Nakatingin ngayon si Ryker sa orasan na nakasabit sa kanyang pader at hindi niya alam kung ilang oras na siyang nakatitig dito. Ni wala na siyang halos tulog kagabi simula ng mga nangyari kahapon. Hindi niya kasi bukod akalain na gano'n ang magiging reaksyon at desisyon ng ama ni Serenity. Nagulat din siya sa sarili dahil agad siyang pumayag na magpakasal sa dalaga.
Aaminin niya na may pagtingin naman siya sa dalaga pero hindi pa sumagi sa isip niya ang magpakasal. Nahilot niya ang sintido at napabuga ng malakas na hangin. Buti na lang at day off niya ngayon dahil baka mas lalo lang siyang ma-stress sa kaiisip.
Maya-maya ay napatingin siya sa kanyang cellphone nang tumunog ang ring tone niya at nakita niyang tumatawag ang kanyang ina mula sa ibang bansa. Agad niya itong sinagot na tinatamad.
"Bakit naman ganyan agad ang bungad mo sa akin? Para kang namatayan ah?" Hindi niya alam kung matatawa siya sa sinabi ng ina.
"Hindi naman mama. I'm just so stress, that's all," sagot niya.
"Bakit? Marami ka bang pasyente na may sakit pa?" tanong ng kanyang ina.
"Medyo, pero day off ko ngayon kaya makapagpapahinga ako." Napangiti siya at napaisip bigla kung kailangan niya na bang sabihin sa kanyang ina na ikakasal na siya.
Sigurado siyang matutuwa ito dahil matagal na rin naman siyang pinipilit na magpakasal ng ina pero ayaw lang niyabdahil sa tingin niya ay bata pa ito. Iyon nga lang ay hindi alam ng inabna napagkamalan lang siya sa isang bagay na hindi naman niya ginawa at ito ang naging kinalabasan.
"Ryker, iho, what's wrong? You became so quiet all of a sudden?" Napangiti si Ryker at huminga ng malalim.
"Mama, guess what? I'm going to marry someone soon." Pagkasabi niya nito ay naging tahimik sa kabilang linya.
Hindi niya alam kung nasa kabilang linya pa ang ina. Napatingin na lang siya sa kanyang cellphone nang bigla na lang inend ng ina ang tawag at nakatanggap ng isang text mula sa ina.
"We'll be coming home soon."
Napangiti na lang siya sa sinabi ng ina at muling napatingin sa kisame. Naalala nito ang dalaga at naisip niya kung kumusta na ito pagkatapos ng mga nangyari kahapon. 'Oh well, hindi naman siguro masama kung maikasal ako sa kanya.'
ALAS-SINGKO pa lang ng umaga ay gising na si Serenity. Hindi niya tinigilang tawagan ang kanyang mga magulang kagabi hanggat hindi nito binawi ang pilit na pagpapakasal ni Ryker sa kanya. Mali naman kasi ang akala ng ama na si Ryker ang nagtangkang gumahasa sa kanya dahil ito pa mismo ang tumulong sa kanya pero hindi siya pinakinggan ng sariling ama.
Kaya naman naiinis na bumangon si Serenity at agad na umilalim sa shower upang maligo. Pupuntahan niya ang kanyang mga magulang at kakausapain ng mabuti ang kanyang ama. Nang matapos siyang magbihis ay dali-dali siyang lumabas ng kanyang apartment at saka sumakay sa kanyang kotse. Pagdating niya sa kanilang bahay ay nagulat ang mga katulong na napatingin sa kanya at agad na binati siya.
"Ate Lorna, nasaan ho sila Mama?" tanong niya sa isang kasambahay na naglilinis sa salas ng bahay.
"Nasa kusina ho sila ngayon Miss Serenity." Tinanguan ni Serenity si Lorna at malalaki ang hakbang niyang pumunta sa kusina.
Katulad nga ng sabi ni Lorna ay abalang nag-aalmusal ang kanyang mga magulang. Ang ama niya ay abalang nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape samantalang kumakain naman ang kanyang ina ng tahimik. Huminga siya ng malalim at agad na linapatin ang kanyang mga magulang.
"Papa," pukaw niya sa kanyang ama at sabay na napatingin sa kanya ang kanyang mga magulang.
"Serenity, ano'ng ginagawa mo rito?" walang-buhay na tanong ng kanyang ama na para bang hindi dapat siya naroon.
"Papa, pakiusap ho iurong niyo na ho iyong kasal sa aming dalawa ni Ryker. Hindi naman ho siya ang nagtangka sa aking gumahasa. Iyong dating nobyo ko ho ang gumawa nun. Siya ho ang tumulong sa akin nang makita niya ho ako na muntik gahasain ni Aaron." Napasinghap naman ang kanyang ina at napatayo.
"Sino? Si Aaron?" Tumango naman siya sa tanong ng kanyang ina. "Ernesto, hindi naman pala iyong doctor ang gumawa nun."
"Mas lalong kailangan mong pakasalan ang lalaking iyon." Nagtataka siyang napatingin sa kanyang ama. "Kung guguluhin ka ulit ng mga dati mong naging nobyo ay baka tumigil na sila oras na malaman na nilang ikakasal ka na." Sa wakas ay umangat ang tingin ng ama ni Serenity sa kanya. "Para ito sa kaligtasan mo, Serenity. Nakausap ko na ang kumpadre ko na ite-telivise natin ang kasal niyo ni Ryker."
"Ernesto!" sita ng kanyang ina.
"Huwag ka nang sumali rito Olivia dahil kapakanan ng anak natin ang ginagawa ko."
Hindi makapaniwalang napatingin si Serenity sa kanyang ama. "A-Ano ho? At hindi niyo man lang ako tinanong kung gusto ko ito?" Lumuhod siya sa tabi ng kanyang ama at muling nakiusap. "Papa naman nakikiusap ako huwag niyo naman ho akong pilitin na pakasalan siya. Hindi naman ho ako gusto ng tao at baka mamaya ay may liniligawan nang iba iyon. Kung gusto niyo ho ay babalik na lang ako rito sa bahay para hindi na ako ulit mag-isa. Papa please."
Tinaasan siya ng kilay ng kanyang ama. “Kilala ang ama ni Ryker bilang pinakamagaling na doctor dito sa 'Pinas at sa ibang bansa. Tanyag ang pangalang Faron sa larangan ng medisina kaya oras na pinakasalan mo siya ay magiging ayos na ang buhay mo at hindi na kami mag-aalala ng ina mo.”
"Pero Papa!" Nagulat siya nang biglang ipalo ng ama niya ang kamay nito sa lamesa.
"Serenity!" galit na sigaw ng kanyang ama sa kanya. "Kailangan ko bang paulit-ulit na sabihin sa iyo kung ano ang mga pinaggagawa mo noon? Alam mo ba kung ano ang nararamdaman namin ng iyong ina tuwing nasa bingit ka ng kamatayan?" Nag-umpisang tumulo ang luha niya sa sinabing iyon ng ama niya. "I'm actually doing you a favor! Kaya magpapakasal ka sa lalaking iyon sa ayaw at gusto mo!"
Tumayo ang kanyang ama at mabilis na iniwan ang hapag kainan. Nanatali siyang nakasalampak sa sahig habang umiiyak. Hindi niya maintindihan ang ama kung bakit gano'n na lang ang kagustuhan nito na ikasal siya para lang sa sarili niyang kaligtasan.
Alam kasi ni Serenity na parehas pa silang hindi handa ni Ryker na magpakasal lalo na at bata pa naman silang dalawa. Agad na dinaluhan siya ng kanyang ina at yinakap ng mahigpit.
"Mama," iyak niya sa kanyang ina na parang nagsusumbong na bata. "Pakiusap ho pilitin niyo si Papa na iurong ang kasal."
"Shh, tahan na anak. Kilala mo ang Papa mo at oras na may desisyon na siya ay hindi na natin mababago ito." Umiling siya sa sinabing iyon ng kanyang ina.
"Pero Mama hindi ako handa at ayoko pang magpakasal. Natatakot ako Mama. Paano kung hindi namin mahalin ang isa't isa? Ayokong maikasal sa isang tao na walang nararamdaman para sa akin." Tuloy niyang iyak sa kanyang ina.
"May gusto ka ba sa doctor na iyon?" Napatingin siya sa kanyang ina at tumango siya ng dahan-dahan pero parang paghanga lamang at hindi niya pa ito mahal. "Anak sigurado naman ako na mamahalin ka rin ng mapapangasawa mo. Hindi naman siya papayag kung wala rin siyang gusto sa iyo 'di ba? Isa pa maganda ka naman anak at sigurado akong may gusto sa iyo ang doctor na iyon."
Hindi na lang siya nagsalita at nanatiling yakap ng kanyang ina habang umiiyak siya. Sana lang nananaginip na lang siya. Ayaw niyang maikasal dahil lang sa sarili niyang kaligtasan. Paano na lang kung isumbat ito sa kanya ni Ryker kapag tumagal? Hindi niya alam kung ano pa ang pwede niyang gawin para lang maiurong ang kasal.
Pagkatapos niyang nakipag-usap sa kanyang mga magulang na wala namang pinatunguhan ay bumalik si Serenity sa kanyang apartment. Nasa loob siya ng kanyang sasakyan at nagsimula ulit na umiyak. Alam niya kasi sa sarili niya hindi madali ang maikasal lalo na ang magkapamilya. Panghabang-buhay ang pagkakasal at hindi ito basta laruan lang na kapag napagsawaan na ay itatapon na lang ito sa tabi.
Nang mahimasmasan siya ay lumabas siya ng kanyang kotse at sakto namang nagkabungguan pa sila ng isang tenant sa apartment. Dahil sa nakatungo siya at umiiyak ay hindi niya napansin kung sino ito kaya naman dire-diretso siyang naglakad. Papasok na sana siya sa entrada ng gusali nang marinig niya ang boses ng isang lalaki.
"Serenity?" Napaangat ang kanyang tingin at medyo nagulat siya nang makita si Ryker na nag-aalalang nakatingin sa kanya.
"Ano'ng nangyari sa iyo? Bakit ganyan ang ayos mo?" Napatingin siya sa gwapong mukha nito samantalang nakasuot na ito ng doctor's coat na mas lalong nagpalabas ng kagwapuhan niya.
"Bakit gusto mo akong pakasalan?" Napansin niyang nanigas sa kanyang kinatatayuan ang binata sa kanyang tanong. "Wala ka bang balak ligawan ang ibang babae? Bakit ka pumayag sa sinabi ng aking ama? Hindi mo naman ako lubusang kilala para umuo ka sa kasalang ito."
Nanatiling tahimik ang binata kaya napabuntong-hininga na lang siya at akmang aalis na nang pigilan siya ng binata sa kanyang braso.
"Sabi ko naman sa iyo 'di ba? Magiging possessive ako oras na naging nobya kita." Napatingin siyang mabuti sa mukha ng binata at hinahanap kung may bahid ba ito ng biro pero seryoso ito. "Gusto kita Serenity dahil iba ka sa mga nakilala kong babae. Balak sana kitang ligawan para lubos kitang makilala pero mukhang nabasa ng iyong ama ang balak ko at ginawa niya itong kasal."
Maang siyang napatingin sa lalaki. "P-Pero..."
"I like you, Serenity. Hindi pa ba sapat na dahilan iyon para pakasalan kita?" Napalunok na lang siya sa sinabing ito ng binata.
Nanatili lang siyang nakatayo nang mapansin niya na sumasakay na sa kanyang sasakyan si Ryker. Bumusina ito ng dalawang beses bago siya nagmaneho paalis at naiwan siyang nakatanga sa gitna ng daan.