Agad siyang isinama ni Hudson sa lakad nito. Nakakapagtaka, hindi ba dapat magrereklamo ito? Sino ba'ng lalaki na papayag na magkaroon ng bodyguard na babae pa? Kilala niya ito at hindi ito basta-basta nagpapaapak kung pride ang pag-uusapan at kung iisipin, hindi lang basta pride inapakan niya ngayon araw. Proteksyunan ito? Gusto niyang matawa. Kung hindi lang dahil kay Yx at kung nagbasa lang din sana siya baka nakapag-back out pa siya.
Magkatabi sila sa passenger seat at pareho silang tahimik. Deritso lang ang tingin niya sa kalsada at ganun din ang binata. This is the worst assignment she ever had! Napakuyom siya ng kamao. Sa lahat ng tao, bakit dito pa sa taong kinasusuklaman niya pa?
"From what agency you are Ms. Trunt?"
Lihim siyang napaikot ng eyeball. Mas gusgutuhin niyang hindi ito magsalita pero dahil boss niya ito ngayon kaya kailangan niyang sagutin bawat tanong nito. "You could ask your mother, Mr. Hayes."
Takang napasulyap ito sa kaniya pero hindi niya na pinansin iyon. She's tired already to give a damn.
"You remind me of someone whom I met before. She looks exactly like you," mayamaya'y saad nito na nanatiling nakatutuok sa kalsada ang mata.
Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sa unahan at nagdasal na sana ay dumating na sila kung saan ang kanilang deriksyon. Ang nakakabwesit lang talaga sa lahat ay 24/7 niya itong babantayan, it mens lagi niya itong makikita.
Sinubukan niyang sulyapan ito at basahin ng palihim ang mga mata pero wala pa rin nagbago, ang hirap nitong basahin. Sa almost 2 years niyang pagkawala, napansin ni Abhaya na malaki ang pinagbago ng lalaki. Mas lalo itong naging hot and devilish handsome. Ang buhok nito ay naka-messy top cut at halatang kaka-shave lang nito dahil sa bango ng aftershave na gamit. Napailing siya at naalalang demonyo nga pala ito.
Napakuyom siya ng kamao nang makita ang Hayes Group of Hospitals. Parang kinuyom ang kaniyang puso nang maalala ang nakaraan. Ilang gabi ba na umiiyak siyang natutulog at nagigising sa tuwing naaalala niya dahilan ng pagkawala ng anak niya? Dapat ngayon sana ay munting anghel na siya na ngumiti sa kaniya ngayon. Mabilis niyang binura sa isip iyon nang lumabas sila sa saksakyan nito. She's Kianna Trunt, and ang dating Abhaya Kiene Sahada ay matagal ng wala.
Nauna itong naglakad habang nasa likod lang siya. Pasulyap-sulyap siya sa bawat paligid at binabasa bawat kilos ng tao, wala naman siyang makitang kakaiba pero lahat ng mga mata ng mga madadaanan nila ay nakatingin sa kanila. Kung sabagay, naka-sunglasses pala siya. Gusto niyang matawa at mukhang naligaw siyang modelo sa araw na iyon kaya ang ginawa niya ay sinabayan ang paglalakad ng binata kahit ang lalaki ng hakbang nito.
Namataan niya si Jackylyn sa lobby, nakabihis ito ng formal outfit at may bitbit na folder sa isang kamay. Kumindat ito sa kaniya bilang go signal. Tango lang ang naging sagot niya at nagtuloy-tuloy na sila sa elevator ng lalaki. Kung siya ang tatanungin, ayaw niya ng tumuntong sa hospital na ito. Ang daming masamang alaala na naiwan dito at inaamin niya, hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya sa nangyari.
"May gusto akong linawin sa'yo bilang bodyguard ko."
"Shoot!" deritsahang saad niya habang paakyat na ang elevator sa 27th floor.
Sandali itong tumigil at napailing-iling sa kaniyang naging sagot. "Are you hundred percent sure you could handle your job? You are weak and—" sandali itong sumulyap sa kaniya. "A woman."
Napangisi siya ng wala sa oras. Hindi siya sumagot pero mabilis na umigkas ang kaniyang kamay papunta sa mukha nito pero mabilis din nitong nasalag na tila inaasahan na nitong gawin niya. But no, hindi pa siya tapos at dahil sila lang dalawa sa elevator at malaki ang espasyo, agad niyang tinabig ang kamay nito at ang isang kamay naman niya ang patama sa mukha ng lalaki. Tulad ng una, nasalag na naman ng binata kahit isang kamay lang ang gamit. Habang papaakyat ang elevator sa itaas panay atake naman ang kaniyang ginagawa rito habang puro ilag at salag ang ginagawa ng kaharap. Kamay at siko lang ginamit niya habang isang kamay naman ang gamit nito. Masyado yata siyang minamaliit! Pabilis nang pabilis ang kaniyang galaw at nabasag pa niya ang salamin dingding nang tumama ang kaniyang kamao ro'n.
Mabilis siyang umikot sa likuran ni Hudson at ginamit ang siko para sikuhin ang leeg nito pero nasalag ulit. Umigkas ang isang tuhod niya, tumama iyon sa hita ng lalaki at hindi nito napaghandaan ang kaniyang ginawa. Napaluhod ito at ang lawak ng ngisi siya. Muli siyang umatake para bigyan ito ng malakas na sipa sa mukha para lang hindi mapaghandaan ang biglang paghila nito sa paa niyang papasipa rito.
Natumba siya at tanging sahig ang sumalo. Natanggal pa ang sunglasses na suot niya at tumilapon ito. Sumilay ang ngisi nito na parang pinapahiwatig sa kaniya na talo siya pero agad niyang ikinawit ang isang binti sa leeg nito at umikot para sakyan ito sa likuran at gamitan ng kakaibang technique.
Si Hudson naman ang nasa lapag nakadapa pero wala siyang pakialam. Napangisi siya sa naramdaman pagkapanalo habang naka-lock ang dalawang kamay habang nasa likod siya at nakasakay. Hindi niya alam na masyadong awkward ang kanilang posisyon.
"Now tell me, Mr. Hayes?" puno ng pang-uuyam na lumabas sa bibig niya ang katagang 'yon.
Pero hindi niya nahandaan ang biglang pag-ikot nito na hindi niya alam kung paano nito nagawa dahil sigurado siyang mahigpit ang pagkaka-lock niya. Napasinghap siya nang makitang hindi maganda ang posisyon nilang dalawa!
Nasa ilalim siya nito at nasa ibabaw ang binata at siya naman ngayon ay naka-lock both sides. Magkahawak ang kamay nila habang nakapinid sa kaniyang uluhan at ang bigat nito ay isa sa dahilan na nagpapatigil sa kaniya. Bullshit! Diniin nito lalo ang sarili sa kaniya para hindi siya makagalaw. She was lock!
"Tell you what, Ms. Trunt?" tagos kaluluwa ang binigay nitong titig sa kaniya. Walang emosyon.
Eksaktong bumukas naman ang elevator at nasa floor 27th na pala sila. Ito yata ang pinakamatagal na sakay niya sa elevator sa buong buhay niya. Tumayo naman ang lalaki na parang walang nangyari, pinulot ang attache case at naunang lumabas.
Sandali siyang napapikit at hinamig ang sarili saka pinulot ang sunglasses sa kalayuan. Do'n lang niya napansin na puro sugat pala ang isang kamay niya at dumudugo. Bago pa siya traydurin ng alaala, mabilis na siyang lumabas at sumunod sa lalaking Doctor.
Nagpapasalamat siya at wala na talaga ang pagmamahal niya para rito. Pagkamuhi na lang at natira at balang-araw, gaganti siya sa paraan na masasaktan niya ito sa mas masakit pa na paraan. Nangako siya sa magulang nito na proteksyunan ang lalaki kaya gagawin niya sa ngayon na proteksyunan ito.
Ang kailangan nilang gawin ni Jackylyn ay malaman sa madaling panahon ang sino ang gustong pumatay rito para makaalis na siya sa poder ng lalaki. Sa tuwing nakikita niya ang mga walang emosyong mata nito, nabibwesit lang siya.
Nababagot na nakaupo siya sa couch. Hindi niya rin pinansin ang dumudugong kamay. Matagal na siyang manhid pero bakit sa tuwing naaalala niya ang nakaraan na matagal niya ng binaon sa limot, nasasaktan pa rin siya? Napailing siya, hindi iyon magiging hadlang sa lahat. Ang sakit na naranasan niya ang dahilan kung bakit siya naging ganito, bakit siya naging matapang, bakit niya nakayang tumayo sa harapan ni Hudson na parang wala lang. Sa tagal ng panahon, naging kaibigan niya ang sakit na laging umaalipin sa kaniya.
Nagtaas siya ng kilay nang makitang tumayo ang binata at madilim ang mukhang lumapit sa kaniya, mabilis nitong kinuha ang kaniyang kamay. Saka lang niya napansin na may hawak itong medicine kit.
"Thanks but no thanks." Agad niyang binawi ang kamay.
"Ako ang Doctor dito," walang ganang sagot nito.
"At buhay ko ito, Mr. Hayes. Wala akong pakialam kung ikaw ang Doctor dito, dahil alam ko kung paano gamutin sarili ko. See? Walang wala itong sugat na 'to sa mga balang tumama sa katawan ko during my assignment. Pain makes me alive, Mr. Hayes." Seryusong saad niya at tumayo.
Deritso niyang tinungo ang pasilyo patungong restroom para linisin ng personal ang sugat. Sisiw lang ito kung iisipin.