Chapter 3

1505 Words
LUKE Araw na naman ng lunes kaya maaga ako papasok ngayon. Sumasakit rin ang ulo ko dahil sa hangover as usual naghangout na naman ako with my friends. Dito ako sa condo ko nakatira para malapit lang sa trabaho ko. Ako si Luke Samuel Blake 30 years old na ako pero ayoko pa ng commitment. All I want is to enjoy at ayaw ko na rin pumasok sa kahit na anong relasyon ngayon. Marami akong girls hindi na ako ang lumalapit dahil sila na mismo ang lumalapit sa akin. I'm the CEO of Blake Company. Yes! you heard it right. I'm the only son of Cristoff Blake one of the Billionaire in the business world. In fact my parents want's me to have my own family and to have grandchildrens but I'm not yet ready. Nagmamaneho ako at malapit na ako sa office ko nang bigla akong napa-preno. F*ck! Dahil may isang babae na bigla na lang tumigil sa daraanan ko. Kaya sa sobrang badtrip ko bumusina ako ng malakas buti naman at umalis rin siya ng mabilis sa daraanan ko. Pumasok na ako at nakasabay akong babae sa loob ng elevetor pero this girl para wala lang sa kanya na nandito ako sa tabi niya. All of my employees ay binabati ako kapag nakikita o dumadating ako pero naiiba siya. Lumabas na ako sa 18th floor pa lang hindi ko rin alam pero ayaw ko na makita kami ng mga employees ko na magkasabay sa elevator dahil exclusive lang iyon para sa akin. Parang familiar rin siya sa akin pero hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita. Sumakay ulit ako sa elevator pagdating ko sa 19th floor binati nila ako. "Good morning, Sir." Hindi ko sila binati pabalik sanay na sila. Alam ko rin na masungit ang tawag nila sa 'kin and I don't even care. Kumatok ang substitute secretary ko na si Nathalie. Hiniram ko muna siya sa accounting department dahil pinaalis ko iyong dati kung secretary. She flirted with me kaya pinagbigyan ko pero ayoko sa babaeng gusto ng more than F*ck buddy, cause I hate commitment. "Sir, inform ko lang po kayo na ngayon po ang simula ng bago ninyong secretary. I will assist her para malaman po niya ang mga dapat niyang gawin." "Okay," tipid na sagot ko. I started checking the papers on my table when I heard someone knocking on my door and I let her in. "Good morning, Sir. I'm Caye Flores and I'm your new secretary here's your coffee Sir." Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko nakikita iyong mukha niya. Pero her voice is nice so, I turn my chair and I look at her. I was amazed by her beauty. Ang ganda niya iyong ganda niya na bigla na lang nagpakaba sa 'kin. This is the first time that I felt nervous. And I really don't know why. Kabado man ay nairaos ko pa rin magsalita. "So, this is your first day here hope you can manage my expectations here." Nagsalita ako pero nakatulala siya sa akin. Kaya sinungitan ko siya. "Are you listening, Miss Flores?" Tanong ko pero hindi pa rin siya sumasagot sa 'kin. "I knew it! you're not listening to me." "Sorry po Sir," sabi niya sa akin. Sinabi ko na lang na ibaba na niya 'yung coffee at lumabas na. Nagsorry pa ulit siya kaya lalo akong nainis. "Shut up and get out!" sigaw ko sa kanya. Nabilis naman siyang lumabas at alam kong natakot siya pero wala akong pakialam. Ayokong bigyan agad ng kahulugan ang damdamin na nararamdaman ko agad sa kanya. Maghapon lang ako dito sa office dahil ang dami kong kailangang pirmahan. Hindi ko na rin siya inabala. Tinawagan ko rin si Nathalie para magpadala ng tao na magbubuhat ng table niya papasok dito sa office ko. Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit bigla ko na lang naisip na magkasama kami sa iisang office. Ngayon pa lang ay excited na ako and I feeling nervous at the same time. "Miss Flores, starting tomorrow dito na ang table mo sa office ko. Para mabilis lang kita nautusan kapag kailangan kita." sabi ko sa kanya. Sa ayaw at gusto niya ako pa rin ang masusunod. On the next day kakatapos ko lang magshower dahil as usual night hangouts na naman with my friends. Dito na rin ako natulog sa office. Kanina pag-uwi ko nang madaling araw ay dito ako dumiretso. Hindi ko rin alam kung bakit maaga akong magising ngayon. Kaya nag shower na muna ako. Paglabas ko sa banyo ay nagulat ako dahil ang bago kong secretary ay nandito na ng ganito kaaga at nagulat din siya sabay takip ng mukha niya. "Sorry po, Sir. Hindi ko po alam na nandito kayo" sabay takbo niya palabas. Napailing na lang ako sa kanya na 'di ko alam kasi natutuwa rin ako sa reaction niya. After kong magbihis ay tinawag ko siya. Ipinagtimpla din niya ako ng kape at binati niya ako pero di ko siya pinansin. Kaya ayon bumalik siya sa table niya. Busy ako sa pagreview ng mga papers pero paminsan-minsan tinitingnan ko siya. Meron akong nararamdaman na hindi ko rin matukoy at ayoko ko nito. Kaya dapat ko na ito iwasan. Hinayaan ko na lang siya pero I think nababagot siya kaya lumapit siya sa akin to ask kung may ipag uutos ba ako sa kanya. And I answered her, none. Dahil wala naman talaga. Kaya bumalik ulit siya sa table niya pero dahil siguro naiinip na siya kaya naisipan niyang maglinis. Lumapit ako sa kanya ng hindi niya napapansin bahagya pa itong nagulat nang nagsalita ako. "Miss Flores, what do you think you're doing? Are you in cleaning department now?" "Sorry Sir, naiinip lang po kasi ako dahil wala akong ginagawa." Sagot niya sa 'kin. Hindi ko na rin natuloy na pagalitan siya dahil biglang dumating iyong pinsan ko na epal at ngayon nakatingin pa talaga sa secretary ko. Kaya nakakainis dahil nagpapakilala pa sila sa isa't isa. Kaya sa inis ko inutusan ko na siya na kumuha ng coffee namin. Kaya patuloy lang kami sa pag uusap ng pinsan ko tungkol sa isa pang business na bubuksan namin. Inilapag na niya ang mga coffee namin at bumalik sa paglilinis. Pero pansin ko na parang naiinis ito sa skirt niya pero iyong pinsan ko panay tingin siya sa legs nito. I really don't like the way he look at my secretary so I ended our conversation para makalayas na siya dito sa opisina ko. Before he left my office ay iniwan pa talaga niya 'yung calling card niya dito. Kaya tinataboy ko siya, pero ang loko tinawanan lang ako. "Don't wear that skirt again," sabi ko kay Caye. "Po? Pero Sir ito po 'yung sabi sa akin sa HR Department." Sabi pa niya sa 'kin. "Hindi na simula ngayo. Just wear pants, leggings or slacks basta hindi skirt. Ayoko na nadedistract ang mga kausap ko ng dahil sa 'yo." inis na sabi ko sa kanya. It sounds possesive but I don't care. Dahil din sa inis ko iinutusan ko siya na kunin 'yung mga files ng 2018-2021. Lumabas ako dahil tumawag sa akin si Thea na kumain kami sa labas. Siya ang bestfriend ko at kagagaling lang niya mula US. So, sabay kaming naglunch at nagkwento siya sa akin ng mga happenings in her life in US. Dahil napasarap kami sa pagkukwentuhan hindi ko namalayan ang oras. It's already 12nn na kaya bumalik na ako sa office. Umupo na ako sa swivel chair ko at nag-umpisa na akong magtrabaho ulit. Hindi ko na lang pinansin ang secretary ko. Dahil busy rin ito sa pag-aayos. Di ko naisip kung kumain na siya. Pinag-isipan ko kanina na hindi ko na siya bibigyan ng pansin dahil ayoko ma-involve sa kanya. Alam ko na may mga anak na siya don't get me wrong pero hindi siya ang ideal woman ko. I need to be professional dahil boss niya ako at ayoko ng hindi maayos na relationship ko with my secretary so I need to be careful dahil I found her attractive but single moms are not on my list. Naputol ako sa pag iisip ng lumapit ito sa akin at nagulat pa ako dahil nagpaalam siya na kakain daw siya. So, hindi pa siya lumabas simula kanina? Kaya bigla na naman akong nainis kaya nasungitan ko na naman siya. Pero pinaalis ko siya dahil super late na ng lunch niya. Haisst! Ngayon pa lang napapa-isip na ako kong kaya ko ba siyang iwasan? Dahil hindi halata sa kanya na may mga anak na siya pero she look so innocent in my eyes and I think I need to go to the opthalmologist para ipatingin ang mga mata ko. How can I control this feeling dahil sa pinsan ko pa lang naiinis na ako? Paano pa kaya kapag may ibang lalaki pa na lumapit sa kanya? I really need to stop this, so I call my friends to hangout again tonight. I need cool down and enjoy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD