NAKAPAKO pa rin ang mga mata ni Racelyn sa lalaking umupo sa harapan niya, kasunod ng pagdating ng pamilyar na tao sa kanya—ang pinsang si Cinderella o Cindy.
“Hi Race, magkakilala na kayo?”
Napatingala si Racelyn sa boses ng bagong dating.
“Cindy? I though you aren’t coming?” pagtataka pa niya. Dahil wala naman itong pinasabi na darating ito. But it was a good thing that Cindy came for her sake.
“Pwede bang hindi? By the way, this is Marvin Lee. Marvi, meet my dearest cousin. This is Racelyn Azilan.”
Tumayo ang tinawag na Marvin, napatayo na rin siya at una pang naglahad ng kamay sa lalaki.
“I’m Marvin Lee, call me Marvi I’m gay and it’s nice to meet you.” Saka maagap na tinugon ng panandalian ang kamay niya.
Napaawang ang bibig niya sa binanggit nito. He is gay? How come this beautiful human being in front of her becoming this gay? Kung sa bagay, kung sino pa ang gwapo, iyon pa talaga ang nahahawaan ng epidemya ng kabaklaan. Totoo ngang hindi man sila nanganganak pero dumarami.
“Let’s sit,” binabaeng alok ni Marvi sa kanila.
Halata na nga ang binabaeng boses nito pero hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin dahil naka-focus ang buong sistema niya sa kabuuhan nito. Wala talaga siyang makitang ipipintas dito. Matangkad, maskulado at sa tantiya niya ay may itinatago itong pandesal sa loob ng suot na long sleeve shirt. Malinis at maayos na nakatiklop pa sa braso ang naka-tuck in na damit sa ternong brown khaki slacks. Detalyadong-detalyado niya talagang pinagmamasdan ang bakla. Boses lang nito ang bakla pero ang kilos nito at ang ayos parang hindi sa bakla. Ito ba ang literal na paminta o maskuladong bakla?
Pinalipad niya sa hangin ang namumuong paghanga. Hindi siya pwedeng magkagusto sa bading, bukod sa nakapandidiri ay ikakasal na siya. Nagising ang diwa ni Race nang itulak siya ng pinsang si Cindy.
“Ngayong nabistahan mo na si Marvi, baka pwedeng bumalik ka na sa mundo mo?”
Namula sa pagkapahiya si Race mula sa puna ni Cindy. Napayuko na lang siya at natahimik.
“Let’s get back to what we’re here,” umpisa ni Cindy.
She cleared her throat, leaning against the back of the chair and started to speak while fronting the gay Marvi. “Will you handle the whole wedding preparations? How months do we need preparing it? How much will be the cost?”
Nabilaukan si Cindy sa kaseryosohan niya. Saka muli itong nagsalita. “Marvi, baka nabigla ka rito sa pinsan ko ha, would you like to get an order first?”
“It’s okay. If you wanted a detailed preparation Ms. Racelyn, my unit is open for discussion. If you don’t mind, I can bring you in most comfortable place
“Alright. Let’s get everything we talk in the place you’re saying.”
Hindi na rin nga sana niya papansinin ang pagpapauna nito sa kanila palabas ng pinto ng Resturant at pagbubukas sa kanila ng pinto ng sasakyan nito. Pero tila napahanga ni Marvi ang atensyon niya, wala itong itulak kabigin sa mga kilala niyang lalaki pero ungentle man naman.
Ilang minuto lang ang binyahe nila nang huminto na ang sasakyan nitong Pajero sa tapat ng Medium Rise Building. Kagaya kanina, pinagbuksan na naman sila nito at tinungo ang daan papunta sa unit nito.
Hindi maikakailang may kaya nga ang bakla at halata ang pagiging bakla nito. Hindi dahil kulay pink ang disenyo ng paligid, kundi dahil sa malinis at maayos ang mga nakikita niyang kagamitan nito. A shades of Navy Blue and dirty white was the gay’s house color.
“Feel free comfortable, I will prepare a dessert.”
Nilibot muna nilang dalawa ang mga mata sa kabuuhan ng paligid. It felt cozy, organized yet really stylish but still had a dominant effect. And she can’t even know why, she felt that.
Ilang minuto lang ay dumating na rin ang bakla, may bitbit na itong tray ng food. Slice ng Blueberry Cheese cake at orange juice ang inilatag nito sa center table.
A few minutes he motions the glass door cabinet and utter. “These are my catalogs I used for preparing a wedding.” He step forward, open the glass door and took his catalog and put it on the center table. “These are the catalogs which I had the best wedding handled.” He gaze at her and continued. “You can scan it and I’ll give you the price that you won’t regret.”
Nasalubong niya ang tingin nito, ngunit mabilis itong nag-iwas ng tingin. Bahagya siyang nakaramdam ng dissapointment at nahihiwagaan din siya sa baklang kaharap niya ngayon. Namangha siya nang mabuklat na niya ang bawat pahina ng magazine. May mga pictures rin na naroon ito.
“By the way, where did you study?”
“France. It was my dream so I focus on doing it nor.”
“Oh I see.” Saka niya bahagyang siniko si Cindy na tahimik lang at bumubuklat-buklat din sa isang magazine.
“What? I’m busy pretending here that I’m not with you guys.”
Malapit na niya yata itong balak batukan dahil sa pangpapahiya sa kanya.
“Mr. Lee, I mean Marvi, I hope you don’t mind if my Fiancee will join us here? It’s really hard to choose, mahina ako sa motif.”
“No worries. It’s alright.”
“Okay, I will check his schedule and will I invite him here?”
“Yes, for sure.”
Inayos na ni Race ang magazine at saka tumayo. “Sorry sa abala, I’ll get in touch with you through phone next time. Thank you.”
Hinila na niya si Cindy at saka nagmamadaling lumabas ng unit ng baklang si Marvi.
“ANO BANG problema mo?”
“’Yong baklang iyon kasi, I smell fishy.”
“Ano na namang iniisip mong kalokohan beh? Sinasabi ko sa’yo kahit bakla si Marvi, mabait iyon.”
“Gaano mo na ba katagal kakilala ang baklang iyon?” naghahamong tanong niya sa pinsan.
“Nireto lang din siya ng friend ko, the best coordinator daw siya at isa pa, puros sikat at mayayaman ang mga dinadaluhan niyang Wedding plans.”
Iwinaglit na lang ni Race ang palaisipan na gumagambala sa kanya. Mukha kasing feminine lang ang aura ni Marvi at hindi niya maramdaman ang pagkabakla nito. But on some point, why she have to prove anything? Marvi is gay from his words and it was all proven. Kaya wala na siyang K para makialam pa. It’s not worth the time too.
Nang dumating ang gabi, tinawagan agad niya ang fiance na si Ivan para umabsent siya sa trabaho at para makita nila ang magaling na wedding coordinator. Masaya naman siya na hindi nagsuplado sa kanya ang nobyo. Mukhang masaya pa nga ito na samahan siya kahit na hectic ang schedule nito.
Alam niyang perpekto si Marvi—ang features nito pero mas perpekto pa rin ang boyfriend niya. Bukod sa mahal na mahal siya nito ito pa ang makakasama niya habang buhay. She was thankful having an Ivan in her life.
Natuwa siya nang sabihin ni Ivan na gusto niyang isang buwan lang ay matapos na ang wedding preparations because he can’t wait any longer to be her wife. And she will make sure everything was beyond the plan.
Ayaw din niyang maabala si Ivan ng matagal, kailangan din naman niyang magtrabaho. She's an admin assistant of a leading company.