"Don't asked the moon, it will never answer you."
Napatigil siya sa pag-iyak at napalingun sa pinanggalingan ng boses. Sa kaniyang nanlalabong tingin, nakita niya ang isang lalaking nakatayo sa gilid. Isang maling hakbang lang nito ay mahuhulog na ito sa mataas na kinalalagyan nila.
"Hey! Tatalon ka ba?!" bigla siyang kinabahan para rito. Ayaw niyang makasaksi na may magpapakamatay sa mismong harapan niya.
Nagkibit lang ito ng balikat. "No and I'll never be," malamig na saad nito na hindi man lang lumilingon sa kaniya.
Nagpahid siya ng luha. "Then why are you standing at the edge? One wrong move and you're dead."
"Parang buhay lang 'yan, maling hakbang mo lang at lahat masisira. Don't worry, I only watched the view from here," malayang saad nito. "Life f****d us everyday but the secret, learn to f**k back or you'll be f****d up."
Hindi siya makasagot sa binitawan nitong salita kaya napatitig lang siya sa lalaki.
"Subukan mong lumapit dito at tingnan ang magandang tanawin, makikita mo ang lahat ng kabuuan ng paligid na subrang ganda. Pero kung nasa ibaba ka at sinubukan mong tumingin sa paligid, may harang. You may see the beauty but not the whole view of it." sandali itong tumigil at namulsa. "You lost your child, make one. Someone hurt you, hurt them back. Fate is playing you, learn how to deal the game and last thing, be brave enough to fight back. It's okay to cry but not to quit. That's the answer you were looking earlier."
Pumatak ang mga luha niya sa mahabang sinabi nito. Sapol siya at tama ang lalaking ito na hindi man lang niya kilala ang pangalan. Tumalikod siya at nahihiya para sa sarili dahil lahat ng sinabi nito ay tagos sa kaniyang kaluluwa. It was an eye opener for her pero bakit hindi niya pa rin kayang tanggapin ang lahat ng mga nangyari o sadyang ayaw lang talaga niyang tanggapin?
Humakbang siya pabalik sa kaniyang pinanggalingan kanina. "T-thank you," pero patuloy pa rin ang kaniyang puso sa subrang sakit. Paano ba niya sasaktan ang lalaki kung ang taong minahal niya ay isang demonyo na nag-anyong tao?
"Na-ambush ang family ko at sa kasamang-palad, ako lang ang nabuhay."
Natigil siya at napapikit sa naramdaman sakit sa malungkot na boses ng lalaki. Mas masakit pala ang nangyari rito pero hindi siya nagsalita, hinayaan lamang niya itong magsalita.
"And that was happened a years ago. I finally killed those bastards terrorist who killed my family after I gain back myself."
Napatingin siya rito. "What do you mean?" Alam ni Abhaya na may gusto itong iparating sa kaniya.
"You want to fight back, forget everything, escape the reality for a moment and back with vengeance?" Humakbang ito paatras at humarap sa kaniya na nakapamulsa ang dalawang kamay sa itim na pantalon na suot nito.
Ngayon lang niya napansin na nakasuot ito ng puting shirt sa loob na pinatungan ng leather jacket. Wala siyang naramdamang takot kahit isa itong estrang hero.
"Take my hand." Naglahad ito ng isang kamay. "At tutulungan kita."
Napatingin siya sa kamay nito at nakaramdam siya ng pag-asa sa pala nitong naghihintay na kaniyang abutin. Ang sakit na nararamdaman niya ngayon ang siyang nagtulak sa kaniya na lumapit dito ng dahan-dahan at walang pagdadalawang isip na inabot niya ang palad nito na nakalahad. Wala na siyang pakialam kung ano ang mangyayari sa susunod na araw at bukas pagkatapos nito.
MAINIT ang ulong napatingin si Herrence sa bagong pasok na si Cuhen at Azael. He's doing something on his laptop but until now he couldn't find the answer. It makes him pissed. His excellency in hacking and breaking firewalls in database world couldn't help him to located a person that he still looking for almost f*****g two years. Until now, there's no lead that could help him. Damn! Gusto niyang durugin ang laptop at pagpipirasuhin ito. His bullshit AI robot couldn't even give him a shits!
"What brings the two of you here?" panimula niya.
"Still searching for her?" alaska ni Azael at ngumisi.
Hindi siya umimik. Agad niyang pinatay ang laptop at humugot ng sigarilyo saka sinindihan iyon sa harapan ng nga ito na komportableng nakaupo sa couch ng kaniyang opisina.
"You nailed it Az. Herrence was still looking that runaway patient." at tumawa si Cuhen na once in a red moon lang yata tumawa. Odd. Iba talaga ang ginagawa ng pag-ibig. "Move on bruh!" dagdag nito.
Pag-ibig? Totoo pa ba iyon? In his bestfriend case, kinda, maybe. He don't believe on that f*****g damn s**t lies called love. Lahat ng tao ay may sariling paniniwala at- f**k, he's missing something. He's probably not a human. Every woman calls him heartless devil and he believes that. Much better if they calls him, Robot.
"I am not and I need to relax on my yacht. See you around morons." Mabilis niyang linisan ang opisinang iyon na puro tawanan ang narinig sa dalawang kaibigan.
Nagkibit na lang siya ng balikat at hinayaan iyon. Kahit hindi siya magtrabaho bilang doctor o businessman sa loob ng isang taon, hindi siya mauubusan ng pera. Milyones pa rin ang akyat ng nga negosyo at hospital niya sa kaniyang bank account. At the age of
29, he's a young hot doctor and businessman kaya hindi niya masisi ang mga babaeng handang alipin niya. Ilan na ba ang sumubok na talian siya sa leeg? Hindi niya na mabilang sa isip at lahat ng iyon ay dahil lang sa kayamanan taglay niya. Women and their f*****g lies and greed. No way he would let them used him, instead, he used and leave them like a shits of trash.
Nagpapahinga siya sa loob ng kaniyang yacht na nasa gitna ng karagatan nang gabing iyon. Nag-iisip pero wala siyang maisip hanggang sa pinaulanan siya ng putok ng baril. Damn! Napayuko siya at mabilis na gumapang patungong silid. Kinuha niya ang malakas na uri ng baril na nakatago. Bullshit! Mukhang may gusto na naman yatang pumatay sa kagwapuhan niya.
Dali-dali niyang sinilip ang kalaban pero dahil madilim sa paligid, hindi niya makita kahit isa sa mga ito. Damn s**t! Mukhang duda siya sa susunod na mangyayari, ah. May pakiramdam siyang kakaiba. Dali-dali niyang tinungo ang secret passage ng kaniyang yacht na may maliit na personal single submarine naka-attach sa ilalim. Napasigaw siya sa subrang inis nang maramdaman sumabog ang yacht nang makalayo siya ng ilang metro pagkatapos ng ilang minuto. Kung sino man ang umatake sa kaniya ngayon, isa lang ang masasabi niya, desido na ang mga ito na patayin siya. But no way! He'll fight back this time. No more chasing and playing.
Nakaharap si Abhaya sa kanang bahagi ng dagat. Almost 2 years na rin simula nung nawala siyang parang bula. Walang nakakaalam kahit ang kaniya pamilya pero pinadala niya rito ang buong savings niya at personal letter na mawawala siya for months or even a year. Pagkatapos no'n ay nagmistula siyang missing person. Walang nakakaalam kung buhay ba siya o patay na. Si Yx lang ang anonymous na nagpapadala ng pera para sa pamilya niya para sa araw-araw na pantustus.
"Kiene, pinapatawag ka ni Sir Yx." pukaw ni Jackylyn sa kaniyang malayong pag-iisip. Malapit silang magkaibigan dalawa. Naalala pa niya, duguan at puro galos ang dalaga nang dumating ito sa Isla nung nakaraang taon at isa siya sa gumamot dito at nagpresintang magbantay.
"Dumating na pala siya? Akala ko ba nasa Russia siya for his next target?" baling niya sa kaibigan.
"Kaya nga, puntahan mo na sa office niya. Baka may project siyang ibibigay sa'tin, alam mo na!" biglang nagliwanag ang mukha nito at naexcite sa sinabi.
Natawa siya. Basta project, masayang masaya ito. Ewan ba niya sa lukaret na ito at nasa ibang planeta yata ang isip. Nagpaalam siya rito at tinungo ang opisina ni Yx mga ilang metro ang layo. Kung ganitong pinapatawag siya, importante ang pag-uusapan nila. She know Yx very well. Para na nga silang matalik na kaibigan na may pader pa rin sa bawat harang nila. Si Yx ang lalaking siyang tumulong sa kaniya ng gabing iyon and look at her now, she's a woman of dignity. Kaya niya nang makipagsabayan sa mundo na walang maskarang suot. No need to hide her true personality. Ang babaeng Abhaya noon na naging tanga, ngayon ay ibang-iba na. Siya na ang babaeng kayang pumatay at handang papatay ngayon sa kung sino man ang haharang sa daraanan niya. The old self was gone and replaced by new one.