Chapter 17

1950 Words
Kinabukasan ay nagising si Serenity at napansin niya na mukhang hindi pa pumapasok si Ryker sa opisina. Napatingin siya sa kanyang orasan at nakita niyang alas-dies na ng umaga kaya naman nagtaka siya kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa si Ryker. Agad siyang bumangon at sakto namang lumabas si Ryker mula sa banyo at nakita niyang bagong ligo pa lamang ito. “Good morning, my love. Maayos ba ang tulog mo?” tanong nito sa kanya sabay hinalikan siya sa kanyang pisngi. “Uhm, okay naman. Teka, bakit nandito ka pa? Akala ko ba ay pumasok ka na sa trabaho?” tanong niya sa asawa at agad namang napahinga ng malalim si Ryker. “I just can’t leave without us talking about what happened yesterday. Hindi ako mapakali na hindi malaman kung ano ang iniisip mo tungkol sa nangyari kagabi. It was supposed to be a very special night, but because of what happened…” Natigil ito sa pagsasalita at napansin ni Serenity ang pag-aalala sa mukha ng kanyang asawa. “Ryker, wala ka namang dapat i-explain sa akin. Okay, I was a little bit jealous and angry last night, but that’s already okay.” Hinawakan ni Ryker ang mga kamay ni Serenity sabay hinalikan ito. “Ayoko lang kasing isipin mo na may namamagitan pa sa amin ni Laila. She’s my past that I don’t want to talk about anymore. At dahil sa pagiging playboy ko noon ay baka isipin mo na hanggang ngayon ay may komunikasyon pa rin kaming dalawa.” Napangiti si Serenity sabay hinaplos niya ang pisngi ng kanyang asawa. “I trust you, Ryker.” Napangiti naman si Ryker at napansin ni Serenity na parang gumaan pa ang loob nito sa kanyang sinabi. “Ngayon pwede ka nang pumasok sa trabaho na hindi nag-aalala. Sige na at baka mamaya ay marami ka pang gagawin sa trabaho. Ako na ang bahala sa mga bata.” “You are wonderful, my love. How can I deserve a woman like you?” Napangiti naman si Serenity at agad siyang binigyan ng halik ni Ryker. Pagkatapos ay naghanda na ito sa pagpasok at nagpaalam na itong papasok na sa trabaho. Pagdating ni Ryker sa nasabing hospital niya ay mabilis siyang binati ng mga nurse at doctor na malugod din naman niyang binati. Pagpasok niya sa kanyang opisina ay agad na bumungad sa kanya si Jack na mukhang kanina pa naghihintay sa loob ng kanyang opisina. Nang makita siya ng kanyang kaibigan ay agad itong tumayo at masaya siyang binati. “Geez, bro. Ang akala ko ay hindi ka na magpapakita.” “Bakit? May naghahanap ba sa akin?” Huminga ng malalim si Jack sabay mataman siyang tinitigan at agad na nawala ang kanyang ngiti. Alam na niya agad base pa lang sa mga tingin ni Jack kung sino ang tinutukoy nito. “Dude, alam na ba ni Serenity ang tungkol sa kanya?” tanong ni Jack. “Yes, I told her this morning about the wedding that didn’t happen between the two of us.” Iyon lang ang sinagot ni Ryker at agad na tinaasan siya ng kilay ni Jack. “Geez. Iyon lang ang sinabi mo sa asawa mo? Hindi mo kinuwento sa kanya ang lahat tungkol sa nakaraan niyo ni Laila?” Agad na napahinga ng malalim si Ryker at napaupo siya sa kanyang swivel chair. “Alam ko na napamahal ka na kay Serenity pero kailangan mong sabihin sa kanya ang totoo. Hindi habang buhay na itatago mo sa kanya ang katotohanan.” “Kumukuha pa ako ng tyempo, bro. Serenity had a history of suicidal attempts, and ever since we got married, she forgot about all of it. Ayoko lang na bumalik siya sa gano’ng lagay lalo na at may mga anak na kami.” Napailing naman si Jack. “Ikaw ang bahala pero ang payo ko lang sa iyo ay mas mabuti pang sabihin mo na sa kanya habang maaga pa kaysa naman iyong hihintayin mo pa kung kailan magkakanda-letse-letse na. Ikaw din ang mahihirapan diyan bro.” Natahimik si Ryker at napailing na lamang si Jack sabay nagpaalam na itong lumabas ng kanyang opisina. Buong araw ay hindi halos makapag-concentrate si Ryker sa kanyang trabaho at halos maibunton niya ang inis niya sa sekretarya niya na mas nagpapadagdag ng sakit ng kanyang ulo. Pagtingin niya sa kanyang orasan ay alas-singko na at malapit na ang uwian. Pinauna na niya ang kanyang sekretarya na umuwi dahil gusto niyang siguraduhin na maisasara na niya ang kanyang opisina. Habang inaayos na niya ang kanyang mga gamit pauwi ay napatingin siya sa kanyang pinto nang may kumatok. At dahil hindi naman niya alam kung sino ito ay pinapasok niya ito nang hindi man lang tumitingin sa taong pumasok. Agad na napaangat ang kanyang tingin nang marinig niya ang pamilyar na boses na iyon. Agad siyang napamulagat at para siyang natulos sa kanyang kinatatayuan nang makita ang babaeng nasa kanyang harapan ngayon. Nagtagal man ang maraming taon na hindi niya ito nakita ay para sa kanya ay parang wala itong pinagbago. Masakit isipin na hindi sila ang nagkatuluyan dahil noong nawala ito ay para na ring gumuho ang kanyang mundo noon. Ito ang isang parte na tanging si Jack lamang ang nakaaalam na kahit ang kanyang mga magulang ay hindi alam ang tungkol sa babaeng nagpaibig sa kanya noon. Siya ang naging dahilan kung bakit siya naging babaero noon dahil hindi niya matanggap na iniwan siya ng katangi-tanging babaeng kumuha ng kanyang puso. Iyon ay walang iba kung hindi si Laila Sandoval, ang high school sweetheart niya. “Ryker,” sambit nito sa kanyang pangalan. “Pumasok na ako dahil alam ko naman na uwian na. Can we please talk?” Napahilot si Ryker sa kanyang sintido. “Laila, alam mo na wala na dapat tayong pag-usapan. Why are you back? Simula nang iniwan mo ako ay kinalimutan na rin kita. Isa pa ay hindi mo ba nakita na may pamilya na ako? I love my wife.” “Mahal mo nga ba talaga o minahal mo lang dahil napilitan ka lang?” Nanahimik si Ryker. “Ryker, I can see it in her. Hindi ko alam kung nakita mo o hindi pero iyong tindig niya, iyong ayos niya, iyong paraan ng pananalita niya ay parang ako lang iyon.” “Don’t assume, Laila. No two persons can be the same,” agad na sagot ni Ryker. Pagak na natawa si Laila. “Ryker, ako pa ba ang lolokohin mo? Matagal na kitang kilala at alam ko na hanggang ngayon ay ako pa rin ang laman ng puso’t isipan mo.” Hindi umimik si Ryker at naglakad na palapit sa kanya si Laila. “Ryker, take me back please. Willing ako kahit maging kabit mo ako. Kahit kunting oras mo lang ang ibigay mo sa akin ay ayos lang. I know that I have still a place in your heart.” Agad na tinabig ni Ryker ang kamay ni Laila at pinatigas niya ang kanyang puso sabay inis na napatingin sa babae. Hindi niya basta-basta pwedeng iwan si Serenity lalo na at may mga anak na sila. May kunti man siyang nararamdaman para sa babae ay hinding-hindi na niya ito muling babalikan pa. “I’m sorry, Laila but I can’t leave my wife. Hindi na tulad ng dati na isang sabi mo lang sa akin ay napapasunod mo na ako sa lahat ng gusto mo. We are already grown-ups, and I swore a promise to the church and to God.” Pagkatapos niyang sabihin iyon nakita niyang bumalatay ang sakit sa mga mata ni Laila pati na rin ang halong pagkahinayang at lungkot. Nauna na siyang lumabas at ibinilin na lamang ni Ryker sa guard ang pagsara ng kanyang opisina. Sumakay na siya sa kanyang sasakyan at mabilis na nagmaneho pauwi sa kanyang pamilya na siguradong naghihintay na para sa kanya. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na si Ryker at nakita niya na masayang nagsasalo-salo ang kanyang mag-iina sa hapag kainan habang nagtatawanan ang kanyang kambal. Napatingin siya sa butihin niyang asawa at nakita niya ang malawak na ngiti nito sa kanyang mga labi habang nakikipaglaro sa kanyang kambal kaya pati siya ay napangiti na rin. Pero unti-unting nawala ang kanyang mga ngiti nang bumalik sa kanyang alaala ang sinabi ni Laila sa kanyang kanina tungkol sa pagkakahawig nilang dalawa ni Serenity. Aaminin niya na noong nakita niya si Serenity ay napansin niya agad na pareho sila ng mga mata at hugis ng mukha ni Laila. Noong una nga ay akala niya ay si Laila ito pero nang malaman niya na ibang tao ito ay aaminin niyang nadismaya siya. Hindi niya sinabi kay Serenity ang nakaraan niya dahil inakala niya noon na hindi na babalik pa ang babae sa buhay nila. Sa lumipas din naman na tatlong taon ay napamahal na siya sa dalaga hindi dahil sa kamukha nito ang dati niyang nobya pero dahil sa kakaibang karisma at mabait na ugali nito. Kaya naman napangiti siya at pumasok sa bahay nang sabay-sabay na mapatingin sa kanya ang kanyang pamilya. Mabilis na tumakbo palapit sa kanya ang kanyang kambal at humalik ito sa kanyang mga pisngi sabay binuhat niya ang mga ito na tumatawa. Nang maibaba niya ang mga ito ay nakatayo sa kanyang harapan ang kanyang nakangiting asawa at binigyan siya nito ng halik sa kanyang mga labi. “Kumusta ang trabaho?” tanong nito habang inaalis nito ang kanyang coat at tie. “It’s fine. It’s still the same. Anyway, I’m hungry my love. Ano’ng ulam natin?” tanong niya. “Tamang-tama dahil linuto ko iyong paborito mo.” Tumango naman si Ryker at mabilis niyang tinungo ang kanilang hapag kainan. Habang kumakain sila ay tumunog ang landline phone nila at agad naman itong sinagot ni Serenity. Agad siyang natuwa nang marinig niya ang boses ng ina ni Ryker. “Hello po, Mama.” “Serenity, iha. Is Ryker already home?” tanong nito at agad namang tinawag ni Serenity ang kanyang asawa. “Ryker, it’s mama.” Agad namang napatigil sa kanyang pagkain si Ryker at mabilis niyang linapitan si Serenity. Habang nag-uusap silang dalawa ay bumalik si Serenity sa hapag kainan habang pinapakain niya ang kambal nang bigla siyang mapatingin sa cellphone ng kanyang asawa. Umiilaw kasi ang cellphone nito at pagtingin niya ay number lang ang naka-rehistro rito. Akmang kukunin na niya sana ito nang maunahan na siya ni Ryker. “Tapos na kayong mag-usap ni Mama?” tanong niya sa asawa at agad naman itong tumango. “Ano raw sabi niya?” “Birthday party pala ni Papa sa linggo pero binabalak nilang agahan ang celebration dahil nagbabalak silang mamasyal sa ibang bansa. They moved the celebration tomorrow, and they were asking us to go to there house.” Napatango-tango naman si Serenity sa sinabi ni Ryker. “Okay. Kung gano’n ay kailangan kong bumili ng regalo para kay Papa bukas. Ano’ng oras daw iyong party?” tanong ni Serenity habang sinusubuan niya ang kanyang anak na si Ryleigh. “It will start 4 in the afternoon. Magt-take na rin ako ng leave bukas para naman masamahan kita na bumili ng regalo.” Napa-oh naman si Serenity. “Are you sure?” Tumango si Ryker at hindi na umangal pa si Serenity. “Okay. Tamang-tama dahil kailangan ko ring bilhan ng bagong damit itong kambal.” Pagkatapos nilang kumain ay pumanhik na si Ryker sa kanyang kwarto kung saan ay muli siyang napatingin sa kanyang cellphone dahil kanina pa tawag nang tawag ang numero lang sa kanyang cellphone. Nang sinagot niya ito ay napatigil siya nang marinig niya ang boses ni Laila. “Ryker, we need to talk.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD