Chapter 3

1552 Words
NAKARAMDAM ng lamig si Racelyn kaya nagpaalam muna siya sa kanyang soon to be husband at sa baklang wedding coordinator na kailangan niyang gumamit ng banyo. Itinuro naman ng bakla ang daan patungo sa CR nito. Hindi lang pala sa kabuuhan ng sala nito ang kamangha-mangha dahil nang tuluyan siyang nakapasok sa loob ng CR, hindi ito katulad ng ibang CR na amoy disinfectant. Mabango ang paligid, nanunuot sa ilong niya ang amoy ng rose petals at Vanilla. Pinadaanan muna ng mga mata niya ang napakaraming bote na nakalagay sa side wall. “Wow! Ibang klase. May Body wash, Shower gel, body scrub at ibat-ibang shampoo.” Saka isa-isang itinuro ang mga nakikita. “He really is a gay, wala ngang duda. Aba! Dinaig pa niya ako ah. Ako nga sapat na sa ’kin ang conditioner, shampoo at sabon. Minsan nga lang ako bumili ng body wash o kaya feminine wash. Ibang klase!” Her voice was full of astounding truth beyond her thoughts. Ngayon kumbinsido na siyang bakla talaga ang Marvi na iyon. Komportable siyang nakaihi, bahagya pa siyang nagtagal sa banyo dahil sa kaaya-ayang amoy niyon. Lumabas na rin siya ng banyo dahil baka mapansin pa ng dalawa ang pagtatagal niya roon. Baka isipin pa ng bakla na baka nakatulog na siya roon sa tagal niyang nawala. “Race, may napili na akong venue natin at may napili na rin akong simbahan before consulting him.” Napatango-tango siya pagkarinig sa boses ni Ivan. Ivan was really good in picking and choosing what is best. Maybe he prepares doing it because it was there best day. She and Ivan, decided to go on the gay’s unit to properly discuss about the wedding preparation. Nag-jot down ang bakla habang nakadekwatro pa, pinananood na lang niya ang ginagawa nito at ang pag-uusap nila. Pakiramdam niya, wala siya sa harapan ng mga ito. Na wala naman palang magagawa ang presensiya niya. Because most of the time, Ivan made the decision and she was just the second demotion in other words she has nothing to disagree. Sinilip niya ang sinusulat ng bakla dahil magkatabi na sa upuan ngayon ang asawa niya at ang wedding coordinator, samantalang siya ay nakatayo na lang. Binasa niya iyon. After the venue, here comes there motif, the food, the materials and anything else she doesn’t want to interest with. Sana pala hindi na lang siya sumama at pumasok na lang sa office. It seems boring now, she can’t even understand herself why she didn’t feel excited. It felt a heavy day for her. Kahit ang totoo, wala naman siyang ginawa, sinamahan lang niya si Ivan. “Okay ka lang ba, Race?” Tiningala niya ang nobyo. “Oo, medyo masama lang ang pakiramdam ko,” dahilan niya. “Magpahinga ka na lang. Bukas, bibisitahin ko ang venue kasama si Marvi para i-check ang price at mga pagkain para na rin makapagpa-reserve.” Biglang nakaramdam ng panggi-guilty si Race. Dapat ay magkasama sila pero ano ngayon ang ginagawa niya at hinahayaan lang niya ang nobyo na mag-decission? “Don’t worry, Honey. The following day, magpapasama ako kay bakla na mag-settle ng mga telang gagamitin at mga damit.” “Oh, since you mentioned it. I prepared to have a ready-to-wear dresses. Kakain ng oras kung magpapatahi pa tayo,” pag e-esplika pa nito. “Okay. Sasama na lang ako sa bakla na tumingin ng mga damit at gagamitin nating souvenirs at ang iba pang kailangan,” nakangiting sabi niya kay Ivan. Niyakap siya ni Ivan at hinalikan ang bumbunan niya. Ngunit ang inakala niyang si Ivan ang babalikat ng lahat ay nabago ng hangin. No where to contact him and according to his secretary, he flew. Hindi na tuloy niya alam ang gagawin. Hindi man lang ito nagpasabi na emergency pala at kailangan nitong magtungo ng Beijing China para habulin ang isang investor at piliting pumayag sa isang kasunduan na hindi na nito inungkat pa kung ano iyon. Tinawagan na lang niya ang bakla at mabilis naman niya itong napapayag. Ito pa nga ang naging taga bitbit ng mga nais niyang kunin. Kasama na rin nito ang sekretarya nito na tumatayo din bilang wedding planner specialist. “Sorry sa abala ha,” hingi niya ng paumanhin dahil pinagmumukha na niya itong Personal Assistant kumpara sa kasama nitong babae. Nasa simbahan sila at may mga tao na ring naroroon para mag-decorate sa loob ng simbahan. “Don’t mention it.” “Am.. partner mo ba ang babaeng iyon?” Itinuro pa niya ang kasama nito kanina na wedding planner. “Yeah, you can think that. Siya lagi ang kasa-kasama ko sa events.” Iyon lang yata ang napag-usapan nila sa loob ng mahabang oras. Hindi ito palangiti, supladong bakla, consolation na rin na hindi ito masungit iyon nga lang ay tipid magsalita. Sa kadaldalan niya, puros tango at Yeah lang ang naririnig niya rito. Hindi pa niya narinig itong magkwento. Kung sa bagay, over the edge na kung magkukwento ito ng sariling buhay. It was like putting your nose in other’s business. NANAKIT yata ang buong likuran at balikat niya dahil sa halos siya na ang kumikilos ng lahat, iisipin pa kasi niya ang susunod na linggo kung saan a-atend silang dalawa ng nobyong si Ivan sa Marriage Seminar. Pinipihit-pihit na nga niya ang sariling balikat nang biglang tumayo ang baklang si Marvi at pumwesto sa likuran niya. Nagulat pa siya ngunit bahagyang nawala iyon nang maramdaman ang kamay nito sa balikat niya. Hindi man lang nagpasabi na marunong magmasahe at handa itong imasahe siya. “Wow! Ang sarap. It felt relief. Magaling ka palang magmasahe,” sabi pa niya habang nakapikit at ninanamnam ang pakiramdam ng bawat diin nito sa balikat niya. Humahagod ang mga kamay nito sa balikat niya pababa sa likuran niya. Nadala na yata ng kawalan ang isipan niya dahil sa sarap nitong magmasahe at nang huli na ay may napansin siyang kakaiba. She stiffened but suddenly she tried ignoring what had happened. “Sorry,” mahinang bulong nito sa kanyang tainga. Hindi niya pinansin ang sinabi nito, nakapikit pa rin siya at hinahayaan lang ang ginagawa nito. “Salamat!” sigaw pa ni Race nang bigla itong tumayo. Mabilis itong nawala sa likuran niya na hindi man lang nagpaalam. Hindi tuloy niya malaman kung imahinasyon lang ba niya ang ginawa nito kanina o hindi lang talaga nito sinasadya iyon. May posibilidad din naman kasi na dumulas ang kamay nito mula sa balikat niya at hindi lang paibaba sa likuran niya, pwede ring patungo sa gilid ng dibdib niya. But it felt uncomfortable though because she still feels the intensity of the gay’s touch. Biglang nagtaasan ang balahibo niya sa realisasyong nasalat nito ang dibdib niya kanina habang nagmamasahe. Saka lang niya naisip na iyon pala ang tinutukoy nitong sorry. “Gosh! Ba’t biglang nilalamig ang katawan ko, pero naiinitan ako. “ Napabuntong-hininga pa siya. “It was an accident, okay. Nag-sorry naman siya. Malamang hindi nga niya sinasadya.” Nang hagilapin niya ang baklang si Marvi wala na ito sa paningin niya at hindi niya mahanap. Marahil ay umuwi na ito na hindi man lang nagpaalam. Nang maka-receive siya ng text message, bahagya siyang kumalma dahil galing iyon kay Bakla. ‘Sorry, kung umalis agad ako ng maaga. I have an urgent errand; my assistant will take care of the rest.’ She hit the reply button and type. ‘Thank you for the relaxing massage. Take care.’ Unti-unti na yata siya nakakaramdam ng kakomportablehan sa baklang ito, parang nais niyang lumalalim pa roon ang uganayan nila. It felt she really wants to befriend the gay without knowing why. Mabilis na bumigat ang talukap ng kanyang mga mata nang makauwi siya ng bahay. Wala roon si Jom, hindi na niya hinagilap ito. May pangako sila sa isa’t-isa na mag-aayos ito na parang babae at magme-make up sa kasal nila ni Ivan. Naisip niyang bigla na pwede ring hindi na sila umupa ng make up artist para makatipid at siya na lang ang bahalang mag-make up. Uumpisahan siguro niyang pagpraktisan si Jom. Dapat ay kanina pa siya nakatulog ngunit tila umiilap ang antok sa kanya at kahit mabigat ang talukap ng mga mata ay nagagawa lang niyang pumikit habang nakahiga. Dahil ang isip niya ngayon ay nilalakbay na ang nangyari kanina. Bigla tuloy niyang naisip kung bakit biniyayaan siya ng malaking dibdib. She is Thirty-four cup C unlike to the ordinary boobs girls had. Yes, she iss sexy for her figure. Iniukit nga raw ang katawan niya sa isang Goddess, hindi man sobrang nakabawi sa mukha, bawing-bawi naman sa katawan. She also had the bulky butt that looks like same on her boob’s size; she had her twenty five inches waistline too. Na kapag nabubusog ay umaabot lang sa twenty six and half ang sukat. Iyon ang masasabing asset niya maliban sa makinis niyang katawan. Hindi tuloy niya malaman kung bakit hindi mawaglit sa isipan niya ang aksidenteng pagdulas ng kamay ng bading sa matambok niyang dibdib. Biglang nanayo ang balahibo niya kasabay na nag-init ang katawan niya na parang may tinutumbok. Bakit bigla siyang nakaramdam ng ganito? Bakit ngayon niya lang ito naramdaman? Because with the thought she felt asleep. Oo nakatulog siya sa nag-aapoy laro sa kanyang diwa. Kaysa naman mapaso pa ay matutulog na lang siya, may pakikinabangan pa siyang muta kinabukasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD