Chapter 4

1143 Words
CAYE Isang linggo na ang lumipas simula nang nagtrabaho ako dito sa Blake Company. So far ay maayos naman ang araw ko nasasanay na rin ako sa pasigaw-sigaw sa akin nang boss ko. Kasalanan ko rin naman kasi minsan nakakalimutan ko kaya napapadalas ang pagsigaw niya sa 'kin. Need ko pa talagang matuto pa sa trabaho ko. Malapit ng maglunch break at tinatapos ko ang lahat ng mga papers. Gusto ko sumabay kila Nathalie ngayong lunch. Sinabi na rin sa akin ni Sir Luke na pag oras ng lunch lumabas na lang daw ako kahit hindi na ako magpaalam pa sa kanya. Pag labas ko sa office ay nakita ko si Nathalie. "Hi sissy, lunch na tayo." Yaya sa akin ni Trina. "Ok sissy, let's go. Daanan na natin si sissy Nathalie," sabi ko sa kanya. "Sissy Nath, tara punta na tayo sa canteen!" Sigaw ni Trina dito. "Sissy, 'wag kang sumigaw magagalit mamaya ang head namin hahaha!" Sabi nito sabay tawa. Sa isang linggo ko dito sila na 'yong lagi kong nakakausap tuwing lunch time. Naging close na rin kami kasama si John. Masaya at magana kami sa pagkain nagkukwentuhan rin kami tungkol sa buhay-buhay. "Sissy, ba't 'di tayo magnight hangout mamaya. Pa-welcome natin kay sissy Caye? Sabii ni John, nagulat naman ako dahil may pa-ganun sila sa akin. "Sissy, 'wag na gastos lang 'yon. At hindi ako puwede dahil alam niyo na may mga junakis na ako." saad ko sa kanila. "Alam mo sissy, wala namang masama na mag-enjoy ka naman paminsan-minsan. Oo doon na tayo sa may anak kana pero kailan ka ba nagkaroon ng me time?" "Sige itry kong magpaalam sa tita ko saka hindi ako umiinom guys. Puwede ba na juice lang inumin ko doon?" "Okay sissy, dadaan muna tayo sa condo ni Natha para makapagpalit ng mga bonggang outfit natin." Sabi ni John. "Don't worry sissy bibigyan tayo ni Nath, hindi lang halata pero mayaman talga 'yan hahaha." "Thankie guys! Sa pagwelcome sa akin dito," sabi ko sa kanila. Natapos na ang lunch time namin kaya bumalik na kami sa kanya-kanya naming mga trabaho. Nagtext na lang ako kay tita Nene na baka malate ako ng uwi kaya okay lang naman daw sabi niya. Sumapit na ang umuwian kaya sabay sabay kaming pumunta sa condo ni Nathalie para magbihis. "Ayyy..... Ang bonga mo day!" Sabi nila sa akin. "Sissy, hindi yata bagay sa'kin ito?" Tanong ko sa kanila. "At sinong may sabi? Ikaw? Kailan ka ba huling gumimik sis?" "Sa totoo lang sis, hindi pa ako nakapunta sa disco bar." Pag-amin ko sa kanila. "Talaga?! At dahil ito ang first time mo kailangan mo magsaya talaga.Hayaan mo gagawin nating memorable ang gabi mo." Sabay ngisi nila sa akin ng sabay-sabay. "Bakit parang iba 'yong feeling ko sa pinapakita niyo sa 'kin? Dapat na ba akong kabahan?" "Hahahaha!" Sabaykaming apat na tumawa. Nakarating na kami sa disco bar at bumungad sa akin ang madilim pero maraming iba't-ibang uri ng ilaw na papalit-palit angmga kulay na sumasabay sa beat ng tugtugin. Naghanap na kami ng table at doon kami umupo. Nag-order na rin sila ng drinks at ako juice lang. Masaya naman ako dahil napapasabay ako sa beat ng music. Hindi man halata pero music lover ako. Nagkukwentuhan rin kami. **** Samantala sa isang sulok ng disco bar ay nandoon rin si Luke. Kasama ng mga friends niya at si Rafa nandoon rin. Hindi niya napansin na nandoon rin ang kanyang secretary. Kanya-kanya sila ng babae at nag iinuman sila. "Sissy, let's go sayaw tayo." Hila ng mga kaibigan ni Caye sa kanya. Kaya wala itong choice kundi sumama na lang sa kanila. Noong una naiilang pa ito sumayaw pero nakisabay na lang rin siya sa mga ito. Enjoy na enjoy sila sa pagsasayaw ng may biglang humipo sa kanyang puwetan ng lingunin niya may lalaking lasing na at nakangisi sa kanya. Sa inis niya bigla na lang niya ito nilapitan at sinampal. "Bastos ka!" "Sissy, what happened?" "Itong lalaking to hinipuan ako ang bastos." Sagot niya kay Nathalie. "Bakit miss, hindi mo ba nagustuhan?Mas higit pa ba doon ang gusto mo?" Tanong nang sira ulong lalaki. Nilapitan niya ito ulit at sinampal. "Bastos kang tarantado ka!" Hindi nila namalayan na nagkukumpulan na 'yung mga tao para maki-usyuso sa kanila. "Wow! Palaban I like that." Akmang lalapit sa kanya ang lalaki nang bigla niya itong sinipa hindi lang isa kung ilang beses pa. Hanggang natumba na lang ito at nawalan ng malay. Ang hindi alam ni Aye nakita ng boss niya iyong nanyari at hindi siya makapaniwala na secretary niya 'yon. Naisip ni Luke na kung galitin kaya niya ito. Ano kayang mangyayari sa kanya? Magiging katulad rin kaya siya nang lalaki? "Sissy, ang galing mo naman." sabi ni Trina. "Ginalit kasi niya ako ang bastos niya." Sagot ni Caye sa mga kaibigan niya. Aalis na sana sila pero hinawakan siya ng mga bouncer at hindi daw siya puwedeng umalis. "Kuya, hindi naman ako ang nauna. Ipinagtanggol ko lang po ang sarili ko." "Sorry po, Ma'am. Pero need po namin kayo dalhin sa manager namin." "Okay po, let's go." Sabi niya sa kanila para walang gulo. "Let her go," boses nang isang lalaki na nagsalita mula sa likuran nila. Wait lang parang familiar sa kanya 'yong boses na 'yon. Nilingon niya ito at nanlaki ang mata niya ng nakita niya ang boss pala niya at kasama si Rafa at mga friends siguro nito. Biglang dumako ang tingin niya sa braso nito na may nakahawak na babae. Hindi niya alam pero bigla na lang siya nainis dito. "Kayo po pala, Sir Luke. Kakilala niyo po ba siya ginulpi po kasi niya iyong isang VIP dito Sir." "Alam ko at nakita ko lahat at si Bernard na ang bahala doon." "Okay po, Sir." Nagulat siya dahil bigla na lang siyang hinablot at kinaladkad palabas. Tumingin si Caye sa mga kasama niya pero halatang takot sila sa boss nila. "What are you doing here, Miss Flores?" Matigas na tanong nito sa kanya. "Sir, sinama lang po nila ako. Sorry po." "Huwag kana pumunta ulit sa ganitong lugar kung hindi mo kayang makisabay sa trip nila." "Pero Sir, binastos po ako kaya ipinagtanggol ko lang po ang sarili ko." "Hindi mo alam kung gaano kalaki ang trouble na pinasok mo. Let's go and I'll take you home." "Pero Sir, 'yong mga kasama ko po nasa loob pa." "Hayaan mo sila dahil kaya na nila ang mga sarili nila." Pumunta silang dalawa sa parking lot habang magkahawak kamay. Hindi binibitawan ni Luke ang kamay ni Caye. Nahihiya si Caye sa lambot ng kamay ni Luke. Pinagbuksan rin siya ni Luke ng pinto ng kotse. "Sir, magco-commute na lang po ako, Kaya ko naman po ang sarili ko." Sabi pa ni Caye dahil nahihiya siya. "No! Ihahatid na kita sa ayaw at sa gusto mo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD