Ryker
Alas-kwatro pa lang ng hapon ay gising na ang aking diwa. Panggabi ang aking pasok pero sa susunod na buwan ay pang-umaga na ako. Cardiologist ang kinuha ko na kurso sa larangan ng pagme-medisina dahil gusto kong tularan ang yapak ng aking ama. Isa itong tanyag na doctor at nang magretiro siya ay nagpatayo siya ng sarili niyang hospital kung saan ako nagtratrabaho ngayon. Isa rin ito sa mga sikat na hospital sa ibang bansa kaya nagkaroon na ito ng ilang branches. Imbes na ako ang magpatakbo nito ay mas pinili ko ang maging doctor dahil katulad ng aking ama ay gusto ko ring tulungan ang mga taong may sakit sa puso.
Medyo tumunganga muna ako ng saglit sa kawalan habang nakatitig sa ceiling ng aking apartment. Napangiti ako nang maalala ko ang kapit-bahay kong babae. Alam ko na may bagong lipat sa katabi kong kwarto pero hindi ko naman akalain na isang magandang babae ang nakatira roon. Unang kita ko pa lang sa kanya kahapon ay aaminin kong nabighani na ako ng angking ganda niya. Hindi siya nagsusuot ng kahit anong palamuti sa kanyang mukha pero maganda na siya.
Lalo na ang mga mata niya na kung tumitig ay para kang nahihipnotismo rito. Hindi ko rin maiwasang tumitig sa kanyang mga labi. Aaminin ko na gusto ko siyang halikan noong mga oras na iyon. Lalaki lang ako at normal sa akin na ma-attract sa mga magagandang babaeng tulad niya. Kaso napangisi ako nang maalala ko na masungit pala ito.
Napatingin ako sa naipit kong paa at ipinagpapasalamat ko na wala namang nabaling mga buto. Buti na lang at nawala na ang sakit nito dahil kahapon ay halos hindi ko na ito mailakad sa sobrang lakas ng pagkakaipit niya. Natawa na lang ako nang maalala ko ang nag-aalala niyang mukha. Tumayo na ako at nagsimulang maghanda para pumasok sa aking trabaho. Nagtataka nga ang ibang tao bakit ako naninirahan sa isang apartment gayong isa naman akong doctor.
May naipatayo na akong bahay dahil sa aking propesyon pero masyado akong nalalakihan dito at medyo malayo ito sa aking trabaho. Kaya naman lumipat ako sa isang apartment na tama lang ang espasyo sa isang tao. Sa ngayon ay tanging mga katulong lang ang naroon at pumupunta ako roon kapag maluwag ang aking schedule. Isa pa ay mas malapit itong apartment ko sa aking pinagtratrabauhan kaya pinili kong manatili rito.
Nang matapos akong maghanda ay naisipan kong magsulat ng maikling liham para sa masungit kong kapit-bahay. Paglabas ko ng aking apartment ay napangiti akong tumapat sa kanyang pinto at pinasok sa maliit na giwang ng kanyang pinto ang aking sulat.
Pumanhik na ako sa baba at pumunta sa aking sasakyan sabay minaneho ko ito papunta sa hospital. Pagdating doon ay napapatingin sa akin ang maraming kababaihan. Gustong-gusto ko ang atensyon at kilala ako bilang isang babaero. Lalaki ako at natural lang sa akin na maikama ang kahit na sino. Sinisigurado ko naman na palagi akong nagpapa-check-up para maiwasan ang AIDS.
"Oh! Nandyan ka na pala Doc!" masayang bati sa akin ng barkada kong si Jack.
Si Jack ay barkada at matalik kong kaibigan simula ng high school kami. Parehas kami ng kinuhang propesyon pero siya ay isang obstretician. Katulad ko ay babaero rin ang isang ito at isang dahilan niya kung bakit siya naging obstretician ay dahil sa mga babae.
"Ano nanaman ang sasabihin mo sa akin at ganyan ka ngumiti?" tanong ko sabay nag-time in.
"Punta tayo ng bar mamaya. I want to get laid!" sigaw niya at tinawanan siya ng mga nurse na naroon.
Inikotan ko siya ng aking mga mata. "I think I'll pass."
Dumiretso ako sa aking opisina at ibinaba ang aking bag. Nakita ko namang sumandal si Jack sa pintuan.
"Ikaw na matinik sa mga babae gustong mag-pass? Palagi tayong lumalabas at umuoo ka palagi kapag nagyayaya ako." Humalukipkip siya. "May sakit ka ba?"
Inis akong napatingin sa kanya. "Kung wala kang magandang sasabihin lumayas ka rito. Baka hinahanap ka na ng mga pasyente mo."
Umiling siya. "Nah! Palagi na lang akong nakakakita ng buntis. Kung minsan nagsisisi ako na ito ang kinuha kong kurso."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Hindi ko na kasalanan iyon. Palibhasa kasi gusto mo lang makakita ng mga hiyas ayan tuloy mukhang nagsasawa ka na. Karma na ang tawag diyan."
Napasimangot siya. "Ang sungit mo ngayon. You're no fun bro. Makaalis na nga. Magkita na lang tayo mamaya. Oh, by the way, hindi pa ako nagsasawa dahil hiyas ang pinag-uusapan dito."
