CHAPTER 8 - NEW ASSIGNMENT

1362 Words
"You called me?" Tanong niya nang makaupo siya sa upuan na nasa harapan ng desk nito. Nagtaas ito ng tingin at mabilis din agad na binalik sa folder na binabasa nito. Ilang segundo ang katahimikan na dumaan sa kanila bago ito nagsalita. Ugali na nito na kapag nag-uusap sila ay para siyang kakainin ng buhay dahil sa mga mata nito. "New assignment," anas nito. "This one is not really dangerous. All you need to do is secured his security..." "Wait-wait! His?" pag-emphasize niya at hindi niya mapigilan umarko ang kaniyang kilay. Tumango ito. "Yes, his. Lalaki ang babantayan mo and that's your assignment for now on. Sa totoo lang, kaya nito ang sariling protektahan pero mismong family nito ang kumuha ng bodyguard para magbantay rito with or without his consent. Jacky will apply as secretary at ikaw naman ay tamang bodyguard but ofcourse, this man doesn't know our scope of works. Walang nakakaalam na we are higly undercover agents. No one knows about our identity of who we are and what we are. Ang gawin niyo lang ni Jackylyn, proteksyunan ito." Nababagot na tiningnan lang niya ang ballpen na hawak nito. Bakit bodyguard? Ayaw niya sa gano'n trabaho, nakakawalang thrill. "Isang busy na tao ito at maraming nagtatangkang patayin and that's you and Jacky to find out kung sino ang nasa likod na gustong magpapatay sa kaniya." Napatango siya. Deal. Wala siyang problema ro'n at kahit anuman project and assignment ang ibigay nito sa kanila ni Jacky, basta 'yong challenging naman. But anyway, utos ito ni Yx at sisiw lang ito para sa kaniya. Ang isa sa pinakamahirap na ginawa nilang lusungin noon na kasama si Yx ay 'yun big drug syndicates group sa China. Muntikan silang nadakip at nabaril pa siya sa tagiliran. Tinanggap niya ang assignment without looking the profile of the person na kailangan niyang proteksyunan 24/7. Basta lang siyang lumabas at nagtungo sa dagat. Nung tinakas siya ng lalaki sa hospital ng gabing iyon, dinala siya nito sa islang ito. Nasa sampung tao ang nakita niya sa isla at lahat ay nakikita niyang nag-training at nag-sparring sa isa't isa. Doon niya nalaman na isang Ex-Army si Yx. Nang mamatay ang asawa at anak nito, naghiganti ito at pagkatapos no'n ay nagtayo ito ng sekretong ahensya 5 years ago. Mostly sa mga agents na tulad niya na wala talagang karanasan ay nadevelop lang ang talent at skills dahil sa masakit na nakaraan. Iyon ang nag-motivate sa kanila para maging matatag, at lumaban ng parang magnanakaw sa dilim. Walang makakapansin. Yx is not that old man. Infact, he's on his late 30's. Maalaga ito sa sarili at hindi pahuhuli ang kagwapuhan taglay kung hitsura ang pagbabasihan. Nakakatawa dahil halos kasamahan niyang agent na babae ay crush na crush ito pero siya ay munting paghanga, wala. Hindi rin basta-basta ang training na inabot niya. Luha at dedikasyon ang naging puhunan niya para lang umabot sa ganito. Araw at gabi siyang nagti-training, simula sa basics hanggang sa extreme. Paghawak nang baril, nang kutsilyo, nang espada, at kung paano makipagpatayan gamit lang ang kamay at paa. Hindi siya magaling sa cyber kaya lagi siyang may partner at ito ay si Jackylyn. HINAYAAN niya ang kaibigan ang magmaneho ng sasakyan na binigay sa kanila ni Yx nang lumuwas sila ng Maynila. Ito na ang tumingin sa folder na naglalaman ng background ng taong babantayan nilang dalawa. Mostly, ang kaibigan ang nagsasabi sa kaniya ng mga information na kailangan niyang malaman. Hindi talaga siya nagbabasa at iyon ang kinakainis niya minsan sa sarili. Huminto sila sa isang matayog na mansion. Kung papasadahan niya ng tingin, ilang milyones kaya ang naubos nito? Hindi kasi basta-basta ang ganda at ang laki no'n. Ngayon pa lang, alam niyang hindi basta pipitsuging tao ang babantayan niya. Hindi na siya sinamahan ni Jackylyn sa loob. Ang usapan kasi, doon sila magkikita nang malaking mansyon iyon ng magulang ng lalaki at nang taong babantayan niya. Hindi na rin personal na nakasama si Yx dahil lumipad agad ito kinabukasan patungong China,saka may tiwala naman ito sa kanilang kakayahan. Nagsuot siya ng red stilettos, red spagetti top na pinatungan ng white faux leather jacket at sexy high waist jeans. Kurbang kurba ang kaniyang katawan at mukhang hindi siya mahahalatang undercover secret agent. Magmumukha pa siyang modelo kung tutuusin. Ibang iba siya sa dating siya. Sino ba mag-aakala na magiging ganito siya ngayon na parang pag-aari niya ang mundo. Nakasuot pa rin siya ng sunglasses nang pumasok siya sa loob kung saan giniya siya ng katulong, matapos niyang sabihin ang pangalan, pekeng pangalan. Namangha siya sa karangyaan nang ikutin niya ang paningin pero wala siyang panahon do'n. Nakita niya sa sala ang isang lalaki at babae na both ay nasa late 60's. Mabilis siyang lumapit sa mga ito at nakipagkamayan matapos magpakilala na siya ang pinadala ni Yx. Nilibot niya ang paningin, gusto niyang makita ang pipitsuging lalaking babantayan niya para matapos na ito at makapagsimula na. "Alam namin na magagalit ang anak namin nito lalo na't babae pa ang kinuha namin but we don't have a choice, we badly need it. Nung nakaraang araw, muntikan na siyang mamatay at masunog sa loob ng yacht," panimula ng ginang na halatang stress na stress sa pangyayari. Kung sabagay, sino ba ang inang hindi matatakot para sa kaligtasan ng anak? "I understand you Mrs-" tinanggal niya ang suot na sunglasses. "Mrs. Hayes." Natigilan siya at napaurong ang kaniyang dila. Biglang kumislot ang kaniyang puso sa last name na binanggit ng ginang. Hayes? Napailing siya at baka coincidence lang na parehas ng apilyedo. Well, who cares? Wala na nga pala siyang pakialam sa lalaki. "Yes Mrs. Hayes, I give you my word. I solemnly promised that we'll do everything to protect your son," walang kaemosyon saad niya pero lahat ng lumabas sa kaniyang bibig ay totoo. "Thank you Ms. Kianna Trunt, were happy to hear that," panabay na saad ng mag-asawa. "Who is she?" Mula sa kung saan ay parang kulog at kidlat ang boses na iyon na pumuno sa buong kabahayan. Tumayo siya at maarteng lumingon para ipakilala ang sarili sa lalaki para lang huminto saglit ang kaniyang mundo. Ang lalaking nakatayo sa kaniyang harapan ngayon ay ang lalaking ayaw niya ng makita pa, ang lalaking sinumpa niyang mamatay! Agad niyang binawi ang pagkakagulat at ginamit muli ang maskarang hindi na dapat sanang gamitin pa dahil matagal na niyang binaon iyon. Nagpanggap siyang hindi ito kilala at ngumiti ng napakatamis sa lalaki. "Yx I kill you on this! This is bullshit!" Nangangalaiting sigaw niya sa utak. Nakita niya ang pagkagulat sa hitsura ng binata at halatang hindi makapaniwala nang masilayan ang kaniyang kagandahan. Gusto niyang matawa ng sarkasmo, imposible naman na kilala pa rin siya nito at kung sakali man, baka sabitan niya na ito ng medalya sa subrang talas ng isip. Ito dapat binibigyan ng parangal! "Hi, I am Kianna Trunt! Your personal assistant a.k.a bodyguard. Nice to meet you, Doctor Hayes," madiin niyang bigkas sa pangalan ng binata. Parang nasusuka kasi siya sa hitsura nito kaya pati pagbigkas ng pangalan ay diring diri siya. Walang reaksyon ang mukha nito habang titig na titig sa kaniya at humakbang papalapit sa kaniyang deriskyon. "Son, we hired-" "I need her," putol nito sa sinabi ng ina. Gulat naman ang dalawang matanda at nagsitinginan sa isa't isa na halatang hindi makapaniwala pero hindi na nagsalita pa. Nababakas ang tuwa sa mga mata at hitsura ng mga ito na walang naging problema na pumayaga itong eskortan niya. "What's your name again?" Umupo ito sa single sofa. Walang emosyon na umupo siya at ngumiti. "Kiana Trunt." Tinitigan siya nito sa mata na parang binabasa siya at hinayaan lang niya ito dahil ang totoo, hinding hindi siya nito mababasa. Kung alam lang niya na si Hudson pala ang lalaking poprotektahan niya, hindi bale na lang. "You looked someone I've known before," walang gatol na saad nito. "Really? That's good," walang ganang sagot niya sa binata at tiningnan ito pabalik. "I think we need to go, bye son. Pupuntahan pa namin ang kambal ni Cuhen. Kiana, please bear with him." Nagpaalam na ang mga magulang nito. Sandali siyang natigilan sa nalaman at lihim na napangiti, masaya siya at kambal ang anak ng dalawa. Ano kaya ang reaksyon nito kung makikita siya? Nakakatawa lang dahil ito ang unang pagkakataon na humawak siya ng assignment sa Pinas. Mostly, sa abroad siya naghuhukay ng sariling libingan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD