Unang bungad ng mata ni Abhaya ay ang apat na puting sulok ng silid. Napatitig siya ng matagal sa kesame at inisip kung ano ang nangyari sa kaniya. Yeah, naalala niya na! Nabangga siya ng sasakyan at kasunod no'n ay mahabang kadiliman.
Napatingin siya sa sariling kamay, may dextrose na nakatusok samantalang sa isang braso ay hindi niya kayang igalaw. Saka lang nag-sink in sa utak niya na nabalian siya ng buto dahil sa plaster cast na nakalagay. Gusto niyang damhin ang sariling tiyan pero hindi niya magawa dahil nang tumingin siya sa kanan bahagi ng silid, nakita niya ang lalaking naging dahilan ng lahat. Bigla niyang binawi ang mata at ibinalik sa kesame. Ramdam niya agad ang luhang dumaloy sa kaniyang mata kahit anong pigil niyang 'wag kumawala.
Narinig niya ang marahan na paglalakad nito papalapit sa kaniya. Sa kaniyang peripheral vision, nakasuot ito ng puting coat at nakapamulsa.
"Dalawang linggo kang tulog sa kamang ito. I'm glad at nagdesisyon kang magising." Walang kaemosyong saad nito saka chineck ang kaniyang vital signs.
Hindi siya sumagot at nagkunwaring walang narinig pero nang ma-realized niya ang sinabi nito ay napakunot siya ng noo. She's what? Asleep for two weeks? Ang haba ng itinulog niya... Anong nangyari sa loob ng linggong iyon habang wala siyang malay? Wait... Hindi kaya...
"How's my baby?" halos pabulong na lang sa lumabas iyon sa bibig niya dahil ang totoo, hinang hina pa siya. Saka lang niya napansin na may nakasabit pala na oxygen tube sa kaniyang ilong.
Matagal ito bago nakasagot habang nakatitig sa kaniyang walang emosyon.
Merde! Gusto niyang sumigaw rito pero dahil hinang hina pa siya, hindi niya magawa. Nanatili siyang naghintay ng sagot habang ang mga luha niya ay nagsimula ng nagsibagsakan.
"It's gone." Dalawang linya pero parang bombang binagsak iyon sa kaniya.
No! No... No... Binibiro lang siya nito. Paanong malalaglag ang anak niya, ang lakas ng kapit nito. Walang rason para malaglag ito sa sa kaniyang sinapupunan. No! Nagsimula na siyang mag-hysterical. Ang luhang dumadaloy sa kaniyang mata ay walang hinto. Hindi totoong nawala!
"P-please nagsisinungaling ka lang, 'di ba?" pagsusumamo niya habang walang patid sa pagpatak ang kaniyang mga luha.
God! Ang sakit! Please, sana bawiin nito ang sinabi. Alam niyang hindi nito tanggap ang pagbubuntis niya at kaya niyang buhayin iyon kahit mag-isa. Walang rason para sabihin ni Hudson sa kaniya na wala na ang buhay na minsan ay nasa kaniyang sinapupunan. He's lying to her! Wala itong karapatan na sabihin iyon.
"The baby's gone Abhaya."
Kahit hinang-hina ay napabangon siya at mabilis dinama ang tiyan gamit sa isang kamay niyang may nakasabit na dextrose. Mabilis naman siyang pinigilan ng binata pero tinabig niya ang kamay nito na hawakan siya. Wala itong karapatan na hawakan siya o damayan.
Napakuyom siya ng kamao at napasigaw sa subrang sakit pero walang lumalabas na boses sa kaniyang lalamunan. Hindi niya makapa ang boses kahit gustong gusto niyang sumigaw at magwala. Napakademonyo talaga nito! Demonyo. Wala ng isasakit pa na makunan ka dahil lang sa isang aksidente at walang ibang pwedeng sisihin iyon kundi ang lalaking nasa harapan niya.
"Stop crying, nangyari na ang lahat," anito.
Kung may lakas lang siya ngayon baka mag-asawang sampal na ang ibinigay niya at pinagsusuntok ito. Napakasama nito! Paano nito sabihin sa kaniya ng ganun kasimple ang lahat na parang walang halaga ang buhay na dinadala niya? Paano? Masaya na ba ito dahil nakunan siya? Ngayon siya naniniwalang wala nga talaga itong puso dahil isa itong demonyong galing pa sa pinakasulok ng empyerno.
"Get out! Get out!" malakas na sigaw niya nang makapa niya ang kaniyang boses habang walang puknat sa pagbagsak ang kaniyang mga luha.
Tumitig naman ito sa kaniya at tinitimbang ang kaniyang sinabi.
"Kinasusuklaman kita Hudson Herrence Hayes! Umalis ka. I don't want ever to see your face again! Get out and leave me alone!" Nanginginig ang kaniyang buong katawan sa subrang galit at sakit.
Napahagulhul siya. Minsan na nga siyang magmahal sa maling tao pa. Minsan na nga siyang mangarap para sa munting anghel na sana ay tatanggal sa suot-suot niyang maskara, nawala pa sa masakit na paraan.
Malakas ang kapit ng baby niya, hindi siya makukunan kung hindi siya nabangga, hindi siya mababangga kung hindi siya harap-harapan na pinagmukhang pera. Sa buong buhay niya, hindi siya mukhang pera. Oo, hindi mayaman pamilya ang kaniyang pinagmulan pero hindi iyon dahilan bilhin ng salapi. Dahil kahit kailan, hinding-hindi siya mabibili na kahit anuman kayamanan kapalit ng kaniyang dignidan at pagkatao. Sadyang pumasok lang siya sa isang bagay na komplikado at sa huli siya ang talo. Ang tanga niya! Ngayon na siyang naniniwala na ang katangahan niya ay siyang nagdala ng subrang sakit sa kaniyang pagkatao ngayon.
Pero imbes na sundin siya ni Hudson at iwan siya ro'n sa malungkot na silid na iyon, isang karayom ang tumarak sa kaniyang braso at bago pa niya maisip kung ano ang ininject sa kaniya, naramadaman niya ang pamimigat ng kaniyang talukap at malakas na pwersa na humila sa kaniya para makatulog.
"I... I hate y-you..." mahinang lumabas iyon sa kaniyang bibig at naramdaman niyang malakas na bisig nito ang sumalo sa kaniya saka siya tuluyan hinila ng kadiliman.
Wala siyang maramdaman kundi kahugkaan nang magmulat siya ng mata ulit at deritsang napatitig sa kesame. Mag-isa lang siya sa puting silid na iyon at pansin niya ang isang basket of flowers sa isang tabi. Mapait siyang napangiti at nagsimulang bumagsak ang mga luha sa kaniyang mga mata.
"Abhaya!" Si Vraiellah na mabilis lumapit sa kaniya at niyakap siya pagpasok pa lang nito. "Cuhen and Herrence talked about you yesterday, kaya nagmadali na akong pumunta rito."
Napaiyak siya lalo sa presinsya ng babae at gumanti ng yakap at umiyak nang umiyak. Wala siyang makapitan at nagpapasalamat siya na may isang bagong kaibigan sa katauhan nito ang bumisita sa kaniya ngayon na hindi niya kailangan ng anuman maskarang suot para itago lahat ng sakit na nararamdaman niya. Pagod na pagod na siyang magpanggap.
Halos isang oras din siyang umiyak sa balikat ni Ellah habang patuloy lang ito sa paghaplos sa kaniyang buhok. Tumigil lang siya nang pakiramdam niya ay wala na siyang maiiyak pa at hapung-hapo. Pinahiga siya nito pabalik sa kama at nakikisimpatiyang ginanap ang kaniyang kamay.
"Abhaya..."
"I l-lost my b-baby,"
"Pakiusap 'wag mo munang banggitin ang bagay na iyan. Mas lalong makakasama sa'yo." Naluluhang saad nito.
Mapait siyang napangiti. Kailan ba naging mabuti ang buhay niya simula nang pumasok siya sa buhay ni Hudson?
"Ellah, o-okay lang naman na hindi niya ako panagutan pero... pero..." muling nagsidaloy ang kaniyang mga luha. Akala niya ubos na ito, hindi pa pala.
Mabilis na pinahiran ni Vraiellah ang mga luha sa kaniyang mata at pinapakalma siya. Nakakita siya ng isang kapatid sa katauhan nito na mas lalong nagpaiyak sa kaniya. Pero hindi niya matanggap na wala na talaga, na wala na ang anghel na minsan binigyan niya ng pangalan kahit hindi niya alam ang kasarian. Hinayaan siya nitong umiyak at ang tanging marinig lang sa kwartong iyon ay ang hagulhul niya.
GISING ang kaniyang diwa at hindi siya nakakaramdam ng antok. Alam niyang gabi na dahil sa orasan nakikita niya sa dingding. 11:14 pm. Si Ellah na rin ang nag-asikaso sa kaniya kanina bago ito umalis, pinainom siya nito ng gatas at pinagbalatan ng mansanas para malagyan man lang ng konting pagkain ang kaniyang tiyan.
Manhid na yata siya at nagpasyang bumangon. Good thing, walang Hudson na nagpakita sa araw na iyon dahil kinasusuklaman niya ang pagkatao nito. Ito ang dahilan kung bakit nawala sa kaniya ang lahat. Ang lahat-lahat! Hindi lang puso niya ang binasag nito, pati buhay niya.
Napatingin siya sa kaniyang kamay na may swero, kahit naka-plaster cast ang kaniyang kaliwang kamay, pinilit niyang tanggalin ang bagay na iyon na nakatusok sa kanan kamay niya. Tinanggal din niya ang nakadikit na oxygen tube sa kaniyang ilong. Lahat nang nakita niyang nakadikit sa kaniya ay pinagtatanggal niya.
Wala siyang maramdaman kundi kamanhiran. Napangiti siya ng subrang pait at nagustuhan niya ang kamanhiran na nararamdaman niya. Binaba niya ang kaniyang paa sa malamig na marmol at sinubukan tumayo. Tinimbang niya muna kung kaya na nang kaniyang sarili ang kaniyang katawan saka siya nagsimulang humakbang. There's no reason to stay long. Gusto niya ng makaalis sa nakakabaliw na silid na ito at baka kapag magtagal pa siya ay tuluyan nga siyang nabaliw.
Naglakad siya sa malamig na hallway at walang taong nakakapansin sa kaniya. Deritso ang kaniyang paa patungo sa elevator at imbes sa ground floor ang kaniyang patungo, sa rooftop ang kaniyang deriksyon. Gusto lang niyang sumagap ng hangin at sumigaw ng ubod ng lakas na walang makakarinig sa kaniya. Hindi niya pinansin ang pagpatak ng mga dugo mula sa kaniyang kamay.
Malakas at malamig na hangin ang sumalubong kay Abhaya pero hindi niya maramdaman ang lamig na dulot nito, manhid na nga talaga siya. Hindi niya maramdaman ang hangin pero ramdam niya ang subrang sakit sa kaloob-looban ng puso niya at sabay na nagsibagsakan ang mga luha na siyang nagpapahiwatig kung gaano siya nasasaktan ngayon. Nagtaas siya ng tingin at napatingin sa maliwanag na buwan na ngayon ay nakatunghay sa kaniya.
"Why? Why did you let these happen? Why did you take my child from me? W-why?!" malakas na sigaw niya.