bc

The Broken Wife

book_age18+
840
FOLLOW
3.4K
READ
playboy
doctor
drama
bxg
city
office/work place
betrayal
lies
affair
like
intro-logo
Blurb

Sa panahon ngayon parang mahirap nang maniwala sa mga katagang: 'I love you', 'Ikaw lang ang mamahalin ko', 'Hindi kita lolokohin', 'Hindi kita ipagpapalit sa iba' at marami pang iba. Sa huli ay iiwan kang luhaan, may sugat sa puso at mananatili pa ang sugat na kailanman hindi na mabubura pa.

Ganyan ang naramdaman ni Serenity Torres sa mga nagdaang mga nobyo niya dahil ilang beses na siyang linoko ng mga lalaki. Lahat na yata binigay niya pero hindi niya masabi kung ano ang kulang o kung may sobra. Sa sakit na kanyang nadarama ay napagdesisyunan niyang lumayo at lumipat siya sa isang apartment kung saan ay nakilala niya ang gwapong doctor na si Dr. Ryker Faron.

Si Ryker Faron ay isang cardiologist at isang doctor sa puso. Ang akala ni Serenity ay magiging maayos na ang buhay niya kasama ang doctor pero paano kung kailan masaya na siya ay saka naman siya muling masasaktan.

Magawa pa kayang maging buo ni Serenity? Kaya niya pa kayang tumayo sa lahat ng mga hirap na dinanas niya? O susuko na lang sa lahat ng kanyang mga paghihirap?

chap-preview
Free preview
Prologue
Serenity Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong nagtangkang magpakamatay dahil sa isang lalaki. Ang daming nagsasabi sa akin na isa raw akong tanga pagdating sa pag-ibig dahil hindi ko raw pinipili ang iniibig ko. Hindi niyo kasi naiintindihan at wala kayo sa lugar ko para sabihin niyo ang ganyan. Hindi ko naman kayang turuan ang puso ko kung sino'ng iibigin ko. Kung pwede nga lang sana hindi na ako nasasaktan ng ganito. "Clear! Clear! She's back!" rinig kong sigaw ng isang boses ng babae. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. Hindi ko kayang imulat ang aking mga mata. Naririnig ko ang mga boses sa aking paligid. May mga taong umiiyak sa aking paligid pero wala na akong pakialam. Nasaan na ba ako ngayon? Ang huling natatandaan ko ay sinubukan kong magbigti. Nang mawalan ako ng malay ay namalayan ko na lang na may mga nagsasalita sa aking paligid. "Ernesto! Hindi ko na alam kung ano'ng gagawin ko sa anak mo! Ika-apat na beses na ito na muntik na siyang mawala sa atin. Paano kung sa susunod ay maulit ito at mawala na siyang tuluyan? Hindi ko na alam ang gagawin ko at baka mabaliw ako Ernesto." Iyak ng aking ina. "Hayaan mo at gagawa tayo ng paraan. Ayoko ring nakikita siyang ganito. Anak ko rin naman siya at nahihirapan akong makita siya ng ganito," sambit naman ng aking ama. Base sa kanilang pananalita ay nandito ako ngayon sa hospital. Bakit hindi na lang nila ako hinayaan na mamatay? Ayoko nang mabuhay pa. Ayoko na. Tama na. Hindi ko na kaya pang magpatuloy pa. Pilit kong minulat ang aking mga mata at unti-unti ko itong minulat. Nasilaw ako sa ilaw na nanggagaling sa ceiling. Ilang beses akong napakurap ng dahan-dahan hanggang sa ilibot ko ang aking mga mata. Nakita ko ang aking mga magulang na kausap ang isang doctor. Umiiyak ang aking ina at malungkot naman ang aking ama. Nang matapos nilang kausapin ang doctor ay pumasok sila sa aking kwarto at nakita nila ako. Dali-dali akong linapitan ng aking ina at agad na sinugod ng yakap. Nakita ko ring naluha ang aking ama at sumunod na ring yumakap sa amin ng aking ina. "Serenity! Salamat sa Diyos gising ka na anak ko! Diyos ko!" Humagulgol ang aking ina habang mahigpit na nakayakap sa akin. "Iha nakikiusap ako, huwag mo na ulit itong gagawin. Pakiusap naman isipin mo naman ang nararamdaman namin. Ikaw lang ang nag-iisang anak namin tapos ay mamamatay ka pa?" Sa nanghihinang boses sinabi ko sa kanya, "Ma, Pa, mahal na mahal ko kayo pero bakit palagi na lang akong nasasaktan? May mali ba sa akin?" Nagsimula akong maluha. "Ginagawa ko naman ang lahat pero parang hindi pa rin sapat sa kanila. Gusto ko lang namang makahanap ng pag-ibig na parang sa inyo. Ganoon na ba kakunti ang katulad ni Papa na matino?" Hinaplos ng aking ama ang aking noo at hinalikan ako sa noo. Nakita ko na may tumulong luha galing sa kanyang mga mata. "Anak hindi mo naman kailangan ang isang lalaking sasaktan ka lang. Marami ka pang makikilala anak. Magtiwala ka lang sa Diyos." Malungkot itong ngumiti. Mariin akong napapikit bago ako humagulgol. Yinakap lang ako ng aking mga magulang hanggang sa napatahan nila ako. Nanatili pa ako sa hospital ng ilang araw hanggang sa lumabas na ako ng hospital. Kapansin-pansin pa rin ang marka ng lubid sa aking leeg kaya kailangan ko itong takpan ng scarf. Pag-uwi ko sa bahay ay buong araw akong nagmukmok sa aking kwarto at sinigurado ng aking mga magulang na may duplicate silang susi sa aking kwarto. Umupo lang ako sa aking kama sabay pinapanuod ang video namin ng dati kong nobyo. Masokista rin ako dahil inuulit-ulit ko pa kahit alam kong nasasaktan na ako. Siguro nagtataka kayo kung sino ba si Serenity? Hayaan niyong ipakilala ko ang aking sarili. Ang pangalan ko ay Serenity Torres. Dalawamput-walong taong gulang. Ako ay nagmula sa may kayang pamilya dahil ang aking ama ay isang may-ari ng isang Retail Company samantalang ang aking ina ay isang attorney. Ako ang nag-iisang anak ng pamilya Torres. Nagtapos ako ng kursong Accounting sa Unibersidad ng Cordillera sa Baguio. Ang aking mga magulang ay strikto noon sa aking pag-aaral at palagi nila akong pinapangaralan na huwag na muna akong mag-aasawa o magno-nobyo. Ngunit sa gulang na dalawamput-dalawa ay nagsimula akong mamulat sa mundo ng pag-ibig. Nagtratrabaho na ako sa isang kompanya bilang isang accountant nang makilala ko ang unang lalaki na aking inibig. Matipuno, gwapo, mabait, mapagmahal at maalaga. Nagtagal ang aming relasyon ng isang taon. Noong anniversary namin ay rinegalo ko sa kanya ang aking sarili. Siya ang nakauna sa akin. Una sa lahat. Ngunit nang makuha niya ang gusto niya ay nagsimula siyang manlamig sa akin. Hanggang napag-alaman ko na lang na may iba na siyang kinakalantari. Sinubukan kong iligtas ang relasyon namin at naging martyr sa unang nobyo na aking inibig. Dumating ang araw na siya na ang nakipagkalas sa akin. Tinanong ko siya kung bakit? Anong mali? Anong kulang? Ang tanging sagot niya sa akin ay dahil madali lang daw niya akong nakuha at nagsawa na siya sa akin. Doon ako nakaramdam ng unang sakit sa aking puso. Unang hinagpis, unang lungkot, unang iyak at unang pagtatangka sa aking buhay. Noong una ay halos magalit sa akin ang aking mga magulang at sinubukan nila akong tulungan. Nagsimula akong mag-move-on. Umalis ako sa dati kong pinagtratrabauhan at lumipat ulit sa isang kompanya. Nagtagal ako ng isang taon doon sa kompanya nang may bagong salta na empleyado ako ulit na nakilala. Siya naman ang ikalawa kong pag-ibig. Katulad ng dati ay gwapo, matipuno, mabait at maalaga rin siya. Nagtagal din ang aming relasyon ng isang taon at mahigit. Binigay ko rin sa kanya ang lahat. Ngunit katulad ng nauna kong nobyo ay linoko niya rin ako. Ang dahilan naman niya, dahil daw hindi na ako birhen nang nakuha niya ako. Sinabi niya na isa raw akong basura na pinagsawahan na ng iba at ayaw niya raw ng ganoon. Nagkaroon ako ng kaibigan sa pangalawang kompanya na pinasukan ko. Ang pangalan niya ay Janice De Guzman. Siya ang naging sandalan ko nang maghiwalay kami ng pangalawa kong nobyo. Sinabihan niya ako na kalimutan ko na ang lalaki. Ngunit siya ang pangalawang lalaki na aking inibig at siya ang dahilan ng aking pangalawang pagtatangka sa aking buhay. Katulad ng dati ay pinagalitan ako ng aking mga magulang at sinabing sinasayang ko ang buhay na binigay sa akin ng Diyos. Nanatili ako sa kompanyang aking pinapasukan dahil umalis papuntang bansa ang pangalawang lalaki na aking inibig. Nang lumaon ay nakapag-move-on ako ulit. Dumating ang aking birthday noong ako ay dalawamput-limang taong gulang. Nagkaroon kami ng bagong boss dahil kailangan nang mag-retire ng dati naming boss. Ka-edad ko lang siya. Tulad ng iba ay gwapo, matipuno, mabait, maalaga at may sense of humor siya. Tama kayo ng hula at siya ang naging ikatlong pag-ibig ko. Tumagal ang relasyon namin ng dalawang taon. Ang akala ko noon ay siya na ang lalaking para sa akin pero doon ako nagkamali. Nalaman ko na isa pala siyang pamilyadong tao. Nasa ibang bansa kasi ang kanyang asawa kaya nalungkot siya at naghanap ng magpapainit sa kanyang kama gabi-gabi. Nang matapos ang kontrata ng kanyang asawa bilang OFW ay doon niya sinabi ang lahat. Bumalik ang kanyang asawa at iniwan niya ako sa ere. Tanga na kung tanga pero maniwala kayo na inihabol ko ang aking sarili sa kanya. Naging martyr ako pero ipinagtabuyan niya lang ako. Muntik pa akong makulong dahil pinasok ko ang bahay nila. Napag-alaman ko na lumayo sila para hindi ko na sila makita. Doon ko ulit tinangka na kitilin ang aking buhay. May kasabihan nga sa Ingles, "One word is enough for a wise person. Twice is stupidity." Lumampas na ako sa dalawa ibig sabihin ba ay isa na aking stupida? Masisisi niyo ba ako? Nagmahal lang naman ako. Biktima lang ako. Sa lumipas na mga taon ay nagpakalayo-layo ako. Nanirahan ako sa isang apartment para mag-unwind. Doon ko nakilala ang isang doctor sa puso na si Dr. Ryker Faron. Noong una ay nadala na ako at sinabi ko sa aking sarili na hindi na ako magtitiwala sa mga katulad niya. Ngunit itong puso ko unti-unting nahulog sa kanya ng sobrang lalim hindi ko na halos makita ang dulo. Inakala ko ulit na siya na talaga ang lalaking magpapasaya sa akin at maghihilom sa aking puso ngunit talagang mapait ang tadhana. Sa ika-apat na pagkakataon ay muli akong linoko ng aking inibig. Sa ika-apat na pagkakataon ay ayoko na talagang mabuhay pa. Tama na. Ayoko na. Magkakaroon pa ba ako ng forever?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.5K
bc

His Obsession

read
88.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
179.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook