NAKALUMPASAY lang sa sahig ng gitna ng Simbahan si Race, patuloy ang pag-iyak at paghikbi. Hindi niya lubos malaman kung ano ba ang ginawa niya at humantong sa bangungot ang dream wedding niya. Kahapon ay okay pa naman sila ni Ivan, pero bakit ngayon? Ngayon pa, kung kailan wala sa tabi niya si Cindy o ‘Cinderello’ talaga sa birth certificate nito. Kung kailan, wala rin si Jom dahil may biglaan daw itong emergency na inasikaso. Napapatingin na lang siya sa mga taong naglalakad palabas ng Simbahan at dismayado rin sa nangyari.
Tulala lang siya kahit patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata. Kahit sira na ang make-up, wala na siyang pakialam basta gusto niyang ibuhos sa pag-iyak ang lahat. Gusto niyang isiping panaginip lang ang lahat pero kahit ano pang kurot o sampal niya sa sarili, isa itong realidad na dapat niyang harapin.
"Huwag mong sabihing iiyak ka na lang diyan forever?"
Buong akala niya may forever sa kanila ni Ivan. But the reality turns into nightmare. Why the hell he choose to left her? What have she done wrong?
Mayamaya ay tumayo na rin si Race, kahit nangangatog ang tuhod sa panghihina, sinikap niyang makalabas ng Simbahan. Wala na rin sa tabi niya ang bakla, wala ng mga tao sa paligid. Pakiramdam niya mag-isa na lang siya ngayon at walang masandalan. Naramdaman niyang may malamig na pumatak sa pisngi niya hanggang sa ang malalaking patak ay lumakas kasunod ang kulog at kidlat.
Napatingala siya sa kalangitan. “Pati ba ang langit umiiyak rin at sinasabayan ang pag-iyak ko? God, parusa nyo ba ito sa ‘kin?”
Namamanhid na ang buo niyang katawan, Naghahalo na rin ang luha at ulan sa kanyang pisngi. Hinila niya ang belo sa ulo at itinapon sa kung saan. Saka niya isinunod ang sapatos niya at ibinato ang magkabilang pares. Naglakad siya ng nakayapak. It was useless for her to wear any of those since none of them she had now.
Hindi niya malaman kung saan na siya nakarating, nanlulumong napaupo siya sa malamig na kalsada. Hinihintay na lang niya kung kailan hihinto ang ulan, kung kailan darating ang bahaghari. Kung may bahaghari pa nga bang darating?
Nang mapagtantong wala na siyang maramdamang patak ng ulan, nanginig siya sa lamig. Tiningala niya ang kalangitan. Mali siya, umuulan pa rin. May nagmagandang loob lang na nagpayong sa kanya. Kailangan pa ba niyang abalahin ang sarili para malaman kung concern ba ito sa kanya?
“Hindi magiging solusyon ang pag-iyak kung hindi ka lalaban.” Malumanay ngunit puno ng tapang.
“B-Bakit ka nandito?”
Napansin niyang naka-short na ito at T-shirt. Hindi na tuloy niya malaman kung ilang oras na ba siyang naging miserable sa anyong iyon dahil sa bilis nito magbihis.
“Wala na ang dream wedding ko. Everything ruins,” malungkot at wala sa kausap ang tingin na turan niya.
“Hindi ba dapat alamin mo muna kung ano ang dahilan niya?”
Kapag nalaman ba niya, may mababago pa ba? Babalikan pa ba siya ni Ivan at magpapanggap na walang nangyari?
“Iwanan mo na lang ako. You can’t seem to understand me, dahil.. hindi ka pa nagmamahal.”
Hinila siya nito patayo. “Ihahatid na kita,” mariing sabi ni Marvi.
Kinabig lang nito ang kamay niya kasabay na tumilapon ang payong bitbit nito.
“Why the hell you care? Why are you so concerned about me? Naawa ka ba sa ‘kin? Pwes, hindi ko kailangan ng awa mo!”
“I’m not pity of a woman in distress or misfortunate person,” may diing sabi pa nito. “Gusto ko lang malaman mo na may natitira pang pag-asa.”
Napahinto siya sa sinabi nito. Sinalubong pa nito ang mga mata niya na tila naghahamon at punong-puno ng katapangan. Napasinghap na lang siya ng hilahin nito ang kamay niya. He drag her going where his car park. He left the umbrella and so her sorrow.
Ngunit nagmatigas pa rin siya na hindi sumama. Nanlalaki ang mga mata niya nang bigla siyang umangat sa semento at nang marealized ay binuhat na siya na parang sako ng bigas. Nanuot sa ilong niya ang pabango nito. It wasn’t a strong scent but a masculine scent rather. Ano kaya ang pabangong ginamit nito? Pasimple niyang sininghot ang amoy nito. Aaminin niyang bahagya siyang napakalma ng pabango nito.
‘God! What am I doing? Bakit ko ba siya tinatsansingan?’ wala sa sariling sabi ng isip niya. ‘But I like this scent it makes me calm.’
“You’re lucky I didn’t throw you in the trunk,” ngumisi pa ito na tila nang-aasar sa kanya.
Lalo siyang napasimangot saka inayos ang pagkakaupo sa tabi nito. Sure she hated him, but it turns the contrary what her mind says.
“WHERE’S your door’s key?” tanong ng bakla nang makarating sila sa tapat ng bahay niya. “You’re leaving with your friend. Call her.”
Kinapa niya ang susi sa ibabaw ng nakasabit na paso sa gilid saka ipinasok sa door knob at pinihit ito. Tinumbok agad niya ang kwarto nila ni Jom para sana magkwento sa kaibigan, ngunit wala ito roon. Wala na rin ang mga gamit at damit nito. Nanlulumong napaupo siya sa sahig at muling umiyak, iyak na nauwi sa ngawa.
“Looks like your friend left you too.”
It felt like her head was bombarded from this gay’s word. Kung pwede niya lang hampasin ito ng kama, kanina pa niya ginawa.
Tinayo siya nito. He holds her arms firmly and pulls her outside the house.
“Where are we going?” sumisinghot na tanong niya.
“My unit. It’s not good letting you alone here.”
Nagpadala na lang siya sa bading at hinayaan ito sa ginagawa. Pagdating sa unit nito, uupo na sana siya sa malambot nitong sofa nang bigla siyang sitahin ni Marvi.
“Don’t sit! You’re terribly wet.”
Ang arte ng bading! Bading talaga.
“Come to my dining, I’ll prepare you a hot drink.”
Mabilis siyang umupo nang makitang tabla na ang upuan sa dining area. Iniwan nito ang tinimplang gatas sa tapat niya at naglakad palayo sa kanya. Nang tingnan niya ang oras Alas onse na pala ng hating gabi. Muli na naman siyang naiyak. Hindi na niya yata ma-kontrol ngayon ang pag-iyak at tila may sariling isip ang mga mata niya.
“Malas ba talaga ako? Kamalasan ba talaga ang pagkakaroon ng bulky boobs and butt?”
Tumayo na siya para hagilapin ang bading, kalalabas lang din nito sa kung saan.
“You can remove your gown,” mayamaya ay sabi nito.
Kinapa niya ang zipper sa likuran at dahan-dahang ibinaba. Sayang ang perang ginastos niya kung masisira ang letseng gown. Nangangati na rin siya, kahit gusto na niya itong baltakin nang tuluyang mahubad ay hindi niya natuloy nang pigilan siya nito.
“What I mean is at the bathroom.”
Lumiwanag ang mukha ni Race. “Ah, oo nga pala.”
Pumasok na siya sa banyo. Mukhang hinanda na nga nito ang kakailanganin niya. Tuluyan na niyang hinubad lahat ng saplot niya at agad na naglublob sa bath tub. Ramdam niyang bahagyang na-relax ang katawan niya.
Muli siyang natulala at nag-init na naman ang mga mata niya nang maalala ang sulat na iniwan ni Jom sa ibabaw ng kama.
‘Sorry kung umalis ako na hindi personal na nakapagpaalam sa’yo. Pero wala ng rason para magpanggap ako sa nararamdaman ko at manatiling kasama ka.’ –Jom.
Patakbong pumasok ng banyo ang bakla nang marinig nitong ngumangawa na naman siya.
“Are you okay?” Napatalikod ito nang ma-realized na wala siyang saplot sa ilalim ng tubig. ‘I thought you’re drowning na.”
Tumayo siya at humakbang palabas sa bath tub, kinuha ang roba at sinuot. Tila nanigas na ito at hindi na gumagalaw habang pinakikiramdaman ang presensiya niya. Humarap siya sa bakla at niyakap ito ng buong higpit. Naramdaman niyang hindi ito gumaganti ng yakap at tila hindi pa rin gumagalaw.
“Thank you. Thank you for saving a woman in distress. Or should I say a misfortunate woman like me. Kahit na gusto ko ng mamatay.” Unti-unti niyang naramdaman ang kamay nito sa likod niya na humahagod at gumaganti na rin ng yakap sa kanya. “Tama ka, I don’t have anything here but there is one thing left. You’re here.” Kumalas siya ng yakap dito. “And I hope, you’re willing to be my friend.”
Kinuha pa niya ang kamay nito. “Please, promise me na hindi ka aalis sa tabi ko.”
“I can’t promise anything. This person doesn’t swear.”
Nadismaya siya sa sagot nito nang muli itong magsalita. “But I’ll try.”
Dahan-dahan siyang napangiti.
“Take a rest.”
“I’m okay now. I’m going home.”
“You sure you’re going home with nothing underneath that robe?” nandidilat na tanong ng bakla sa kanya na tila naninigurado.
Pakiramdam niya hindi safe. Hindi safe na naroon siya, dahil baka hindi niya mapigilan ang sarili at mamolestiya na niya ang mabangong bading na ito.