Chapter 14

1754 Words
Serenity  Makalipas ang tatlong buwan simula nang makauwi kami ni Ryker dito sa Pilipinas ay napag-alaman naming buntis ako. Iyon na yata ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Nagdaan ang ilang buwan at nalaman namin na magkakaroon kami ng kambal. Isang lalaki at isang babae. Nakita ko kung gaano kasipag at mapagmahal na ama at asawa si Ryker sa akin at sa magiging anak namin. Hindi niya ako pinapalabas ng bahay lalo na noong kabuwanan ko na. Sobrang alaga niya sa akin hanggang sa manganak ako. Sana lang talaga ay hindi na magbago si Ryker dahil wala na akong hihilingin pa. Nandito ako ngayon sa hospital kung saan ay katatapos ko lang manganak sa aking kambal. Paggising ko ay nakita ko ang aking mga magulang at mga magulang ni Ryker. Mukhang lahat sila ay excited at nag-aalala sa akin at sa aking anak. "Gising na si Serenity iho," tawag ng aking ina kay Ryker. Lumapit sa akin si Ryker at agad akong hinalikan sa aking noo. "How are you my love?" Tumango ako. "I'm fine. Kumusta na ang mga anak natin?" Ngumiti siya. "They are beautiful. Thank you, my love." Kita ko na sobrang saya niya. Maya-maya ay pumasok na ang dalawang nurse at buhat na nila ang aming kambal. Lahat ng nandoon ay napasinghap. Ibinigay ng isang nurse ang aking anak sa akin. "Good morning ho. Ito ho iyong lalaki." Sabay abot sa akin ng nurse iyong baby namin. "Wow! Ang cute! Manang-mana siya sa akin anak," masayang sambit ng aking ina. "Naku balae mukhang kamukha siya ng aking anak. Tignan mo ang ilong niya ang tangos," sambit naman ng ina ni Ryker. "Oo nga. Aba't ang gwapo naman ng batang ito. Ano ang ipinangalan niyo sa kanya iha?" tanong ng ina ni Ryker. "Ryder po itong lalaki at Ryleigh naman ho itong babae," sagot ko. "Parang halos kapangalan ni Ryker iha." Ngumiti ako sa sinabi ng aking ina. "Gusto ko ho kasi parehas sa pangalan ng aking asawa." Tumango-tango naman silang lahat. "Hello Ryleigh," ani ng aking ama na buhat ni Ryker. Agad namang umiyak si Ryleigh na sinundan ng kanyang kapatid na si Ryder. Pinadede ko na muna sila dahil mukhang nagugutom sila. Maya-maya ay napatingin kaming lahat sa pinto nang pumasok doon si Janice. "Pasok ka iha." Yaya ni Papa sa kanya. Lumapit naman si Janice at nakita niya ang kambal. "Ang cute! Ako ninang ha?" "Syempre naman. 'Di ba mga baby?" Hinalikan ko ang kanilang noo nang matapos silang magdede. Lumipas ang ilang oras na bisita nila ay nagpaalam na silang lahat hanggang sa naiwan kaming dalawa ni Ryker dito. Binuhat niya si Ryder at sa akin naman si Ryleigh. Masaya ko siyang pinagmamasdan habang linalaro niya si Ryder. Lumapit sa akin si Ryder at hinalikan ako sa pisngi. "Thank you for giving me twins. They are wonderful." Lumipas ang ilang araw ay nakalabas na ako sa hospital. Maayos naman ang pagpapalaki namin sa kambal. Lumipat na rin kami ni Ryker sa bahay niya at iniwan na namin ang apartment. Tulad nga ng sinabi ni Ryker ay hindi niya ako pinagtrabaho at siya lang ang naghanap-buhay para sa amin. Nasa bahay lang ako para alagaan ang kambal dahil ayaw naming kumuha ng iba na mag-aalaga sa kanila. Kahit may mga katulong dito sa bahay ay hindi pa rin namin pinaubaya sa kanila ang pag-aalaga. Gusto ko rin kasi na purong breast feeding lang sila para hindi sila masanay sa timplang gatas lang. Si Ryker ay nagpatuloy sa kanyang trabaho bilang doctor at pang-umaga na siya kaya nakakasama na niya kami kahit sa hapon. "Ma'am," tawag sa akin ni Linda iyong isang kasambahay sa bahay ni Ryker. "Ano po iyon?" tanong ko. Nandito kasi ako sa hardin ng bahay at pinapa-araw ang kambal. "Ma'am may bisita ho kayo. Si Ma'am Janice raw ho." "Sige ho manang. Papasok na lang po sa kanya. Padala na lang din ho ng meryenda." Tumango si Linda saka umalis. "Serenity!" sigaw ni Janice at napatingin ang kambal sa kanya na aking buhat. "Ay! Hello Ryder, Ryleigh. Kumusta naman ang mama niyo? Hindi niya ba kayo pinapabayaan?" Ngumiti ang mga ito sa kanya at naglalaway pa. Kinuha ko naman ang pamunas at pinunasan ang kanilang bibig. "Naku mukhang malapit na silang magkaroon ng ngipin." Tumango ako sa sinabi ni Janice. "Oo nga e. Kaya nga sa susunod bibilhan ko sila ng teether." Binuhat ni Janice si Ryleigh at ihinaga ng aking anak ang kanyang ulo sa dibdib ni Janice. "Ang cute! Pwede ko bang iuwi itong isa." Natawa ako sa sinabi niya. "Baliw. Paano mo siya bibigyan ng gatas aber?" Sumimangot siya. "Iuuwi na kita ha? Iiwan natin iyong nanay mo." Hindi naman umimik ang aking anak at ipinikit lang ang kanyang mga mata. "Kumusta ka naman na? May boyfriend ka na ba?" Napansin kong napatigil si Janice sa aking tanong. "Naku! Huwag iyong buhay ko ang pag-usapan natin dahil wala tayong mapapala. Mas mabuti pang kumustahin ko na lang ay iyong asawa mo. Kumusta naman kayo?" tanong niya. "He's great! Never niya kaming pinabayaan. Alam mo hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na ako at may pamilya. Kahit malapit na ang isang taon ay hanggang ngayon parang panaginip lang ang lahat." Ngumit si Janice. "Well, this is real. Just live with the moment. Masaya ako para sa iyo. Sana lang nakilala mo si Ryker nang mas maaga. Alam mo kung hindi rin nangyari sa buhay mo ang masaktan sa pag-ibig baka hindi mo nakilala si Ryker. Hindi ka rin sana magkakaroon ng cute na kambal. 'Di ba baby?" pagkausap niya kay Ryleigh. Lumipas ang ilang oras na puro kwentuhan lang ang ginawa namin ni Janice habang tinutulungan niya akong buhatin si Ryleigh. Nang sumapit na ang hapon ay napagpasyahan niyang umuwi. Pagkaalis niya ay iyon din iyong oras na dumating si Ryker at mukha siyang pagod. Buhat-buhat ko si Ryleigh at si Linda naman ang nagbubuhat kay Ryder. Hinalikan niya ako at binuhat agad si Ryleigh. "Kumusta?" tanong ko at kinuha ko si Ryder kay Linda. "It's okay. Naiinis lang ako sa bagong sekretarya ko ngayon dahil ilang buwan na siyang nagtratrabaho pero hanggang ngayon hindi niya pa rin makuha ang proseso. Ang bagsak parang ako lahat ang gumagawa ng trabaho niya," reklamo niya. "Dapat siguro maghanap ka ng makakasama niya para tuturuan siya sa mga dapat niyang gawin." Suhestiyon ko. "Oo nga. I miss you. Sana ikaw na lang ang nandoon." Ngumiti ako sa sinabi niya. "How I wish pero alam mo naman na kailangan kong bantayan ang mga anak natin." Tumango-tango naman siya. "I know. I can' wait to see them walk and speak." Hinalikan niya ang noo nina Ryder at Ryleigh. Pumanhik na muna siya sa taas para magbihis. Nang gabi rin na iyon ay nagsalo kami sa hapag-kainan. Pagkatapos ay pinatulog namin ang kambal at tuwing nagigising ang mga ito ay ako na muna ang gumigising para patahanin sila dahil alam ko na pagod na pagod si Ryker. Habang hinehele ko si Ryder ay bigla namang pumalahaw ng iyak si Ryleigh. Nagulat ako nang makita ko si Ryker na binuhat si Ryleigh. "Ryker..." Ngumiti siya. "It's okay. I can't let you do the work alone. Alam ko na mahirap lalo na at dalawa sila. Isa pa magulang din naman ako. Let me help you. Na-touch ako sa sinabi niya. It's almost been a year, and he's still so sweet and caring. Hinayaan ko na lang siya na patulugin si Ryleigh at ako naman kay Ryder. Nang mapatulog namin sila ay sabay na kaming natulog. Kinaumagahan ay maaga akong nagising para ipagluto ng almusal si Ryker. Matagal ko na siyang hindi napagsisilbihan at gusto ko siyang lutuan ng almusal. Habang nagluluto ay nadatnan ako ng isa pa naming katulong na si Maria. "Naku ma'am. Nagugutom ho ba kayo? Sana ginising niyo na lang ako para na lang ako ho ang nagluto para sa inyo." Umiling ako. "Hindi na. Isa pa kay Ryker ito. Matagal ko na kasi siyang hindi nalulutuan ng almusal kaya gusto ko naman siyang lutuan ulit ngayon." Napangiti si Maria sa akin. "Ang bait niyo hong asawa ma'am. Hindi ako magtataka kung bakit kayo ho ang pinakasalan ni sir. Ang bait niyo rin hong boss. Kaya niyo na ho ba ma'am? Gusto niyo ho tulungan ko kayo." Umiling ako ulit. "Kaya ko na ito. Salamat Maria." Tumango siya at saka umalis para siguro ay gawin ang iba pang trabaho. Nang matapos akong magluto ay tinakpan ko na muna ito hanggang sa magising siya. Pagpunta ko sa taas ay sinilip ko na muna ang kambal at mahimbing silang natutulog. Maya-maya ay lumabas na si Ryker na mukhang nakabusangot at may kausap siya sa telepono. "What?! Ano ang ibig mong sabihin na hindi mo nai-lock iyong pinto?" Napahilot siya sa kanyang sintido saka pinatay ang tawag. Linapitan ko siya. "Ano'ng nangyari?" "My secretary forgot to close the door of my office. Nakita ng guard na muntik na raw may pumasok doon kagabi. Buti na lang naaksyunan agad kaya hindi natuloy mapasukan ang clinic." Huminga siya ng malalim. "I swear, I'll fire that woman asap. Maghahanap na ako ng iba. Hindi ko na hihintayin na masunog ang buong clinic ko dahil sa kanya." Hinimas ko ang likod niya at humalik naman siya sa akin. "Kumain ka na muna para mawala iyang init ng ulo mo. Pinagluto kita ng almusal." Ngumiti siya at huminga ng malalim. "At last, I get to eat your food. Na-miss ko ang luto mo." Sabay na kaming bumaba para makakain na siya ng almusal. Habang kumakain ay siya ay pinagsilbihan ko siya nang marinig kong umiiyak na ang isa sa kambal. "My love, go upstairs. Ako na ang bahala sa sarili ko." Utos niya sa akin ag tumango naman ako. Mabilis akong pumanhik sa taas upang tignan kung sino ang umiiyak at nakita kong si Ryder ito. Agad ko siyang pinatahan pero ang kanyang kambal na si Ryleigh ay mahimbing ang tulog. Pumanhik ako ulit sa baba habang buhat ko si Ryder at nakita kong tapos nang mag-almusal si Ryker at nagpapalit na siya ng kanyang damit. "My love, I have to go. Marami akong pasyente ngayon pero say hi to our twins." Nginitian ko siya sabay dumukwang siya at binigyan ako ng halik sa aking mga labi. "I love you." Kahit may anak na kami ay kinikilig pa rin ako tuwing gano'n ang sasabihin ni Ryker. "I love you too." Umalis na siya papunta ng kanyang opisina at ako naman ay naiwan ulit dito sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD