumapasok sa office ko, may sarili ka naman office, anong meron dito at pabalik balik ka. Wala ka bang trabaho, oh andito ka lang para istorbohin ako".
"Pupunta lang ako dito sa office mo storbo agad. Di ba pwedeng namiss lang kita. I miss you Tigre este Leon" pang iinis nito sa akin di ko alam kung maiinis ba ako oh matatawa sa kalokohan nito.
"What do you want, tell me now. I'm busy. Kung wala ka naman sasabihin. Lumayas ka na sa harap ko ngayon din."
"Lets eat lunch, gutom na ako alam ko di ka pa nag lunch" yaya ni Alex.
"I'm not hungry. Ikaw na lang marami pa ako tatapusin" tanggi ko sa kanya.
"Common dude, halika na. Mamayang hapon aalis ako papuntang Nueva Ecija."
"Ano nanaman ang gagawin mo doon
bat panay yata ang punta mo doon, ang pagkakaalam ko bihira ka lang pumaparoon. Pag may problema lang or kailangan ayusin doon." pagtatakang tanong ko sa kanya.
"Gusto mong malaman, sumama ka kaya sakin mamayang hapon punta tayo doon"sabi nito.
"I dont have time sa mga kalokohan mo, you go by your self wag mo ako idamay"
"Sumama kana dude, maraming fresh na girls doon, sigurado magugustuhan mo"
"Di ko na kailangan pumunta doon para maghunting ng girls, marami ako niyan dito, models celebrity at iba pa bat pa ako lalayo, ikaw na lang "
It's up to you, ikaw din. Sayang naman di mo makikita yung isa sa pinakamagandang receptionist sa hotel mo, tutal ayaw mo naman akin na lang siya" sabi nito habang nakangisi.
"Pwede ba Alexander, lumayas kana dito" pananaboy ko sa kanya ng bigla niya ako hilain at akbayan palabas ng office ko.
"Lets eat lunch first para mabawasan yang kasungitan mo gutom lang yan" sabi niya habang palabas di na ako pumalag sumama na lang ako.
"Saka nga pala Dude, Niyaya ko sina Aldrin, King At Louise. Para sa grand oppening ng hotel, para makapag bonding din tayo. Namiss ko na mga mokong na yun"
"Bahala ka na, sabi ko naman sayo di ako makapunta may business trip ako that day, ok na din na pupunta sila para may kasama ka" sabi ko habang kumakain.
"Sigurado kana ba na di ka dadalo, sigurado pag pupunta ka, di ka magsisi bro, baka dun mo makita ang forever mo" "Pwede ba kumain ka na lang" inis na sabi ko, ang daldal talaga ng tao na to.
****April Esguerra ****
Twelve mid night na nung makauwi ako sa bahay. Galing sa partime job ko sobrang pagod ako halos diko na maihakbang mga binti ko. Paakyat ng hagdan papunta sa kwarto ng mga babies ko. Pagbukas ko ng pinto, agad akong lumapit sa mga ito. Saka ko sila pinaghahalikan sa pisngi diko na binuksan ang ilaw para di sila maistorbo.
"Mga anak, mahal na mahal kayo ni mama. Mga anak di ako magsasawang magsisi, dahil sa tangka kong patayin kayo nung nalaman kong nabuo kayo dahil lang sa pagkakamali ko. Paano na kaya ako ngayon kung wala kayo"
At maluha luha nanaman ako. Tumayo ako at inayos ang sarili ko, baka maramdaman nila na umiiyak nanaman ako. Inayos ko mga kumot nila saka ako dahan dahang lumabas sa kwarto nila.
Pagkatapos kong magbihis nahiga na ako. Kinuha ko ang phone ko at binuksan buong araw kong di nabuksan ang phone ko dahil sa sobrang busy ko. Pagkabukas ko nakita ko agad ang ten missed calls ni Mam Melinda. Nagtaka naman ako bakit siya tumawag. At binuksan ko din ang message. Nakita ko na nagmessage ang teacher ng mga anak ko.
**Miss Esguerra Bukas, kung pwede pumunta kayo sa school, importante lang, kailangan andito po kayo.; Mam Melinda" yan ang nabasa ko na message ni Mam Melinda. Bigla akong kinabahan. Bakit kaya may ginawa ba mga anak ko. Pero may trabaho ako bukas.
" Bahala na si batman pupunta ako bukas sa school nila baka importante nga to" mabilis din akong dinalaw ng antok dahil sa kapaguran..
Pagkagising ko dumaretso ako sa loob ng kwarto ng mga anak ko. Laking gulat ko wala na sila. Hinanap ko sa may banyo pero wala naman sila. Ang aga pa ang bilis naman ata nilang nagising. Bumaba ako at dumaretso sa kusina pero napanganga ako wala sila. Sakto naman na nagluluto si Nanay Belen.
Parang may mali ata kasi di naman ganito. Usually every morning pinupuntahan ko naman sila sa kwarto para gisingin mas nauuna ako bumabangon. Pero bat wala akong nadatnan sa kwarto nila at dito sa kusina. Pagtataka ko.
"Nay asan po mga bata, bat wala po sila dito kahit sa kwarto nila" tanong ko.
"Anak, umalis na sila"
"Ho! Umalis na di man lang ako inantay, sigurado kayo nay bat ang aga naman ata" pagtatakang tanong ko.
"Anak, sundan mo na lang sila sa school nila, dalhin mo na din tong agahan nila kasi dipa sila kumain, isabay mo na umalis na kasi sila agad, para makakain sila" malungkot nitong sabi sa akin. Natulala ako at tinititigan si Nay Belen.
"Nay may nagyari ba na diko alam sa mga anak ko. Di naman ito ngyari first time po to na umalis sila na di kumain at higit sa lahat di sila nagpaalam"
"Mas mabuti pa anak puntahan mo na lang sila, ayaw ko naman na pangunahan ka mas mabuti pa puntahan mo na lang anak. Sige na magbihis kana at kunin mo tong pagkain nila anak, wag kana muna pumasok asikasuhin mo muna sila" habang tinitignan ako ni Nanay.
"Nay, sabihin niyo po ang totoo, may nangyari ba sa mga anak ko"?
"Anak mas mabuti pa pumunta kana para malaman mo" dina ako muling nagtanong agad agad akong nagbihis at umalis agad dina ako nagkapagpaalam kay Nanay Belen. Lakas ng kabog ng dibdib ko. Parang di maganda ang mangyayari sa mga anak ko.
Medyo natagalan pa ako makarating dito dahil wala akong makita na tricycle agad. Pagkarating ko agad kong tinungo ang class room ng mga anak ko. Agad akong pumasok agad kong nilibot ang loob ng silid pero diko makita mga hinahanap ng mata ko.
"Huh! tita ganda."gulat na sabi ni Sunny
" Hello Sunny nasaan sina Black, Blue, Brown.? "tanong ko sa kanya. Pati mga class mate nila mukhang nagulat sa pagdating ko.
" Po eh-kasi_" halos di makapagsalita ng maayos dahil nauutal ito. Akmang tatanungin ko sana ulit si Sunny ng tumunog ang phone ko. At si mam Melinda ang tumatawag sa akin. Sinagot ko agad ito.
"Hello mam" sagot ko sa kabilang linya.
"Miss Esguerra nasaan ka. Andito na po ba kayo sa school".?
"Opo Mam andito ako ngayon sa class niyo po kaso wala kayo dito at mga anak ko. Asan po kayo at mga bata"
"Punta kayo sa may Principals office andito sila. Sige antayin ko na lang kayo dito" saka niya pinatay.
Kinakabahan ako ng husto, halos takbuhin ko na ang principles office. Pagakarating ko dito agad akong kumatok. At binuksan agad naman ito.
Bumungad sa harap ko si Mam Melinda na para bang naiiyak. At nasulyapan ko kaagad ang mga anak ko na gulat na gulat. Lumapit ako sakanila.
Masama ang tingin ng mga magulang ng mga bata na nasa kabilang silya. Na para bang gusto ako balatan ng buhay. Nagulat ako dahil puro pasa at sugat ang mukha ng mga anak nila. Agad akong lumapit sa mga anak ko na nakayuko.
"Mga anak anong ngyari ano ginagawa niyo dito. Blue anong nangyari sa mukha mo anak, bat my sugat ka at pasa" tanong ko sa kanila ng may pag aalala.
"Mommy sorry, we make a trouble again, but its not our fault sila nauna" malungkot na sabi sakin ni Black.
"So ikaw ang nanay ng mga walang modong mga bata na ito, tignan mo nga ang ginawa nila sa anak ko" bigla sabi ng nanay ng bata na nasa harapan namin.
"Mawalang galang na po mam pero wala kayong karapatan na sabihan ng ganyan ang mga anak ko" na kinagalit ko dahil sa pagkasabi niyang ganun sa anak ko.
"Miss Esguerra , ayusin mo pananalita mo dimo alam kung sino nasa harap mo ngayon, siya lang naman ang asawa ng mayor dito" sita sa akin ng principle.
"Tignan mo ginawa nila dito sa anak ko halos dina makilala ang mukha niya, dapat managot yang mga bastardo mong mga anak, sabagay dina ako magtataka kung ganyan mga asal nila dahil, sa pariwara na ang ina nila wala pa silang ama" pang iinsulto ng nanay ng isang bata. Kinuyom ko ang mga kamay ko dahil sa galit diko matanggap na ganito ang sasabihin nila sa mga anak ko.
"My mommy is not like that, wag mong sabihan ng ganyan ang mommy ko. You have no right to judge us. Even we dont have father, napalaki niya kaming maayos, saka di kami gaganti kung di sila nauna" Galit na sigaw ni Black, my son is angry now, ang dilim ng mukha niya na halos diko na makilala.
"Oh tignan mo principle halatang walang galang ang batang yan bastos, bukas na bukas din ayaw ko ng makita sila sa school ko" pataray na sabi nito, siya pala may ari ng school na ito. Kaya pala lakas ng loob nila. At yung isa mayor ang tatay dito,dina ako magtataka na walang magtatanggol sa amin.
"Dapat lang kailangan makick out sila dito,pasalamat kayo may konsencya pa kami kung hindi babayaran niyo ginawa niyo sa anak ko, saka wala naman kayung pambayad, mga wala naman kayong pera, mabuti pa wag mo na papasukin ang mga anak mo" pangungutya ng mayora.
"Wala kayong karapatan na sabihan ng ganyan mga anak ko, pinalaki ko sila ng maayos at may galang kahit mahirap kami, kilala ko sila di sila nauuna, maliban lang kung nasaktan niyo sila" mangiyak iyak na sigaw ko wala na ako pakialam, basta pagdating sa nga anak ko. Diko hahayaang maapi sila.
" Pasensya kana Miss Esguerra, pero bukas dina pedeng pumasok ang mga anak mo dito malaki ang violation na ginawa nila na sapat na para silay ma kick out dito sa school" sabad ng principal. Violation na pala ngayon ang pagtatangol lang ang sarili.
"Pero sir, di naman ata makatarungan ito.,bat di muna natin tanong 'tong mga nakaaway ng mga anak ni Miss Esguerra
Unfair naman po ata" pagtatanggol ni Mam Melinda.
"Teacher Melinda, wag kana ng makialam dito, kung ayaw mong mawalan ng trabaho," pagbabanta ng principle kay mam Melinda.
"Mam Melinda, salamat pero wag na po kayo makialam baka mawalan pa kayo ng trabaho, ayaw kong madamay pa kayo" sabi ko ky Mam.
"We dont need to stay here, aalis ang mga anak ko dito. Tutal walang hustisya ang katulad naming mahihirap, ano ba naman laban namin sa anak ng mayor at anak ng may ari ng paaralan na to, wala naman diba Mr. Principal" at tuluyan ng tumulo ang luha kong kanina ko pang pinipigilan dahil sa bigat ng nararamdaman ko.