Chapter 15

1676 Words
Serenity It's been 3 years ever since I became a mother to two children, and a wife to a handsome doctor. Sa nagdaang dalawang taon ay naging maganda ang pagsasama namin ng aking pamilya. The twins are energetic and lovely as ever. Nakapagsasalita na sila at nakapaglalakad na rin. My husband is already planning to take over Faron Hospital because of his dad’s age. Hindi na kasi gano'n kalakas si Papa Ferdinand kaya kailangan nang si Ryker ang mamahala rito. Ako naman ay taong bahay pa rin. Hindi na ako nagtrabaho pa dahil gusto ko ring tutukan ang aking pamilya lalo na at ilang taon na lang ay pwede nang mag-aral ang kambal. Isa pa kinausap ko naman si Ryker pero ayaw niya talaga akong pagtrabauhin. Naiintindihan ko naman kaso kung minsan ay nakababagot na ang nandito lang sa bahay. "Mommy! Mommy!" sigaw ng aking anak na si Ryder habang tumatakbo siya palapit sa akin at kasunod naman niya si Ryleigh. "Yes baby?" lumuhod ako para pumantay sa kanya. "Look! I found this in your bedroom. It's beautiful." Kumunot ang aking noo. Hawak-hawak kasi ng aking anak ang wedding ring ni Ryker. Kinuha ko na lang iyon sa kanya at ibinulsa. Siguro ay nakalimutan niya itong isuot pagkatapos niyang maligo. "Thanks baby. This is Daddy's wedding ring. We have the same." Pinakita ko sa kanilang dalawa ang aking singsing. "Whoah!" manghang sabi nila na ikinangiti ko. "Maglaro na muna kayo. I'll just finish cooking and we will go to Daddy later." "Yehey!" sigaw ng kambal at nagtakbuhan ito sa loob ng salas. Natawa ako sa inakto nila kaya naman itinuloy ko na muna ang aking pagluluto. Nang matapos ay linagyan ko iyong tupperware ng kanin at ulam. Pagkatapos ay pumanhik ako sa taas para maligo at magpalit ng damit. Nang matapos ako ay kumuha ako ng mga damit ng kambal at sinabing papalitan ko sila. Tahimik naman sila nang pinapalitan ko sila ng damit panlabas. Nang matapos ay binalikan ko iyong pagkain na itinabi ko para kay Ryker. "Okay. Are you guys ready?" tanong ko sa kambal at masaya silang tumango. Lumabas na kami sabay diretso sa sasakyan. Isinakay ko sa likod ang kambal at nagsimulang magmaneho papunta sa opisina ni Ryker. Nang makarating doon ay agad kong ipinarada ang aking sasakyan sa parking lot at bumaba ng sasakyan kasama ang kambal. Hawak ko ang kamay nila papunta sa clinic ni Ryker. Pagdating ko ay pinihit ko ang busol ng pinto at napansin kong naka-lock ito. "Ha? Bakit kaya ito nakasara?" pagkausap ko sa aking sarili. Sinubukan kong kumatok pero walang nagbubukas ng pinto. Luminga-linga ako at nakita ako ni Jack. Nakasuot siya ng doctor's coat at may hawak na clipboard. "Serenity. Long-time no see ah! Wow! Ito na ba ang kambal niyo ni Ryker?" baling niya sa kambal at nagtago ang mga ito sa aking likuran. "Babies, say hi to tito Jack. Friend siya ni Daddy at saka siya ang ninong ninyo," sabi ko sa mga bata. Kumaway lang ang mga ito kay Jack na ikinatawa naming dalawa. "Ano nga pala ang ginagawa mo rito? Wala si Ryker ah lumabas siya," sabi ni Jack. "Ganoon ba? Hindi niya kasi sinabi sa akin. Linutuan ko pa naman siya ng pananghalian niya. Alam mo ba kung saan siya pumunta? Matatagalan ba siya? Para sana iiwan ko na lang iyong pagkain niya at baka magutom siya," mahabang paliwanag ko kay Jack. "Naku, mukhang nagmamadali siya kanina at dala na niya iyong bag niya. Tatanungin ko sana siya kung saan siya pupunta pero di ko na siya naabutan." Tumango ako. "Kung gusto mo iwan mo na lang sa akin iyang pagkain niya at ibibigay ko na lang siya kapag dumating siya." "Sige. Salamat Jack ha?" Binigay ko sa kanya ang hawak kong tupperware at agad ko namang tinext si Ryker na may iniwan akong pagkain para sa kanya. Kinuha niya naman ito sa akin at saka ngumiti. Hinawakan ko ang kamay ng mga bata at pumunta kami ulit sa parking lot. Pagsakay ay napagpasyahan ko na pumunta na muna kami sa mall total ay wala naman na kaming gagawin. "Mommy? Where is Daddy?" tanong ni Ryder. "He went out baby. Pero pupunta tayo ng mall at pupunta tayo ng Jollibee." Sumigaw ang mga ito dahil sa excitement. "Mommy, can I buy toys?" tanong ni Ryder. "Sure. Ikaw ba Ryleigh gusto mo rin ng toys?" tanong ko sa aking babae na anak. Tumango siya at nanahimik. Sa personality ng dalawa kong kambal ay mas tahimik si Ryleigh na siyang babae at mas madaldal naman si Ryder na siyang lalaki. Ryder is more vocal than Ryleigh at napansin ko na mukha rin itong palaban. Si Ryleigh ay tahimik lang at kung minsan ay hindi nagsasalita at palaging nagpapaubaya. Mukhang nagmana sa akin si Ryleigh at sana hindi niya ako maging katulad. Pagdating namin sa mall ay agad na kaming dumiretso sa Jollibee at doon ay nag-order ng pagkain para sa aking kambal at may laruan pa. Habang kumakain ay napansin ko na mukhang tahimik lang si Ryleigh. I can feel that something is bothering her, but she doesn't want to tell us. "Ryleigh, baby. Is there something wrong?" Napatingin sa kanya si Ryder na busy na kumakain ng kanyang manok. "Mommy? Why is Daddy always late coming home?" Nagtaka ako sa tanong niya. "What do you mean baby?" tanong ko. "Daddy always comes home late." Sumimangot siya. "Baby, Daddy is working that's why he's late coming home. He's working for the three of us. When you grow up, you will do the same for your family." Ngumiti ako sa kanya. "Mommy, why do we need to work for our family?" "Because you want to buy everything, and you love your family. Kaya kayong dalawa mag-aaral kayo ng mabuti para kapag nakapagtapos kayo ay pwede na kayong magtrabaho." Nagliwanag ang mukha ni Ryleigh. "Ibig sabihin mommy, I can buy all the candies in the world if I work?" Natawa ako. "Yes baby. All candies and chocolates." Pinisil ko ang pisngi niya. "Wow! That's awesome mommy," manghang sabi ni Ryder na ang dumi ng bibig dahil sa gravy. "I can't wait to finish my studies mommy. I can already buy all the candies in the world." Tumango ako sa sinabi ni Ryleigh. "Me, I want to buy all kinds of cars in the world," sabi naman ni Ryder. Tumawa naman ako ng mahina. "Sige na tapusin niyo na iyang pagkain niyo at pupunta tayo sa games para maglaro kayo. Ayos ba?" Nagtinginan ang dalawa at nag-apir. Tinuloy namin ang pagkain hanggang sa maubos namin ito. Pinagpahinga ko na muna sila dahil baka isuka nila lahat iyong mga kinain nila. After an hour, we already went on the fourth floor of the mall. Pagdating doon ay pumasok kami sa game center at bumili ako ng ilang tickets para sa gusto nilang laruin. Usually, sa rides lang naman kami kaya nababantayan ko pa rin sila kahit papaano. We are enjoying playing until afternoon. Hindi ko namalayan na mag-aalas-sais na pala ng gabi at mukhang nawili kami sa rides ng game center. "Babies, it's already six. Uwi na tayo baka nandoon na rin si Daddy." Yaya ko sa dalawa at sumunod naman sila sa akin. Speaking of Ryker, hindi ko narinig ang aking cellphone na tumunog ni minsan. Binigay kaya sa kanya ni Jack iyong ginawa kong pagkain? Bago ko sinimulan ang sasakyan ay sinilip ko iyong aking cellphone pero wala naman akong nakita ni isang text galing kay Ryker. Sinubukan kong i-dial iyong kanyang number at nagri-ring lang naman ito. Nakauwi na kaya siya sa bahay? Binalik ko ang aking cellphone at minaneho ang sasakyan pauwi sa amin. Pagkaparada ko ng aking sasakyan sa aming garahe ay napansin ko na wala pa iyong sasakyan ni Ryker. Pagtingin ko sa aking likuran ay nakita kong tulog na ang mga bata. Mukhang napagod sila sa paglalaro sa mall kanina. Tinawag ko iyong isang kasambahay para buhatin ang isa sa kambal. Paglagay ko sa kama ng mga kambal ay agad na akong nagbihis at hinintay si Ryker na dumating. Lumipas ang ilang oras na paghihintay pero wala akong Ryker na nahintay hanggang sa nakatulog na lang ako sa mismong sofa ng aming bahay. Naalimpungatan ako at nakita ko na dis-oras na ng gabi pero wala pa rin si Ryker. Tatawagan ko na sana siya ulit nang narinig ko ang tunog ng kanyang sasakyan na ipinaparada sa aming garahe. Hinintay ko siyang pumasok at nakita kong pagod na pagod siya at parang matutumba na. Napangiti ako nang makita kong hawak-hawak niya ang lalagyan ng pagkain na binigay ko. Pagpasok niya ay nakita niya ako at agad na lumiwanag ang kanyang mukha. "My love, why are you still awake? Gabi na ah." Napangiti ako. "Hinihintay kasi kita. Ayos ka lang ba? You look tired." Huminga siya ng malalim. "Am I still handsome to you, my love?" Natawa naman ako ng mahina sa kanyang tanong. "Of course. I still love you." Lumawak ang ngiti niya at kinabig ang aking baywang sabay binigyan ako ng halik sa aking labi. "My love? Its been three years. Sa tingin mo pwede na ba nating sundan ang kambal?" He wiggled his eyebrows and I laughed. "Pwede pero teka paano ka? You are tired Ryker. Hindi ba mas maganda kung magpahinga ka na lang muna?" Sumimangot siya. "Please? The more reason I need you right now. I need to replenish my strength." Natatawa akong napailing kaya naman pinagbigyan ko na lang siya. That night we made love until morning came. Bilib din ako sa libido ng lalaking ito dahil parang superman at walang kapaguran. Alas-sais na siguro nang makaramdam ako ng antok dahil sa sobrang pagod. Hindi na ako magtataka kung mabuntis ako ulit. Bago ko ipinikit ang aking mga mata ay naalala ko na nasa akin pa pala iyong singsing niya kaya naman isinuot ko ito sa kanyang daliri. Napangiti ako at bago ako matulog ay binigyan ko siya ng halik sa kanyang noo. "I love you, Ryker." Umungol lang siya at hindi na nagsalita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD