Chapter 5

1626 Words
Ryker Wala sana akong ganang pumasok ngayon sa trabaho kaso naisip ko iyong mga pasyenteng naghihintay sa akin. Hindi ko rin alam kung bakit pero mainit ngayon ang ulo ko. Pagpasok ko pa lang sa aking opisina ay nakita ko na nandoon na ang aking sekretarya. Lalong sumakit ang aking ulo nang makita ko siyang naka-shorts lang ng maikli na para itong pupunta sa beach. Napahilot ako sa aking noo. "What the hell are you wearing, Stacy?" Napangiti pa siya na mas lalo kong ikinainis. "Ayaw niyo ho ba? Para po sa inyo ito." "Tsk! You are supposed to be working professionally in an office. Huwag kang magsusuot ng ganyan na para kang nasa beach! Go home and change!" sigaw ko sa kanya. "H-ho pero baka ma-traffic ho ako kung babalik ako ulit," sagot niya. "I don't care! Go home and change, now!" Nagulat siya at agad na kinuha ang kanyang gamit. Lumabas siya na naluluha sa aking opisina. Padabog kong linagay ang aking bag sa lamesa. Buti na lang ay wala pang mga pasyente. "Is that Stacy?" Sulpot ni Jack sa aking opisina. "Yes," tipid kong sagot. "She looks okay to me." Masama ko siyang tinignan. "Hey, it's only my opinion bro." Tinaas niya ang kanyang dalawang kamay. Napabuntong-hininga ako at sumalampak sa aking upuan. "You look beat bro. Care to share why you feel that way?" tanong niya sabay upo. "Hindi ko alam kung bakit. I have this new neighbor, but the problem is I can't get her out of my head," paliwanag ko. "Her? Ibig sabihin babae?" Tumango ako. "Come on Faron huwag mong sabihin sa akin na umiibig ka na?" Kunot-noo akong napatingin sa kanya. "What?! No way! Hindi ko nga siya halos kilala tapos sasabihin mong umiibig na ako sa kanya? That's crazy." "Well, you tell me. Sa nagdaang dalawang araw palaging mainit ang ulo mo kay Stacy. Inaayawan mo pa ang imbitasyon ko sa iyo at palagi mo rin siyang inaayawan kapag nagpapahiwatig siya." Tinaasan niya ako ng kilay. "No, I'm not in love with her. May kung ano sa kanya na hindi ko mawari e. Alam mo iyong gusto mo siyang makilala pero pinipigilan mo dahil baka may magawa kang di kaaya-aya?" "Tulad naman ng ano?" nagtatakang tanong niya. Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam." Huminga siya ng malalim sabay sumandal din sa kanyang inuupuan. "E di kilalanin mo siya para hindi ka na nag-iisip ng kung anu-ano." Umiling ako. "Alam mo para matapos na iyang problema mo, kausapin mo na lang kung sino ba itong babae na ito. Saka mo sabihin sa akin na hindi ka in love sa kanya." "Ang kulit mo rin. Hindi nga ako in love at hinding-hindi mangyayari iyan. Isa pa may nobyo na siya kaya mas imposibleng kilalanin ko siya," inis kong sagot sa kanya pero nginisihan lang niya ako na parang nangaasar. "What?" "Matinik ka nga sa babae pero kaisa-isang kapitbahay mo hindi mo man lang magawang pormahan." Natawa naman siya. "Kaibiganin mo siya sigurado naman ako baka may gusto rin sa iyo iyon. Baka mamaya iwan pa niya iyong nobyo niya para lang sa iyo." "Hindi ko ugali ang manira ng relasyon." Nagpabuga siya ng hangin sabay iling. "Yeah right. Iyang mukhang iyan ay marami nang pinaghiwalay kaya nga kung minsan ay bigla-bigla na lang may sumusugod dito noon." Natahimik ako sabay napailing naman siya. "Hays. O paano mauna na ako nandoon na iyong mga hiyas na naghihintay sa akin." He taps his palm on my desk two times before leaving. Pagka-alis niya ay naiwan akong nag-iisip. Ano kaya ang gagawin ko? Natapos ang buong araw na wala akong gana. Lahat yata ng pasyente ko ngayon ay nasungitan ko rin. Si Stacy naman ay na-late ng isang oras. Pwes hindi ko na kasalanan kung mabawasan siya sa kanyang sweldo. Sino ba kasi ang nagsabi sa kanya na magsuot siya ng shorts? Nag-undertime ako at hindi ko na tinapos ang aking shift. Dire-diretso akong lumabas ng aking opisina papunta sa aking sasakyan at iniwan ko si Stacy na walang sabi-sabi. I feel so tired all of a sudden. Napagdesisyunan kong umuwi na lang at magpahinga sa bahay. Pagdating ko sa aking apartment ay dumiretso akong pumasok sa aking kusina. Inalis ko ang aking doctor's coat at kumuha ng baso at isang bote ng whisky. I want to drink. Dumiretso akong pumunta sa veranda at doon ko ininom ang aking whisky. Habang umiinom ay napatingin ako sa aking kanan at nakita ko ang maganda kong kapitbahay at mukhang may kausap ito sa telepono. Hating-gabi na pero gising pa rin siya. Pinagmasdan ko siya kahit hindi ko masyadong nakikita ang kanyang mukha dahil sa madilim na at tanging ilaw lang na nanggagaling sa buwan ang meron. Masaya itong nakikipag-usap sa kung sino at napainom ako sa aking whisky na hawak habang lumandas ang aking mga mata sa hubog ng kanyang katawan. Napalunok ako ng litiral kahit wala pa akong iniinom na alak. Nang matapos siyang makipag-usap sa kung sino man ay pinatay niya ang tawag at tumipa sa kanyang cellphone na nakangiti. "Was that your boyfriend?" Napatingin siya sa akin at nakita ko siyang napalunok. Hindi siya agad sumagot at nanatili lang nakatitig sa akin. Ganyan na ganyan din siya noong una ko siyang nakita sa harapan ng kanyang pinto. "Uhm...no. That was my mom. Kinukumusta niya lang ako." Tumango ako. "Akala ko ay siya ang nobyo mo." Natahimik siya sabay napabuntong hininga. "W-Wala akong nobyo." Napatingin ako sa kanya na nagtatanong. "H-Hindi totoo na may kasintahan ako." Napangisi naman ako sa kanya. "Kung gano'n ay bakit kailangan mong magsinungaling na may kasintahan ka na? Iniiwasan mo ba ako?" Nakita ko ang pag-iiba ng kanyang ekspresyon kaya natawa na lang ako sa kanya. "Binibiro lang kita." Nakita kong napasimangot siya. "Bakit wala kang nobyo?" Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko alam." "Bakit hindi mo alam?" tanong ko ulit. Nag-isip siya at napatingin sa malayo. "Dahil palagi nila akong iniiwan?" baling niya sa akin. "Kung sino man sila ay sobrang laki ng sinayang nila." Napangiti siya. "Bakit mo naman nasabi?" Uminom ako ulit ng isa pang baso ng whisky. "Dahil hindi nila alam na isang diyosa ang naging nobya nila." Nahihiya siyang napatungo. Kahit walang ilaw ay alam kong namumula siya. She's cute when she's shy. Natuwa ako na wala siyang nobyo. Bakit nga ba ako natuwa na wala siyang nobyo? "Kung totoong diyosa ako bakit nila ako iniiwan? Kung diyosa ako sana hindi nila ako ipagpapalit," malungkot niyang sagot. Nakaramdam ako ng inis at galit sa mga nangloko sa kanya. Hindi ko alam pero gusto ko silang bugbugin sa ginawa nila. "Hindi ko rin alam kung bakit ka nila iniwan pero kung ako ang tatanungin? Hindi ka nila dapat pinaasa pa kung iiwan ka rin lang nila." Napangiti siya ulit. "Kung ako siguro ang boyfriend mo magiging possessive ako." "H-Ha? Bakit mo naman gagawin ang bagay na iyon?" "Dahil ang isang katulad mo ay walang katulad. Nag-iisa ka lang kaya dapat inaalagaan at prinoprotektahan ka." Natahimik lang siya at nanatiling nakatingin sa akin. Kunting katahimikan ang namuo sa aming dalawa at walang nagsasalita. Nakatingin lang siya sa kalangitan at hindi ko maiwasang humanga sa angking ganda niya. "Ryker, right?" May kung ano akong naramdaman nang tawagin niya ang pangalan ko. "Yup. Masaya ako na naaalala mo pa ang pangalan ko." Tumango siya. "Oo naman. Paano kita makakalimutan? Ikaw lang naman ang hinarang ang kanyang paa sa aking pinto." Sabay kaming natawa. "Kumusta na pala iyong paa mo?" tanong niya. "Ayos lang. Wala namang nabaling buto pero kung sakaling meron kailangan mo akong alagaan." Natawa siya. "Ikaw ba Ryker may girlfriend ka ba?" tanong niya sa akin. "Wala. Bakit? May balak ka bang mag-apply?" Dumila siya na ikinatawa ko. "Bakit wala ka pang girlfriend?" tanong niya sa akin. "Kasi hinihintay kita." Sumimangot siya. "Binobola mo naman ako e. Iyong totoong sagot kasi." Pilit niya sa akin. "Sinagot na kita. Hindi pa ba sapat iyon?" Ngumingiti siyang umiiling. Tumagal pa ang aming kwentuhan ng ilang oras. Napuno ng tawanan, asaran at bolahan ang kwentuhan namin. Kahit nasa veranda lang kami nag-uusap ay natuwa akong kausap siya dahil hindi siya boring kakwentuhan. Sa mga nagdaang babae sa akin siya na yata ang nakagaanan ko ng aking loob. Hindi siya katulad ng iba na dinadaan lang palagi sa kaartehan. Siya ay may sense kausap kaya ang sarap niyang kakwentuhan. Marami pa kaming pinag-usapan. Nalaman ko rin mula sa kanya na umalis siya sa kanila para mahanap niya ang kanyang sarili. Nalaman ko rin na naghahanap siya ng trabaho. Mukhang ito na ang pagkakataon ko para makilala ko pa siya ng mabuti. Binabalak ko rin lang naman na alisin si Stacy kaya naman inalokan ko siya ng trababo bilang sekretarya ko. "I have a secretary slot at kung gusto mo ay pwede kang mag-apply. Total ay naghahanap ako ng kapalit sa dati kong sekretarya. Iyon ay kung gusto mo lang naman." Lumaki ang kanyang mga mata na napatingin sa akin. "S-Sigurado ka ba?" tanong niya. "Oo. Madali lang naman ang trabaho mo dahil ililista mo lang naman ang mga pangalan ng mga pasyente. You will also do some filing pero hindi naman siya gano'n karami." Alanganin pa siyang sumagot. Mukhang pinag-iisipan niya pa ito. Mukhang kailangan ko pa ng convincing powers. "Nakakahiya naman sa iyo," nahihiyang sagot siya. "Wala iyon sa akin. Ano? Next week mag-start ka na? Huwag kang mag-alala hindi naman ako nangangagat." Masaya siyang tumango. "It's settled then." "Maraming Salamat, Ryker." Umiling ako. Nagpaalam na kami sa isa't isa nang parehas kaming dalawin ng antok. Inabot din ng mahigit dalawang oras ang kwentuhan namin ngunit hindi ko ito pinagsisihan. Masaya akong humiga sa aking kama at may ngiti sa aking mga labi bago ko ipinikit ang aking mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD