Chapter 7

1449 Words
AKALA niya ay ganoon kadaling mapapayag niya ang bakla, kailangan na yatang gamitin niya ang kanyang alindog para akitin ito at para bumigay ito. Literal na bumigay, dahil matagal na talaga itong bumigay dahil nga bakla ito. Bumili pa siya sa online ng sexy lingerie para pakitaan ito ng kaseksihan. "Patay ka sa 'kin, bakla." Nakita niya itong nakaupo sa terrace habang umiinom ng kape. Agad siyang lumapit at itinaas pa niya ang kanyang binti at yumakap sa pader. Naibuga ni Marvi nang wala sa oras ang iniinom na kape. "Okay ka lang?" Lumapit siya na parang gumagapang at ipinakikita talaga niya ang kanyang binti at hita. Nagpipigil na ito ng tawa dahil sa ginagawa niya. "You're funny." Nilapitan niya ito saka umupo sa kandungan nito. "Be mine," sambit pa niya sa mapanghibok na tinig. "May sakit ka ba?" Dinama pa nito ang noo niya kung mainit o nilalagnat siya. "You seems normal." Bigla itong tumayo dahilan para mahulog siya. "Tsk! Nakakainis ka naman eh!" sigaw nito na halos iika-ika sa pagtayo dahil sa puwitang nasaktan. "You're impossible, Racelyn. But you made my day." Tumalikod na ito at naglakad palayo sa kanya. Hindi siya makapapayag na mabigo siya. Hinabol niya ito at nagkunyapit sa binti nito. "Please bakla, help me na," pangungumbinsi niya habang inaalog ang braso nito. Malaki ang pagkakangiti niya kinabulasan. Sa wakas, napapayag niya na ito sa plano niya. ‘Operation get Ivan back’. She knew she was this desperate but he really loves Ivan and she will do everything to get him back, by hook or by crook. She will definitely make Jomelene regret what she have done. Naging madali naman sa kanila ang lahat, mukhang marunong naman umarte ang bading. Ayaw na nga sana niyang pumasok sa opisina, dahil pareho sila ng pinapasukan ni Ivan, pero kung hindi siya maglalakas loob at pangungunahan ng panghihina tiyak mabibigo ang plano niya. Kailangan niyang magtagumpay. Kailangan niyang makuhang muli o maagaw si Ivan sa ahas na ito. Pag-aari niya si Ivan at ang pag-aari niya ay hindi niya ipinamimigay. Tinawagan niya si Marvi na simulan na ang balak nila. Magpapasundo siya kay Marvi at ipapakita niya kay Ivan na hindi ito kawalan. “Oh Hi Ivan,” taas noong sabi niya kay Ivan na palabas na rin ng Building at nagkasabay sila sa Parking lot. “It’s been a long time.” “I know, you’ve been through a lot. But I just want to say sorry for everything.” “Iyon din ang gusto kong sabihin sa’yo. Gusto kong magpasalamat at iniwan mo ako ‘nong araw na iyon. Because I met him, my new love of my life. At sisiguraduhin kong hindi ko siya iiwanan at ipagpapalit sa kung sino-sino lang,” mariin ngunit puno ng patama na sarkasmong sabi niya rito. “Sorry. Sana sinabi ko ng maaga na hindi ko pala kayang mag-settle down dahil hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko sa’yo.” Parang nais na naman niyang umiyak. Two years? Tapos sasabihin nito na hindi pa sigurado sa kanya? How could he? Pero sigurado naman siyang naguguluhan nga lang ito dahil sa ahas na ex-bestfriend niya. Pinigilan niya ang pahikbi at panginginig ng labi niya. “Alam ko, alam kong naguguluhan ka lang, you will definitely find out who is worth it.” Bago tuluyang pumatak ang luha niya, Marvi saves her again. Lumapit ito sa kanya at hinaklit ang baywang niya. “Hey, Hon. Let’s go.” Saka humalik sa pisngi niya. “Oh by the way, Ivan he’s Marvin, my new boyfriend.” Napanganga si Ivan nang makilala ito at pinipigilan pa nito ang pagtawa. Ngumisi si Marvin saka nagsalita. “Iniisip mo ba na bakla talaga ako? Well you’re wrong pare. It was just my way how stealing your girl. Luck is in my hand when you run away on her wedding day.” Lumapit pa ng kaunti si Marvin kay Ivan saka bumulong. “You don’t know what comes on my mind na halos gusto ko na siyang itakas.” Bahagyang nainis si Ivan sa sinabi nito, kitang-kita ni Race ang pagkuyom ng kamao nito, ang guilt sa mga mata nito. Napapangiti siya sa isip niya. Ivan really deserves that. Sigurado siyang babalik din sa kanya si Ivan. “Naalala mo ba kung sino ang sinabihan mo ng ‘Get a room dude’? It’s me and Racey. So how come you knew me as gay?” Bahagyang nangunot ang noo ni Ivan nang maalala ang sandaling iyon. Hinila ni Race ang braso ni Marvin dahil sa nakikita niyang komosyon sa mga titig ng mga ito na tila malapit ng magsapakan. “Tara na, Hon. Nagugutom na ako, let’s eat. Literally eat.” Saka makahulugang ngumiti na pinarinig pa kay Ivan. Lalo yatang nag-alburoto sa inis si Ivan nang makita ang pamumula ng tainga nito. Tiyak niyang galit na ito dahil namumula na ang tainga nito kapag nagagalit o naiinis. Nang makarating sa kotse, bahagya niyang tinapik si Marvin. “Hindi mo na dapat sinabi iyon?” “Bakit? Sa tingin mo hindi siya masasaktan kung hindi ko ‘yon ginawa. How would you know?” Biglang pumasok sa isipan niya ang imahe ni Ivan. Tama si Marvin, mukhang nasaktan nga si Ivan. Kaunting kembot pa at makukuha niyang muli si Ivan. Sumakay na sila sa loob ng kotse. “Pero, bakla salamat ha. You saved me and my ego there.” “I know. I know you’re about to cry.” Yumuko siya. Magaling talaga ang bago niyang boyfriend este ang bakla, galing ng kalkulasyon. Tahimik sila sa buong biyahe, hindi pa niya agad nahulaan nang makita niya kung saan pinark nito ang kotse. “BAKIT DITO mo ako dinala?” “Sabi mo nagugutom ka na?” tanong nito habang nag-aalis ng belt saka bumaba sa kotse at umikot para pagbuksan siya. “That’s why I bring you here.” Nakaangkla ang kamay niya sa braso ni Marvin habang ang mga staff ay bumabati sa kanila. Tinanguan lang nito ang mga bumabati dito. Namangha siya sa ambiance ng loob ng Restaurant. Hindi ito simpleng Restaurant o fast food dahil isang sosi at high class ito base sa nakikita niya. Kaunti lang ang mga taong kumakain at tila may personal servant ang mga ito na nakatayo sa tabi kung may kailangan. “Good evening Ma’am. Good evening Sir. Here’s your menu.” Inabot ng waiter ang dalawang menu sa kanila. “Would you like to order sir, our specialty?” Binulungan niya si Marvin. “Bakla, high class yata dito. Can’t afford, baka ma-short ako.” “Bakit? May sinabi ba akong ikaw ang magbabayad?” Lumaki ang ngiti niya. “Pero hindi ko alam kung anong o-orderin ko, kasi hindi ko pa natitikman—“ “Let’s give us your best seller,” sabi niya sa waiter na agad ngumiti. “How about the drinks sir?” “Give us two red wines and one tea.” “Anything to have sir?” “Iyon lang. Thank you.” Nang makaalis na ang waiter, hindi naman mapakali si Race. “I feel I’m treated like a queen,” nakangiti pang turan niya habang naglalakbay ang mga mata sa paligid. “You should be, because you’re my girl tonight.” “Thank you for doing this and pampering me. Nasabi ko na ba sa ‘yo na ang gwapo mo today, as in gwapo.” Ngumiti lang sa kanya si Marvin. Shet! Ngiti pa lang nito ulam na, ‘wag na lang kaya siyang umorder ng pagkain? Magiging masarap yata ang tulog niya ngayon dahil sa baklang ito. Nang sumunod na araw, hinatid siya nito papasok sa opisina. Nasabi na ba niyang bukod sa gentleman, gwapo at mabait ito ay napakalambing pa. Pakiramdam niya, hindi na sila nagpapanggap. Kung naging lalaki lang talaga ito siguro kanina pa siya nakapatay dahil sa dami ng mga babaeng nakatingin at umaali-aligid dito. “Thanks for the fetch until here in my cubicle.” Bumeso pa siya sa bading na naging bahagyang halik dahil tumama iyon sa labi nito. Did he, este the gay, do it on purpose. “Don’t eat outside. Here.” Inilapag nito sa table niya ang paper bag. “This is your lunch, don’t skip meal.” OMG! Lalabas na yata ang puso niya sa kilig, ngunit hindi iyon natuloy nang may tumikhim sa likod nila. “It’s already time to work,” matalim ang tinging sabi ni Ivan sa kanila. Nagpaalam na si Marvin sa kanya, tinapunan niya ng masamang tingin si Ivan. Dapat ay nasa kabilang department ito, ano at nandirito ito ngayon at nanggugulo ng lovelife nang may lovelife? “Ba’t nandito ka, sir?” sarkastikong tanong niya. Dahil mas mataas ang posisyon nito sa kanya at mukhang alam na ng kumpanya na hindi natuloy ang wedding, hindi na lang sibil ang pakikisalamuha niya rito. “Masama bang bisitahin ko ang dati kong fiancée?” “Fiancée your face,” saka pa niya ito inismiran at pinaikutan ng mata. Pero deep inside, gusto niyang ngumiti. Kaunti na lang talaga, mababawi na niya si Ivan kay Jomelene.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD