Nag-desisyon si Abhaya na puntahan at bisitahin si Hudson sa private office nito sa Hayes Group of Hospitals located at Makati City. Its been 3 days simula nung huli niya itong makita at pinarusahan siya sa sasakyan and after no'n, wala ng Herrence Hudson ang lumitaw pa sa kaniyang pintuan. Sa loob nang tatlong araw na iyon, nakapag-isip na siya na sabihin dito ang kaniyang sitwasyon, ang anak nito na nasa kaniyang sinapupunan, ang promotion niya... She guess, Hudson has the right to know. Maybe...
Nakita niyang nakasuot ito ng Doctor's Coat at may stethoscope sa leeg. God, napakagwapo talaga nito kahit bihira itong ngumingiti. Hindi na siya magtataka kung listed ito bilang isa sa pinaka-hottest Doctor sa buong mundo. Ewan ba niya, siguro nung nagpaagaw ng kagwapuhan taglay ang Diyos, lahat inagaw nito at sinalo.
Para sa kaniya ay subrang perfect nito, the way how his drop dead square jaw looks sturdy. His thick brows and lashes and greenish-brownish eyes that intimidates every woman. His perfect pointed nose that looks like being sculptured by a great sculptor. His kissable yet deadly sinful lips that every woman dying for. He's too perfect! A living epitome of devilish looks and greek gods. Hindi nakakapagtaka kung bakit ang daming naghabol sa binata. Nasa lalaki na ang lahat; fame, money and looks.
Bahagya lang siya nitong sinulyapan at ibinalik ulit ang mata sa chini-check na documents. "Why are you here? Haven't I told you that I don't want to be disrupted unless you have my permission?"
Ngumiti siya at tila walang pakialam. Ginamit niya ang kaniyang maskara na parang hindi siya naapektuhan pero ang sakit ng sinabi nito, tagas iyon sa buto. "We need to talk, Hudson."
"Make it fast. I have a meeting after 20 minutes." Tumingin ito sa relong suot saka bumaling ulit sa mga dokumento na binabasa.
Magsasalita sana siya nang pumasok ang secretary nito. Ibang secretary na naman ayon sa nakita niya and this time, much revealing ang suot. Kitang kita ang cleavage na halos luluwa na ang dibdib at subrang ikli ng palda. Hindi niya na lang pinansin iyon pero nagulat siya nang bumulong ito sa teynga ng binata sabay haplos sa balikat nito. Sa harapan niya mismo?! Wow.
Nagkunwari siyang hindi niya nakita ang ginawa ng secretary. Kumalma lang siya kahit gusto niya ng sumabog.
"I thought you'll bring me to your yacht today after 20 minutes?"
What? Kahit pabulong iyon, dinig na dinig ni Abhaya ang binitawan nitong salita. Pinilit niya pa rin kumalma, iniisip niya ang batang nasa kaniyang sinapupunan.
"Yes baby, let me finish this and I'll take you there." Hinalikan nito sa labi ang babae.
Bigla siyang namula sa harap-harapang ginawa nito. Ang lakas ng tahip ng kaniyang dibdib and any moment ay babagsak ang mga luhang pinipigilan niya. Nakuha niyang tumikhim ng malakas, napatingin ang mga ito sa kaniya at umismid naman ang babae. Hindi man lang nahiya sa kaniyang presinsya na kung tutuusin, wala sa kalingkingan niya ang kagandahan.
"Let me talk her fo awhile," si Hudson.
Maarteng tumango ang babae. Muntik na nga siyang hindi papasukin nito. Meeting, ha! Gusto niyang matawa.
"How can you be that heartless?" pasiuna niya. Walang emosyon na maririnig sa kaniyang boses pero deep inside ay dahan dahan siyang pinapatay. Nakatayo pa rin siya sa harapan nito mga dalawang metro ang layo.
Hindi ito natinag at patuloy na nag-review ng mga dokumento na nakalatag sa mesa. "Why? Are you surprised? You know it since then before you engaged yourself on this kind of shits."
Napakagat siya ng labi. Gusto niyang mapaluha pero pinigilan niya. "Anyway, let's jump to my..."
"Yes what is it?" putol nito at tumingin sa kaniya at parang bagot na bagot sa kaniyang presinsya. "Promotion? Yeah, narinig ko nga na promoted ka. Aren't you happy?"
Napatitig siya rito at hindi makapagsalita. Well, bakit nga ba niya nakalimutan na magkakilala ito at nang kaniyang boss kaya siguradong alam talaga ng binata. Napahugot siya ng malalim na hininga at hindi makapagsalita ng ilang segundo. Maliban sa promotion, may iba pa siyang gustong sabihin... At karapatan ng batang nasa sinapupunan niya na malaman na may ama ito.
"I'm two and half months pregnant." Deritsahang saad niya sabay lapag sa test at reseta galing sa kaniyang obgyne.
Hindi niya mabasa kung ano ang reaksyon ni Hudson basta lang itong nakatitig sa kaniya na walang emosyon. Sandaling tumigil ito sa ginagawa at hindi man lang tiningnan ang test result na inilagay niya sa mamahalin glass desk nito.
"I let you used pills for avoiding pregnancy, how come?"
Yes, totoo ang sinabi nito na pinagamit siya ng pills pero nung nag-stay sila ng tatlong araw sa yacht nito, hindi niya iyon nadala at hindi niya ito pinlano na magpabuntis. After no'n hindi na siya uminom ng pills dahil sa sumunod na araw nasa London ang binata at tatlong linggo ito nawala.
"I stop using it." walang takot na sagot niya pero halos kainin na siya ng sakit sa kaloob-looban. Dahan-dahan siyang pinapatay at parang sinasakal ang kaniyang puso.
Kinuha nito ang test result at pinasadahan ng tingin. "What do you want?" agarang saad nito.
Napakagat siya ng labi sa sinabi nito at natawa. Sabi na nga ba, eh. Hindi naman siya nagpunta rito para panagutan siya, ang gusto lang niya ay malaman nito ang kaniyang sitwasyon. Tanggap niya na 0.1% ang kaniyang pag-asa na pananagutan nito ang batang kaniyang dinadala.
"Nothing. I just came here to inform you na dinadala ko ang anak mo—" hindi siya nito pinatapos dahil bigla itong nagsalita.
"How much money do you want to spare me? 10 million? 50 million? Name it, slut. Alam kong hindi ko anak ang dinadala mo," at matiim siya nitong tinitigan sa paraang nang-iinsulto.
Para siyang sinabogan ng bomba at hindi makaimik. Ang kaninang maskara na suot-suot niya ay biglang naglaho at kitang-kita sa kaniyang mukha ang buong sakit. Sabay-sabay na nagsibagsakan ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan at parang ulan iyon sa patuloy na pagdaloy. Walang salitang lumabas sa kaniyang bibig at bago pa niya sampalin ang lalaking minahal niya ng buong puso, mabilis na siyang tumalikod at tinakbo ang pintuan.
Yes, tumakbo siya papuntang elevator habang hilam sa luha ang mga mata. Nagkapira-piraso ang kaniyang puso at pakiramdamn niya naiwan iyon sa opisina ng lalaki. Hindi niya napaghandaan ang sinabi ng binata. Kulang na lang ay lamunin siya ng lupa sa subrang sakit. Okay lang naman na hindi siya panagutan, nagpunta lang siya para ipaalam, hindi para ipamukha sa kaniya na kayang kaya siya nitong bayaran ng kumpol-kumpol na pera at sabihin na isa siyang malandi at hindi anak nito ang kaniyang dinadala. Really?! Ganito pala kababa ang tingin nito sa kaniyang pagkatao, para siyang kinatay sa sakit. All her life, ito lang ang minahal niya ng totoo but fate is unfair. Ito ngayon ang naglalaro sa kaniya ngayon, karma is digital nga talaga pero bakit masyadong masakit? Masyadong masakit pala pag ikaw na ang pinaglaruan ng tadhana.
"Ms, are you okay?"
Hindi siya sumagot sa mga tanong na iyon na nakakasalubong niya sa hallway ground floor pagkalabas niya sa elevator. Tumakbo lang siya nang tumakbo para makaalis na sa lugar na iyon. Kahit anong pahid niya sa mga luhang pumapatak sa kaniyang mata, patuloy pa rin itong umaagos na parang ulan. Hindi niya alam kung saan siya patungo, hinayaan na lamang niya ang kaniyang paa kung saan siya dadalhin. Patuloy lang siyang tumatakbo at gusto niyang mainis sa panahon dahil tila nakisabay ito sa nararamdaman niya dahil biglang bumuhos ito ng malakas. Kanina lang, ang taas ng sikat ng araw.
Malakas na preno ang pumukaw sa kaniyang diwa at nagpahinto sa kaniyang pagtakbo. Saka lang niya lubos naisip na nasa gitna siya ng daan at naramdaman niyang tumilapon sa malayo ang kaniyang katawan. Pakiramdam niya bigla siyang namanhid mula sa malakas na pagkakabangga. Ilang butil ang kumawala sa kaniyang mata kasabay ang hindi matatawaran sakit sa kaniyang sinapupunan. Ilang sandali pa ay wala na siyang maramdaman, lahat sa kaniya ay naging itim at wala na siyang narinig pa sa paligid.