CAYE
Ilang buwan na rin simula nang ihatid ako ni Sir sa bahay. Mabuti na lang at tulog na sila Tita at mga bata noong gabi na 'yon.
Almost 5 months na rin ako nagtatrabaho sa kanya at alam ko na may improvement na ako at ganun rin si Sir sa akin. Hindi na siya madalas magalit sa 'kin at mahinahon na rin siya kung mag-utos ngayon. Minsan napapa-isip ako kung ano nga ba ang nakain ni Sir? At mukhang bumabait na siya. Lahat ng sinabi niya ay sinunod ko kahit na pinipilit ako lagi nila Trina at Nathalie na magparty ulit ay di ko na talaga ginawa. Pati na sa pananamit ay sinunod ko siya.
Malaking bagay talaga ang naitulong sa 'kin ng trabaho ko. Nailalabas ko na ang mga anak ko at nabibili ko ang mga pangangailangan nila. Nakakapagbigay na rin ako kila Tita. Sa loob ng ilang buwan ko dito marami na talaga ang nabago sa buhay ko. Marami rin ang gustong manligaw sa akin pero 'di ko sila binibigyan ng motibo dahil ayoko ng pumasok sa isang relasyon. Kung papasok man ako sisiguraduhin ko na tanggap pati na ang mga anak ko.
Naging close rin silang dalawa ni Rafa katunayan niyan lagi na lang ito nasa office at kinukulit siya. At kapag dumadalaw ito lagi na lang galit ang boss ko. Pero hindi ko alam kung ano ba pinaglalaban niya.
****
Isang umaga kakarating lang niya sa office. Pagpasok niya ay nagulat siya dahil may bulaklak sa mesa niya. Kanino kaya ito galing? Tanong niya sa sarili. Natuwa naman siya kanino kaya siya puwedeng magtanong. Kapag sa boss niya baka magsungit na naman ito. Kaya itinabi na lang muna niya ito at kung iisipin niya na baka sa boss niya alam naman niya imposibleng manyari 'yon kasi ang alam niya may kasintahan ito. Hindi pa niya nakikita pero alam niya na maganda ito.
Aaminin niya na nagugustuhan na niya ng boss niya lalo't di na ito madalas magalit sa kanya. Napapansin din niya na minsan binibigyan siya nito ng lunch. Sobra daw kasi 'yon ang sinabi sa kanya lagi. Dumating na rin sa office ang boss niya at mukhang good mood ito ngayon.
"Good morning, Sir." Bati niya dito.
"Good morning too, Miss Flores." Sabi nito sa kanya at nakangiti pa talaga ito ngayon.
Siya naman nagulat dahil ngayon lang ito bumati ng pabalik at nakangiti pa. Gusto niya magsaya pero naiisip niya hindi siya ang dahilan ng pagiging good mood nito ay unti-unti nawala ang saya na naramdaman niya bago lang.
Lihim namang napangiti si Luke dahil nakita niya ang pagkagulat sa mukha ni Caye at kasama pa dahil alam niyang nagustuhan nito ang bulaklak na binigay niya. Buo na ang loob niya dahil alam niya na sigurado na siya sa feelings niya para dito at sisimulan na niyang paibigin ito. Hindi rin naman lingid sa kanya na maraming nanliligaw dito.
Ipinagpapasalamat niya dahil hindi ito tumanggap ng suitors. Dahil kung hindi ay baka makapagtanggal siya ng emoleyado ng dahil lang sa selos.
***
Samantala nagulat ako dahil biglang bumukas ang pinto at may dumating na magandang babae na pang Miss Universe ang ganda niya. Mabilis itong lumapit kay Luke at humalik ito sa pisngi ni Luke.
"Thea, why are you here?" Tanong ng boss ko habang nakatingin siya sa akin.
Ako naman ay lumabas muna para bigyan ng privacy ang dalawa. Pumunta na lang muna ako sa restroom. Medyo nagtagal ako bago ako lumabas.
"Sissy, saan ka ba galing? Kanina ka pa hinahanap ni Sir Luke," sabi sa akin ni John na kakagaling lang din sa men's room.
"Ganoon ba? Sige balik na ako sa office, thank you ."
Binilisan ko ang lakad ko. Pagpasok nagulat ulit ako dahil nandito pa rin si Thea at nakakandong na kay Sir.
"Miss Flores, saan ka galing? " Tanong sa a'kin ng boss ko.
"Sa restroom lang po, Sir. May ipag-uutos po ba kayo sa 'kin? "
"Please order us our lunch," utos nito sa akin.
"Okay, Sir."
Dumating na ang order ko para sa kanila at sakto rin na lunch time na kaya lalabas na ako. Pero hindi pa ako nakaalis ay tinawag pa ako ng boss ko.
"Miss Flores, join us to eat lunch." Sabi nito sa 'kin.
"Naku Sir, sa cafeteria na lang po ako. Kasabay ko po kasi sila Kevin," sabi ko dito. Biglang dumilim naman ang tingin nito sa 'kin na parang may sinabi ako na hindi maganda.
"Tssk, that asshole." Pabulong na sabi niya ba hindi ko naman narinig. Wala kasi si Thea nasa CR kaya hindi rin nito narinig. Bumuntong hininga ito at sinabi sa akin na umalis na ako. Kaya umalis na rin aki para puntahan ang mga kaibigan ko. Gustuhin ko man na sumabay pero makakaabala lang ako sa lunch date nila.
Dahil nagkita kita na kami sa cafeteria at kasabay namin si Kevin, naging malapit din siya sa akin. Single ito at masasabi ko na may ipagmamalaki ito dahil gwapo at may kaya din sa buhay. Hindi ko pina-pakinggan ang sinasabi ng iba sa 'kin na may gusto ito sa akin dahil hindi naman ito nagsasabi sa 'kin. Baka friendly lang talaga siya kaya ganun.
****
Samantala sa office ay inis na inis naman si Luke at nawalan na siya ng gana kumain. Dahil badtrip siya sa Kevin na 'yon. Alam niya at halata sa kilos nito na may gusto ito kay Caye. Naiinis din siya dahil mas pinili pa nitong isabay 'yon sa pagkain kaysa sa kanya. Kaya nakalimutan na niya na nandito si Thea at panay ang salita.
"Luke, what's wrong? Parang galit ka? Tanong nito sa binata.
"I'm sorry Thea, may iniisip lang ako. l5et's eat na," sabi nito kay Thea.
Alam ni thea kahit hindi nito sabihin alam niya na may gusto ito sa secretary nito. Kitang-kita sa mga tingin nito kanina at narinig din niya na niyaya niya ito na sumabay sa kanila. Pero tinanggihan nito at mas pinili pa sa cafeteria kasama ang ibang lalaki, siya naman ay lihim na nasasaktan dahil matagal na niya itong mahal.
Pero wala siyang lakas ng loob na sabihin dito ang tunay niyang nararamdaman dahil natatakot siyang masira ang friendship nila. Dahil alam niyang hindi siya gusto nito. Pero ngayon naisip niya na aamin siya sa mismong birthday ng lalaki. Gagawin niya ang lahat maging kanya lang ang kanyang bff.
Buong linggo na palaging may bulaklak na nakalagay sa mesa ni Caye tuwing umaga. Marami ang kinikilig dahil napapa sana all na lang sila sa 'kin. Hanggang ngayon hindi ko pa rin kilala ang nagbibigay sa akin ng mga bulaklak. Nagtataka na rin ako, need ko na bang maging detective conan para malaman kung sino ang nasa likod ng mga pabulaklak sa 'kin char hahaha.
Nagtataka na rin si Tita at nagtatanong sa 'kin kung may manliligaw daw ba ako kasi lagi akong may bulaklak at chocolate. Kinikilig rin naman ako dahil romantic ito kahit medyo common na 'yung style ng panliligaw niya. May card rin pero ang nakasulat ay "YOU LOOK BEAUTIFUL EVERYDAY." Hindi ba siya nagsasawa na araw-araw 'yon ang nakalagay sa card.