Chapter 19

1985 Words
Note: Nakalagay po iyong link ng w*****d para po sa mga naghihintay ng update. Thanks Nang matapos silang kumain ng pananghalian ay napansin ni Serenity na parang kanina pa hindi napapakali ang kanyang asawa. Kanina pa kasi ito sumusulyap sa may banyo kaya naman agad niyang tinanong kung ano ang meron doon. “H-Ha? Well, medyo sira kasi iyong faucet sa banyo at pinapakinggan ko kung may tumutulo bang tubig upang mapatawag ko iyong tubero.” Napatango naman si Serenity. “Anyway, I love the meal, my love. Na-miss ko na ang luto mo. Pasensya ka na kung hindi na ako nakakauwi palagi ng maaga sa bahay.” “It’s okay. Alam ko naman na nagtratrabaho ka para sa amin.” Napangiti si Ryker. “Siya nga pala nakita ko si Jack kanina at sinabi niya na palagi ka raw nagha-half day?” Agad na natigilan si Ryker. “Oh, about that… Gusto kasi ng client ko na palaging kumakain kami sa labas tuwing lunch time kaya palagi na rin akong nagha-half day.” Maya-maya ay napatingin silang dalawa sa pinto nang may kumatok at sumilip ang ulo ni Amy. “Excuse me, sir. Nandito na po iyong ka-meeting niyo po ng 1 pm.” Agad naman na tumango si Ryker. “Thanks, Amy. Please tell that I’ll be right there.” Umalis na si Amy at sinara na niya ang pinto ng opisina ni Ryker. Huminga naman si Serenity at siya na ang nag-ayos ng pinagkainan nila ni Ryker. “Sorry, my love. I need to go back to work again. I’ll see you in the house later, okay?” Tumango naman si Serenity sabay humalik sa kanyang asawa. “No problem. Oh, and by the way, the kids said hi. Ingat ka ha? I’ll miss you.” Napangiti si Ryker sabay binigyan niya ng halik ang kanyang asawa sa kanyang mga labi. “I’ll miss you too. I love you.” Bago umalis si Serenity ay pinalo pa ni Ryker ang kanyang pwet na agad na ikinalaki ng mga mata ni Serenity at mahina lang na natawa si Ryker. Nang makalabas si Serenity sa opisina ng kanyang asawa ay nagpaalam siya kay Amy sabay dire-diretso nang lumabas ng hospital. Paaandarin na sana ni Serenity ang kanyang kotse nang bigla niyang maalala na nakalimutan niyang ibigay ang dessert na ginawa niya. Naiwan niya ito sa kanyang kotse kanina at dahil excited siyang bisitahin si Ryker ay sinabi niyang babalikan niya na lang ito mamaya. Mabilis niyang kinuha ang graham cake na gawa niya at lakad-takbo siyang papasok na sana sa entrada ng hospital. Pero agad siyang natigil nang makita niya si Ryker na lumabas ng opisina at lumabas pa ito mismo sa may Fire Exit ng hospital. Nagtaka naman siya dahil ang alam niya ay may meeting dapat ito ngayon. Nakita niyang sumakay si Ryker sa kanyang sasakyan at mabilis itong nagmaneho palayo kaya naman mabilis din siyang sumakay sa kanyang kotse. Pinaandar niya ito at hinabol niya ang sasakyan ni Ryker bago pa ito makalayo. Sinigurado niya na medyo malayo siya para hindi makapansin ang kanyang asawa lalo na at sasakyan niya ang gamit niya. Hindi alam ni Serenity kung saan ito papunta pero marami itong linikuan hanggang sa tumigil ito sa isang establishimento. Tumigil ito sa harapan ng isang hotel at nakita niyang lumabas ito ng kanyang sasakyan sabay ibinigay ang susi nito sa valet na para bang matagal na niya itong ginagawa. Paano ba naman kasi ay nakipag-fist bump pa siya sa lalaki na para bang matagal na silang magkakilala. Ipinarada ni Serenity ang kanyang sasakyan di kalayuan at mabilis niyang sinundan si Ryker. Pinanuod niya kung paanong dire-diretso itong kumuha ng susi na hindi man lang nagtatanong sa mismong front desk at may kinuha pa itong susi. Natanong niya bigla ang kanyang sarili kung bakit ito nasa isang hotel gayong sinabi nito na may meeting siya. Nang makapasok si Ryker ay mabilis siyang lumapit sa mismong front desk. “Hi, pwede ko bang malaman kung ano iyong room number ng lalaking kakukuha lang ng susi kanina?” tanong niya sa babae. “Uhm, sorry po ma’am pero confidential po kasi ang customer’s name namin unless kamag-anak niyo ho siya,” sagot ng babae. “He is my husband, and his name is Ryker Faron. Here’s my ID if you want to check it.” Mabilis namang kinuha ito ng babae at napangiti ito nang makitang hindi siya nagsisinungaling. “Can I get a copy of the key as well, please?” “Sure, ma’am.” Agad na may binigay sa kanyang susi at mabilis niyang nakita ang mga numerong 321B kung saan ay nasa third floor lamang ito. Mabilis siyang sumakay ng elevator at pinindot ang third floor habang naghihintay na tumigil ito sa mismong palapag. Pagbukas ng elevator ay dali-dali niyang hinanap ang kwarto na pinuntahan ng asawa. Hindi niya alam kung bakit bigla na lamang siyang kinakabahan gayong alam naman niya na wala rin naman siyang makikita. Nang mahanap niya ang nasabing kwarto ay napatigil siya sa mismong pinto at agad na binuksan niya ang nasabing pinto. Napalunok siya nang mabuksan niya ang pinto at parang gusto na niya agad magback-out dahil sa kanyang ginagawa. Pagbukas niya sa pinto ay isinilip niya ang kanyang mukha at dahan-dahan siyang pumasok sabay dahan-dahang naglakad papasok. Agad na napakunot ang kanyang noo dahil isa nga itong hotel room para sa dalawang tao at kapansin-pansin na mukhang may nakatira rito ng ilang araw dahil na rin sa mga gamit na kanyang nakikita. Dahan-dahan niyang binuksan ang bawat pinto pero hindi niya makita ang kanyang asawa nang bigla siyang pumasok sa isang kwarto. Agad niyang napansin na may mga gamit ng mga babae sa ibabaw ng kama dahil may bra at panty sabay may heels pa rito. Habang iniisa-isa niyang pinupulot ang mga gamit sa ibabaw ng kama ay maang siyang napatingin sa isang bagay na hindi niya maiisip na makikita niya sa kwartong iyon. It was a used condom and it seems like it was just recent. Agad siyang nakaramdam ng pagkahilo dahil hindi naman siguro siya lolokohin ng kanyang asawa. Marahil ay mali lamang ang kanyang napasukan o kaya mali lamang na susi ang ibinigay sa kanya ng front desk clerk. Habang pinipigilan niyang maluha ay nakarinig siya ng tawanan sa loob mismo ng banyo at narinig niya na pabukas na ang pinto nito. Halos kumaripas siya ng takbo sabay pumasok siya sa closet kung saan ay ang tanging lugar na pwede siyang magtago. Sa mismong closet ay medyo binuksan niya ng kunti ito upang makita niya kung sino ang mga taong lumabas sa nasabing banyo. Kinakabahan siya at halos kumabog ng malakas ang kanyang puso. Nakarinig siya ng tawanan hanggang sa unti-unting makita niya ang mga bulto ng tao na lumabas sa banyo. “Thank you for accepting my invite, babe. Akala ko pa naman ay hindi mo na ako sisiputin,” rinig niyang sabi ng babae. “I’m sorry about earlier. Hindi ko alam na dadating pala si Serenity sa opisina kanina kaya medyo nagulat din ako.” Halos mapatakip siya sa kanyang bibig nang marinig niya ang boses ni Ryker. “Mabuti na lang talaga at mabilis akong nakatakas kanina kung hindi ay nahuli na tayo ng asawa mo. Sabi ko na nga ba at malakas pa rin ako sa iyo. Ikaw naman kasi. Bakit ba kasi hindi mo ako hinintay? E di sana tayo ang ikinasal at hindi si Serenity.” Napasimangot pa ito habang nagsasabi kay Ryker. “Laila, I love my wife.” “But you love me more.” Nakita niyang napangiti si Ryker at tumango pa ito. “Pero kailangan natin bawasan ng kunti ang pagkikita natin lalo na at baka makahalata bigla si Serenity. Nawawalan na rin kasi ako ng alibi at hindi pwedeng palagi na lang akong uuwi ng late. Isa pa ay sigurado akong hinihintay ako ng aking kambal.” Umikot ang mga mata ni Laila sa sinabi ni Ryker. “Hays. Ano pa nga ba ang magagawa ko e ako naman ang namilit sa iyo na kahit maging kabit mo lang ako ay ayos lang. O sige. Pero huwag kang mawawala sa birthday ko ha? You promised me that you will be mine that day.” Pagpapa-cute pa nito kay Ryker. “Sure. Wala naman akong gagawin sa araw na iyon kaya baka pwede akong magpaalam o magsabi sa aking asawa. I’ll be there, I promise.” Humalik si Laila sa mga labi ni Ryker at mabilis itong tinugon ng kanyang asawa. Ang mga sumunod na eksena ay halos hindi niya makayanang panuorin. Para siyang namanhid sa kanyang mga nakita at kung pwede lang na huwag na siyang makarinig ay matagal na niyang inalis ang kanyang tenga. Pigil ang bawat luha at hikbi na lumalabas sa kanya at kahit paghinga niya ay pinipigilan niya. Ayaw niyang makita siya ni Ryker lalo na ang kabit nitong si Laila. Gusto niyang manumbat sa kanyang asawa pero hindi niya alam kung paano niya gagawin ito. Sobrang sakit ng kanyang puso na para bang nananaginip lang siya at hinihiling niya na sana ay magising siya. Makalipas siguro ang ilang minuto ay natapos na ang dalawa sa kahayupang ginagawa nila at nakita niyang nagpalit ng damit ang dalawa. Mukhang lalabas ang dalawa dahil narinig niyang yinaya ni Ryker iyong Laila na kumain sa labas. Nang makapalit ang dalawa ay narinig niya ang papalayong boses nito kasabay ang pagsara ng pinto ng kanilang hotel room. Nang mawala sila ay doon ilinabas ni Serenity ang mga hikbi at iyak na kanina niya pa pinipigilan. Pakiramdam niya ay para siyang lumilipad at hindi nakatapak ang kanyang mga paa sa sahig. Ayaw niyang paniwalaan ang kanyang mga nakita dahil alam niya na hindi iyon gagawin ng kanyang asawa. Nang makakuha siya ng kunting lakas ay itinulak niya pabukas ang pinagtataguan niya sabay napatingin sa kama kung saan sila nagsiping. Gulong-gulo ang bedsheet at kapansin-pansin na basa ito ng pinaghalong pawis at similya ng kanyang asawa. Halos mapaluhod siya sa sahig habang umiiyak sabay pinagpapalo niya ang kama. Ibinuhos niya lahat ng sama ng loob niya sa kwartong iyon. Nasa gano’n siyang lagay nang biglang bumukas ang pinto at agad siyang napatingin dito. Naalarma pa siya pero ipinagpasalamat niya na housekeeping pala ito. Nang makita siya ng babae na nakahandusay sa sahig ay mabilis siya nitong linapitan at tinanong kung ayos lang ba siya. “Dios ko, iha. Ayos lang ho ba kayo? May nangyari ho ba? Magtatawag na ba ako ng security?” tanong nito sa kanya at dahan-dahan siyang umiling. Walang salita siyang tumayo sabay dahan-dahan siyang naglakad patungo sa pinto. Sinamahan pa siya ng nasabing housekeeping hanggang sa makalabas siya at agad siyang napasandal sa pader. Sinubukan niyang maglakad gamit ang natitira niyang lakas palabas ng hotel na iyon. Ni hindi na nga niya binalik ang susi sa hotel dahil hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman sa kanyang nakita. Habang naglalakad siya patungo sa kanyang nakaparadang sasakyan ay halos hindi niya magawang pindutin ang kanyang susi upang makapasok man lang sana sa loob ng kanyang sasakyan. Nang magawa niya ito ay muli siyang umiyak at halos wala na siyang maramdaman. Ni hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman sa mga oras na iyon dahil ayaw niyang paniwalaan ang kanyang nakita. Her eyes are so blurry because of crying too much that she can’t get the strength to drive. Kaya naman ang tanging ginawa niya na lamang noong mga oras na iyon ay nanatili siya sa loob ng kanyang sasakyan ng ilang oras hanggang sa bumalik ang kanyang dating sarili. Sinasabi niya na lamang sa kanyang sarili na hindi totoo ang lahat ng ito dahil pakiramdam niya ay nauulit nanaman ang kanyang nakaraan. Pero sana naman ay huwag na itong maulit kung kailan may pamilya na siya dahil hindi niya alam kung kakayanin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD