Chapter 4

1472 Words
Serenity Pinahid ko ang aking pawis sabay uminom ng dala kong tubig. Ngayon kasi ang araw na maghahanap ako ng trabaho. Pinasahan ko lahat ng kompanya basta makapaghanap ng trabaho. Sinabi nilang lahat na ite-text na lang ako kaya pauwi na ako ngayon. Naghihintay ako ng sasakyan pero pakiramdam ko ay mahihimatay ako sa init at wala pa man din akong dalang payong. Pinagpapawisan na ako sa init lalo na at tanghaling tapat pa man din. Maya-maya ay may tumigil sa aking harapan na isang Nissan sabay ibinaba ang kanyang bintana. "Hoy! Ano ba'ng ginagawa mo?" Napatalon ako sa tuwa nang makita ko si Janice. Agad naman akong sumakay sa kanyang kotse. Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman ko ang air conditioner sa loob ng kanyang kotse. "Bakit ba tirik na tirik ang araw ay nasa gitna ka ng daan?" tanong ni Janice sabay nagsimulang magmaneho. "Naghahanap kasi ako ulit ng bagong trabaho. Kapapasa ko lang ng mga resume ko sa ibang kompanya kaso natagalan yata ako kaya naabutan na ako ng tanghali." Tumango-tango naman siya. "Kumusta ka naman sa bago mong apartment?" tanong nito. Ngumiti ako. "It's really peaceful. Tulad nga ng sabi ng pinsan mo maganda iyong apartment." Tinaasan niya ako ng kilay. "And?" Napatingin ako sa kanya. "What do you mean, And?" "How about that handsome doctor that my cousin was talking about?" Inikotan ko siya ng aking mga mata. "Wala. H-hindi ko pa naman siya nakikita." Tumango siya at mukhang naniwala naman siya sa pagsisinungaling ko. Oras kasi na sinabi ko sa kanya na nakilala ko na ang doctor kong kapitbahay ay sigurado akong sesermonan nanaman ako ni Janice. Para kasi siyang pangalawang nanay ko kaso mas masungit lang siya. Pumunta kami sa SM at ipinarada ang kanyang sasakyan sa parking lot. Yinaya niya ako na pumunta sa starbucks para uminom ng kape. Pagpasok namin ay busy akong tumitingin ng kape na oorderin ko nang may makabunggo sa akin. "P-Pasensya ka...na..." Napa-angat ang aking tingin at para akong nanigas sa aking kinatatayuan. "Serenity?" tanong ni Aaron. Napalunok ako nang makita ko siya. Siya lang naman ang unang nobyo ko kung saan binigay ko ang lahat. Siya ang nakauna sa akin sa lahat. Siya iyong unang nanakit sa akin at muntik ko nang kitilin ang aking buhay nang dahil sa kanya. "Ikaw nga! How are you?" masaya niyang bati sa akin. Pilit akong napangiti. Gusto kong umalis doon pero ayaw gumalaw ng aking mga paa. "Fine," tipid kong sagot at tumango-tango siya. "I see. Look—" Magsasalita pa sana siya pero tinawag ni Janice ang aking pansin na ipinagpasalamat ko. Sabay kaming napatingin ni Aaron kay Janice na may dalang dalawang frappe. Ibinigay niya sa akin ang isa at masaya ko naman itong tinanggap. "Hi! You are?" tanong ni Janice kay Aaron. "Aaron... Aaron Davis." Nag-hand shake ang dalawa. "Janice," sagot naman ni Janice kay Aaron. "Kaibigan ko si Serenity. You know each other?" tanong niya. Bago pa sumagot si Aaron ay inunahan ko na siya. "He's just a friend." Napatingin sa akin si Aaron sa gulat at hindi na lang siya umimik. Napatango na lang siya at ngumiti kay Janice. "Nice meeting you. Mauna na kami," paalam ni Janice. Palabas na sana kami ng starbucks nang tawagin ni Aaron ang pangalan ko at sinundan kami ni Janice. Napapikit ako ng mariin at napamura na lang sa aking isipan. "Serenity. Ginagamit mo pa rin ba iyong dati mong number?" tanong niya. "Hindi na," sagot ko. "Pwede ko bang makuha ang number mo?" Linabas niya ang kanyang cellphone. Huminga ako ng malalim. Napatingin ako kay Janice at hinihintay niyang ibigay ko kay Aaron ang number ko. Ayoko nang magkaroon ng kahit na anong komunikasyon mula kay Aaron. Hindi naman sa may nararamdaman pa ako sa kanya pero tuwing naaalala ko ang ginawa kong katangahan ay naiinis ako sa kanya at sa aking sarili. Kaya naman imbes na ibigay ko kay Aaron ang aking numero ay walang salita na hinila ko si Janice paalis ng starbucks at hindi ko na siya hinintay pa na magsalita. Tumalikod na ako at dali-dali akong naglakad palayo. Siguro ay ipinagtaka iyon ni Janice pero hindi na lang siya nagtanong. Bumalik kami sa nakaparada niyang sasakyan sa parking lot. Habang papunta roon ay naiinis ako na sa lahat ng pwedeng lugar kung saan ko makikita ang dati kong nobyo ay dito pa talaga. "Ang gwapo naman ni Aaron. Paano mo siya naging kaibigan?" tanong ni Janice. "Uhm...nakilala ko siya sa unang trabaho ko noon." Tumango-tango naman siya. Tahimik kaming lulan ng sasakyan ni Janice papunta sa aking apartment. Buti na lang at hindi na muli pang nagtanong si Janice tungkol kay Aaron. Hindi ko rin naman kasi sasabihin sa kanya kahit magtanong pa siya. Pagkahatid ni Janice sa aking apartment ay nagpasalamat agad ako sa kanya. Yinaya ko siyang pumasok muna pero tumanggi na siya at sinabing sa susunod na lang dahil pagod na siya galing sa trabaho. Kumaway ako sa kanya at hinintay kong mawala ang kanyang sasakyan sa aking paningin bago ako pumasok sa gusali. Kaso nang papasok na ako sa pintuan ng gusali ay nasalubong ko si Ryker. Nagkagulatan pa kaming dalawa. Nakasuot siya ng damit panlabas kaya tantya ko ay papasok na siya sa trabaho. Ngayon na ganito ang itsura niya ay mukha siya lalong gumwapo at lalong tumingkad ang kanyang kayumangging mga mata. Ngumiti siya at agad niya akong binati. "Magandang hapon Ms. Serenity. Nobyo mo ba ang naghatid sa iyo kanina?" Marahil ay ang tinutukoy niya ay si Janice. Hindi rin kasi bumaba ng kotse ito kaya akala niya ay lalaki ang naghatid sa akin. "O-Oo," tanging sagot ko na lang sa kanya kahit alam kong hindi naman ito totoo. Medyo tumagal siguro ng ilang segundo ang pagtititigan namin sa isa't isa nang mag-give way siya sa akin. Nagpasalamat ako sa kanya saka pumasok sa gusali. Nakailang hakbang pa lang ako nang lingonin ko siya. Nakita ko siya na nakatitig sa akin. Nang makita niya akong napalingon ay agad siyang sumakay sa kanyang sasakyan. Ano naman kayang problema ng isang iyon? Pumanhik na ako sa aking apartment nang mapansin ko na may isang tangkay ng red rose sa harapan ng aking pinto. Inamoy ko ito nang maalala ko si Ryker. Siya kaya ang nag-iwan nito? Pagdating ay agad akong humiga dahil sa pagod. Huminga ako ng malalim nang maalala ko ang aking pagsisinungaling kanina. Napabuntong hininga na lang ako sabay kinuha ang aking cellphone sa aking bulsa at itinapon ang aking cellphone sa kama dahilan para mahulog ito. Tinatamad akong pulutin ito at yinakap ang aking unan habang katabi ang rosas. Unti-unti akong hinila ng antok habang nakatingin ako sa pulang rosas hanggang sa mapapikit ako at makatulog. Paglipas ng ilang oras na mahimbing na tulog ay nagising ako nang marinig ko na nagri-ring ang aking cellphone. Kumurap-kurap ako at nakita ko na gabi na pala. Inaantok akong napaupo sa aking kama at hinanap ang aking cellphone. Nakita ko naman ito sa sahig at nakita kong numero lang ang nakalagay dito. Nagulat ako nang makita kong naka-ilang missed calls ang numerong ito. Grabe 20 missed calls sa loob lang ng dalawang oras? Nang matapos siyang tumawag ay sumunod ulit ang isa pang tawag kaya naman sa inis ko ay sinagot ko na ito. "What the hell? Bakit ba tawag ka ng tawag?" galit kong tanong sa kung sino man ito. "Serenity, I'm sorry for calling you again and again. I-I want you back." Napanganga ako ng kunti nang marinig kong boses ito ni Aaron. Paano niya nakuha ang numero ko e hindi ko naman ito binigay sa kanya. "Paano mo nakuha ang numero ko? Isa pa a-ano ba iyang sinasabi mo? Hindi ba ikaw ang nang-iwan sa akin tapos ngayon gusto mo ako ulit balikan? Pinagloloko mo ba ako?" Narinig ko siyang humihikbi. "Please, Serenity. Matagal na kitang gustong balikan kaso hindi ko na makontak ang dati mong number. Kaya naman nang makita kita kanina ay sinabi ko sa sarili ko na gagawin ko ang lahat para bumalik ka lang sa akin," humihikbing paliwanag niya. Nakaramdam ako ng inis at pagkayamot sa kanyang sinabi. "Hindi na ulit Aaron. Paano pa ako magtitiwala sa iyo kung ikaw mismo ang sumira sa relasyon natin noon? Patawarin mo ako Aaron pero ayoko na. Maghanap ka na ng iba at doon mo na lang ituon ang iyong pansin." "Serenity-" Hindi ko na siya pinagsalita pa at pinatayan ko na siya ng tawag. Agad ko namang blinock ang kanyang number para hindi na siya makatawag ulit. Bukas na bukas din ay magpapalit ako ulit ng number. Naiinis ako dahil bakit ko pa ba siya nakitang muli? Huminga ako ng malalim at agad na pinatay ang aking cellphone para hindi na siya makatawag ulit sabay humiga sa aking kama at ipinikit ang aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD