bc

THE GAY WHO LOVED ME (Trilogy 3:U&I) COMPLETED (Filipino)

book_age16+
577
FOLLOW
1.3K
READ
aloof
kickass heroine
comedy
sweet
bxg
lighthearted
lies
virgin
love at the first sight
friends with benefits
like
intro-logo
Blurb

The last book of You and I trilogy:

TEASER:

“This is wrong, I know everything is wrong but I can’t stop loving you.”

********************

After two years in a relationship with Ivan, finally her long wait is over. Nag-proposed rin sa wakas kay Racelyn si Ivan. Ngunit hindi niya inakala na ang kanyang kasal ay magiging isang madilim na bangungot.

Ang pinapangarap niyang kasal ay nauwi sa mapait na kabiguan nang tanggihan siya ni Ivan at iwanan siya sa mismong araw ng kasal. Hindi lang pala roon natapos ang lahat ng pighati sa buhay niya dahil ang matalik niyang kaibigan pala ang dahilan ng pag-iwan sa kanya ni Ivan.

Mayaman, gwapo, matangkad, perpekto ang ilong, labi at mga mata, pinapangarap ng mga kababaihan ngunit isa palang bading si Marvin Lee. Ito ang eksaktong makakatulong niya sa planong paghihiganti sa kanyang ex-fiance.

But fate was her hardest enemy and she can’t stop doing what her heart says contrary to her plan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
This is an original work of fiction and results of a mind’s imagination. Any Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way without the Author’s permission. You can kindly coordinate to the Author for the copy of the story. Stealing is a crime, please avoid Plagiarism.Thanks Please follow, comment and add this to your library. ❤ to ❤ ***************** “MAGANDA ka rin naman ah. Bakit kasi hindi mo na lang i-expose ang beauty mo at itinatago mo ang kagandahan diyan sa boyish mong pananamit?” Napasimangot ang kaibigan niyang si Jomelene o Jom sa sinabing iyon ni Racelyn. Nang makilala niya ito noong College, alam na niyang ganoon na ito kung manamit at mag-ayos kahit sigurado siyang babae talaga ito dahil minsan na rin itong umamin sa kanya na may nagugustuhang lalaki. Iyon nga lang dahil Boyish ito, tiyak hindi papasa ang aura nito sa kahit sinong lalaki. “Tigilan mo nga ako, Race. Mabuti pang asikasuhin mo na ang sarili mo. Hindi ba, anniversary n'yo ni Ivan ngayon? Go! Mag-ayos ka na,” halos tulak nito sa kanya. Hindi na lang nakaimik pa si Race sa sinabing iyon ni Jomelene na halos ipagtabuyan na siya nito. College graduate na siya nang mamatay ang mga magulang niya mula sa isang aksidente. Dahil hindi naman mayaman ang pamilya nila, ang nag-iisa nilang bahay ang tanging naiwang pamana ng mga ito sa kanya. Masaya na rin siya at nakapagtapos na siya ng kolehiyo. Kaya nagsumikap siyang makapaghanap ng trabaho matapos maka-graduate. Ilang taon na ang nakararaan, papunta ang mga magulang niya sa kanyang College Graduation. Siya ang Cumlaude ng School nila kaya kinakailangan ni Racelyn Azilan maghanda ng speech nang araw na iyon. Hindi na siya sumabay sa mga magulang niyang abala sa bahay at trabaho. Nangako naman ang mga ito na darating sa masayang okasyon na iyon na naging bangungot. Ang araw na iyon ay siya ring araw na namatay ang kanyang mga magulang. Pinilit niyang bumangon at kung hindi pa niya nakilala si Jom, hindi siya makatatayo at matututong lumaban sa buhay. Ulila na siya sa magulang, samantalang si Jom naman ay ulila na sa ina at ang amang abala sa negosyo at ang tatlo pa nitong mga kuya ang kasa-kasama sa bahay. Dahil mag-isa na lang sa buhay si Racelyn, kinausap niya ito na samahan na lamang siya sa bahay. Nagpapahid na ng lipstick si Race sa sariling labi nang mag-ring ang phone niya, agad naman niyang dinampot ang cellular phone nang mabasang ang boyfriend niyang si Ivan ang tumatawag. Mabilis naman niyang sinagot iyon at tama nga ang pantaha niya na nagmamadali na itong makita siya. “I’ll be late home. Just prepare your food, Huwag kang pagugutom ha,” parang batang bilin pa niya sa kaibigang si Jom. “Lock the doors. I’ll bring you pasalubong.” “Go! Alis na. Dami pang bilin eh.” She was also surprised when her boyfriend asks her to meet on a near coffee shop. Hindi ang tipo ng mahilig gumawa ng surprises si Ivan, kaya nagtataka siya na parang iba yata ang kinikilos nito ngayon. Nakaupo sa table for two si Ivan at mukhang nakaorder na ito ng dalawang Ice coffee. Nakaramdam siya ng panghihinayang, taliwas kasi iyon sa ini-expect niya. Ngayon ang second year anniversary nila, akala niya paghahandaan nito ang araw na iyon. Lagi itong abala sa trabaho at minsan lang niya makasama kaya buong akala niya ay gagawa ito ng malaking sorpresa para mapasaya siya. Still she was wrong; she was wrong acting confidently about her thoughts. That wasn’t Ivan if he did what her thought says. “Tatayo ka na lang ba riyan?” Napataas siya ng tingin at agad humakbang sa kalapit na upuan sa tapat nito. “Race, I know what you thought. Sorry kung hindi ako ang ganoong klase ng lalaki, I’m boring and I don’t have full of surprises to make you happy, but still I want to make you happy.” “Alam ko naman iyon. Masaya naman ako.” Dumukwang ito sa ilalim ng lamesa at kinuha ang tatlong red roses. “Thank you for loving me, for everything. Ayaw kong mawala ka pa sa akin.” Saka nito inabot sa kanya ang tatlong bulaklak. “This is an artificial flowers, gusto kong malaman mo, na katulad sa mga bulaklak na ito na hindi namamatay. Hindi rin mamamatay ang pag-ibig ko sa’yo. Patuloy kitang mamahalin.” Nag-init ang mga mata ni Racelyn hanggang unti-unti itong nagtubig at napaluha na siya. “I love you with all my heart Racelyn Azilan, will you share the rest of your life with me?” Hindi niya napansing may hawak na pala itong singsing. “Will you be my Racelyn Azilan-del Valle?” Lalo siyang napaluha. She never dreams that this time may come and Ivan will propose to her. But despite everything, despite what she knew about Ivan, she still loves him. “Yes, I’ll marry you.” Puno na ngiti ang labing tinanggap niya ang singsing. Tumayo ito at lumapit sa kanya, saka sinuot ang singsing sa daliri niya at mahigpit siyang niyakap. “Alam mo bang labis mo akong pinasaya.” Patuloy pang tinitigan ni Racelyn ang kanyang palasingsingan. “Even you are not full of surprises, you are unpredictable. Unpredictable-Ivan.” Nasa kahabaan sila ng EDSA at ito ang nagmamaniobra ng sasakyan nang magpasya silang mamasyal sa magandang tanawin ng Taguig, ang Venice o Grand Canal Mall. Matapos mag-selfie, hindi niya akalaing may baon pala itong padlock na ila-lock nila sa tinawag na Love Locks. Isinulat nila ang kanilang pangalan sa dalawang padlock at saka ni-lock iyon sa malapit na tulay. Sumakay sila sa bangka at saka itinapon ang susi sa Venice River. WALA rin sa isip niya na pupuntahan nila ang puntod ng kanyang mga magulang at doon hiningi nito ang kanyang kamay. Umaapaw ang kaligayahang nararamdaman ni Race nang mga sandaling iyon, tila wala na ngang hinto ang pagngiti niya. Napakaswerte niya at nakilala niya ang katulad ni Ivan na pwede siyang bigyan ng pangarap ng mga kababaihan—ang makasal. Talaga ngang seryoso ito sa sinasabi nitong kasal dahil makalipas rin ang dalawang araw, nagpunta si Ivan sa bahay ng dalaga at nagpaplano na ito ng kasal. “Since, wala naman tayong gaanong bisita, it would be best to prepare for those who are closed to us. What do you think, Babe?” Dumukwang ang dalaga para halikan siya sa pisngi. “Ikaw lang sapat na.” Saka ngumiti ng todo. Nang matapos silang mag-usap, agad rin itong umuwi. Muli na namang napangiti si Race, sa kabila ng pagiging busy ni Ivan, naglalaan pa rin ito ng oras para pagplanuhan nila ang kasal. May sapat rin naman siyang ipon at ayaw niyang iasa lang lahat kay Ivan, kaya naisip na niyang maghanap ng Wedding coordinator para hindi na sila mahirapan sa pagpaplano ng kasal. At least, kaunti na lang ang paghahandaan nila. Naghalf day siya sa pinagtatrabahuang Restaurant. Siya ang Manager, kahit sa Restaurant ay alam na ang balitang ikakasal na siya, kaya mula sa Head, hindi na nagtaka na humingi siya ng half days. Sa ngayon kasi hindi pa siya pwedeng mag-leave ng matagal. Saka na niya gagawin iyon, sa mismong araw na ng kasal. Sa pinsang si Cindy niya nakuha ang reto nitong Wedding Coordinator. May kumpiyansa pa itong hindi raw siya magsisisi sa ibinigay nito. “Hello, Cindy. Sigurado ka bang darating siya?” “Beh, wait ka lang. Papunta na siya.” Naiinip na naibaba na lang ni Race ang cellphone. Sa isang Vintage Restaurant sa Tomas Morato ang usapan nila ng coordinator na magkikita. Ibinigay naman ni Cindy ang numero ng Wedding Coordinator pero nahihiya siyang umuna para tawagan ito, natatakot siyang baka tagain siya at singilin ng malaki para sa service ng coordinator. Umorder na lamang siya ng dessert habang naghihintay sa Wedding Coordinator. Nginangata na niya ang inorder na Ice Cream, nang marinig niya ang pagtunog ng bell sa entrance door. Napatingin siya sa pintuan at nalimutan yata niyang nailagay niya sa bibig ang kutsarang ginamit. Naiwan iyon sa bibig niya at napanganga siya sa lalaking pumasok sa loob ng Restaurant. ‘s**t! Ang gwapo niya!’ ninais na lang niyang sabihin iyon sa isipan. Agad niyang inalis ang kutasara at agad dinampot ang tubig sa baso. Natuyuan yata siya ng laway sa hitsura ng bagong dating. Walang-wala ang dating nito sa nobyo niya. Hindi na siya nagtaka kung bakit halos lahat ng mga naroroon ay nililingon ang bagong pasok. Mula sa tindig nito, sa postura, ang buhok nito, mga kilay, mata, ilong at ang namumula nitong labi. “Ms. Racelyn Azilan?” Napakurap siya nang may tumawag sa pangalan niya. Napatango siya bilang sagot at napalaki ang buka ng bibig niya nang ang lalaking bagong pasok ay nasa tapat na niya at nakatayo. “I’m Marvin Lee, your Wedding Coordinator.” “H-Ha?” Kamuntik na siyang nahulog sa upuan niya. Ini-expect kasi niyang babae o di kaya ay bakla ang magiging Wedding coordinator. But this time is much different from what she expects. A handsome man, full of beautiful appearance is now standing in front of her. She slightly sniffs and his scent... Oh lala.. Goodness! Parang gusto niyang magpayakap sa Adonis na ito. Walang itulak kabigin. “Would you mind if I sit here and shut your mouth?” Napalunok siya bigla sa kaprangkahan nito o masyado lang siyang obvious na naglalaway na siya sa hitsura nito. ‘Oh man, why so gwapo and presko at the same time?’ “Literally fresh.” “What did you say?”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wicked Seduction (R-18)

read
339.4K
bc

The Billionaire's Obsession

read
3.1K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
329.0K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

The ex-girlfriend

read
141.1K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
72.4K
bc

Faithfully

read
269.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook