Ryker
We've been preparing for the wedding for months now. We are also planning to give the invitations one week before the wedding. Nagtuloy-tuloy lang ang trabaho ko pero sa tuwing nakikita ko si Serenity ay lalo siyang gumaganda. Ang ikinagulat ko ay dumating siya ngayon at may mga dalang mga pagkain. Nagkataon pa man din na wala pa akong nakikitang secretary ko kaya naman hindi pa ako kumakain dahil ako lahat ang gumagalaw dito sa opisina. Sinarado namin ang pinto upang sabay na kaming kumain. Akmang susubo na sana ako nang biglang nagbukas ang pinto at ilinuwa nun si Jack.
"Good morning!" bati ni Jack sabay napatingin kay Serenity. “Oh, hindi ko alam na may kasama ka pala.”
Inikotan ko naman siya ng aking mga mata. "Ano nanamang kailangan mo?"
Ngumuso siya saka bumaling kay Serenity. "Hello miss, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?” Akmang makikipagkamay ito nang binato ko siya ng kutsara.
“Pwede ba lumabas ka na at nakakaisturbo ka sa tanghalian namin.” Sumimangot ito sa akin at ngumiti lang si Serenity. “Tsk! Layas!”
“Hmp! Once may time ka usap tayo minsan okay?” Baling nito kay Serenity at nginitian lang siya nito.
Masama akong napatingin sa kanya at binelatan niya lang ako na parang bata. Pagktapos ay lumabas na siya ng opisina at talagang ibinalibag niya pa ang pagsara ng pinto. Napatingin naman ako kay Serenity at may ngiti sa kanyang mga labi habang kumakain.
“Don’t talk with him. Kapag nandito ka ay huwag kang lalabas ng opisina ko hanggat hindi mo ako kasama.” Mahina naman siyang natawa at tumango. “Serenity, I’m serious. Ayoko lang—”
“Ayaw mo lang na may makakita sa aking iba at ayaw mo akong kausapin ang ibang lalaki ‘di ba?” Natahimik ako sabay napatitig sa kanya ng mataman.
Itinuloy niya lang ang pagkain at huminga ako ng malalim. Hinawakan ko ang kanyang kamay at saka pinisil ito.
“Thank you,” sabi ko at napangiti naman siya.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na siya sa akin dahil kailangan niya pa raw kausapin iyong wedding coordinator. Binigyan ko siya ng halik sa kanyang mga labi bago siya lumabas ng aking opisina habang nakamasid sa kanyang papalis na likod. Napalingo ako bigla sa aking likuran nang narinig kong sumisipol si Jack sabay nakapamulsa na ito.
“Who the hell is that? Bagong babae mo? She looks so innocent to me.” Ngumisi naman ako sabay may kinuha mula sa aking bag.
Naglabas ako ng isang invitation card saka ibinigay sa kanya. Tinanggap naman niya ito agad at lumaki ang kanyang mga mata. Napamaang siyang natapangin sa akin at inuulit-ulit pa talaga na binasa ang binigay ko sa kanyang invitation card.
"Wait, you guys are getting married?" gulat niyang tanong.
"Ano ba sa tingin mo iyang hawak mo?" Pag-susungit ko pero hindi niya ito pinansin dahil sa gulat. "Ikaw ang bestman ko kaya umayos ka. Kapag ayaw mo sabihin mo lang at iba na lang ang kukunin ko."
Hindi pa rin siya nagsasalita at biglang napaupo sa upuan kaya binigyan ko siya ng isang baso ng tubig na kanya namang linagok agad. Kulang na lang pati iyong mismong baso ay higopin na niya sa sobrang gulat niya. Napailing naman ako sa kanya at saka bumalik na umupo sa aking upuan.
“Ryker, will you please tell me that you are joking? Is this a prank? May mga nakatago bang mga camera rito?” Iniikot niya pa ang kanyang mga mata sa aking opisina na naghahanap nga ng camera.
“Kung ayaw mong maniwala e di maghanap ka ng camera rito sa opisina ko. Be my guest.” Prente akong sumandal sa aking upuan sabay tinaasan siya ng kilay.
“Holy cow!” sabi niya sabay sapo sa kanyang noo.
Natawa na lang ako sa kanyang reaksyon at hinayaan siyang makabawi sa nakagugulat kong balita. Hindi ko naman siya masisisi kung gulat nga talaga siya dahil maski kami rin naman ni Serenity noon ay nagulat sa balitang sinabi sa amin ng kanyang ama.
Nang makabawi si Jack ay agad siyang huminga ng malalim at muling napatitig sa kanyang hawak na invitation card. Walang paalam siyang lumabas ng aking opisina na aking ipinagtaka. Dati ay inaasar niya ako pero ngayon ay hindi siya nagsalita. Sinimulang ko na ring ipadala kaninang umaga iyong mga ibang invitation sa mga kaibigan namin. Pinatay ko na muna ang aking cellphone dahil alam ko na bobombahin nila ako ng tawag at text.
Kaya naman pagbukas ko ng aking cellphone ay doon nga isa-isang nagdatingan ang mga text. Pagbukas ko rin sa aking f*******: ay ganoon din. Lahat sila ay binati ako sa aking pagpapakasal at sinabing pupunta sila.
Ang iba naman ay nagulat at hindi makapaniwala na lalagay na ako sa tahimik. Pagtingin ko sa aking orasan ay malapit nang mag-ala-una kaya kailangan ko nang bumalik sa trabaho. Kinabukasan ay maaga kaming nagising ni Serenity at naghanda para sa gown fitting niya.
Pagkatapos ng gown fitting ay sasamahan ko siya para magbigay pa ng mga imbitasyon sa mga taong hindi pa namin nabibigyan. Ang huling pupuntahan namin ay ang mga magulang ni Serenity. Inaayos niya ang mga dadalhin niyang invitation card habang ako naman ay tinatawagan ang coordinator ng aming kasal at saka iyong nagtahi ng wedding gown ni Serenity.
Nang matapos kong i-confirm ay tapos na ring mag-ayos si Serenity. Kinuha ko ang bitbit ni Serenity na bag at pumanhik kami sa baba at sumakay sa aking sasakyan. Pagdating namin sa fitting ng gown ay pinahintay nila ako sa labas dahil hindi ko raw pwedeng makita ito.
Nang matapos siya sa kanyang gown fitting ay agad na kaming dumiretso sa bahay ng kanyang mga magulang. Pagdating namin sa gate ng bahay nila ay agad naman kaming pinapasok ng kanilang kasambahay at pinarada namin ang aking sasakyan sa loob at pumanhik sa loob ng kanilang bahay. Masaya naman kaming sinalubong ng mga magulang ni Serenity.
Tamang-tama malapit nang managhalian kaya naman nagsalo-salo na muna kami. Puno ng tawanan at kwentuhan ang hapag-kainan hanggang sa matapos kaming kumain.
“Kumusta namang ang pag-aayos niyo sa inyong kasal?” tanong ng ama ni Serenity.
“Ahm, ayos naman ho Papa. Nakakapagod dahil ang daming gagawin at iche-check pero natatapos naman namin lahat.” Napatango ang kanyang ama sa kanyang sinabi.
"Alalahanin niyo ang pag-aasawa ay panghabang buhay. Hindi na kayo bata para laruin ang ganitong klase ng chapter sa inyong buhay. Darating ang panahon iyang kilig na nararamdaman niyo unti-unting mawawala habang matagal kayong magsasama. Darating din ang panahon na hindi niyo maiiwasan ang mag-away. Kapag may anak na kayo ay doon niyo makikita kung gaano niyo kakilala ang isa't isa. Darating ang maraming pagsubok sa inyong buhay na maaaring sumira sa relasyon niyo." Pangaral at tanong ng Papa ni Serenity sa amin.
"Pangako ko ho na kahit ano’ng mangyari ay mamahalin ko ho ang anak niyo hanggang sa malagutan ako ng hininga," sagot ko naman.
Huminga ulit ng malalim ang ama ni Serenity. "Paki-usap ko lang na sana nga ay tumagal pa ang inyong relasyon. Sana hindi niyo kalilimutan ang mga pangaral namin dahil ang pag-aasawa ay hindi madali." Tumango kami ni Serenity.
Napangiti kaming dalawa at saka namin inabot sa kanila ang wedding invitation na ginawa ni Serenity. Pagkatapos namin sa bahay ng kanyang mga magulang ay wala na kaming gagawin. Hihintayin na lang namin ang petsa kung kailan kami ikakasal. Ayos naman na ang lahat at wala na kaming dapat asikasuhin pa. Siguro ay kung may mga kunting problema ay maaayos naman siguro ito agad.