Chapter 6

1531 Words
NAGPAHATID na lang siya sa bading dahil wala rin naman talaga siyang pagpipilian. Buong gabi yata siyang hindi nakatulog ng maayos. Hindi rin niya alam kung makakapasok pa siya ng trabaho. Inayos niya ang sarili, kailangan niyang hingin ang tulong ng bading. Nang makapag-ayos, pinuntahan niya ang Unit nito. “Sorry sa abala.” “Have a sit.” “Alam kong kalabisan na lahat ng ginagawa mo. Pero gusto ko sanang lubusin na ang pagtulong mo sa ‘kin.” “Just get me straight,” naiinip na sabi nito. Tumingin muna siya sa kandungan niya saka humugot ng malalim na buntong hininga. “Please help me stalking my ex-fiance.” “What?” “Pakiramdam ko kasi, may tinatago siya, pakiramdam ko may mali. May mabigat na dahilan kaya niya ako tinakbuhan sa kasal.” “Paano kung malaman mo ang totoo?” “I will definitely kill him.” Napahinto siya. “As if I can. Pero gusto ko pa ring malaman ang totoo para hindi na ako aasa ‘di ba?” Nagpalit ng pagka-dekwatro ang bading at tinitigan siya sa mga mata. “Sige na.. Please.. help me.” Hindi naman nakatanggi ang bading sa karisma niya. Una nilang tinungo ang opisina ni Ivan. Tama nga siya ng pantaha, naroon ito at nakapagtatakang maaga ito mag-a out. Pinuntahan niya ang assistant nito. Ayon sa assistant nito, iyon daw talaga ang usual na out nito. Pero bakit tuwing tumatawag siya ay dahilan nito ang ‘over time’? “Sundan natin ang sasakyan niya,” puno ng determinasyong sabi niya sa bading na nagda-drive. Dumiretso ito sa isang Mid Rise condo unit. Sa pagkakatanda niya, wala naman itong pag-aaring unit doon. Lalo siyang kinabahan. Para hindi mahalata,na fire exit sila dumaan ni Marvi. At nang makarating sa Hallway, nakita agad niyang may sumalubong ditong babae. Nanlalaki ang mga mata niya nang makilala niya ang babaeng mabilis na yumakap dito. Si Jom, ang matalik niyang kaibigan. Nasa Hallway na siya, gusto niyang lapitan ang mga ito at pagsasaksakin nang pigilin siya ni Marvi. Nakuyom ang mga palad niya at nanginginig sa galit. “Don’t.” “Bakit mo ako pinipigilan?” Narinig niyang huminto ang mga ito at tumingin sa direksyon niya. “Babe, what’s the matter?” “Para kasing may narinig akong pamilyar na boses.” Nag-iiyak na naman si Race at patuloy sa pagtangis nang bigla siyang masinok. Tinakpan ni Marvi ang bibig niya para hindi makagawa ng anumang ingay, ngunit patuloy siya sa pagsinok. Nanlaki na lang ang mga mata ni Race nang kabigin siya ng bading at buong lakas na hinalikan. “Oh, sorry. You should get a room dude,” sabi pa ni Ivan at agad binalikan si Jom saka inakbayan papasok sa kwarto. Mukhang hindi naman nakilala ni Ivan ang dalawa. Tanging yabag palayo na lang ang naririnig ni Race. Nakapikit pa rin siya at pinakikiramdaman ang halik nito na kanina pa pala huminto kasabay ng pagsinok niya. “I-I didn’t mean to—“ Hindi siya sumagot, patakbo siyang sumakay ng elevator. Sa kotse ay hinintay niya si Marvi. Hindi pwedeng nakuha ni Jom si Ivan. Siguro kulang siya ng karisma. Kung gusto nila ng laban, makikipagsabayan siya. May naisip siyang plano. Gagawin niya ang lahat para mabawi si Ivan at kapag nagawa na niya iyon, ipamumukha niya kay Jom na hindi ito karapatdapat mahalin. “Okay ka lang?” “Gusto kong uminom.” Hindi na siya napigilan ng bading nang makarating sila sa isang Bar. Doon niya gustong ibuhos lahat ng galit at inis niya. Patuloy siya sa pag-iyak habang tinutungga ang alak. “Alam mo, bestfriend ko ‘yon eh. Paanong inahas ako ng kaibigan ko? Hindi naman siya maganda ‘di ba? Hindi rin sexy. Anong nakita ni Ivan sa kanya? Hindi ba ako kaakit-akit? Mahirap ba talaga akong mahalin? Malas ba talaga ako.” Muli niyang iniangat ang baso. “Stop it, it’s already your fifth glass.” “Bakit mo ba ako pinipigilan? Kung talagang concern ka sa’kin. Tulungan mo ako.” “Lasing ka na.” “Hindi ako lasing. I’m in my full senses. Pero gusto ko siyang bawiin sa hayop kung kaibigan. Sigurado akong inakit niya si Ivan. At tiyak mahal ako ni Ivan.” “Paano mo gagawin ‘yon?” “That’s why I need you. Tulungan mo ako. I’ll make sure this will be my last time asking your help. I will not bother you anymore.” Dalawang bote ng Brandy at isang bote ng Rhum ang nainom niya dahilan para bumagsak na siya sa kalasingan. Napangiti si Marvi, hindi niya akalaing mas malakas pa sa kanya uminom si Race. Pero ramdam niya ang sakit nito. Hindi na dapat siya makikialam at tatanggihan ang sinabi nito. Pero hindi kaya ng isip niya na hayaan na lang ito sa kasemirablehan nito. She suffers more and he can’t stand seeing her like this, he can’t even know why? NAGISING si Racelyn na nakahiga na sa kama. Tiyak niyang hinatid siya ng bading at sinamahan. Masakit ang ulo niya dahil sa labis na kalasingan kagabi, pero mas masakit ang puso niya. Pakiramdam niya, nagkapira-piraso iyon. Nang may narinig siyang door bell, nag-aalinlangang tumayo siya. Nang silipin niya sa bintana ng kwarto niya, isang lalaking naka-black suit ang nasa labas. Mabilis siyang naghilamos at nagsipilyo saka sinuot ang Roba at lumabas ng kwarto. Tangan niya ang dalawang maleta at isang shoulder bag habang nakatayo sa unit ng Bading. Nanlulumong nakatingin siya sa doorbell nito. Kung alam lang niya na malaki na pala ang pagkakautang ng mga magulang niya sana, unti-unti na niyang nabayaran ito. Nainis pa siya sa Bank Representative dahil sinasabi nito na ilang beses na raw ang mga ito na nagpadala ng Notice kahit wala naman siyang natatanggap. Nang may ipinakitang dokumento ang Bank Representative, wala na siyang nagawa dahil pirmado iyon ng mga magulang niya. Kaya pala naka-survive siya mula sa aksidente at nakapagtatakang agad nilang nabayaran ang Hospital Bill. Iyon ay dahil isinangla ng mga magulang niya ang mga ari-arian nila. Parang tape na nagre-rewind sa alaala niya ang sinabi ng Bank Representative. “Sorry to say this Ma’am, pero kailangan n'yo na pong umalis ngayon dito. Wala po kayong ibang pwedeng dalhin bukod sa personal belongings. The rest is the Bank’s property. Lalagyan na rin po namin ng banner sa labas na Bank property na po ito.” Napahandusay siya sa sahig habang umiiyak, hindi na niya alam na napindot na pala niya ang door bell. Kasabay na lumabas ang bading na nasalo na pala siya bago tuluyan siyang humandusay sa sahig. “Why are you here?” Inalalayan siya ng bading papasok sa loob. Nang makaupo, muli siyang umiyak. Itinakip niya ang mga palad sa mukha at humagulgol ng iyak. “Sabi ko sa’yo, malas nga ako. Wala na akong bahay.” “Why? What happened? Pwede bang kumalma ka muna?” Inalis niya ang mga palad sa mukha at tiningnan ito na punong-puno ng luha. “Marvi, sinangla ng parents ko ang bahay namin at hindi ko alam na tumubo na iyon at lumobo ang bayad. Sabi ng Bank Representative, hindi na raw ako pwedeng tumira roon ngayon. Wala na akong ibang malalapitan, ikaw na lang. Bakit ba lahat na lang ng kamalasan sinalo ko na? Hah?” Niyakap na siya ng bading dahil naawa na sa kanya. “I will let you leave here, pero temporary lang hanggang sa makahanap ka na ng apartment.” Humiwalay siya ng yakap dito at nangningning ang mga mata niya sa galak. “Salamat. Mabuti na lang tamang tao ang nilapitan ko.” Kinuha nito ang bagahe niya at pinasok sa kwarto. “I don’t have extra room. You can stay on my room and sleep on my bed.” “S-Saan ka matutulog?” “I can sleep on the sofa.” Tumayo siya at nilapitan ito. “No, we can sleep here. Kahit ako na lang sa baba ng kama mo. I’m comfortable with the comforter.” “Ako na lang sa ibaba. Sa kama ka na. Magpahinga ka na.” Naupo siya sa kama nito nang lumabas ang bading. “Wow! Ang lambot ng kama niya. Pero hindi pa ako naliligo. Bwisit kasing Bank Representative iyon eh!” Nakaramdam siya ng uhaw kaya lumabas na rin siya, nakita niyang kumuha ng bottled water ang bading, binuksan at tinungga ito. Lumapit siya sa bading at kinuha ang tubig nito saka tumungga din. “Painom hah, nauuhaw na rin ako eh. Naubos yata lahat ng tubig ko sa katawan.” “I already drink that.” Ngumiti siya saka ibinalik ang bottled water kay Marvi. “They said na kapag nalawayan mo na, magiging close na kayo. So close na tayo, bakla?” “R-Racey..” “Oh, I like that, such good endearment, so close na tayo?” Itinulak ni Marvi ang noo niya sa daliri nito. “As if. Dream on..” saka tinaasan siya ng kilay. “Love you na talaga, bakla.” Lumiyad siya saka bumeso. Nakita pa niya sa peripheral vision na bahagyang umangat ang labi nito bilang pagngiti. “Basta, promise me ako lang ang Racey mo ha.” “Ingay mo. Such a nuisance.” “Naninigurado lang naman, ayaw kong dumating ang araw, pati ikaw ay mawala.” Kumapit pa siya sa braso ng bading.“Anyways, have you already decided?” “Decide what?” “Yesterday night. I’m asking you to be my fake boyfriend para pagselosin si Ivan at para maagaw ko siya kay Jomelene.” “You’re out of your mind! I’m gay,” balewalang sabi nito. “Alam ko, pero pwede ka namang magpanggap ‘di ba? Please...” pagsusumamo niya rito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD