Chapter 8

1289 Words
Nanatiling nakaupo si Serenity sa kanyang sofa habang iniisip ang sinabi ni Ryker kanina. Simula nang umalis ang binata ay wala na siyang ginawa kundi ang ulit-ulitin ang sinabi ng lalaki sa kanya. Hindi niya lubos maisip na magkakagusto ang lalaki sa kanya gayong hindi naman siya kagusto-gusto. "Ano naman kaya ang nagustuhan niya sa akin?" tanong ni Serenity sa kanyang sarili. "Hindi naman ako maganda at hindi na rin naman na ako birhen pa." Naisip niya paano na lang kapag nalaman ng lalaki na tatlong lalaki na ang dumaan sa kanyang kweba. Hindi kaya madismaya si Ryker sa kanya? Iwinaksi na lang niya ang iniisip at naisipang manuod na lang ng movie para pampalipas ng oras. KARARATING lang ni Ryker sa kanyang opisina nang salubungin siya bigla ng kaibigan niyang si Jack na hapong-hapo. Nagtaka naman si Ryker kung bakit ganoon ang itsura ng kaibigan gayong hindi pa naman nagsisimula ang shift nito. "What happened to you? Mukha kang hinabol ng maraming buntis." Huminga ng malalim si Jack at saka napabuntong-hininga na lang. Naiinis na pinitik ni Ryker ang tenga ng kaibigan dahil ang aga-aga ay nagdadala na ito ng malas sa kanyang opisina. "Pwede bang lumayas ka kung wala ka rin lang namang magandang gagawin dito sa opisina ko. Nagtataboy ka ng swerte dahil diyan sa pagbubuntong hininga mo." Taboy nito sa kaibigan. "Dude! I can't help to think that I might be leaving being a bachelor already. Geez, hindi ko na ma-eenjoy ang mga babae ko." Agad naman siyang tinaasan ni Ryker ng kanyang kilay. "Ayan bagay iyan sa iyo para hindi mo na pagnasahan lahat ng mga babaeng nakikita mo. Mamaya magkaroon ka pa ng AIDS." Sumimangot naman ang kanyang kaibigan. "Tsss...parang hindi ka naman naging ganoon noon. Makaalis na nga." Tumayo na ang kaibigan at nagdadabog na lumabas na parang bata. Paglabas ni Jack ay agad namang pumasok si Stacy na naka-dress at halos makita na ang dapat makita. Napahilot siya sa kanyang sintido at naisip niyang isa pa itong nagtataboy ng malas. "Good morning, Sir Ryker," masayang bati nito sa kanya at sinasadya niya pang yumuko para lang landiin siya. "What the hell are you wearing? Sinabihan na kita na huwag kang magsuot ng ganyan dahil hindi iyan ang proper office attire. Nagtratrabaho ka bilang sekretarya ko hindi isang pick-up girl." Naiinis na sabi niya sa kanyang sekretarya. Nagtaka na lang si Ryker nang bigla na lang isara ni Stacy ang pinto ng kanyang opisina at naiinis na tumingin sa binata. "Ano pa ba'ng kailangan kong gawin para mapansin mo ako Ryker?!" sigaw niya sa doctor na seryoso nang nakatingin kay Stacy. "Akala ko ay meron nang tayo dahil palagi kong pinapainit ang gabi mo. Ano'ng nagbago Ryker ha? May iba ka na bang kinikita?" Sinumbatan nito si Ryker na para silang may relasyon. Napailing si Ryker at matamang nakatingin sa dalaga. "Stacy walang tayo. We had s*x, but I never committed something to you. It's your fault for thinking that we have a thing." Naikuyom ni Stacy ang kanyang kamay at agad na lumapit sa binata sabay binigyan ng halik sa mga labi ang doctor. Nagulat si Ryker at pilit na itinutulak ang babae papalayo pero hindi ito nagpatinag at lalo lang siyang siniil ng halik. Nang magawa na niyang maitulak ang babae ay umiiyak na ito. "What the hell, Stacy!" sigaw ni Ryker sa kanyang sekretarya. "Ryker mahal kita!" Napapikit na lang si Ryker ng mariin. "Well forget about me, Stacy. Ikakasal na ako at kailangan mo na akong kalimutan pa." Napamaang si Stacy at kita ang gulat sa kanyang mga mata. "A-Ano? Kasal? Kanino? Sino? Kailan? Bakit hindi ko ito alam?" sunud-sunod niyang tanong. "Wala akong dapat i-explain sa iyo dahil hindi kita nobya." Naiyak lalo si Stacy. "This is your last day. Huwag ka nang babalik dito bukas dahil sisante ka na." Umiling si Stacy at mabilis na lumuhod sa harapan ni Ryker. Nagmakaawa ito na huwag siyang aalisin sa trabaho dahil wala na siyang ibang pagkukuhanan pa. Hindi naman umimik si Ryker at nanatili lang itong nakatayo habang pinagmamasdan si Stacy. Lalong humagulgol ang babae nang walang salita ang namutawi sa bibig ng doctor. "Get out of my office, Stacy. Huwag mong hintayin na magpatawag ako ng security bago ka umalis." Umiling ulit ang dalaga. "Ipapadala ko na lang ang sahod mo pati na ang bonus, allowances at transportation mo sa isang taon." Walang nagawa si Stacy at agad na kinuha ang lahat ng kanyang gamit sabay umalis palabas ng opisina ni Ryker. Ayaw sanang gawin iyon ni Ryker kay Stacy dahil matagal na niya itong sekretarya. Pero simula nang may nangyari sa kanila ay naging daring at possessive si Stacy na hindi niya nagustuhan. Sinisisi naman ni Ryker ang sarili dahil hindi naman magiging ganoon ang dalaga kung hindi rin ito nagpakita ng motibo noon. Aaminim niya na nadala lang siya sa init ng kanyang katawan noon kaya pati sekretarya niya ay nasagasaan niya. Naiiling na lang siyang nagsimula sa kanyang trabaho. Ngayon na wala na siyang sekretarya ay kailangan niyang magtrabaho ng mag-isa ngayong araw. Kailangan niyang maghanap ng bagong sekretarya bago ang katapusan ngayong buwan lalo na at mukhang darating ang kanyang mga magulang sa katapusan. Hindi niya na rin pwedeng kunin si Serenity na kanyang sekretarya dahil mapapangasawa na niya ito. Nang maisip ang dalaga ay parang gumaan ang kanyang pakiramdam at nawala ang sakit ng kanyang ulo. Naisipan niyang pwede niyang bilhan ito mamaya ng bulaklak at mga tsokolate. Napangiti na lang siya at hindi na siya makapaghintay pang umuwi. Pagkatapos ng kanyang trabaho ay ganoon ang ginawa ni Ryker at bumili siya ng isang bouquet of flowers at tsokolate. Alam niyang luma na marahil ang ganitong style lalo na sa panahon ngayon pero naisip niya na isang importanteng tao si Serenity kaya kailangan din siyang alagaan ng mabuti. Pagkabili niya ng mga bulaklak ay mabilis siyang umuwi sa kanyang apartment upang ibigay ang mga bulaklak. Pagdating niya sa pinto ni Serenity ay mabilis niyang kinatok ang pinto nito at pati doorbell nito ay pinindot niya. Hindi naman nagtagal ay binuksan ng dalaga ang kanyang pinto at mukhang bagong gising pa lamang ito. "R-Ryker," sambit niya sa pangalan ng binata. Gustong-gusto ni Ryker kapag nag-i-stammer ang dalaga. "Sorry nagising ba kita?" Umiling naman ito agad. "Here." Bigay niya kay Serenity ng mga bulaklak at tsokolate. "Para saan ang mga ito?" Natawa naman si Ryker sa tanong niya. "Hindi ko ba pwedeng bigyan ng bulaklak at tsokolate ang babaeng pakakasalan ko? Hindi kita naligawan ng maayos kaya habang may oras pa tayo bago ang ating kasal ay gagawin ko ito." Nakita niyang namula ang dalaga at napatungo. "Ryker hindi mo naman kailangang gawin ito e." "I insist. I would like to pamper you with everything." Nanahimik si Serenity at napatingin na lang sa hawak nitong bulaklak. "S-Salamat dito. Ngayon lang ako nakatanggap ng mga bulaklak." Napangiti naman si Ryker. "That's good to hear. I would like to be your first in everything." Agad namang napaangat ang tingin ni Serenity sa binata pagkasabi niya nun. "Mauna na ako sa loob. By the way, are you free tomorrow evening?" "Ahm, oo." "Good. Gusto kitang ilabas bukas." Naglakad na papunta sa kanyang pinto si Ryker. Bago siya pumasok ay may pahabol pa itong sinabi kay Serenity. "Good night, beautiful," sabi nito sabay kindat at pumasok na sa kanyang apartment. Napatingin naman si Serenity sa kanyang hawak na mga bulaklak at tsokolate nang halos tumalon ang puso niya sa pagiging sweet ng binata. Kaso may halo itong kaba nang maalala niya ang sinabi nito na gusto nitong siya ang maging una sa lahat. Paano niya gagawin iyon gayong karamihan ng una ay naibigay na niyang lahat sa iba?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD