Chapter 18

2140 Words
Kinabukasan ay naghahanda na sila Serenity sa pagpunta nila sa mall pero mukhang hindi makasasama si Ryker dahil may importante raw itong lakad. Kaya naman imbes na si Ryker ang sumama ay sinama na lamang niya si Maria upang may kasama siyang magbabantay sa mga bata. Nang makapag-ayos na sila ay linapitan siya ni Ryker at humingi ito ng tawad. “I’m really sorry, my love. Pinatawag ako ng aking sekretarya sa opisina. May importante kasi akong kailangang kausapin kaya hindi na muna kita masasamahan.” Tumango naman si Serenity. “Will you be, okay?” “Yes, we will. Sige na. Basta makakarating ka mamaya sa party ni Papa ha?” Tumango si Ryker saka ito nagpaalam sa kanila. Pagkarating nila Serenity sa mall ay binili na niya ang kanyang mga kailangan sabay binayaran na ito sa cashier. Nang aalis na sana siya ay napatingin siya sa sumusunod na magbabayad sa cashier nang mamukhaan niya ito. “Amy?” tawag niya sa pangalan ng sekretarya ng kanyang asawa. Agad naman na napaangat ang tingin nito sa kanya at mabilis itong kumaway sa kanya. “Hello po, Ma’am,” bati nito sa kanya. “Ano’ng ginagawa mo rito? Tapos na ba ang meeting ni Ryker?” Agad naman na napakunot ang noo ni Amy. “Meeting? Ano pong meeting, Ma’am?” Nagtaka naman si Serenity dahil imposibleng hindi iyon maalala ni Amy gayong ito raw ang tumawag sa kanyang asawa. “Tinawag mo raw siya kasi may importante raw siyang kakausapin kaya nga nagmamadali siyang umalis kanina e. Hindi ba ikaw ang tumawag nun sa kanya?” Umiling si Amy at agad na nagtaka na si Serenity. “Wala naman pong meeting ngayon, Ma’am. Katunayan nga ho ay sinabihan niya kami na wala raw pasok dahil may importante raw siyang pupuntahan. Pero kung sakaling umalis naman ho si Sir ay baka talagang may importante lang ho siyang kinausap. Marami ho kasing ginagawa ngayon sa opisina lalo na sa hospital.” Napatango-tango naman si Serenity at umayon naman siya sa sinabi ni Amy. Pagkatapos nilang mamili ay nagpaalam na sila sa isa’t isa at bago sila pumunta sa parking lot ay mabilis niyang tinawagan si Ryker. Ang kaso ay nakailang ring na ito pero hindi siya sumasagot. Napalatak na lang siya sabay pumunta na sila sa nakaparadang sasakyan niya at ilinagay lahat doon ang kanyang mga pinamili. Nag-drive na si Serenity papunta sa bahay ng kanyang mga parents-in-law dahil isang oras na lang ay magsisimula na ang birthday party nito. Nang maiparada ni Serenity ang kanilang sasakyan ay sinabihan niya na lang si Maria na samahan na ang kambal sa loob. Masaya namang lumabas ng kotse ang kanyang mga anak habang nakita niya na marami na ring dumating sa party ng kanyang father-in-law. Ang mga ilan dito ay halos kamag-anak at kaibigan ni Fernando. Hindi na muna siya pumasok dahil nakita niya na wala pa ang sasakyan ng kanyang asawa rito. Napatingin siya sa kanyang relo at nakita niyang limang minuto na agad ang lumipas pero wala pa ring return call ang kanyang asawa. Muli niya itong tinawagan pero mas lalo lang siyang nadismaya nang hindi na niya ito matawagan dahil mukhang nakapatay ang kanyang cellphone. ‘The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. Please try your call again later.’ Iyan ang maririnig sa bawat tawag niya kay Ryker. Nagtuloy-tuloy siya pero nakailang ring na ay wala pa rin kaya naman naisipan na lang niyang pumasok sa loob. Marami nang tao at halos nandoon ang ilang mga kapatid ng kanyang Papa Fernando. Linalaro nila ang kambal kaya naman dumiretso na siya kay Papa Fernando upang ibigay sa kanya ang binili nitong regalo. “Oh, mabuti naman at nakarating ka iha. Nasaan si Ryker?” tanong ng Mama Estrella niya. “Uhm, baka susunod na ho siya. May importante raw ho kasi siyang lakad pero sabi naman ho niya na makararating siya.” Tumango naman ang kanyang ina. “Ang bata talagang iyon ay halos magmana sa kanyang ama, sobrang workaholic. O siya, ang mabuti pa ay kumain ka na at marami kaming hinanda. Subukan mo iyong linuto ko at sabihin mo sa akin kung tama lang iyong lasa.” Masaya siyang iginiya ni Estrella sa hapag kainan kung saan ay nagsimula na silang kumain. Nakipagkwentuhan na rin si Serenity sa iba pang mga pinsan at kamag anak ni Ryker kaya halos hindi na niya napansin ang oras. Pero nang nagsimula nang mag-uwian ang mga ito ay doon niya lang napansin na hanggang ngayon ay wala pa rin ang kanyang asawa. Muli siyang napatingin sa kanyang cellphone pero wala pa ring return back call ang asawa o kahit text man lang ay wala. Nagsimula na siyang mag-alala dahil iniisip niya na baka may nangyari nang masama sa kanyang asawa. Nagsimula na ring umunti ang mga tao hanggang sa sila na lang ng kambal at si Maria ang naiwan sa bahay ng kanyang mga in laws. Maya-maya ay lumapit na sa kanya si Ryleigh habang kinukusot na nito ang kanyang mga mata. “Mama, I’m so sleepy. Can we please go home?” Napahinga naman ng malalim si Serenity sabay binuhat ang kanyang anak. “Okay. Magpapaalam lang tayo sa kanila lolo at lola at uuwi na tayo ha?” Tumango naman ang kanyang anak sabay hinalikan niya ito sa pisngi. Gano’n nga ang ginawa ni Serenity dahil hindi na niya mahintay pa ang kanyang asawa na dumating. Naintindihan naman ito ng mag-asawa at hinatid na sila sa kanilang sasakyan sabay nagpasalamat sila na dumating sila sa birthday ni Fernando. “Mag-iingat ka sa pagd-drive iha ha? Hindi bale oras na dumaan kung sakali si Ryker ay sasabihan ka namin agad,” sabi ni Estrella. “Salamat po, Mama.” Umuwi na sila at pagtingin niya sa kanyang tabi ay nakita niyang tulog na si Maria habang kalong nito si Ryleigh na mukhang inaantok na nga dahil mahimbing na itong natutulog. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na sila sa kanilang bahay at mabilis na binuhat ni Serenity si Ryder habang kay Maria naman si Ryleigh. Pinatulog na niya ang mga ito sa kanilang kwarto sabay hinalikan ang mga ito sa kanilang pisngi. Paglabas ni Serenity sa kanilang kwarto ay narinig niya ang ugong ng sasakyan ni Ryker. Mabilis siyang pumanhik sa baba. Pinagbuksan niya si Ryker at agad na yumakap sa kanya ang asawa na kanyang ipinagtaka. Doon lang niya napansin na medyo lasing ito dahil amoy alak pa ito. “Ryker, uminom ka? Alam mo bang kanina pa ako tawag nang tawag sa telepono mo?” mahinhin niyang sita sa kanyang asawa. “Shh. Sorry, my love. Yinaya kasi ako ng client ko sa bar kaya hindi ko siya mahindian.” Agad na napasimangot si Serenity habang tinutulungan niyang alisin ang sapatos ng kanyang asawa. “Nagsabi ka man lang sana na hindi ka makararating sa birthday party ni Papa. Alam mo ba na hinintay ka namin? Pati iyong mga anak mo ay inantok na rin kahihintay sa iyo.” Nagsisimula nang mainis si Serenity sa kanyang asawa dahil wala itong pinapakinggan sa kanyang mga sinasabi. “My love, I’m really sorry,” sabi nito na halos mabulol sa kalasingan. “Babawi na lang ako bukas, okay?” Huminga naman si Serenity sabay hinayaan na lang niya ang asawa. Imbes na tulungan niya itong tumayo at maglakad papunta sa kanilang kwarto ay iniwan niya itong nakahandusay sa may sofa. Naiinis siya dahil hindi man lang ito nagsabi lalo na at kanina pa siya tumatawag. Sa buong gabi na iyon ay nakatulog si Serenity hindi dahil sa tuwa kung hindi dahil sa inis at sama ng loob. Kinabukasan ay nagising si Serenity nang makarinig siya ng mga tunog sa baba na para bang may nagluluto. Agad siyang napabalikwas at nakita niyang alas-dies na ng umaga. Mabilis siyang pumanhik sa kusina kung saan ay nakita niya sila Maria na abala nang naghuhugas ng mga pinagkainan ng kambal. “Ay! Good morning ho ma’am,” bati sa kanya ni Linda. “Good morning din ho. Ginising niyo na lang ho sana ako para ako na lang po ang nagluto.” Mabilis na umiling si Linda. “Naku, ma’am. Ayos lang naman ho iyon. Ayaw naman ho namin kayong istorbihin lalo na at ang himbing ng tulog niyo. Kumain na rin ho kayo total ay tapos na rin ho ang kambal. Si Sir Ryker ho ay maagang umalis at halos hindi na po siya nag-almusal.” Agad na napatingin siya sa sinabi ni Linda. “Ha? Umalis na si Ryker?” Sabay silang tumango. “Wala ba siyang sinasabi o ayos lang ba siya?” “Hmm. Okay lang naman po siya. Medyo nagmamadali nga po siya kanina e.” Napatango naman si Serenity at umupo na siya sa hapag kainan. Paglipas ng ilang araw ay napansin ni Serenity ang pagiging late na pag-uwi ni Ryker. Kadalasan ay halos hindi na nga sila nagkakatagpo dahil kapag tulog na siya ay saka naman dadating ang kanyang asawa. Tuwing umaga naman ay hindi na niya ito naaabutan dahil maaga raw itong palaging umaalis ayon sa kanila Linda. Nami-miss na niya ang kanyang asawa dahil wala na silang alone time kaya naman naisipan niya na sorpresahin ang kanyang asawa. Linutuan niya ito ng paborito niyang pagkain para sa kanyang pananghalian at nagsuto na rin siya ng magandang damit sabay nag-ayos na rin siya ng kanyang sarili. Nagpaalam lang siya sa kambal niya dahil gustong sumama ng mga ito pero ibinilin niya na lamang sila sa kanina Linda at Maria. “Anak, pupunta na si Mama. Bibistahin ko lang si Daddy dahil sobra na siyang busy sa work. Don’t worry. I’ll give you your kisses to him, okay?” Masayang tumango ang mga ito sabay mabilis na siyang lumabas ng kanilang bahay. Habang nasa daan siya ay medyo na-traffic pa siya kaya naman sa kanyang rearview mirror ay inayos niya ang kanyang lipstick. Masaya siyang napangiti sa imahe niya sa kanyang sarili nang marinig niya ang busina sa kanyang likuran. Mabilis siyang nagpaandar at nang makarating siya sa parking lot ng hospital ay kinuha niya ang baon na dinala niya. Habang papasok siya sa hospital ay mabilis siyang namukhaan ng security guard at binati siya nito. Sumakay siya ng elevator at tuwing may makakikilala sa kanya ay mabilis nilang binabati si Serenity. Paglabas niya sa nasabing palapag kung nasaan ang opisina ni Ryker ay agad niyang nakita si Amy na abalang nagtratrabaho. “Hello, Amy. Nandito ako para kay Ryker.” Pag-angat ng mukha ni Amy ay agad na nawala ang kulay sa mukha nito at mabilis siyang napatayo sabay parang kinakabahan na ewan. “Ayos ka lang? Para kang nakakita ng multo ah?” “M-Ma’am Serenity… K-kayo ho pala.” Tumango at ngumiti si Serenity sabay pinakita niya ang linuto niyang pagkain para kay Ryker. “Nandyan ba si Ryker?” tanong ni Serenity. Pero imbes na masagot ito ni Amy ay pareho silang napatingin nang marinig niya na tinawag ang kanyang pangalan ng kaibigan ni Ryker na si Jack. “Serenity? Oh, what a surprise? Geez. Lalo ka yatang gumaganda habang tumatagal na hindi kita nakikita ah.” Natawa naman si Serenity sabay magaan niyang pinalo ang braso nito. “What are you doing here?” “Nandito ako para dalhan ng pagkain si Ryker dahil nitong mga nakaraang araw ay hindi namin siya nakasasama palagi.” Agad na napakurap-kurap si Jack. “Hindi niyo siya nakasasama araw-araw?” Tumango naman si Serenity. “What do you mean? Eh panay ang half day ng mukong na iyon ah? Akala ko nga ay palagi kayong may alone time kaya nakagugulat na hindi niyo siya nakasasama palagi.” Agad na nagtaka si Serenity at sabay silang napalingon nang magbukas ang pinto ni Ryker. Agad na napangiti si Serenity sa kanyang asawa pero hindi maaalis na gulat na napatingin si Ryker sa kanyang asawa. “M-My love? What are you doing here? Bakit hindi mo man lang sinabi na pupunta ka pala rito?” tanong ni Ryker sa kanya. “Dinalhan kita ng pagkain dahil hindi ka namin nakakasama nitong mga nakaraang araw. Kumain ka na ba ng hapunan mo?” Napasulyap naman si Ryker sa kanyang sekretarya na napatungo sabay muling napatingin sa kanyang asawa. Linapitan niya si Serenity at mabilis niyang binigyan ito ng isang halik sa kanyang mga labi. “You are so sweet, my love. Why don’t we eat your lunch outside?” “Ha? Outside? Bakit naman gusto mong kainin itong ginawa ko sa labas? Hindi ba pwede sa opisina mo na lang?” Napalunok si Ryker at nang mapatingin siya kay Jack na mukhang kanina pa pala nakatayo at nakikinig sa kanilang dalawa ay napailing na lamang ang kaibigan. “Okay. Let’s eat it inside then.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD