Chapter 1
Nagising siya sa ingay ng kanilang mga kapitbahay. Maaga pa lang ay gising na ang mga ito upang maghanapbuhay. Ganito palagi sa kanilang lugar.
Bumangon na siya para magluto ng agahan para sa kanyang mga anak pagkatapos ay nag-ayos na rin siya ng sarili dahil unang araw niya sa trabaho. Natanggap siya sa isa sa malaki at sikat na kumpanya sa bansa ito ay ang Blake Company.
Siya si Caye Flores, Aye kung tawagin nila isang single mom sa kanyang dalawang cute na mga prinsesa. Ito ang tanging yaman na mayroon siya.
***
"Aye, bilisan muna at mahuhuli ka na sa unang araw ng pasok mo sa trabaho," tawag sa 'kin ni Tita Nene.
"Opo! Tita nariyan na po."
Paglabas ko sa kwarto ay bumungad sa akin ang aking mga nag-gagandahang mga anak.
"Good morning mga cute kong anak," sabi ko sa kanila.
"Good morning Mama," sagot naman nila sa akin.
"Kumain ka muna bago pumasok at ako na ang bahala sa mga bata," utos sa akin ni tita.
"Salamat po, Tita." Saad ko sa kanya.
"Mga anak laging makinig kay Lala, okay? Be a good girls," bilin ko sa mga anak ko.
"Yes po, mama," sabay na sagot nila sa 'kin.
Ito ang unang araw na iiwan ko ulit sila. Matagal na panahon rin akong naging full time nanay kaya naninibago ako. Pero para sa kanila ay kakayanin ko.
Naglakad na ako papuntang labasan para mag-abang ng jeep. "Para po," sabi ko kay kuyang driver.
Di ko mapigilang hindi mamangha sa building na nasa harapan ko. Ang ganda at ang tayog nito. Labas pa lang ay hindi maipagkakailang successful ang Blake Company. Natigil bigla ang aking pagkamangha at bumalik sa kasalukuyan ng narinig ko ang malakas na busina ng sasakyan. Pakiramdam ko tumalon 'yong puso ko dahil sa lakas ng pagkakabusina sa akin. At ngayon ko lang din napagtanto na nakaharang ako sa daraanan niya.
Gusto ko na lang lumubog sa kinatatayuan ko sa kahihiyan dahil marami ang nakatingin sa akin. Hay naku naman! Nakakahiya unang araw ko pa lang, kausap ko sa sarili ko. Binilisan ko ang lakad ko dahil kung pwede lang akong tumakbo ginawa ko na kaya lang hindi keri ng heels ko.
Pumasok na ako sa loob ng building at una kong pinuntahan ang information desk nila.
"Good morning Ma'am, are you Miss Flores?" Tanong niya sa akin.
"Yes ma'am," sagot ko sa kanya.
"Ito po 'yong ID niyo Miss at proceed po kayo sa 19th Floor, thank you." Nakangiti na saad niya sa akin.
"Okay thank you, Miss."
Binilisan ko na ang lakad ko dahil baka ma-late pa ako at ayoko na mapagalitan sa first day ko sa trabaho.
Nakarating rin ako sa 19th floor ng maayos may nakasabay pa ako sa elevator tapos super bango pa niya. Kahit na gusto ko siyang tingnan at alamin kung sino siya ay hindi ko ginawa. Nahihiya ako kaya nakayuko na lang ako.
Paglabas ko bumungad sa akin ang malawak na working area at lahat sila nakatingin sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng pagkailang. Mukhang gulat na gulat pa sila sa akin, binati ko naman sila. "Good morning po," binati din nila ako pabalik.
May papalapit sa akin na matangkad at magandang babae.
"Hi Miss Flores, I'm Nathalie Secretary of Mr. Blake and I'm incharge for your training. You have a one week training, so welcome to Blake Company." Nakangiti na sabi niya sa akin.
"Thank you Miss Nathalie," masayang sabi ko sa kanya.
Kabado man ako pero need ko lakasan ang loob ko para sa mga anak ko. Kaya laban lang! Good luck sa first day ko, kausap ko sa sarili ko.
Dinala muna ako ni Miss Nathalie sa magiging table ko at itinuro niya sa 'kin ang mga basic na dapat kong malaman. Dapat daw kapag tinawag ako ni Mr. Blake ay sagutin ko kaagad at sa umaga need ko siyang ipaghanda ng black coffee.
Ginawa ko muna ay nagtimpla ng coffee niya at dinala ko sa kanya. Kinakabahan man ay nilakasan ko ang loob ko na kumatok para ibigay ang kape niya.
"Good morning, Sir. I'm your new secretary and here's your coffee po."
Nakatalikod siya kaya hindi ko nakikita ang mukha nya. Bigla niyang inikot ang swivel chair niya. Bigla akong natulala dahil 'yong boss ko lang naman ay sobrang gwapo at ang hot niya.
"Are you listening to me, Miss Flores?"
Nagulat pa ako ng nagsalita ito dahil boses pa lang very manly na agad.
"I knew it! you're not listening to me." Magkasalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa akin.
"Sorry po, Sir." Magalang na sagot ko sa kanya.
"Pakibaba na lang 'yong coffee sa table ko and you can go now." Utos niya sa akin. Binaba ko 'yong kape at humingi ulit ng pasensiya sa kanya.
"I'm sorry po Sir."
"Shut up and get out!" Sigaw niya sa akin.
Parang gusto kong umiyak dahil sa lakas ng sigaw niya sa 'kin. Kasalanan ko rin dahil hindi ako nakikinig at natulala pa ako sa kanya.
"Anong nanyari sis? Naku ganoon lang talaga si Sir laging galit at masungit 'yan kaya masasanay ka rin. Okay lang rin naman kasi gwapo at malaki 'yong sahod, nakasanayan ko na rin siya hahaha!" Saad sa akin ni Nathalie.
Kaya napangiti na lang rin ako. "Kasalanan ko rin kasi kaya okay lang."
Pagkatapos ng nangyari ay hindi na ulit ako pinatawag nang boss ko. Sabi nila ganoon lang talaga 'yon kaya dapat masanay na ako. Oras na ng lunch kaya niyaya na ako ni Miss Nathalie na pumunta sa canteen. Sabi rin niya meron daw akong free meal lagi kaya masaya ako dahil makakatulong din 'yon sa akin lalo na at nagtitipid ako ngayon.
May mga nakikilala rin akong ibang ka-trabaho. 'Yung iba ay may mga asawa na at meron rin namang mga single pa.
"Talaga sis may anak kana?" Tanong sa 'kin ni Trina na isa sa mga kasabay ko ngayon dito sa canteen.
"Oo sis dalawa na hahaha. Hindi ba kapani-paniwala sissy hahaha?" Natatawa na sagot ko sa kanya.
"Hindi kasi halata sis kasi ang ganda mo at ang sexy. By the way sis, ano pala ang skin care routine mo any tips naman diyan." Tanong sa akin ni Nathalie.
"Naku, sis wala. Tamang hilamos lang ng tubig wala akong budget para sa skin care na 'yan masyadong mahal."
"Sana all tamang hilamos lang," sabi ni John aka Jane.
Tumunog na 'yong bell kaya sabay-sabay na kaming bumalik sa trabaho. Maghapon na ako dito pero hindi man lang tumawag iyong boss ko. Kaya hinayaan ko na lang kasi tinatapos ko rin 'yung mga papers na pinapaayos sa akin ni Nathalie. Magkaedad lang pala kami kaya gusto niya na na first name ang tawag ko sa kanya.
Sumapit na ang alas kwatro ng hapon nang biglang may dalawang lalaki ang papunta dito sa table ko.
"Miss Flores, excuse me po dadalhin lang namin 'yung table niyo sa loob ng office ni Mr. CEO."
Ako namanay biglang nagulat dahil 'di ko expect na doon na ako simula bukas. Sumama ako sa kanila papasok sa office ng boss ko na prenteng nakahupo sa swivel chair niya.
"Miss Flores, starting tomorrow dito na ang table mo sa office ko. Para mabilis lang kita nautusan kapag kailangan kita."
Amaze lang akong nakatingin sa kanya sabay sagot ng "Yes Sir. "
Buong araw yata akong kabado ngayon lalo't nilipat na 'yung table ko dito sa office niya. Simula bukas ay oras-oras ko na siyang nakikita. Ipagdadasal ko na hindi ako magmukhang tanga bukas para hindi na ulit ako pagalitan pa.