CHAPTER 1 - THE GAME
Abala si Abhaya sa pagkikilay gayong lumalagpas naman ang pagguhit niya sa tamang linya nito. Nadi-distract siya sa tuwing lumilitaw ang mukha ng lalaki sa kaniyang isipan. Paano ba kasi kalimutan ang lalaking nagbigay ng kulay sa kaniyang mundo? Nagsimulang pumatak ang luha sa kaniyang mga mata pero pinigilan niyang 'wag 'yong bumagsak. Kailangan niyang maging matapang. Ang larong ginusto niyang laruin ay siya ngayon ang pinaglaruan at puso niya ang nakatayang pustahan ng lalaking kilala niya sa pangalang Hudson Herrence Hayes.
Nakikita niya sa salamin ang malalaki niyang eye bags at halatang ilang araw na siyang walang tulog. Mapait siyang napangiti. Yes, si Hudson ang dahilan ng lahat ng ito. Bakit ba naman kasi rito siya nahulog sa dami ng tao sa mundo? Sa sobrang busy niya sa paglalaro, hindi niya napansin na siya na pala ang pinaglalaruan ng binata at baliw na kung sasabihin, pero nagustuhan niya naman ang larong ginagawa nito.
Lumabas siya ng restroom na parang walang nangyari. Nakangiti at handa na namang makipagplastikan sa kaniyang sarili. Ibinubulong ng kaniyang utak na makakaya niyang pakiharapan ang mundo nang ganito gayong siya naman ay nangangamba.
"You okay?"
Napaisip siya as she heard the question. When was the last time she's okay? Nakalimutan niya na yata sa sobrang tagal. Agad siyang tumango. "Yup, I am. Sorry I took so long. Let's go?" Agad niyang niyakap ang braso nito pero pasimple nitong tinanggal ang kaniyang kamay. Napangiti siya pero sa kaloob-looban ng dalaga ay masakit na masakit na.
"I hate public display, Abhaya." Hudson marked that word with finality in his tone.
Ngumiti siya nang matamis. Nagkunwari siyang balewala lang iyon sa kaniya. Bakit ba nakalimutan niyang ayaw pala ni Hudson nang lantarang sweetness?
***
INIHATID si Abhaya ni Hudson sa bahay ng dalaga pero kaagad lang ding nagpasyang umalis ang binata. Nakalabas na sila ng kaniyang bahay when Hudson spoke. "Don't text me nor call. Kung may gusto kang sabihin, just leave a message then I'll call you." Saka ito pumasok sa driver's side at ini-start ang mamahalin nitong sasakyan na sa panaginip lang ng babae mabibili at mahahawakan.
Hudson Herrence Hayes—isang mayamang doktor. Aside sa pagiging hot doctor nito ay mechatronics engineer din ito at nagmamay ari ng auto spare parts business ng mga mamahaling kotse sa iba't ibang panig ng mundo. He's a businessman and a secret billionaire. Hindi alam ni Abhaya kung paano nito nakakayang i-handle ang lahat ng oras nito dahil kung siya ang tatanungin, wala siyang maisasagot.
Nakaalis na ang binata pero nanatili pa rin siyang nakatayo sa pintuan habang nakasunod ang paningin sa umalis nang sasakyan. As usual, pinagtsitsismisan na naman siya ng kaniyang paboritong mga kapitbahay. Sikat siya sa lugar nila kaya minsan ay parang mas gusto na lang niyang mag-artista.
Pumanhik na uli siya paloob at tamad na ibinagsak ang katawan sa sofa. Dahil walang magawa ay binuksan niya ang kaniyang cell phone. Napaismid siya. Walang bago. Gano'n pa rin ang social media. Kung ano-anong mga walang-kuwentang bagay ang kaniyang nababasa at nakikita. Maya-maya pa ay saglit siyang natigilan nang mapako ang mga mata niya sa caption ng isang shared post.
Doc. Herrence Hayes is dating a Beauty Queen.
Pinatay niya ang kaniyang cell phone at walang-emosyong naki pagtitigan sa kisame. Alam niyang chick magnet at playboy ang lalaki. Nothing new. Babae na ang kusang lumalapit dito at isa siya sa mga babaeng naging tanga. Well, she's kinda beautiful too, sexy and a bad liar. Bad liar . . . Mapaglaro talaga siya dati pa, pero ngayon ay nag-iba ang ihip ng panahon. Sa pagmumuni-muni niya, hindi niya namalayang nakatulog na pala siya. Sumuko na rin ang kaniyang utak at katawan at 'yon ang pinakagusto niya sa lahat: Ang makatulog siya nang sa gayon ay kahit sandali, magagawa niyang makalimutan ang lahat ng sakit simula nang mahalin niya ang isang tulad ni Hudson—ang lalaking manhid.
"COME on, Kienne. Stop playing hearts. Hindi mo alam ang karma. Kapag tinamaan ka niyan, ipupusta kong iiyak ka nang bongga. Karma is digital!"
Nag-ikot siya ng eyeballs sa sinabi ng kaniyang not so-called friend at kasamahan sa trabaho. Ang drama nito. Wala naman siyang ginagawa at hindi naman siya naglalaro ng puso. Well, hindi nga ba?
"Ano ka ba! Ang gaga mo. Wala naman akong inapakang tao, okay? At anong karma is digital? Camera 'yan?" pambansang rason ng mga taong katulad niya.
"Wala nga ba? Sino itong si Arthur? Si Zaid? Dalawa pa talaga, ah. Tindi mo, bess!" angal ng kausap niya.
Tumayo siya. Tamang-tama, lunch break na at gutom na gutom na siya. Kasalanan ba niyang ipinanganak siyang maganda at maraming naghahabol sa alindog niya? Hindi. At hindi naman siya basta-basta nag-open legs sa mga ito. Utak lang ang binubuksan niya at pagkatapos, isasara ulit.
"Saan ka?" matinis na tanong ng kaniyang kaibigan. Kulang na lang ay habulin siya nito ng itak.
"Kakain malamang! Aba'y kung 'di ka gutom lukaret ka, ako, gutom na gutom na." Iniwan niya na ito na hindi makahuma. Shocked na shocked yata sa kagandahang taglay niya. Bakit nga ba maganda siya? Gusto niyang matawa sa naisip. Dapat talaga magpasalamat siya sa genes ng magulang niya.
Biglang nag-ring ang kaniyang cell phone kaya't sinagot niya ito habang nagmamadali siyang sumakay ng elevator pababa. Sa kaniyang pagmamadali, hindi niya napansing sa golden elevator siya nakapasok.
"No. I don't want to come. I'm sorry," pinal na sagot niya at nag ikot pa ng mata. Ang kaniyang makulit na pinsan ay paulit-ulit pa rin siyang niyayaya ng hangout sa isang sikat na bar sa Makati.
Natigil siya saglit nang may pumasok na tatlong lalaking nag uusap. Hindi man niya nakita ang mukha ng tatlo ay alam niyang naka suit ang mga ito at pumwesto sa kaniyang likuran. Bahagya siyang napayuko at itinuloy ang pakikipag-usap sa kaniyang pinsan na sagad yata sa buto ang kakulitan. Ang akala pa naman niya ay kung anong importanteng bagay ang itinawag nito.
"No!" pagtaas niya ng boses sa telepono.
Naramdaman niya ang biglang pagtahimik ng tatlong nag-uusap sa kaniyang likod pero agad din niya itong isinawalang-bahala.
"Come on! Ang unfair mo. Bahala ka diyan. Basta ayoko ko. That's final, and so what?!" Halos sigawan niya na ang kausap. Nagpapadyak pa talaga siya. Nakalimutan niya yatang may kasama siya sa loob ng elevator. Nakalimutan ba talaga o sadyang maarte lang siya?
Patuloy siya sa pagrereklamo at pagsasalita nang huminto na rin ilang saglit lang ang elevator sa ground floor. Nauna siyang lumabas pero saglit ding natigilan nang makalimutan niyang wala pala siyang dalang pera at bag. Tanging phone lang niya ang nabitbit niya.
"God!" inis niyang bulong sa sarili.
Pumihit siya pabalik para umakyat muli sa tenth floor ng gusali nang bigla siyang bumangga sa isa pang palabas na rin sana ng elevator.
"D*mn!" narinig niyang reklamo ng lalaking nakabangga niya.
Napaismid siya at handa nang magtaray nang pagtaas niya ng tingin ay naiwan sa ere ang anumang sasabihin niya. The man standing in front of her is Doctor Hayes wearing a black coat and tie.
'Oh, God! Sobrang guwapo nito,' nasabi niya sa kaniyang sarili. Paki ramdam niya ay lumabas ang kaniyang puso sa mga sandaling iyon.
"Excuse us," anas ng baritonong boses sa likod nito.
Napalipat ang tingin ni Abhaya rito.
'Sh*t!' Mariing napapikit ang mga mata niya at parang gusto na lang niyang maglaho sa mundo. Sina Mr. Cuhen Malcogn and Mr. Azael Aadi Legrand pala ang mga ito—ang mga may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya. Sa rami ng araw ng kamalasan, bakit ngayon pa? Karma is digital nga. Ay no, it's camera pala.
Napatingin siya sa elevator na pinasukan. Gusto niyang maglupasay sa sobrang inis. Sa pribadong elevator pala siya pumasok. Bawal na bawal iyong gamitin ng mga empleyadong tulad niya. Sa sobrang kahihiyan ay pumihit siya at tumakbo palayo. Naka
heels siya ng four inches at naka-fitted dress pero sa mga sandaling iyon ay parang athlete of the year na siya sa sobrang bilis ng kaniyang pagtakbo. Hiling niya sa isip na sana ay hindi siya matandaan ng mga ito. Ayaw niyang matanggal sa trabaho at wala siyang planong maghanap uli ng iba sa taon na ito.
NAGISING si Abhaya nang ilang beses na tumunog ang doorbell. Mabilis lumipad ang kaniyang tingin sa wall clock na malapit sa pintuan. Mag-aalas-otso na ng gabi. Napasobra yata ang kaniyang pag-idlip at mahigit apat na oras din ang itinagal. Nag-unat muna siya bago tinungo ang pintuan para pagbuksan ang kung sinumang buwisita niya ngayong gabi na dinistorbo ang kaniyang masarap na tulog. Napairap siya habang tamad na lumakad.
"You never answer my texts and calls, Abhaya." Seryosong mukha ni Hudson ang sumalubong sa kaniya. Nakapamulsa ito at alam na alam niya na ayaw nito na hindi nasasagot ang tawag o messages niya. Saglit lang ang presensiya ng binata at mahirap itong pangitiin.
"I fell asleep. I'm sorry. Come in," aniya at binuksan na nang tuluyan ang pinto para makapasok ito.
Hindi ito kumilos. Nanatili lamang itong nakatingin sa kaniya na para bang tinitimbang ang kaniyang sinabi.
"Get dressed. We're going somewhere," walang emosyong saad nito at agad na nagtungo sa sasakyan na nakahimpil sa harap ng kaniyang apartment.
Marahan siyang tumango. Ano pa ba ang magagawa niya? Alila siya nito. Lahat ng anumang gusto at sinasabi ni Hudson ay ginagawa niya. Tanga na kung tanga pero pati utak niya ay hindi niya na mahagilap kung saan niya inilagay. Mababansagan na nga siyang
Dakilang Tanga ng Taon dahil sa inaasal niya.
Mabilis lang siyang nag-ayos dahil ayaw ng lalaki na pinaghihintay nang matagal. Nakasuot siya ng jeans at simple na blouse nang pumasok siya sa sasakyan. Samantalang nakaharap si Hudson sa laptop nito at halatang busy sa ginagawa. Awtomatikong napakunot
noo ito nang lumingon sa kaniya. Sinuyod nito ng tingin ang kaniyang suot.
"May mali ba?" pagtatakang tanong niya.
"Change your clothes. Wear something decent. Cuhen is throwing a surprise birthday party for his wife and we are late." Napatingin ito sa orasang suot. "Fix it now. I'll give you 20 minutes," utos nito at ibinalik muli ang atensiyon sa laptop.
Lihim siyang napabuntonghinga at marahang lumabas sa kotse nito. Nagmamadali siyang nagpalit ng isang simpleng bestida at naglagay ng kaunting makeup para kahit papa'no ay matakpan ang sakit na nararamdaman niyang 'di rin niya sigurado kung maitatago pa ba niya.