Chapter 13

1926 Words
Serenity It's been a month. Ayos na lahat ng preparasyon sa aming kasal ni Ryker. Ngayon na ang araw na pinakahihintay ko. Ang kasal namin ni Ryker. Kagabi ay halos hindi ako makatulog dahil sa halo-halong emosyon na aking nararamdaman. Totoo pala ang sabi nila na kapag araw ng kasal mo ay para kang masusuka. Hindi ko nga alam kung nakatulog ako o hindi dahil madaling araw pa lang ay gising na ako. Pagtingin ko sa aking maid-of-honor na si Janice ay mahimbing pa siyang natutulog. Buti pa siya ang sarap ng tulog niya. Pisilin ko kaya ang ilong niya nang magising din siya. Natawa ako sa aking naisip at kinuha na lang ang aking cellphone para malibang ako. Nandito kami ngayon sa isang hotel kung saan nandito ang pamilya ko, pamilya ni Ryker at mga bridesmaid at groomsmen para maaga kaming maayusan. Alas-dos pa kasi ng hapon ang aming kasal at marami kaming gagawin kaya maaga kaming gigising. Kinukutingting ko lang ang aking cellphone hanggang sa sumapit ang alas-sais ng umaga. Ginising ko na si Janice at bumangon na ako sa aming kama sabay dumiretso sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nakita kong hindi pa gising si Janice kahit ginising ko na siya. "Hoy! Janice! Gising na!" Palo ko sa kanyang binti at nag-inat ng kanyang mga kamay. "Oo na gigising na. Pasensya naman. Ang sarap kasing matulog dito sa kama. Iuwi ko na lang kaya ito." Inikotan ko siya ng aking mga mata. "Baliw ka rin. Bumangon ka na riyan at maaga pa tayong aayusan. Alas-siyete ay nandito na iyong mga mag-aayos sa atin kaya bilisan mo." Tumayo siya. "Okay. I'm getting up. Ayie! Excited ka lang ikasal sa mapapangasawa mo eh. Alam mo dapat nagsiping kayo kagabi." Pinalo ko siya sa braso at natawa lang siya. "Ang bad mo. Bawal ngang magkita ang ikakasal bago ang kanilang kasal." Sumimangot siya. "Asus. Pamahiin lang naman iyon." Tinulak ko siya papunta sa banyo. "Pumunta ka na nga." Tumawa lang siya bago siya pumasok sa banyo. Pagkatapos ay dumating na rin iyong mga make-up artist namin at sinimulan na nila kaming ayusan. "Ay! Ang ganda mo naman madam. Pagagandahin kita lalo para ma-in love pa sa iyo iyong mapapangasawa mo," malanding sambit ng bakla. "Salamat," sabi ko. Nang matapos nila kaming ayusan ay kinuhanan kami ng kunting litrato at nagkaroon kami ng photo shoot. Ginugol namin ang ilang oras sa photo shoot hanggang sa magpananghalian na. Nag-order sila ng Jollibee at masaya kaming kumain ng aming pananghalain. Excited na ako at hindi ko pa nakikita sila Ryker. Nang matapos kaming kumain ay kunting re-touch na at naghanda na kami para sa wedding gown. Malapit na kasi ang alas-dos kaya kailangan na rin naminh magmadali at baka ma-late kami sa simbahan. Tinulungan ako ni Janice para isuot ang aking wedding gown. "Ang ganda mo! Naiiyak na ako." Sabay paypay ng kanyang kamay sa kanyang mukha. "Baliw." Tinawanan ko siya. "I'm so proud of you. Ang dami mong pinagdaanan tapos sa huli ay may nahanap ka nang para sa iyo talaga." Naluha ako ng kunti sa sinabi niya. "Oo nga. Sino ang mag-aakala na ikakasal ako." Ngumiti ako sa kanya. Pagkatapos kong magpalit ay kunting photo shoot lang ulit at oras na para sa kasal namin. Kasama ang aking ina at ama ay sabay kaming sumakay sa bridal car. "Anak masaya ako na ikakasal ka na." Kita ko ang galak sa mga mata ng aking ina. "Tatandaan mo na kahit anong mangyari ay nandito pa rin kami para sa iyo kahit may pamilya ka na." Pisil ng aking ama sa aking kamay. "Ma, Pa, salamat ho." Nginitian ko sila. Pagdating namin sa simbahan ay inayos ng wedding coordinator ang aming pila. Narinig kong tumunog ang aming wedding song at nagsimula na silang magmartsa. Kinakabahan akong tumingin kay mama at papa at nang papasok na ako sa simbahan ay tumigil muna ako saglit. "Teka po. Kinakabahan ako." Nagsimula na akong maluha at pinipigilan kong umiyak. Hindi ako naiiyak dahil sa lungkot pero naiiyak ako sa tuwa at kaba dahil hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na ako ngayon. Huminga ako ng malalim at nagsimulang maglakad. Pakiramdam ko ang haba ng lalakarin ko. Nang malapit na ako sa altar ay nakita ko na ang mukha ni Ryker na nakangiti. Paglapit ko sa kanya ay inabot ng aking ama ang aking kamay sa kanya. "Iho ikaw na ang bahala sa anak namin. Sana alagaan, mahalin at respetuhin mo siya. Pinapaubaya ko na siya sa iyo." Bilin ng aking ama. "Opo 'Pa pangako." Ngumiti si Ryker saka bumaling ang kanyang tingin sa akin. Pagharap namin sa altar ay hindi tumigil ang mabilis na t***k ng aking puso. "We are gathered here today for the wedding of Ryker Faron and Serenity Torres. May tumututol ba sa kasalanan nila?" tanong ng pari. "Wala po father! Wala nang babae si Ryker kaya safe na siya!" rinig kong sigaw ni Jack at natawa kaming lahat sa sinabi niya. (Fast Forward na sa Wedding Vows) "Ryker, in the short time that we've known each other, I felt your unconditional love for me. You tried to court me many times until I fell in love with you. Tinanggap mo ang pagkatao ko at sana matanggap mo rin ang nakaraan ko. Hindi ko alam kung swerte ako o isa kang anghel na hinulog ng langit para makasama ko habang-buhay. I just want to say thank you, and I love you so much." "Ever since I met you, my whole world changed drastically. From being a playboy to a one-time guy, who fell in love with a woman like you. I can't promise that we won't be having misunderstandings, but I know that we can work this out. I also know that I can't give you always an abundant life, but I know that I'll love you forever until I die. I love you, Serenity." Pagkatapos ng wedding vows ay nagpalitan kami ng singsing at I do's. "I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride," sabi ng pari. Itinaas ni Ryker ang aking belo saka ako hinalikan. Nagpalakpakan ang mga tao at iyong iba ay naghiyawan pa. Nang matapos ang kasal ay nagkaroon kami ng picture taking kasama ang aming mga kaibigan at pamilya. Nang nasa labas na kami ng simbahan ay tinawag lahat ang mga kababaihan para sa throwing of the boquet. Nang maibato ko ito ay nagulat ako na ang nakakuha ng bulaklak ay walang iba kundi ang kaibigan kong si Janice. Pagkatapos ng kasal ay agad kaming dumiretso sa reception. Gabi na nang matapos ang buong kasiyahan. Doon na rin kami nanatali ni Ryker sa hotel kung saan ginanap ang reception. Doon na rin natulog ang aking mga magulang at magulang ni Ryker. Nakahiga ako sa kama habang nanunuod ng programa sa telebisyon nang tumabi sa akin si Ryker sabay hinalikan ako sa aking pisngi saka ipinulupot ang kanyang braso sa aking baywang. "At last, you are Mrs. Faron. Ang saya-saya ko." Hinalikan niya ako at napangiti lang ako. "Masayang-masaya rin ako. Alam mo hindi ko lubos maisip na ikakasal ako. Akala ko talaga forever na akong single." Tumawa siya ng mahina. "Ano kaya ang nangyari kung hindi ka lumipat sa katabing apartment ko? Alam mo iniisip ko makikilala pa rin kaya kita?" tanong niya at napaisip din ako. "Hindi natin alam. Siguro nagkakilala rin tayo pero sa ibang lugar, ibang pagkakataon, ibang sitwasyon. Pero ngayon sobrang saya ko lang talaga na asawa na kita." Ngumiti siya at saka ako hinalikan sa aking labi. Noong gabi rin na iyon ay para akong nasa ibabaw ng mga ulap. Hindi ko bukod akalain na magkakaroon ako ng asawa na kasing bait, mapagmahal, at gwapo na tulad ni Ryker. Nang matapos ang aming "mini-honeymoon", according kay Ryker sa hotel na iyon ay lumipad kami papunta sa Hong Kong kung saan ay itinuloy namin ang aming honeymoon. Pagdating namin sa Hong Kong ay marami kaming pinasyalan at bumili na rin kami ng mga pasalubong para sa aming mga kaibigan at pamilya. Gabi na nang makauwi kami ni Ryker sa hotel dahil ang ganda ng mga lugar dito. Nag-shower lang ako dahil pinagpawisan ako ng sobra habang naglalakad kami sa ilalim ng araw. Ang dami rin kasi naming pinuntahan kaya kailangan kong maglinis ng aking katawan. Nang matapos akong maligo ay sumunod naman si Ryker. Binuksan ko ang TV at kumuha ng canned softdrinks sa mini ref ng hotel at ininom ito saka sumampa ako sa kama. Abala akong nanunuod ng telebisyon nang maramdaman kong umuga ang kama at tumabi sa akin si Ryker. "Can I have a taste of that?" tanong niya. Iniabot ko sa kanya ang hawak kong softdrinks at kinuha niya naman ito pero nagulat ako nang itapon niya ito sa basurahan. "Bakit mo tinapon? Hindi ko pa naubos iyon," reklamo ko. Napatingin siya sa akin at nagtaka ako na iba ang titig niya sa akin. "Hindi naman kasi iyong softdrinks ang gusto kong matikman e. I want to taste your lips." Napalunok ako at bigla na lang siyang lumapit sa akin at siniil ako ng halik. Halos higopin niya ang mga labi ko sa paraan ng paghalik niya sa akin at unti-unti kaming nahiga sa kama. Hindi niya pa alam na may iba nang nakauna na sa akin. Bigla naman akong nakaramdam ng kaba dahil paano kung hindi niya ako makatanggap. Kaya naman agad ko siyang naitulak palayo at nagtataka siyang napatingin sa akin. "R-Ryker, m-may kailangan ka munang malaman tungkol sa akin bago tayo… alam mo na." Napakunot naman ang kanyang noong napatingin sa akin na parang tinatanong nito kung ano ang gusto kong sabihin. "What is it?" "Ahm." Napalunok muna ako bago ako nagsalita. "Iyong sinabi mo noon na gusto mong maging una sa lahat pagdating sa akin, paano kung sabihin kong hindi ikaw ang una? You are not my first kiss, not my first hug, and not my first… inintimate physical interaction." Pinagmasdan ko ang magiging reaksyon niya at napabuga siya ng hangin. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin kaya biglang kumabog ng malakas ang aking dibdib. Nagulat na lang ako nang matawa siya ng mahina. "Is that all?" Napasimangot ako sa tanong niya. Ano'ng ibig niyang sabihin sa 'Is that all?' "Serenity, ano naman ngayon kung hindi ako ang nakauna sa iyo? Are they the one who married you? Hindi naman 'di ba? I am your husband now. It means you are mine forever. I will be forever your last as well. Walang kahulugan kung ako ang makakauna sa iyo pero ako naman ang huli mo. Ang importante you are mine body, mind, soul and heart." Hindi ko alam kung paano ko na-deserve ang ganitong lalaki? Bakit ba ang sweet ng asawa ko? Bigla na lang akong naluha kaya naman hinila niya ako palapit at yinakap ng mahigpit. "Tahan na Serenity. Akala ko pa naman kung may sakit ka na o kung ano kaya bigla akong kinabahan." Pinalo ko siya ng mahina sa kanyang dibdib. "Now stop crying my love." "My love?" Tumango siya. "Oo. Tahan na. Tanggap ko kung ano ka kaya wala ka na dapat pang ipag-alala. Okay?" Tumango naman ako at pinahid ko ang aking luha. "Now, where did we stop?" Bumalik ang pagiging pilyo niya kaya naman noong gabing iyon ay nawala lahat ang aking pag-aalala at ibinigay ko ang sarili ko sa aking asawa. Sobrang galak ang nararamdaman ko dahil tanggap niya ako kahit hindi na ako pure noong naging asawa na niya ako. I really love you, Dr. Ryker Faron.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD