CAYE
Isang buwan na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung saan galing ang mga bulaklak ko araw-araw. Ganun ba ito ka torpe para idaan na lang sa pabulaklak ang lahat?
Ang laki na ng nagagastos niya sa kakabigay lang ng bulaklak sa 'kin.
Naging okay na rin ako sa trabaho ko sanay na sanay na ako sa boss ko. Pero napansin ko na isang buwan na itong mabait sa akin. Kaya hinayaan ko na lang at pinagbubuti ko na lang ang trabaho ko.
Naging busy ang kompanya ngayon dahil sa mga product launching kasama na rin ang maghahanda sa birthday ng boss namin. Turning 31 na pala ito pero wala pa atang balak na mag asawa. Palagi rin pumupunta si Miss Thea sa office niya. Super sweet nila lagi at tingin ko baka mag propose na rin siguro si Sir kay Miss Thea at alam ko na malapit na itong mangyari.
Tungkol naman sa mga anak ko tuwang-tuwa ako dahil ang gagaling nila sa school. Nakakaganang magtrabaho para sa kanila.Kaya pinagbubutihan ko talaga palagi. Kapag may time na puwede akong mag-overtime ginagawa ko para makadagdag sa ipon ko para future nila.
Abala ang lahat ng department para sa kany-kanya nilang pakulo dahil may pa talent show sila. Ako naman ay wala dahil wala naman akong department at tamang nood na lang siguro ako nito. Ang birthday niya ay gaganapin na sa sabado. Wala naman theme ngayon kaya kahit ano puwedeng isuot. At ang bawat department naman ay may kanya kanyang color coding.
Wednesday ngayon at nagpaalam ako sa boss ko na maghalf day lang ako dahil susunduin ko ang mga anak ko sa school. Pupunta drin kami sa mall para bumili ng regalo ko para sa boss ko.
"Hi babies ni mama, kamusta ang school niyo? Nagbehave ba kayo doon?" Tanong ko sa kanila.
"Yes po, Mama, let's go na po. Punta na po tayo sa mall ngayon."
"Yehey!!! Mama, bili mo po ako ng barbie," sabi ng bunso ko.
"Ako naman po mama, coloring materials po." Saad naman sa akin ng panganay ko.
"Okay po, meryenda muna tayo bago mamili okay?"
Kumain kami sa isang fastfood chain. Masaya sila dahil favorite nila ito. Tuwing sahod ko bumibili talaga ako. Para kasi sa akin ay sobrang saya na ng puso ko kapag nakikita ko sila na masaya. Pagkatapos naming kumain ay pumunta muna kami sa bookstore para sa coloring materials ng panganay ko.
Pagkatapos ay pumunta na kami sa department store para maghanap ng damit, laruan kasama na rin ang regalo ko para sa boss ko. Nagsusukat ako ng damit. 'Yung dalawang bata ay pinaupo ko muna sila doon. Pero laking gulat ko na 'yong bunso ko tumatawa at may kalaro at guess what 'yong boss ko ang kalaro nila ngayon. Ngayon ko lang ito nakita na tumawa. Napaisip rin ako kung mahilig ba ito sa mga bata .Samantala iyong panganay ko ay tahimik lang sa tabi nila.
"Good afternoon, Sir" Bati ko sa kanya.
"Hi, Miss Flores. Anong ginagawa mo dito?"
"Namili lang po kami Sir."
"Sinong kasama mo?" Tanong niya sabay kuno't ng noo nito.
"Sila po, Sir," sagot ko sa kanya sabayturo ko sa mga anak ko.
"Sila ang mga anak mo?" Nakangiti na tanong niya sa akin.
"Yes, Sir."
"Babies, say hi to my boss." Utos ko sa mga anak ko.
"Hi po, daddy." Sabi ng bunso ko sa boss ko na ikinagulat ko.
"Baby, hindi po siya ang dddy mo kasi si daddy nasa heaven na diba? Siya po ang boss ni mama. Diba nagwowork ako? Siya po ang owner nun." Paliwanag ko sa anak ko.
Nakita ko rin kung paano ito biglang nalungkot sa sinabi ko. Pero alam ko na tama lang ang ginawa ko. Dahil nakakahiya sa boss ko.
"Miss Flores, it's fine they can call me daddy if they want." Sabi nito habang nakangiti.
Ang totoo talaga niyan masaya talaga ito dahil hindi na siya mahihirapan na makuha ang loob ng mga bata.
Siya naman ay biglang natuwa pero agad rn namang nalungkot at nahiya sa boss niya. Kaya ngumiti na lang siya ng tipid dito.Nagtataka siya kung bakit nandito 'yong boss niya samantalang ang mga gamit nito ay luxury brands at pang mayaman talaga. Nasagot ang tanong niya nang biglang lumabas sa dressing room si Miss Thea.
"Luke, what do you think of this? Maganda ba?" Tanong nito sa boss ko.
"Yeah of course you look nice." Siya naman ay nakatingin lang sa mga ito.
"Hi po, Miss Thea."
"Hi Miss Caye, nandito din pala kayo, mga anak mo ba sila? Ang cute at ang gaganda nila. Nataponan kasi 'yong dress ko kaya napabili ako dito." Saad nito sa akin.
"Opo sila po. Thank you po mana po kasi sa mama nila, hahaha! Joke lang po." Pabiro na sabi ko sa kanya.
"Mama, uwi na po tayo." Sabi sa akin ng panganay ko na kanina pa tahimik.
"Sir, Miss, mauna na po kami sa inyo. Bye po!" Paalam ko sa kanila.
"Ihatid na namin kayo," alok ni Luke sa amin.
Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagsimangot ni Miss Thea.
"Naku Sir, 'wag na po. Ayus lang po kami." Sagot ko sa kanya.
Gustuhin ko man pero hindi naman ako manhid para 'di ko magets na ayaw sa amin ni Miss Thea. Nakauwi na kami sa bahay pero hindi pa rin nagsasalita ang panganay kong anak. Kaya pinuntahan ko ito sa kwarto nila at nakita ko ito na nagdrawing ng family picture namin. Marahil ay namimiss nito ang ama niya. Malapit kasi ito sa papa niya.
"Ate," tawag ko sa kanya kaya tumingin ito sa akin.
"Mama, nami-miss ko na po si papa. Mama, huhuhu." Sabi ng anak ko sa akin at umiiyak siya.
Niyakap ko siya ng mahigpit at sabay kaming umiyak.
"Kahit si mama, ate. Nami-miss ko na rin ang papa niyo. Lagi mong tatandaan na binabantayan tayo lagi ni papa mo mula sa malayo, kaya 'wag ka na umiyak ate." Pagpapatahan ko sa kanya.
"Sorry po mama, namiss ko lang po si papa. At ayaw ko po na may pumalit sa papa ko dahil para sa akin siya lang ang papa ko." Sabi pa niya sa akin.
"Tahan kana po ate. Sshh... Huwag kana po umiyak. Opo ate, siya lang po ang papa mo. Kaya smile kana po diyan. I love you ate ko. Kayo ni bunso ang buhay ni mama." Malambing na sabi ko sa kanya.
Ngumiti naman ang anak ko sa akin kaya gumaan ang pakiramdam ko sa dibdib ko.
"I missed you, love." Saad ko sa isipan ko.
May mga times talaga na nararanasan namin ang ganito. Dahil nasanay kami na laging nandiyan ang asawa ko. Na lagi itong nasa tabi namin kaya nahihirapan pa rin kaming umusad hanggang ngayon. Palagi kong naiisip ang mga masasayang araw na kasama namin siya at hindi ko ito kayang i-let go na lang.