ABALA na ngayon ang boyfriend niyang si Ivan dahil sa trabaho nito, madalang na nga rin siya maka-receive ng text mula rito. Napipilitan na lang tuloy siyang magpasama sa bakla para maalalayan siya at matulungan sa mga kailangan nila. Sinuwerte namang hindi ito nagreklamo at hinahayaan lang siya.
“Alam kong sobrang kalabisan na ito. I should be thankful that you help me, Marvi.” Napatingin siya sa wrist watch niya. “I’m going, may pupuntahan pa kasi ako.”
“Ihahatid na lang kita,” alok nito sa kanya.
“No, okay lang. Sige, bye.”
She bent and made a peck on his cheek. Nang sumulyap siya, napansin niyang namumula ito. Alam naman niyang tisoy ito, given na iyon pero bakit bigla yata itong namula? Naglakad na lang siya palayo sa bakla at agad nagtawag ng Taxi at nagpahatid sa malapit na Mall.
Binabalak niyang bumili ng mga gagamiting make-up. Maagang uuwi ngayon si Jom at kakausapin na niya ito para hilingin na mapagpraktisan ito. Sa loob ng Mall ay naengganyo na rin siya sa pamimili ng mga damit at para na rin ibigay kay Jom. Gusto niya talagang maging tunay na babae si Jom. Kahit na alam naman niyang babae ito at boyish lang kung umasta pero mas gusto niyang tuluyan na nitong iwanan ang pagiging boyish.
Bigla siyang kinabahan nang may nakasunod sa kanya. Hindi siya sigurado kong stalker ba niya iyon? Ngunit nagitla talaga siya nang agawin nito ang bitbit niyang paper bags.
“Gosh! You startled me. I thought stalker ka. B-bakit ka nga pala narito Marvi?” nag-aalangang tinitigan niya ito. Pawisan ito, marahil sa kahahabol sa kanya kanina dahil bigla siyang nanakbo. But he doesn’t smell sweat; he smells I mean the gay, smells fresh. Bigla yata siyang naadik sa amoy ng bakla. Ano nga kaya ang brand ng pabango nito?
“May dinaanan akong kaibigan. Then I found you,” nakataas na kilay na sabi pa ng bading.
“Oh I see. I’m going to go home na rin naman. I’m fine with this.”
“I’ll fetch you.”
Hinatid nga siya ng bading hanggang sa gate ng bahay nila. Biglang nanikip ang dibdib niya nang ilang beses na sumagi ang balat nito sa kanya. Hindi niya maiwasang mangamba dahil iba ang pakiramdam niya. Ng-init ang mga pisngi niya at nakaramdam ng kakaiba kaya mabilis siyang tumakbo papasok sa loob ng bahay.
“Oh bakit parang nakakita ka ng multo at bigla kang nanakbo rito?”pagtataka pa ni Jom habang nakaupo at nagbabasa ng Magazine.
“H-Ha? Wa-wala. Excited lang akong makita ka,” dahilan niya kahit ang totoo’y ang bilis ng t***k ng puso niya, her blood rushing down on her veins.
“Huh? Bakit naman?”
Bumuntong hininga muna siya bago muling nagasalita. “Please ‘wag ka magalit o magreklamo just follow me this time, okay?”
Napatango na lang si Jom at bigla niya itong hinila patungong CR saka kinuha ang isang paper bag na may laman na dress at ang isa ay may wedge open shoes.
“A-Ano?”
“Please..”
Hindi na ito nakareklamo, kaya agad na siyang kumilos. Naging masunurin naman ito sa kanya at sinunod lahat ng sinabi niya. Nang makapagbihis, pinaupo niya ito sa harap ng Drawer na may salamin. Kinuha niya ang mga make-up na binili niya.
“Just keep quiet. Saka mo na ako pagalitan kapag hindi okay.”
Pumikit ito bilang pag-sang ayon sa kanya. Matapos magconcentrate sa mata, sinunod niya ang labi nito saka ang pisngi na nauna na niyang lagyan ng EE Cream, saka niya pinagpagan ng blush on at pinahiran pa niya ng press powder. Nang matapos, kinuha naman niya ang hair brush at curler. Tinanggal niya mula sa pagkakatali ang buhok nito saka sinuklayan at kinulot ang mga ito.
“Tada! Dilat ka na!”
“Siguraduhin mo lang na hindi ako mukhang payaso ah,” pagbabanta nito.
“Oo naman.” Saka malaki ang ngiti na nakatingin na rin sa salamin.
“Wow! A-ako ba ito?” Tumayo na rin si Jom at pinagmasdan maigi ang hitsura sa harap ng Man-size mirror.
“Hey Race!”
Nasorpresa si Race nang biglang pumasok sa bahay nila si Ivan na may dalang flowers.
“B-Bakit ka nandito?”
“Did I surprised you?” Humalik pa ito sa pisngi niya saka siya niyakap.
“Oo. Hindi kasi ikaw ‘yong tipo ng taong mahilig sa surprises,” disappointed na sabi niya.
“Gan’on ba? Kaya nga sinurpresa kita ‘bout the engagement ‘di ba?” Napatango na lang siya sa sinabi nito. “Na’san nga pala si Jom?” Saka napatingin sa babaeng nakatayo sa gilid. “Oh, may bisita ka pala.”
Umiling siya bilang pagdisgusto sa sinabi nito. “She’s Jom.”
Napatitig ito kay Jom, ngunit hindi iyon titig na tila pagkamangha dahil ang titig na iyon ay minsan na nitong ginawa sa kanya. Ang mga mata nito ay may flash ng atraksiyon na biglang kinalito ng isipan ni Race. Ivan used to look at her like that—that she was the most beautiful girl in the world.
Tumikhim siya para alisin ang nararamdaman niyang tensyon. “Titimplahan lang kita ng juice.”
Iniwanan niya ang dalawa, bigla tuloy siyang nagdalawang-isip kung tama bang iniwan niya si Ivan kasama si Jom. Pero bakit bigla siyang nakaramdam ng kaba? Kaibigan niyang matalik si Jom at ikakasal na sila ni Ivan, ano pa at kailangan niyang mag-isip ng negatibo? Ibinalik na lang niya ang tuon sa ginagawa.
“Here is your juice.”
“I just want to remind you, be ready tomorrow. Because you'll gonna be Misis Ivan Jonas del-Valle.”
“Oo naman. I’ll be ready. Kaya matutulog na ako ng maaga. Kaya kailangan mo na rin pong umuwi may husband-to-be.
“Okay. I got go now and Jom, I like that, ganyan na lang ang ayos mo bukas.”
Hindi nakaligtas sa paningin niya ang tinatagong ngiti ni Jom mula sa sinabi ni Ivan. Pero katulad ng nauna, hindi na niya iyon pinag-isipan pa ng masama. Hinatid na lang niya hanggang sa labas ng gate si Ivan. Nang papalayo na ang kotse nito, saka na siya pumasok sa loob.
KINABUKASAN, lahat ay naka-set na, excited na rin si Race. Hindi na siya makapaghintay na makasal sila ni Ivan. Sino ba ang mag-aakalang magpapakasal din sila balang araw kahit na ilang beses na ngang gusto niyang siya na ang mag-alok ng kasal sa binata dahil sa pagiging abala nito sa negosyo.
Dahil may oras pa naman, ipinasya niyang siya na ang tutulong sa pagme-make up kahit sa mga abay at mga batang magdadala ng gagamitin nila sa seremonya. Namangha pa nga siya nang makita niyang naka dress din ang baklang si Marvi, iyon nga lang ay mukhang itinago nito ang maskuladong katawan. Nakasuot lang ito ng flat shoes, mukhang hindi sanay sa heals ang bading ah.
Nang maayos na at natapos na rin siya sa pagtulong, siya na ang sumalang para ayusan. Siya na rin ang nag-make up sa sarili niya, tanging buhok at damit na lang ang pinaayos niya.
Nag-anunsiyo na ang pagsisimula ng kasal, kaya lumabas na rin siya kahit ang totoo ay sobrang bilis ng t***k ng puso niya. Pakiramdam niya sasabog ito, kabang hindi niya maipaliwanag. Kabang hindi lang kasiyahan, kundi marahil ay may iba pang dahilan.
*********
Samantala, nasa loob lang ng bahay si Ivan at mukhang hindi pa niya balak umalis.
“You are really beautiful. I mean dati ka ng maganda, but it enhances and you looked more appealing. Lalo tuloy akong nagkakagusto sa’yo.” Then he barely touches her naked body and kisses her naked back.
“Paano pa ako mapupunta sa’yo kung ikakasal ka na?” naiirita pang tanong nito kahit puno na ng sensasyon ang mukha.
“There’s no wedding after all. I decided to go with you. I like you, I like you more than Racelyn.”
“Paano ang kasal n'yo?”
“I’ll be heading there to announce na walang kasalang magaganap.”
Tumayo na rin ito saka isang mabilis na halik ang iniwan sa babae at pinisil pa ang pang salo nito.
“Siguradong nagsisisi na siya na hindi siya nagpaubaya sa’yo. Hindi tuloy niya natikman ang langit sa piling mo.”
Malutong na tumawa si Ivan mula sa sinabi nito. “She had just a body, but you have the face and everything. I’ll go now, baka mahalata pa niya.”
Isang oras nang na-late si Ivan, akala na nga ng lahat ay wala nang magaganap na kasal. Nakatayo lang sa gitna ng altar si Race habang hinihintay siya sa paglapit. Tinakbo pa niya ang pagitan nila para malapitan si Racelyn.
“B-bakit late ka? Akala ko tuloy inindian mo na ako.”
“No.” hinila niya ang kamay ng dalaga. “Sorry, pero walang magaganap na kasal. I made up my mind at hindi pala ikaw ang babaeng para sa ’kin.”
Pagkatapos sabihin iyon ni Ivan ay tumakbo na ito palayo sa kanya. Siya naman ay nanatiling nakatayo, nakaawang ang bibig at tulala. Napaupo siya sa sahig, hindi lang sa labis na kahihiyan kung hindi sa natamong sakit na ibinigay nito sa kanya. Umasa siya, nangarap at ibinigay ang lahat ng tiwala kay Ivan. Ngunit ano ang nangyayari at bigla siya nitong iniwan sa loob ng simbahan? Sa gitna ng altar at sa maraming tao na ngayon ay nagbubulungan na at may kanya-kanyang haka-haka.
Hindi lang siya pinahiya ni Ivan, tinapakan pa nito ang ego niya pati ang puso niya na ngayon ay nagkalat na sa loob ng simbahan. At hindi niya alam kung saan mag-uumpisang pumulat ng nagkalasug-lasog niyang puso.
“B-bakit? Bakit mo ito nagawa?”