Napabuntong-hininga ako sabay tinignan ko ang oras sa aking bisig nang mapansin kong wala pa ang sekretarya ko. Malapit na akong magbukas at mukhang may nakapila na sa labas para magpa-check-up. Tatayo na sana ako nang humahangos na dumating ang aking sekretarya.
"Doc pasensya na po kayo. Traffic po kasi," paumanhin niya.
"Just get their names already," medyo inis kong sabi.
Tumango siya at nagsimulang magtrabaho sabay nagsimula na rin akong mag-check-up. Sa mga nagdaang panahon ay dumarami ang nagkakaroon ng sakit sa puso. Kadalasan ay iyong mga nagkaka-edad na at meron pang iba na bata.
Mabilis na lumipas ang buong araw dahil sa dami ng pasyente na nagpapatingin ng kanilang kalusugan. Huminga ako ng malalim sabay sumandal sa aking upuan. Geez, mukhang kailangan ko nga yatang uminom. Napatingin ako sa aking sekretarya nang isara niya ang pinto at lumapit sa akin.
"Doc pasensya na kanina. Hindi ka naman siguro galit?" maarte nitong sabi.
Kunot-noo akong tumingin sa kanya. Nang dumukwang siya para halikan ako ay pinigilan ko siya.
"Stacy nasa trabaho tayo. May mga tao pa sa labas." Nahihiya siyang lumayo sa akin.
"Pasensya na doc."
"Tapos na ang trabaho mo. Mabuti pa umuwi ka na," masungit kong turan at lumabas na siya ng aking opisina.
Matagal ko nang sekretarya si Stacy at dahil natural na sa akin na ako ang linalapitan ng babae ay naikama ko ang aking sekretarya. Wala naman nang bago dahil lalaki ako at may mga pangangailangan din ako pero simula nang may mangyari sa amin ay kung umakto siya ay para siyang nobya ko. Naiirita ako kaya kung minsan ay sinusungitan ko na siya para lumayo na siya sa akin. Kunti na lang talaga ay papalitan ko na siya.
Bigla namang sumulpot si Jack sa bukana ng aking pintuan at sumipol habang nakatitig sa kalalabas lang na si Stacy. Alam ni Jack na may nangyari sa amin.
"You didn't have s*x with her? Usually, ginagawa mong parausan ang sekretarya mo 'di ba? Anong nagbago?" takang tanong niya.
"Ayoko lang at wala ako sa mood," sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko.
"Alam mo matagal na tayong magkaibigan. Alam ko na ang hilatsa ng bituka mo. Mahilig ka sa babae at walang araw na hindi ka pumalya para magkama ng isa." Umupo siya sa silya na nasa harapan ng aking mesa. "Tell me who is it?"
"Shut up!" Zinipper ko ang aking bag.
"I knew it! There is someone!" Pumalakpak pa siya na akala mo nanalo ng lotto.
"f**k you bro," sabi ko sa kanya sabay labas ng aking opisina.
Inayos ko ng mabuti ang pagkakasukbit ng aking bag at pumunta sa parking lot. Pagsakay ko sa aking sasakyan ay wala akong balak na umuwi muna. Hindi ko alam kung bakit pero simula nang makita ko si Stacy ay naging iritable ako.
Minaneho ko ang aking sasakyan at naisipang pumunta muna sa isang bar. Alas-dos pa lang kaya maaga pa naman. Pagpasok ko sa bar ay marami nang tao at mukhang lasing na ang mga ito.
Agad akong umorder ng hard liquor na alak at tinungga ito ng mabilis saka umorder ulit. Nakaka-apat na shot na ako ng brandy nang may babaeng lumapit sa akin.
"Hi pogi. I offer one night. There's a room upstairs." Hinaplos niya ang aking hita.
Napatingin ako sa kanya at muntik kong ibuga ang aking iniinom. Mariin akong napapikit at tumitig ulit sa babae. Hindi pa naman siguro ako lasing pero what the hell? Akala ko ay nakita ko si Serenity. s**t! This is not good.
Pilit kong iwinaksi ang mukha ni Serenity pero tuwing pipikit ako ay ito ang aking nakikita. Napalatak ako dahil kanina pa himas ng himas ang babae sa aking hita at mas lalo lang akong nag-iinit lalo na kapag naaalala ko si Serenity. Sa inis ko ay pinagbigyan ko ang babae.
"Fine," sagot ko sa babae at malawak siyang napangiti.
Binayaran ko ang ininom kong brandy at giniya ako ng babae sa taas kung saan may kwarto nga. Pagpasok sa kwarto ay agad niya akong hinalikan. Habang hinahalikan niya ako ay palagi kong nakikita sa kanya si Serenity. f**k this!
Nang mahimasmasan sa init na aking nadarama ay hindi na ako nagtagal sa kwartong iyon. Inayos ko ang aking sarili at iniwanan ang babae ng sampung libo sa kama bago ako umalis.
Umuwi ako at nahahapong umakyat sa aking apartment. Napatingin ako sa kwarto ni Serenity at napailing bago dumiretso sa aking kwarto.